LOGINMarami na akong naiisip noong pinirmahan ko ang kontrata.
Paano na ako?
Ano na ang magiging buhay ko sa bahay ni Mr. Belmonte?
Masikip ba ang silid na uukupahan ko?
Matigas ang kama?O, matutulog ako kasama ang ibang katulong?Hindi ko magawang ikurap ang mga mata ko habang tanaw ang tahanan ni Marc.
Isang mansyon sa loob ng mataas na pader, para bang hindi ito kabilang sa lungsod na kinalakihan ko.
Ang paligid, masyadong malinis, masyadong tahimik na kahit ang hangin, amoy mamahalin.
Bumaba ako ng sasakyan, bitbit ang kaisa-isang bag na dala ko.
Agad akong sinalubong ng isang babaeng nasa kwarenta na, tuwid na tuwid ang tindig, matalas ang mga mata. “I’m Mrs. Alfonzo. The housekeeper.”
Bahagya akong yumuko. “Good evening.”
Tiningnan niya ako. Magaan na tingin, hindi bastos, pero mapanuri. “You’re late.”
“Sabi po sa akin, seven nandito na ako.”
“Dalawang minuto na lang, huli ka na.”
Tumahimik ako, yumuko. In-acknowledge ang mali ko.
“Don’t let it happen again.”
“Yes, ma’am.”
Pumasok kami. Marmol na sahig ang unang bumungad sa akin. Mataas ang kisame, malalaking chandelier. Plain ang dingding. Wala ni isang litrato ng pamilya.
Malaki nga ang tahanang ito, pero walang init namang maramdaman.
“Simple lang ang mga patakaran,” sabi ni Mrs. Alfonzo habang dumadaan kami sa malawak na sala. “You respond when called. Hindi ka papasok sa restricted areas. Hindi ka magsasalita hangga’t hindi ka kinakausap, maliban kung si Mr. Belmonte ang mag-utos.”
Tumango ako. Noon pa man, sanay na akong nasa sulok lang, hindi kikibo kung hindi kailangan.
Huminto kami sa harap ng isang pinto.
“Ito ang kwarto mo.”
Nag-alinlangan ako. Masyado itong malapit sa master bedroom. Napalingon ako sa kaharap na pinto. Pintong may nakabantay sa labas.
“Pwede po bang sa ibang kwarto—”
“Mr. Belmonte’s instruction,” putol ni Mrs. Alfonzo, diretso, malamig ang tono. “Kailangan malapit ka sa lahat ng oras.”
"Malapit," tahimik kong inulit sa isip.
Binuksan niya ang pinto.
Simple pero elegante ang kwarto. Malinis at makapal ang foam ng kama. May mesa. May sariling banyo. Ibang-iba sa naiisip ko.
Kaya lang, walang lock ang pinto.
Nanunuyo ang lalamunan ko, iba ang naiisip ko.
“Dinner is at eight,” dagdag ni Mrs. Alfonzo. “You’ll be serving.”
Nang isara niya ang pinto, imbes na umupo, nanatili akong nakatayo, mahigpit ang kapit sa strap ng bag ko.
***
Tahimik ang hapunan.
Masyadong tahimik na parang lahat takot magkamali.
Nakaupo si Marc sa dulo ng mesa, abala sa tablet niya, parang walang ibang napapansin.
Nakatayo ako sa likod ng upuan niya, nagsasalin ng alak kapag sinenyasan, umaatras kapag tapos na.
Siniguro kong eksakto ang mga galaw ko. Kontrolado ang bawat kilos ko.
“Sit,” bigla niyang sabi.
“Sir?”
“You’re making the staff nervous,” sabi ni Marc nang hindi tumitingala. “Sit.”
May alertong naglagay ng upuan sa kanan niya, malapit sa inuupuan niya.
Maingat akong umupo, yuko ang ulo at nakapatong lang ang mga kamay sa kandungan ko.
“You eat when I eat,” sabi niya. “You sleep when I tell you. You go where I say.”
Tumango ako. “Yes, sir.”
Saka niya ako tiningnan. Matalas. Parang may hinahanap. In-expect.
“You don’t ask why?”
“Malinaw mong sinabi, wala akong karapatan na magtanong.”
Umigting ang panga niya.
“Good,” malamig ang boses niya. “Because I don’t offer explanations.”
Nagpatuloy ang hapunan. Subo, nguya, lunok, lahat ng galaw parang may oras. Walang ibang malalasahan kundi pait.
Nang matapos ang pagkain, tumayo si Marc. “You’ll start tomorrow at six,” sabay lakad.
“Yes, sir.”
