Cassandra Dela Vega's POV
"Then I will marry Cassandra." Nag-echo sa tenga ko ang boses ni Sebastian. Hindi agad nagrehistro sa isip ko ang sinabi niya. Hindi agad tumugma sa realidad ang mga salitang binitiwan niya. "Did I hear that right? Tama ba ang narinig ko?" Napatingin ako kay Daniel, na halatang hindi rin makapaniwala. Agad siyang lumingon kay Sebastian, at sa unang pagkakataon mula nang magkita kaming muli, nakita ko ang matinding galit sa mga mata niya. "What the hell are you talking about, Sebastian?!" Pero ang kuya niya, kalmado lang. Malamig na tumingin si Sebastian sa kanya. "Sabi ko, ako ang papakasal kay Cassandra." Nakita kong napapikit si Don Guillermo, parang mas sumakit ang ulo niya sa narinig. Si Daddy naman, nakatingin lang kay Sebastian na parang sinusuri kung ano ang motibo nito. Ako? Ako ang tuluyang nawalan ng koneksiyon sa utak ko. Anong pinagsasabi ni Sebastian?! "Wait a damn minute!" Itinaas ko ang kamay ko, nanginginig sa frustration. "Excuse me?! Bakit parang bigla na lang akong napunta sa ibang tao?!" Tumingin sa akin si Sebastian, pero imbes na sagutin ang tanong ko, bumaling siya kay Daddy. "Mr. Dela Vega," panimula niya. "If the goal of this marriage is to merge our families, then the eldest son should be the one to take responsibility. Hindi ba mas logical na ako ang mapangasawa ni Cassandra kaysa kay Daniel?" Muli kong tiningnan si Daniel, na halatang nanggigigil na. "You can't just decide this for me, Sebastian!" "At ikaw, Daniel, kaya mong gawin 'yon?" sagot ng kuya niya. "Dahil ba masunurin kang anak, kaya mo siyang pakasalan kahit alam mong hindi niya gusto?" Nagtagpo ang tingin nilang magkapatid. Nagsiklab ang tensiyon sa pagitan nila, parang may tahimik na digmaang nagaganap na ako lang ang hindi nakakaintindi. Nagpanting ang tenga ko. "Okay! Time out!" halos pasigaw kong sabi. "Lahat kayo, tumigil muna!" Napatingin silang lahat sa akin, pero wala akong pakialam. Nilapitan ko si Sebastian, tumigil isang dangkal lang ang pagitan namin, at marahas siyang tinitigan. "You do not get to decide this for me," madiin kong sabi. Mula rito, nakita ko ang bahagyang pag-igting ng panga niya. Hindi niya nagugustuhan ang pagtutol ko. Well, too bad! Tumingin ako sa lahat ng nasa paligid namin, nilakasan ang loob ko. "I’m not marrying Daniel." Napatingin ako kay Daddy. "At hindi ko rin pakakasalan si Sebastian." Inilibot ko ang tingin ko sa kanila, pilit pinatatag ang sarili ko. "Kung gusto niyong gawin akong bargaining chip, I'm sorry, pero hindi ako produkto na pwede ninyong ipasa kung kanino ninyo gusto!" Sa unang pagkakataon, napatigil ang lahat. Pero si Daddy… he was as cold as ever. Lumapit siya sa akin, at sa isang iglap, naramdaman ko na naman ang bigat ng mundo sa balikat ko. "Hija," malumanay, pero matigas niyang sabi, "You are my daughter. And as my daughter, you will obey." Napalunok ako. "There is no escaping this, Cassandra." Bumaling siya kay Don Guillermo, saka kay Mommy, bago muling bumalik sa akin. "Hindi mahalaga kung sino ang magiging groom. Ang importante, magaganap ang kasal bukas." Muling bumagsak ang puso ko. Pero hindi pa natatapos ang pasabog ng gabing ito. Dahil sa sunod na segundo, muling bumasag ng katahimikan si Sebastian. "Then it will be me." Lahat kami, napatingin sa kanya. Si Daniel, halatang gustong sumabog sa galit. Si Don Guillermo, parang hindi alam kung paano magre-react. Si Mommy, naguguluhan. Si Daddy, wala pa ring emosyon. At