Thank you for reading po. Wag niyo ho sana akong iwan, marami pa akong pasabog haha!
Natameme si Matthias sa padalos-dalos na kilos ng bata, nalito si Prescott, naaliw si Andrew at bahagyang napauwang ng bibig si Aella.Ang tapang ng munti. Ito ang kauna-unahang tao na naglakas loob na halikan si Matthias. Hindi ito mahilig makipagsabayan sa ibang tao. Madalas ay nilalayo nito ang sarili sa iba, wala itong pakialam sa sasabihin ng iba.Nahiya si Aella at nag-alala na baka magagalit ang psychologist pero ang totoo ay nag-o-overthinking lang silang dalawa ni Prescott. Samantala si Andrew ay di pa rin nakahuma sa pagiging aliw.Muling bumalik sa tamang katinuan si Matthias. "Well, I like Angelica, too."Matamis pa sa honey na ngumiti ang bata.Sa huli ay binigyan pansin ni Matthias ang ina ng bata. "Your daughter's current condition proves that the first phase of treatment was perfect. Mas maiga na, ihinto muna natin saglit ang treatment.""Ah?" Nauwang ng bibig si Aella, bigla s'yang nag-panic at may halong panlulumo. Ibig sabihin ba nito ay hindi niya na makikita ang d
"Ah, wala naman po. Kasi po... ngayon araw ay may ginanap na awarding ceremony sa eskwelahan ni Angelica dahil nanalo siya ng first prize sa painting competition at gusto ka n'ya kayong bigyan ng certificate niya," paliwanag ni Aella sa binata. Hindi ito umimik. Nagpatuloy siya, "gusto ho kayong pasalamatan ng anak ko kasi tinuruan niyo ho siya at syempre natatandaan niya iyon." Matamis na ngiti ang pumaskil sa mukha ni Matthias sa kabilang linya. Tinutop n'ya ang bibig dahil hindi n'ya maiwasan di maantig sa bata. Palagi s'yang pinasasaya ng dalawang ito. "Sure, tamang-tama katatapos ko lang sa trabaho. Pupunta agad ako dyan." "Sige po," aniya saka pinatay ang tawag. Sa pagkakataon ding iyon ay nakita ni Matthias ang text message ni Andrew. Bahagya niyang tinaas ang isang kilay nang mabasa ang nakakaintrigang salita. "Daughter?" Akala niya ba mas mataas ang IQ ni Andrew kesa sa kanya? Ano klaseng kabobohan? O baka sinadya nito? Gusto siyang bigyan agad ng anak. Nasa thirties
Kinabukasan, pagkatapos kumain ni Aella ng almusal ay dumeretso na sila sa paaralan ng kanyang anak. Simple lamang ang seremonya pero ramdam niya ang kasiyahan ng lahat. Dumating din ibang mga magulang para makisali at masaksihan ang masayang kaganapan ng kanilang buhay.Bagamat hindi pang-professional level ang masterpiece ng kanyang anak pero bawat guhit at kulay nito ay pinipresenta ang pagkatao nito. This also give parents a clearer picture of their children's current recovery status.Bilang master of ceremony, natikas na nakatayo si Andrew Fajardo sa stage, suot ang paborito niyang suit. Inanunsyo niya ang premyo at sinabi sa mga bata na iguhit kung ano ang nasa isipan ng mga ito. Sa kanyang gabay ay natutu ang mga bata na ipahayag ang saloobin ng mga ito na sadyang kinatuwa ng mga magulang ng mga ito.Sa wakas, dumating ang pagkakataon ni Angelica. "The last child to be honored is Angelica Larson. She's also the last girl to enroll in our class. This time, she won first prize in
Sinundo nila Aella at Sandra si Angelica matapos mag-shopping ang dalawa. Nasa gate na sila ng eskwelahan nang hinabol si sila ni Andrew.Humihingal ito nang tumanghod sa harap nila. "Miss Aella, free ka ba ngayon? May sasabihin sana ako."Ito ang unang beses na makita niyang nataranta ang guro. "Ano po'ng problema? May nangyari ba'ng hindi magada kay Angelica?" kabado niyang tanong.Kinawag nito ang mga kamay. "No, no, Angelica is fine."Sandali silang tumahimik at huminga ng malalim. "May natanggap kaming good news. Natatandaan niyo pa ba competition ng painting na sinalihan ni Baby Angel? Dumating ang result ngayon, at hulahan niyo, nanalalo s'ya. Frist prize. Hangang-hanga ang lahat sa kanya lalo na ang mga batikan na artist. Kanina lang ay dinagsa kami ng media at gusto nilang interview-hin ang anak niyo. Mabilis ko naman silang pinigilan at hindi muna pumayag. Pwede bang humingi ng opinyon mo?"Aella didn't expect to hear such a good news and was stunned for a moment. Napatutop
Isang linggo ang lumipas matapos bumalik ni Aella mula sa Seoul. Gaya ng dati ay lalo niyang sinubsob ang sarili mga bagong proyekto. Prioritize nila ngayon ang pagbubukas ng bagong luxury brand nila na perfume and clothing collection.Sabado, araw ng day off siya. Muntikan siyang mawalan ng balanse nang bigla s'yang kiladkad ni Sandra. Iniwan muna nila si Angelica kay Helen dahil magsa-shopping sila.Gusto nitong bilhan ng bagong damit si Angelica bilang regalo sa papalapit na pasko. Nauwi silang dalawa sa isang coffeeshop matapos mapagod sa pag-iikot ng mall. Um-order siya ng dalawang tiramisù, isang maliit na kahon ng bavarian at dalawang match milkshake.Humugot ng malalim na hininga si Sandra. "Ang hirap talaga hulihin ang taong palaging busy sa buhay. Simula noong nagtrabaho ka sa ilalim ni Raffaelo ay parang hindi na sila nagfa-function kung wala ka. Nakakainis na ang pagiging workaholic mo!""Hoy, don't be like. Nagtatrabaho ako para sa ikakabuhay namin ni Angelica at kaya ng
Matapos ng matagumpay ng pagpre-presenta ng "Winter's Veil" collection ng Aurelia ay natagpuan ni Aella ang sarili sa isa sa mga club ng Hongdae. Kararating niya lamang kahapon sa Seoul pero heto siya ngayon nagfe-feeling dalaga kasama si Raffaelo. Iniwan niya si Angelica kay Sandra, sinakripisyo nito ang pagsama sa kanila para sa anak niya. Di n'ya sukat akalain na magtatagumpay s'ya sa proyektong pinagpuyatan niya ng maraming buwan at sa kabila ng stress ng kanyang buhay."Okay ka lang ba?" Nagising ang ulirat niya nang biglang nagsalita si Raffaelo. Hindi niya masyadong marinig dahil sa ingay.Tumango siya. "S'yanga pala, salamat ha," tugon niya.Kumunot ang noo nito saka dinilaan ang asin sa palad, sumisipsip ng lemon at tinungga ang tequila. Sumalpok ang kilay niya, ayaw niyang uminom ng tequila dahil masyadong matrabaho, tama lamang sa kanya ang pina colada. Sinimsim niya at sandaling sumandal sa pader malapit sa bar, pinanood ang nagsasayawan sa ilalim ng makukulay at malamlam