Ngunit, nakadalawang hakbang pa lang siya, huminto agad.
“One more thing.” Bahagya siyang lumingon. “This house has cameras. ‘Wag kang mag-isip na tumakas.”
Saglit kong napigil ang hininga ko. “I won’t.”
Umangat ang sulok ng labi niya. “Tingnan natin.”
Habang palayo siya, may isang bagay akong napagtanto na mas nagpapabigat sa dibdib ko.
Hindi ako natatakot sa kanya.
Ang kinatatakutan ko, kung gaano kadaling sumunod sa mga utos niya.
Pinilit kong pumantay sa bilis ng lakad ni Marc para hindi niya ako mahila habang napapalingon sa babaing iniwan namin na nakanganga pa rin.Nang tuluyan kaming makalayo, saka ko marahang iginalaw ang kamay ko.Namamawis na ako sa sakit.Doon lang siya napalingon sa akin. Niluwagan niya lang ang hawak sa kamay ko; hindi bumitiw.“Let’s just transfer to another restaurant,” sabi niya. Hindi lumingon sa akin.Nanahimik lang ako.Kaya lang, imbes na sa restaurant kami pumasok, sa isang fast food kami napunta.Hindi ko alam kung aware ba siya. Lutang siya, eh.Pagkaupo namin, saka lang siya napatingin sa paligid. Nanlaki ang mga mata niya.“Why are we here?” tanong niya, halatang hindi komportable sa dami ng tao.Nagkibit-balikat lang ako. “Sumusunod lang ako sa’yo.”Bigla siyang tumayo. Pero agad kong hinawakan ang kamay niya.“Nandito na rin lang tayo. Dito na lang tayo kumain. Gutom na rin ako.”Napilitan siyang umupo.Ako naman ang tumayo para um-order.Panay ang sulyap ko sa kanya hab
CALESSIANapasinghap ako nang magising akong mukha ni Marc ang bumungad sa akin. Nakalapat pa ang mga kamay ko sa mabuhok nitong puson.Bigla akong napapigil ng hininga. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko, maingat ang bawat galaw para hindi siya magising.Mabuti na lang at mahimbing ang tulog niya.Unti-unting bumalik sa alaala ko ang ginawa ko kagabi.Uminom ako ng dalawang tableta ng sleeping pills, umaasang matatakasan ko siya kahit sandali.Pero mali pala.Mas naging madali para kay Marc na dalhin ako rito sa kwarto niya.Nang sa wakas ay naangat ko ang kamay ko, hinawi ko naman ang kumot sa katawan ko. Umusog ako palayo sa kanya. Halos hindi humihinga. Pero bigla siyang tumagilid at yumakap sa akin.Napahinto ako. Napigil ko na naman ang hininga ko.Napatingin ako sa mukha niyang malapit sa akin, saka sa braso niyang nakapatong sa tiyan ko.Hindi ko na alam kung paano ako makakaalis sa yakap niya nang hindi siya nagigising.Pikit-mata kong inangat ang braso niya para makaalis.
MARCPagkatapos ng meeting, dumiretso ako sa bahay matapos kong makatanggap ng tawag na nandoon na si Lola.Pinabalik ko ang secretary ko sa opisina.Pagdating ko sa bahay, agad akong sinalubong ng mga staff. Sinabi nilang nasa kwarto na si Lola.Hindi na ako nagsalita. Dumiretso ako roon.Pagbukas ko ng pinto, agad napako sa akin ang tingin ng lahat.Nandoon si Lola, si Dr. Alvarez, si Dina, at si Calessia na agad ibinalik ang atensyon niya kay Lola.“Marc,” bati ni Dr. Alvarez habang isinasabit sa leeg ang stethoscope niya.Lumapit ako at pinisil ko ang balikat niya, pero ang tingin ko ay kay Calessia na.Inaayos niya ang kumot ni Lola bago ngumiti. “La, I’ll step out for a bit. You should rest.”Tumango si Lola at marahang tinapik ang kamay niya.Nang tumayo si Calessia, humakbang din ako palapit sa kanya. Sinadya kong salubungin siya.“Calessia…”Hinawakan ko siya sa balikat at walang pag-aatubiling hinalikan ko siya sa pisngi.Ramdam ko ang paninigas niya. Hindi siya gumalaw. Hind
