Cassandra Dela Vega's POV
"Hindi! Hindi ko ipapakasal ang sarili ko sa isang lalaking hindi ko mahal!" Ang sigaw ko ay dumagundong sa buong dining hall ng aming mansyon, na parang isang kulog na bumalot sa katahimikan ng hapunan. Ang mga magulang ko, sina Don Romano at Doña Esther Dela Vega, ay parehong nakatitig sa akin—ang isa may halong pagkadismaya, ang isa may malamig na determinasyon. Sa kabilang dulo ng mesa, nakaupo ang pamilya Alcantara, at si Daniel mismo, ang lalaking gusto nilang ipakasal sa akin, ay mukhang walang pakialam habang tahimik lang siyang umiinom ng alak. "This is not up for discussion, Cassandra," malamig na sagot ng Daddy ko. "Napagkasunduan na ito. Your marriage to Daniel will strengthen our family's business empire. This is what’s best for everyone." "Best for everyone?" Halos tumawa ako sa frustration. "Paano naging best for me, Dad? Hindi ko siya mahal! I don't even know him that well!" "Cassie—" "No, Mom!" Napatayo ako, hinampas ko ang mesa, dahilan para umalog ang ilang baso ng alak. "I thought we were done treating marriage like some kind of business deal! Akala ko ba, bilang anak n'yo, may choice ako sa buhay ko? Pero hindi pala! Para lang akong pawn sa chessboard ninyo!" "Cassandra, calm down," sabat ni Don Guillermo Alcantara, ang ama ni Daniel at… ng lalaking minsang minahal ko. Lalong lumalim ang galit sa dibdib ko sa mismong pag-iisip lang sa kanya—si Sebastian Alcantara. Ang lalaking unang nagpatibok ng puso ko. Ang lalaking minahal ko noon ng buo. At ang lalaking bigla na lang nawala, iniwan akong durog at maraming tanong. "Please, Cassandra," mahinahong sabi ni Daniel, finally speaking up. "I know this isn't ideal for you, but—" "Ideal?!" Napairap ako. "You’re seriously telling me that marrying someone I barely know and don’t even like is ideal?!" He let out a sigh, tila hindi rin masaya sa sitwasyon, pero mas sanay magpigil. I wasn’t like that. Hindi ko kayang lunukin ang pride ko para sa isang bagay na hindi ko gusto. Ang Mommy ko ay tahimik lang pero halata ang pag-aalala sa mukha niya. Alam kong gusto niya akong kampihan, pero bilang isang Dela Vega, hindi siya maaaring sumuway sa kagustuhan ni Daddy. "It's settled, Cassandra," madiin na sabi ng Daddy ko, ang boses niya ay hindi na nagbibigay ng espasyo para sa pagtatalo. "You will marry Daniel. And you will do it for this family." Parang lumulubog ang buong mundo ko. Hindi. Hindi ako papayag. Kahit kailan, hindi ako magiging sunud-sunuran sa kanila. No. I won't let them decide my future. Habang nakatayo ako sa harap ng mahahabang dining chairs, ramdam ko ang mabilis na paghinga ko. Ang kamay ko ay mahigpit na nakakuyom sa gilid ng damit ko, pilit pinipigilan ang nanginginig kong katawan. Hindi ko alam kung dahil sa galit, sa takot, o sa kawalan ng kontrol sa sarili kong buhay. "Pinipilit ninyo akong pakasalan ang isang taong hindi ko mahal?!" Tumatawa ako, pero walang halong saya. "Dad, Mom, hindi ito negosyo. Hindi ito merger na basta ninyo na lang pipirmahan sa papel. Buhay ko ang pinag-uusapan natin!" "Cassandra, lower your voice." Mahinahon, pero matigas ang tono ni Daddy, parang walang kwenta sa kanya ang pagwawala ko. "Wala kang magagawa. Ang kasunduang ito ay para sa kinabukasan ng pamilya natin. Wala ka nang ibang dapat gawin kung 'di ang sumunod." Napapikit ako, nanginginig ang dibdib ko sa frustration. "Kailan pa naging patas 'to, Dad? Kayo lang ang nagdesisyon, tapos ako ang kailangang magbayad?" Tumayo si Mommy, inilapit ang kamay