salamat sa pagbabasa!
Sinundo nila Aella at Sandra si Angelica matapos mag-shopping ang dalawa. Nasa gate na sila ng eskwelahan nang hinabol si sila ni Andrew.Humihingal ito nang tumanghod sa harap nila. "Miss Aella, free ka ba ngayon? May sasabihin sana ako."Ito ang unang beses na makita niyang nataranta ang guro. "Ano po'ng problema? May nangyari ba'ng hindi magada kay Angelica?" kabado niyang tanong.Kinawag nito ang mga kamay. "No, no, Angelica is fine."Sandali silang tumahimik at huminga ng malalim. "May natanggap kaming good news. Natatandaan niyo pa ba competition ng painting na sinalihan ni Baby Angel? Dumating ang result ngayon, at hulahan niyo, nanalalo s'ya. Frist prize. Hangang-hanga ang lahat sa kanya lalo na ang mga batikan na artist. Kanina lang ay dinagsa kami ng media at gusto nilang interview-hin ang anak niyo. Mabilis ko naman silang pinigilan at hindi muna pumayag. Pwede bang humingi ng opinyon mo?"Aella didn't expect to hear such a good news and was stunned for a moment. Napatutop
Isang linggo ang lumipas matapos bumalik ni Aella mula sa Seoul. Gaya ng dati ay lalo niyang sinubsob ang sarili mga bagong proyekto. Prioritize nila ngayon ang pagbubukas ng bagong luxury brand nila na perfume and clothing collection.Sabado, araw ng day off siya. Muntikan siyang mawalan ng balanse nang bigla s'yang kiladkad ni Sandra. Iniwan muna nila si Angelica kay Helen dahil magsa-shopping sila.Gusto nitong bilhan ng bagong damit si Angelica bilang regalo sa papalapit na pasko. Nauwi silang dalawa sa isang coffeeshop matapos mapagod sa pag-iikot ng mall. Um-order siya ng dalawang tiramisù, isang maliit na kahon ng bavarian at dalawang match milkshake.Humugot ng malalim na hininga si Sandra. "Ang hirap talaga hulihin ang taong palaging busy sa buhay. Simula noong nagtrabaho ka sa ilalim ni Raffaelo ay parang hindi na sila nagfa-function kung wala ka. Nakakainis na ang pagiging workaholic mo!""Hoy, don't be like. Nagtatrabaho ako para sa ikakabuhay namin ni Angelica at kaya ng
Matapos ng matagumpay ng pagpre-presenta ng "Winter's Veil" collection ng Aurelia ay natagpuan ni Aella ang sarili sa isa sa mga club ng Hongdae. Kararating niya lamang kahapon sa Seoul pero heto siya ngayon nagfe-feeling dalaga kasama si Raffaelo. Iniwan niya si Angelica kay Sandra, sinakripisyo nito ang pagsama sa kanila para sa anak niya. Di n'ya sukat akalain na magtatagumpay s'ya sa proyektong pinagpuyatan niya ng maraming buwan at sa kabila ng stress ng kanyang buhay."Okay ka lang ba?" Nagising ang ulirat niya nang biglang nagsalita si Raffaelo. Hindi niya masyadong marinig dahil sa ingay.Tumango siya. "S'yanga pala, salamat ha," tugon niya.Kumunot ang noo nito saka dinilaan ang asin sa palad, sumisipsip ng lemon at tinungga ang tequila. Sumalpok ang kilay niya, ayaw niyang uminom ng tequila dahil masyadong matrabaho, tama lamang sa kanya ang pina colada. Sinimsim niya at sandaling sumandal sa pader malapit sa bar, pinanood ang nagsasayawan sa ilalim ng makukulay at malamlam
Dinala ni Theodore ang Mommy niya sa hospital pero hindi na niya ito dinalaw matapos iyon. Patuloy niyang binalewala si Scarlet hanggang sa lumipas ang tatlong araw. Sinubsob niya ang sarili sa trabaho ng kompanya, tinigilan niya makipagkompetinsya kay Raffaelo Conti at pinili palaguhin ang e-commerce business nila.Umiinom s'ya ng whiskey sa opisina n'ya nang biglang bumukas ang pinto. Niluwal ang nakangiting babae. Si Scarlet.Makapal pa rin ang mukha, mataas pa rin ang pride at wala pa ring takot sa kanyan kahit maraming beses n'yang pinatabuyan, pinagsalitaan ng masasakit at tinulak. May bitbit itong box. Ngayon lang naisipan umalis buhat noong sinisante niya. Umabot din sa wakas sa limitasyon ang pagmamatigas nito."Wala akong oras makipag-usap sa mga taong hindi naman importante sa buhay ko," malamig niyang asik habang nakatingin sa panorama sa labas.Nilinis ni Scarlet ang nananakit na lalamunan. Ayaw n'ya sanang gawin ito pero umaasa s'ya na kapag aalis s'ya sa kompanya nito
"Malaki ang binago ng kondisyon ni Angelica ngayon. Hindi na s'ya gaya ng dati na may sariling mundo. Malinaw na ang pang-unawa niya saka alam at kilala niya kung ano at sino ang mabuti at masama sa kanya," mariing sambit ni Aella, dumidilim ang mukha. "Kung matalino ka dapat alam mo'ng ikaw ang dahilan kaya naging malamig ang anak mo sa'yo ngayon. Imbes na magsasayang ka ng oras dito, pwede bang umalis ka na, pagnilayan mo ang sitwasyon ngayon at tigilan mo ang pagbibintang mo sa iba!" Nagpatiuna si Aella saka sinundan ng lalaki na kalong ang anak niya. "Aella, magpakasaya ka ngayon dahil darating ang araw na gagapang ka pabalik sa akin!" habol niyang sigaw. Umiinit ang mga mata niyang sinusundan ng tingin ang mga ito. Sumama ang loob niya, hindi s'ya makahinga sa matinding iritasyon. Dapat n'yang alamin ang pagkatao ng lalaking iyon bago pa nito makuha ng tuluyan ang asawa't anak niya. He should steal her back as soon as possible. Nagdadabog s'yang sumakat ulit sa kotse at
"Why she so eye-catching today," gigil na wika ni Theodore. Nagagalit s'ya dahil gumaganda ito matapos ang isang linggo na di sila nagkikita. Halata na hindi ito apektado sa paghihiwalay nila. Na-glow up ito, naging maliwalas ang mukha sa manipis nitong make up. Nakasuot ito ng kulay rosas na blazer, puting shirt sa loob at kulay rosas din ang A-Line skirt nito at pinarisan ng itim na pointed high heels. Umiindayog ang balakang nito habang naglalakad. Walang duda na maganda ito at naaakit s'ya. Okay sana ang lahat, malaya sana s'yang pagpyestahan ang babae kung wala itong kasamang asungit. Hindi n'ya pa rin kilala ang lalaking kasama nito, ito rin ang nakita niya na kasama nito sa Palawan. Bumaba s'ya at padaskol na sinara ang pinto ng kotse. Huli niyang namalayan na sinusugod n'ya ang mga ito. Uminit ang ulo ni Aella nang matukoy ang paparating na lalaki sa gawi nila. Balak niya sanang balewalahin pero mabilis tumanghod sa harap nila. Ayaw n'yang gagawa ulit ng eskandalo ito s