Share

Kabanata 10

NAKALIPAS ang isang linggong hindi ko kailanman pinansin si Rios. Kahit na ilang beses niya akong kulitin ay hindi pa rin ako natitinag. Pinipilit kong huwag siyang pagtuunan ng pansin dahil alam kong pagmumulan na naman iyon ng pagbabangayan naming dalawa.

May pagkakataong si Rios ang naghahatid sa akin sa shop, dahil wala pa rin si kuya Lito at lola Clara. Nagbago kasi ang isip ng matanda at pinilit na isama si kuya Lito. Na sa tingin ko nama'y sinadya niya. Sinadya niyang iwan kami rito ni Rios para kahit papaano'y mapagsolo kaming dalawa.

Ang sana nga'y dalawang araw na pagbisita ni lola Clara sa pinsan nitong nasa Mindoro ay inabot ng isang linggo, at nahimigan ko pa nga sa telepono na mag-e-extend pa raw ito dahil napakaganda raw sa Little Tanawan. Halos napapaligiran raw sila ng samu't-saring punong-kahoy, halaman at malawak raw ang kalupaang sakop ng pinsan nito. Kaya kahit papaano'y nabawasan raw ang pagkasuyang nadarama noong nakikita pa raw nito ang malawak na dagat sa Ro
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status