sa akin, pero umiling lang ako. "Hija, we just want what's best for you. Alam naming magiging mabuting asawa si Daniel." "Best for me?" Tumingin ako kay Daniel na tahimik lang, parang wala lang ang pinag-uusapan. "Ikaw? Gusto mo ba 'to?" Napatingin siya sa akin, saglit na sumilay ang lungkot sa mga mata niya bago siya sumagot. "Cassandra, I respect you. I know this isn’t what you wanted, but maybe... we can make it work." Nagpanting ang tenga ko. "Make it work?! Hindi ito business partnership, Daniel! Hindi lang ito tungkol sa inyo, sa pamilya ninyo, o sa negosyo ninyo! Ako ito! Buhay ko ito!" Tumayo ako, naglakad palayo sa hapag-kainan. Hindi ko kayang makinig pa. Ang bigat ng dibdib ko, parang unti-unting binabaon sa lupa. Kailangang makalayo ako rito bago pa ako may masabing mga bagay na lalo lang magpapagalit sa kanila. Pero bago pa ako makalayo, nagsalita ulit si Daddy. "Hindi mo pwedeng takasan 'to, Cassandra." Napahinto ako sa harap ng malalaking pinto ng dining hall. Humigpit ang hawak ko sa door handle bago ako lumingon. "Watch me." *** Tatakas ako. Hindi ako magpapakasal. Walang ibang laman ang isip ko habang nagmamadali akong nag-impake ng kaunting gamit sa kwarto ko. Ilang piraso lang ng damit, cellphone, at konting cash—sapat na para makaalis ng ilang araw. Habang tinutupi ko ang huling damit sa bag, may marahas na katok sa pinto. "Cassandra, open the door. Now." Si Daddy. Nataranta ako. Mabilis kong kinuha ang bag at tinakbo ang terrace ng kwarto ko. Nasa second floor ako, pero alam kong kaya kong bumaba mula rito. Tumakbo ako papunta sa railings, hinagis ang bag pababa sa garden, at huminga ng malalim bago humawak sa gilid ng terrace. Cassandra, kaya mo 'to. Hindi mo pwedeng hayaang diktahan nila ang buhay mo. At bago pa bumukas ang pinto, agad akong bumaba. Masakit ang landing ko, pero hindi ko na ininda. Mabilis kong kinuha ang bag at tumakbo palabas ng garden. Dumiretso ako sa maliit na gate sa likod ng mansion—ang tanging daanan palabas na walang bantay. Pero bago pa ako makatawid, isang malamig at pamilyar na boses ang nagpahinto sa akin. "Cassandra." Nanigas ako. Hindi. Imposible. Dahan-dahan akong lumingon at halos tumigil ang mundo ko nang makita ko siya—Sebastian Alcantara. Tatlong taon. Tatlong taon mula nang huli ko siyang makita. Ang lalaking nagparamdam sa akin ng tunay na pag-ibig… at ng pinakamatinding sakit. Diyos ko. Bakit siya narito? Bakit siya nakatingin sa akin na parang matagal na niya akong hinintay?Abala ako sa pagta-type ng monthly performance report ng marketing department nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa gilid ng desk. Mabilis kong kinuha iyon, at agad kong kinilala ang pangalan sa screen—Sebastian.Napangiti ako.Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita. Pareho kaming abala. Siya sa board meetings at sa pressure ng leadership, ako naman sa deadlines at brand proposals. Pero sa kabila ng lahat, mahalaga pa rin sa akin ang kahit sandaling tawag mula sa kanya. Pakiramdam ko, sa gitna ng kaguluhan sa mundo, siya lang ang katahimikan kong puwedeng uwian.Kaya't hindi na ako nagdalawang-isip.“Hey,” bungad ko, pilit tinatago ang pananabik sa boses ko.Pero agad ding napawi ang ngiti ko nang marinig ko ang tonong bumungad mula sa kabilang linya.“Cassandra…” basag at mabigat ang boses niya. Iba sa karaniwang kalmadong Sebastian na alam ko. Iba ito—parang may kinikimkim, parang punô ng pangamba.Napakunot ang noo ko. “Sebastian, what’s wrong? Bakit ganyan ang boses mo?”
