Share

Kabanata 24

Hindi ko alam kung anong mararamdaman nang makita ko si Kuya Cesar. Sa tagal ng panahong hindi ko ito nakita tila naging ibang tao ito sa paningin ko. Humumpak ang dating matikas na katawan. Lubog ang mga mata na parang hindi nakakatulog sa gabi.

"Lucinda!" malakas na sabi nito habang nakatingin nang masama kay Lucinda na naglalakad palapit rito.

"Madam, pasensiya na po, kanina ko pa po siya pinipigilan pero ayaw niya po talagang paawat na pumasok." naiiyak na sabi ng isang batang katulong.

Kaagad na tumaas ang kilay ko nang makita ang matalim na tingin ni Lucinda sa katulong. Akmang lalapit ako pero mabilis akong pinigilan ni Rios.

"You'll missed the show kung eeksena ka kaagad. Maybe we can watch for a little more." nakangising sabi ni Rios bago pasimpleng sumenyas sa hangin.

Kunot ang noong pinagmasdan ko lang ang ginawa niya. Kahit nagtataka ay nanatili kaming malayo sa puwesto ni Lucinda at ni Kuya Cesar.

Maya-maya lang ay may kung anong inabot sa akin si Rios. It was an ea
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status