Share

Chapter 2

Author: Deigratiamimi
last update Huling Na-update: 2025-02-10 07:28:32

Cassandra Dela Vega's POV

Tatlong taon.

Tatlong taon mula nang huli ko siyang makita. Tatlong taon mula nang bigla siyang nawala, hindi nagpaalam, hindi nagbigay ng paliwanag—parang hindi ako kailanman naging parte ng buhay niya.

At ngayon, heto siya. Nakatayo sa harapan ko, sa mismong gabing desperada akong tumakas.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko, hindi makagalaw, hindi makapagsalita. Naramdaman ko ang malakas na tibok ng puso ko, pero hindi ko alam kung dahil sa galit o dahil sa simpleng katotohanang siya pa rin ang nag-iisang lalaking nagawa akong pakiramdaman ng ganito—isang halo ng pait, sakit, at isang bagay na hindi ko gustong aminin.

Sebastian Alcantara.

Mataas pa rin siya kagaya ng dati, mas lalong naging makisig, mas lumalim ang mga mata niyang laging puno ng misteryo. Pero ang pinakahindi ko kayang tiisin? Ang paraan ng pagtitig niya sa akin ngayon—parang may hinahanap, parang may gustong sabihin… pero hindi niya alam kung paano.

Parang noong una niya akong iniwan.

"Cassandra."

Napakuyom ang mga kamay ko. Kung anuman ang rason kung bakit siya bumalik, wala akong pakialam. Wala na akong pakialam sa kanya.

"No," bulong ko sa sarili ko.

Mabilis akong humakbang palayo, pero hindi ako nakalayo nang bigla niyang hawakan ang braso ko.

"Sandali lang," mahina pero matigas ang boses niya. "Saan ka pupunta?"

Pinilit kong bawiin ang braso ko, pero masyadong mahigpit ang hawak niya. Napatingin ako sa kanya, at sa unang pagkakataon, lumabas ang galit na matagal ko nang kinikimkim.

"Anong karapatan mong tanungin 'yan?" matalim kong sabi. "You don’t get to ask me anything, Sebastian. Not after what you did."

Dumaan ang isang segundo ng katahimikan bago niya dahan-dahang binitiwan ang pagkakahawak sa akin. Pero hindi pa rin siya lumayo.

"Cassandra…" Bumuntong-hininga siya, at sa unang pagkakataon, nakita ko na parang nahirapan siyang magsalita. "Alam kong galit ka. Alam kong maraming bagay ang hindi mo maintindihan, pero—"

"Pero ano?" Tumawa ako ng mapait, pilit pinipigilan ang kirot na pilit bumabalik sa dibdib ko. "After three years, bigla kang magpapakita sa akin at magsasabing may hindi ako naiintindihan? Seriously?!"

"Cassandra, just—"

"No, Sebastian!"

Muling lumakas ang boses ko, hindi ko na kayang itago ang emosyon ko. "Alam mo bang muntik akong mabaliw kakaisip kung anong nangyari sa 'yo? If I did something wrong? Kung bakit mo ako iniwan ng ganoon na lang?!"

Alam kong hindi ito ang tamang oras para rito. Alam kong dapat mas inuna ko ang pagtakas, ang pagtakas mula sa kasal na hindi ko ginusto. Pero paano ako tatakas kung heto na naman siya, binubuksan ang sugat na akala ko matagal ko nang nalimutan?

Hindi siya sumagot. Hindi siya gumalaw. At doon ko na-realize… ni hindi siya makatingin ng diretso sa akin.

At sa kahit anong dahilan, mas lalo akong nagalit.

"At ngayon, gusto mong sagutin ko ang tanong mo? Na parang wala lang? Saan ako pupunta? Gusto mo talagang marinig ang sagot, Sebastian?"

Lumingon ako sa kanya, mariin ang bawat salitang binitiwan ko.

"Lalayo ako. Aalis ako mula rito, mula sa kanila… at mula sa 'yo."

Saglit siyang napakurap, pero hindi siya nagsalita. Hindi niya ako pinigilan, pero alam kong may gusto siyang sabihin.

Pero wala akong oras para hintayin siyang magsalita. Muli akong humakbang palayo, at this time, hindi niya na ako hinawakan. Hindi niya na ako pinigilan.

Akala ko nakalaya na ako.

Pero ilang hakbang pa lang ang natatapos ko nang marinig ko ang isang boses na hindi ko kailanman inaasahan.

"Cassandra."

Nanlamig ang buong katawan ko.