Cassandra Dela Vega's POV Buong araw, tahimik lang ang opisina. May mga pagkakataong napapatitig ako sa pinto ng opisina ni Sebastian, pero nananatili iyong nakasara. Walang anino ng presensiya niya sa loob. Wala ring text. Walang tawag. Walang balita. Ilang araw na siyang hindi pumapasok, at kahit ang mga tauhan niya ay halatang nag-aalalang hindi makatingin ng diretso kapag napapadaan ako sa hallway.It’s been an another week. A whole week without Sebastian.Alam kong abala siya sa pagliligtas sa posisyon niya bilang CEO, lalo pa’t halos lamunin siya ng mga board members noong huling meeting. Nabalitaan kong sunod-sunod ang mga closed-door discussions sa head office. Confidential, highly sensitive matters. And at the center of all that? Sebastian Alcantara—my Sebastian.Ako, heto pa rin. Working. Breathing. Trying. Pero may bahagi sa akin na hindi mapakali. Parang kahit anong gawin kong productive na kilos, hindi buo ang araw kapag hindi ko siya nakikita. Ganoon na ba talaga ako ka
Cassandra Dela Vega's POV Isang linggo na ang lumipas, pero ni anino ni Sebastian, hindi ko pa rin nakita. Hindi ko alam kung mas nakakabaliw ang katahimikan ng bahay o ang pag-iwas niya sa akin. Oo, naiintindihan ko. Alam kong abala siya sa Alcantara Group—lalo na ngayong may banta si Daniel sa posisyon niya bilang CEO. Pero hindi ba… ako ang asawa niya? Hindi ba dapat, kahit papaano, ay kinukumusta niya ako? Kahit isang mensahe lang? Kahit isang tawag? Huminga ako nang malalim habang pinagmamasdan ang mga patak ng ulan na marahang humahalik sa salamin ng bintana sa kwarto namin. I had always found comfort in the rain. It felt like the sky was crying the tears I didn’t know I was holding. Ilang beses ko nang tinangka siyang tawagan pero laging unreachable. And it wasn’t like him. Hindi siya kailanman naging ganito—distant, cold, unreachable. I turned away from the window, walked towards the dresser, and picked up the small velvet box he once gave me. The engagement ring shimmer
Sebastian Alcantara's POV The night was cold, but my blood was boiling. Sitting behind my mahogany desk, I stared at the cityscape beyond my office window. The towering skyscrapers stood tall, a testament to the power and ambition that ruled this world. My world. But now, everything I built was at risk. The board wanted me gone. The investors were uneasy. And my so-called family—the same people who raised me, the ones I fought for—were the ones leading the charge to rip everything away from me. Daniel. His name was like a blade against my throat, pressing harder with each passing day. He was the rightful heir, they said. The true Alcantara? Pareho lang naman kaming walang dugong Alcantara. Anak siya ng ama ni Cassandra. A man who had no experience, no vision, no battle scars to prove his worth—yet they were ready to hand him the throne. I scoffed. Let them try. My fingers tapped rhythmically against my desk as I reviewed the reports in front of me. Every financial statement
Sebastian Alcantara's POV Nakatitig lang ako sa city lights mula sa glass wall ng opisina ko. Ang gabi sa lungsod ay tila walang katapusang kumikinang na alon ng ilaw, ngunit kahit gaano ito kaganda, hindi nito mapunan ang bigat na bumabalot sa dibdib ko. Isang linggo. Isang linggo lang ang ibinigay sa akin para patunayan ang sarili ko. Ang Alcantara Group of Companies ay hindi lang isang negosyo para sa akin. Ito ang buong buhay ko—ang dahilan kung bakit halos wala akong pahinga, kung bakit halos hindi na ako natutulog sa mga nagdaang taon. Hindi ako makapapayag na basta na lang ito maagaw sa akin dahil lang hindi ako isang tunay na Alcantara. Tatlong taon lang akong nawala dahil kailangan kung umalis mula nang nalaman kong may sakit ako sa puso at kailangan ng heart transplant. Pinaghirapan ko ang bawat tagumpay ng kumpanyang ito. Mula sa wala, itinayo ko ang mga proyektong ngayon ay bumubuhay dito. Alam kong hindi ako perpektong CEO—marami akong ginawang desisyon na hindi na
Sebastian Alcantara's POVTila isang larong chess ang mundong ginagalawan ko ngayon—lahat ng kilos ko, pinagmamasdan; bawat galaw ko, hinuhusgahan. At ngayon, nasa harapan ko ang mga taong matagal nang naghihintay ng pagkakataong pabagsakin ako.Nasa conference room kami ng Alcantara Group of Companies, isang silid na naging saksi sa bawat tagumpay at desisyon na ginawa ko sa loob ng maraming taon. Ngunit sa araw na ito, hindi ito isang ordinaryong pulong. Sa harapan ko, nakaupo ang board members—mga tao na dapat sana’y kakampi ko ngunit ngayon ay nag-aabang ng pagkakamali ko. Sa kanan ko, nandoon ang aking mga magulang—ang mga taong nagpalaki sa akin, ngunit hindi ako tunay na kadugo. At sa kaliwa ko, naroon si Daniel, ang tunay na anak, ang tunay na Alcantara.Nagsimula ang meeting nang walang kahit anong pag-aalinlangan si Mr. Vergara, isa sa mga senior board members, ang unang nagsalita."Sebastian, alam mo naman sigurong matagal na naming pinag-uusapan ang isyung ito," panimula n