MARCNasa kalagitnaan ako ng executive meeting sa conference room ng kumpanya.Quarterly strategy review para sa expansion ng logistics division namin.Nandito ang core team. Ang CFO naming si Revaz, ang operations head na si Aragon, ang marketing director na si Melanie, at ilang senior managers na may hawak ng regional branches.Sa harap namin, naka-project ang presentation tungkol sa planong pagpasok sa dalawang bagong distribution hubs sa Visayas.Malinaw ang graphs at maayos ang projections.Pero wala roon ang isip ko.Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang nangyari kanina.Ang hitsura ni Calessia. Ang galit sa mga mata niya habang binabato ako ng mga salita.Napahigpit ang hawak ko sa ballpen. Bahagyang umigting ang panga ko.Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nagawa ko iyon sa kanya.Siguro dahil galit pa rin ako.Siguro dahil pinakialaman niya ang bagay na ayaw kong hinahawakan ng iba.“Sir?”Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang boses ng secretary ko sa gilid
CALESSIAIlang segundo akong nanigas.Parang nawalan ako ng kakayahang mag-isip kung ano ang tamang gawin.Ramdam ko ang bigat ng kamay niya sa leeg ko at ang init ng labi niyang dumampi sa akin.Nagbalik lang ang ulirat ko nang parang hindi na ako makahinga. Parang hinihigop niya ang buong hangin sa baga ko.Mabilis kong itinulak si Marc.Napaatras siya nang bahagya, at bago pa siya tuluyang makabawi, umangat na ang kamay ko.Sumampal sa pisngi niya.Malakas. Tumabingi ang mukha niya sa lakas ng tama.Buong silid tumahimik, parang pati hangin ay natigilan.Mabilis kong pinahid ang labi ko gamit ang likod ng kamay ko, paulit-ulit, na para bang kayang burahin noon ang ginawa niya.“Don’t ever do that again,” madiin kong sabi, pilit inayos ang boses ko kahit nanginginig ang loob ko. “Hindi ko ibibigay sa’yo ang sarili ko. Kahit kailan.”Dahan-dahan niyang ibinalik ang mukha niya sa akin. May bahid ng dugo sa gilid ng labi niya, pero hindi niya iyon pinansin agad. Tinitigan niya lang ako
CALESSIANagising ako na masama ang pakiramdam.Nilalamig ako, pero parang nagliliyab ang buong katawan ko. Mabigat ang ulo ko, at bawat galaw ko ay may kasamang kirot na parang umaakyat hanggang sa sentido ko. Pumikit ako nang mariin at pinisil ko ang gilid ng noo ko, sinusubukang pigilan ang pintig ng ugat na lalo lang nagpapalala ng sakit.Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang kirot. Parang sabay-sabay. Sa ulo ko. Katawan ko at sugat ko.Dahan-dahan akong bumangon, pero bago pa ako tuluyang makaupo, umikot ang paningin ko kaya napahiga ulit ako. Napakapit ako sa kumot habang hinihintay na humupa ang hilo.Lagnat lang ’to. Kaya ko ’to.Mas malakas ako kaysa dito.Huminga ako nang malalim bago muling gumalaw. Mas maingat na ngayon ang kilos ko habang dahan-dahan akong umupo at sumandal sa headboard. Pinikit ko sandali ang mga mata ko, hinayaang mag-steady ang paligid na umiikot pa rin. Maya maya inabot ko ang drawer sa gilid ng kama.Pagkabukas ko, agad kong kinuha ang l
Sakay na kami ng kotse. Hawak ko sa kandungan ang kahon ng damit na isusuot ko sana, pero nagbago ang isip ni Marc.Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, at hindi na rin ako nagtanong.Napatingin ako sa labas nang pumasok ang kotse sa parking ng isang kilalang luxury hotel sa Makati.Pagkababa
MARCNailipat na si Lola sa ICU, at heto ako sa labas ng room, nakatanaw sa salamin habang nakaratay siya sa kama. Hindi pa rin siya nagigising. Maputla ang balat, may nakakabit na kung anu-anong tubo sa katawan niya.Mahigpit kong hinawakan ang bulsa ng pantalon ko. Iniisip kung bakit sa kanya pa
Halos makaladkad na ako sa mabilis na paglalakad ni Marc palabas ng building. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Mahigpit ang hawak niya, parang kung pakakawalan niya ako ay may mawawala sa kanya.“Marc…” hingal kong tawag.Hindi siya sumagot. Mas lalo lang siyang bumilis.Pagdating namin s
Ilang minuto na siguro akong nakatayo sa harap ng lababo, pero parang hindi gumagalaw ang oras. Nakahawak pa rin ako sa gilid ng sink habang nakatitig sa sarili ko sa salamin.Ako ba talaga ang babaeng kinaladkad ang ex-girlfriend ng fiancé niya sa sahig ng opisina?Napapikit ako sandali.“Ang galin