Mabigat akong napalingon… at bumagsak ang tiyan ko sa kaba nang makita ko kung sino ang tumawag sa pangalan ko.

Si Daddy.

At sa tabi niya… ang Mommy ko.

Kasama nila si Don Guillermo Alcantara at si Daniel.

Malamig ang titig ng Daddy ko sa akin, at alam kong wala na akong pag-asang makaalis.

And worse?

Sa gilid ko, naramdaman kong tumitig sa akin si Sebastian, this time… iba ang titig niya.

At sa sandaling iyon, alam kong may mas malaking problema akong kailangang harapin.

Hindi lang ang kasal na pilit ipinipilit sa akin… kung 'di pati ang pagbabalik ni Sebastian Alcantara sa buhay ko.

Parang bumagsak ang buong mundo ko sa eksenang nasa harapan ko.

Si Daddy. Si Mommy. Si Don Guillermo Alcantara. At si Daniel.

Nakatayo sila sa harap ko, pawang hindi makikitaan ng emosyon—maliban kay Daddy na halatang nagpipigil ng galit. Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko ay isa akong ibon na nahuli sa bitag.

Ang malamig na ihip ng hangin sa hardin ng mansyon ay walang silbi sa init ng tensiyon sa paligid. Mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko nang maramdaman kong nakatingin pa rin sa akin si Sebastian.

"Anong ibig sabihin nito, Cassandra?" mahina, pero mariing tanong ng Daddy ko.

I swallowed hard.

"Anong ibig sabihin ng ano, Dad?" Kahit nanginginig ang boses ko, pilit kong pinanindigan ang sarili ko.

"Don't test my patience, hija," sabat ni Mommy. Mas mahinahon ang tono niya, pero dama ko ang bigat ng disappointment sa mga mata niya. "Alam naming tinatangka mong tumakas."

"I can't believe this," singit ni Daniel, na tila noon lang nagsalita. "Cassandra, were you seriously planning to run away from our wedding?"

Tumingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung dapat akong makonsensya sa sinasabi niya, pero wala akong utang na loob kay Daniel. Hindi ko ito ginusto.

"Yes." Hindi ko na itinanggi. "I was planning to leave, Daniel. Because I don’t want this marriage. Hindi ako isang bagay na pwedeng ipasa sa kung sinumang mapagdesisyunan ng pamilya natin!"

Tumawa si Daddy nang mapait. "Cassandra, you are not a child. Hindi ito tungkol lang sa nararamdaman mo. You have responsibilities!"

"At kailan pa naging responsibilidad ng isang anak na ibenta ang sarili niya para lang mapanatili ang yaman ng pamilya?!"

Muling natahimik ang lahat. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko sa sobrang galit at inis. Pero alam kong wala akong laban.

Daddy took a deep breath at lumapit sa akin, his eyes was sharp and filled with finality. "You are marrying Daniel, Cassandra. Wala kang ibang pagpipilian."

Hindi ko namalayan na napaatras ako. Ang likod ko ay halos sumandal na sa matigas na katawan ni Sebastian. Napansin ko lang iyon nang maramdaman kong bahagyang sumagi ang braso niya sa akin—isang bagay na agad kong iniwasan.

Pero hindi nakatakas sa akin ang bahagyang paghigpit ng panga niya.

Anong ginagawa niya rito? Bakit siya narito?

Napalingon ako sa kanya at hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin o talagang may tensiyon sa pagitan nila ni Daniel.

Nagtagpo ang tingin namin. Mabilis, matalim, puno ng hindi mabigkas na emosyon. Pero bago pa ako makapagsalita, muling nagsalita si Don Guillermo.

"Cassandra, hija, this is for the best," aniya. "Daniel is a good man. Alam kong hindi ito madali para sa 'yo, but we need to do this. You need to do this."

Napailing ako, tila hindi makapaniwala na ganito kababaw ang tingin nila sa akin.

"At kung tumanggi ako?"

Halos sabay na tumingin sa akin sina Daddy at Don Guillermo. Ang sagot ay halata kahit hindi nila sabihin. Wala akong pagpipilian.

Napakuyom ang mga kamay ko. This is not fair.

"I don't want this," saad ko.

"I don't care." Daddy's voice was final. "Matutuloy ang kasal bukas."

Napalunok ako. Bukas? Diyos ko. Akala ko may ilang linggo pa akong palugit, pero hindi.

Pinlano na nila ang lahat.

Napatingin ako kay Daniel. He looked like he wanted to say something, pero hindi niya ginawa. Hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi rin siya masaya sa ideyang ito.

At doon ko lang napansin na mula kanina, tahimik lang si Sebastian.

Bakit?

Bakit wala siyang sinasabi?

Napatingin ako sa kanya, naghahanap ng sagot. Pero hindi siya tumingin sa akin. Nakatitig siya kay Daniel, at sa Daddy niya, at tila isang bagay ang pinag-iisipan.

Iyon ang huling patak ng pasensya ko.

"You all think you can control me?" Muli akong tumawa nang mapait. "Fine. I will marry Daniel."

Nakita ko ang bahagyang pagliwanag ng mukha ni Mommy, pero hindi pa ako tapos.

"Pero pagkatapos ng kasal, hindi ko siya gagalawin. Hindi ako magiging mabuting asawa. Hindi ako susunod sa kahit anong gusto n'yo. And I will make sure to ruin every expectation you have."

Binalot kami ng katahimikan. Walang kumibo.

Hanggang sa isang mababang boses ang pumuno sa hangin.

"She doesn't have to marry Daniel."

Halos nakalimutan kong huminga nang marinig ang boses na iyon.

Dahan-dahan akong lumingon.

Si Sebastian.

At sa unang pagkakataon, hindi ko lang basta nakita ang tensiyon sa mukha niya.

Nakita ko ang galit.

Mababa lang ang boses niya, pero parang nagkaroon ng alon sa paligid. Lahat ay napatingin sa kanya, lalo na si Don Guillermo at si Daddy.

"Sebastian?" napakunot ang noo ni Don Guillermo.

Sebastian finally looked at me. Tumama ang tingin niya sa akin, diretso, walang takot, walang pag-aalinlangan.

At doon niya binasag ang lahat ng plano nila.

"If a marriage is what you need…" Umangat ang tingin niya sa pamilya namin. "Then I will marry Cassandra."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • His Brother's Bride   Chapter 61

    Cassandra Dela Vega's POV Lumakad ako nang dahan-dahan papasok sa maliit na apartment na kinaayunan namin bilang safehouse. Mainit ang ilaw sa loob, tahimik ang paligid. Nandoon na sina Sebastian at Atty. Morales; nakaayos ang table namin na may mga folder, laptop, at mga tila hindi mapigilang takot sa mga mata nila. Nakita ko rin si Jenny—nakaupo sa couch na may hawak na warm cup; mukhang hindi pa rin makapaniwala sa ginagawa niya.“Vivian’s here,” sabi ni Sebastian sa papasok ko. Naglakad kami papunta sa sala. Nang buksan ng receptionist ang pinto, nakita ko si Vivian na nakatayo sa threshold. Nakasuot siya ng simpleng blouse at trousers; mukha niya ay maputla, at nanginginig ang mga kamay. Pero lumalakad siya nang diretso, hindi tumitingin sa amin nang hindi niya kinakailangan.Huminto siya at tumingin sa akin. “Cassandra,” mahina ang boses niya. “Thank you for meeting me.”Hindi ko agad sinagot. Inayos ko muna ang sarili ko. “You came,” sabi ko. “You said you wanted to testify. I

  • His Brother's Bride   Chapter 60

    Cassandra Dela Vega's POV Narinig ko ang mahinang pag-ring ng cellphone ko habang abala ako sa pagsusuri ng reports sa marketing department. Naka-focus na sana ako, pero napakunot ang noo ko nang makita ko ang pangalan sa screen. Hindi ko inasahan na tatawag siya—si Vivian Laurel.Nagdalawang-isip pa ako bago ko sinagot, pero sa huli, pinindot ko ang green button. “Hello?” mahina kong sagot.“Cassandra…” Mahina at garalgal ang boses niya. “It’s me, Vivian. Please, huwag mo muna akong ibaba. I know you hate me, and maybe you have every reason to. Pero… kailangan kong makipag-usap sa’yo. May gusto akong sabihin tungkol kay Daniel.”Nanahimik ako saglit. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pakinggan. Pero hindi ko rin kayang balewalain dahil malinaw na nanginginig ang boses niya.“Ano bang kailangan mo?” tanong ko, pilit pinapanatili ang kalmado kong tono.“Cassandra… I want to be a witness,” diretso niyang sagot. “Gusto kong sabihin ang totoo. Tungkol sa pagkamatay ni Daniel.”Napaay

  • His Brother's Bride   Chapter 59

    Cassandra Dela Vega's POVNakatayo kami sa lobby ng law firm nang tumigil ako para huminga. Hindi ko talaga alam kung paano sisimulan ang proseso ng pag-file ng kaso. Alam ko lang na hindi ako titigil hangga’t hindi namin nahuhuli ang may sala.“Ready ka na, Cassandra?” tanong ni Sebastian, mababa lang ang boses niya. Nakita ko ang titig niya sa akin, parang naghihintay ng kumpirmasyon.“Oo,” sagot ko. “Kahit ano ang kailangan, gagawin natin.” Hindi ko inalintana ang panginginig ng mga kamay ko. Kailangan kong kumilos.Pumasok kami sa conference room at sinalubong kami ng abogado namin, si Atty. Morales. Nakaupo si Jenny sa isang sulok ng silid, nanginginig pa rin ang boses. Si Jenny ang tumawag sa amin, at ngayon siya ang magbibigay ng kanyang salaysay sa pormal na pamamaraan.“Thank you for coming,” sabi ni Atty. Morales habang inaabot ang mga dokumento. “Bago tayo magsimula, kailangan nating kunin nang maayos ang statement ni Jenny. Cassandra, Sebastian, this is a civil-criminal hy

  • His Brother's Bride   Chapter 58

    Cassandra Dela Vega's POV Hindi ko maipaliwanag ang tibok ng puso ko habang binabaybay namin ni Sebastian ang kahabaan ng Ortigas Avenue. Nasa passenger seat ako, nakatitig sa basang salamin ng kotse habang dinadaanan namin ang mga gusaling tila walang pakialam sa mundo—samantalang ako, pakiramdam ko ay parang bumabaliktad ang lahat sa paligid ko.Kanina lang, habang nasa boardroom kami para sa quarterly financial review ng Alcantara Hotels, tumunog ang isa sa mga phone lines ni Sebastian—isang secure line na ginagamit lamang kapag may sensitibong transaksyon o impormasyon."Unknown number," he murmured, habang sinusulyapan ito."Answer it," I said almost instinctively, not knowing it would be the start of something terrifying.Sinagot niya ang tawag at agad itong pinunta sa speaker. Isang malamig at pormal na boses ng babae ang narinig namin."Mr. Alcantara. Miss Dela Vega. I have information you might want to hear. It’s about your father… and Daniel’s death."Napatingin ako agad ka

  • His Brother's Bride   Chapter 57

    Cassandra Dela Vega's POV Walang kapantay ang kaba na nararamdaman ko habang binubuklat ko ang mga lumang records ng kompanya. Nasa archive room ako ng Alcantara Group of Companies habang si Sebastian ay nasa isang closed-door meeting kasama ang legal team. Pareho kaming walang tigil sa paghahanap ng katotohanan. Hindi kami naniniwalang nag-suicide si Daniel. He wouldn’t just end his life like that. Not after everything we discovered, not after everything he finally fought to face.Matagal kaming hindi nagkita ni Sebastian dahil sa sunod-sunod na meetings at usaping legal tungkol sa posisyon ng CEO. Pero matapos ang pagkamatay ni Daniel, tila mas lalong naging personal ang laban para sa amin. This wasn’t just about corporate power anymore. It was about justice.And justice, for me, means peeling every layer of lie that surrounded this family.“Ate Cass,” tawag ni Alyssa, isa sa mga interns na in-assign ko para tumulong sa paghalukay ng dating mga project files. “May nakita po akong n

  • His Brother's Bride   Chapter 56

    Cassandra Dela Vega's POV Abala ako sa pagta-type ng monthly performance report ng marketing department nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa gilid ng desk. Mabilis kong kinuha iyon, at agad kong kinilala ang pangalan sa screen—Sebastian. Napangiti ako. Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita. Pareho kaming abala. Siya sa board meetings at sa pressure ng leadership, ako naman sa deadlines at brand proposals. Pero sa kabila ng lahat, mahalaga pa rin sa akin ang kahit sandaling tawag mula sa kanya. Pakiramdam ko, sa gitna ng kaguluhan sa mundo, siya lang ang katahimikan kong puwedeng uwian. Kaya't hindi na ako nagdalawang-isip. “Hey,” bungad ko, pilit tinatago ang pananabik sa boses ko. Pero agad ding napawi ang ngiti ko nang marinig ko ang tonong bumungad mula sa kabilang linya. “Cassandra…” basag at mabigat ang boses niya. Iba sa karaniwang kalmadong Sebastian na alam ko. Iba ito—parang may kinikimkim, parang punô ng pangamba. Napakunot ang noo ko. “Sebastian, what’s w

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status