ako? Hindi na ako makahinga. Lalo na nang makita kong seryoso si Sebastian sa sinabi niya. Tumingin siya sa akin, hindi na ako nilagyan ng pagkakataong tumanggi. "Bukas, ikaw ang magiging asawa ko, Cassandra," saad ni Sebastian. *** "Today is my wedding day." Tatlong beses kong inulit iyon sa isip ko, pero kahit paulit-ulit kong sabihin, hindi pa rin ako makapaniwala. Nakaharap ako ngayon sa salamin, suot ang wedding gown na napili ng Mommy ko—isang Vera Wang na gawa sa purong seda at lace, may mahahabang manggas at mala-prinsesang laylayan. Napakaganda. Pero sa kabila ng lahat ng kagandahan nito, pakiramdam ko para akong ikinulong sa isang ginintuang hawla. Napakapit ako sa armrest ng upuan ko at huminga nang malalim. "You can do this, Cassandra. Isa lang itong business transaction. Just get through this day." Napapikit ako at pinilit kontrolin ang kaba sa dibdib ko. Alam kong hindi ko ito gusto. Hindi ko gustong maikasal sa lalaking hindi ko mahal, lalo na kay Daniel, na halos hindi ko pa kilala. Pero wala akong magagawa. Sa labas ng kwarto ko, naririnig ko ang mahihinang paggalaw ng mga bisita, ang bulungan ng mga tauhan sa mansyon, ang mga utos ng wedding coordinator. Lahat ay abala. Lahat ay excited. Pero ako? Para akong natutunaw sa upuang ito, nag-aantay ng sandali kung kailan opisyal nang mawawala ang kalayaan ko. Isang katok ang gumulat sa akin. "Cassie?" Si Angel, isa sa matalik kong kaibigan. "Are you ready?" Lumingon ako sa kanya at pilit na ngumiti. "Do I look ready?" Napangiwi siya. "Honestly? You look like you’re about to pass out." Hindi ako nakaimik. Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko. "Cassie, sure ka na ba rito?" Alam kong gusto niyang kumbinsihin akong tumakas, pero wala na akong pagpipilian. Kaya kahit masakit, tumango lang ako. "I have to do this, Angel." Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago niya ako niyakap. "Okay," bulong niya. "Pero kahit anong mangyari, nandito lang kami nina Luna para sa 'yo." *** Dahil ready na ako, pinalabas na ako sa kwarto ko. Sa hallway pa lang, ramdam ko na ang excitement ng mga bisita. Ang mga empleyado ng mansyon ay nagkukumahog, abala sa pag-aasikaso ng huling detalye ng kasal. Habang naglalakad ako papunta sa bridal car, napansin ko ang ilang bisitang may nag-aalalang ekspresyon. May mga nagbubulungan, may mga mukhang balisa. Kumunot ang noo ko. Bakit parang may kakaiba? Pagkarating ko sa mismong venue—isang napakagarang simbahan na puno ng puting bulaklak at chandeliers—napansin ko ang lalong paglakas ng bulungan ng mga tao. Bago pa ako makapagtanong, lumapit si Mommy sa akin, bakas sa mukha ang pagkataranta. "Cassandra—" "Mom? What’s going on?" Pinasadahan ko ko ng tingin ang paligid, saka lang napansin na may isang bagay na kulang. "Nasaan si Daniel?" Sa halip na sumagot, napatingin lang si Mommy kay Daddy na kasalukuyang galit na galit habang may kausap sa telepono. "Hindi ko alam kung anong iniisip niyang bata ‘yon, pero find him now!" sigaw ni Daddy. What? Dahan-dahang lumingon ulit ako kay Mommy. Hindi ko alam kung bakit biglang bumibilis ang tibok ng puso ko, pero ramdam ko na ang sagot bago pa man niya ito sabihin. "Daniel is gone, Cassandra," mahinang sabi ni Mommy. "Hindi siya sumipot sa kasal." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. "What?" Napatingin na rin sa amin ang ibang bisita. Kita ko sa mga mukha nila ang confusion at shock. Halos hindi ko marinig ang sagot ni Mommy. "Wala si Daniel, anak. Nawawala siya. No one knows where he is." Dahan-dahang lumubog ang tiyan ko. Iniwan niya ako? Sa mismong araw ng kasal namin… naglaho si Daniel?! Tumawa ako nang mapait. Hindi ko alam kung maiinis ba ako, magagalit, o matutuwa. Habang nagkakagulo ang lahat, nanatili akong nakatayo sa gilid, tinatanaw ang altar na dapat ay papalapitan ko kanina. Pero heto ako, walang groom. Wala si Daniel. Iniwan niya ako. Dapat ba akong matuwa? "Cassandra." Napalingon ako sa boses na iyon. Si Sebastian. Nakatayo siya sa likuran ko, nakasuot ng itim na tuxedo. Matikas, matangkad, at kagaya ng dati, may presensya siyang hindi mo basta-basta matatakasan. Pero ang ikinagulat ko… Siya lang ang mukhang hindi nagulat sa nangyari. Tinitigan niya ako, saka siya nagsalita. "Do you still want this wedding to happen?" Nanlaki ang mata ko. "What do you mean?" Dahan-dahang lumapit siya sa akin, walang bahid ng pagkataranta sa mukha. Tila ba matagal na niyang pinag-isipan ang susunod niyang sasabihin. "Ayaw mong mapahiya ang pamilya mo, hindi ba?" aniya. "Ayaw mong masira ang merger. Ayaw mong masira ang pangalan mo." Napakurap ako. Tama siya. Kung hindi matutuloy ang kasal, malaking eskandalo ito. Magkakaroon ng malaking gulo sa pagitan ng dalawang pamilya. "So, I’ll ask you again, Cassandra." Bumaba ang boses niya, halos isang bulong na lang sa pagitan naming dalawa. "Do you still want this wedding to happen?" Hindi ko alam kung paano ako nakapagsalita. "Yes." Nagtagpo ang tingin namin. At sa sumunod na segundo… Seryoso, walang pag-aalinlangan, at diretsong sinabi ni Sebastian ang hindi ko inakalang maririnig ko. "Then I will marry you."Cassandra Dela Vega's POV Hindi ko maipaliwanag ang tibok ng puso ko habang binabaybay namin ni Sebastian ang kahabaan ng Ortigas Avenue. Nasa passenger seat ako, nakatitig sa basang salamin ng kotse habang dinadaanan namin ang mga gusaling tila walang pakialam sa mundo—samantalang ako, pakiramdam ko ay parang bumabaliktad ang lahat sa paligid ko.Kanina lang, habang nasa boardroom kami para sa quarterly financial review ng Alcantara Hotels, tumunog ang isa sa mga phone lines ni Sebastian—isang secure line na ginagamit lamang kapag may sensitibong transaksyon o impormasyon."Unknown number," he murmured, habang sinusulyapan ito."Answer it," I said almost instinctively, not knowing it would be the start of something terrifying.Sinagot niya ang tawag at agad itong pinunta sa speaker. Isang malamig at pormal na boses ng babae ang narinig namin."Mr. Alcantara. Miss Dela Vega. I have information you might want to hear. It’s about your father… and Daniel’s death."Napatingin ako agad ka
Cassandra Dela Vega's POV Walang kapantay ang kaba na nararamdaman ko habang binubuklat ko ang mga lumang records ng kompanya. Nasa archive room ako ng Alcantara Group of Companies habang si Sebastian ay nasa isang closed-door meeting kasama ang legal team. Pareho kaming walang tigil sa paghahanap ng katotohanan. Hindi kami naniniwalang nag-suicide si Daniel. He wouldn’t just end his life like that. Not after everything we discovered, not after everything he finally fought to face.Matagal kaming hindi nagkita ni Sebastian dahil sa sunod-sunod na meetings at usaping legal tungkol sa posisyon ng CEO. Pero matapos ang pagkamatay ni Daniel, tila mas lalong naging personal ang laban para sa amin. This wasn’t just about corporate power anymore. It was about justice.And justice, for me, means peeling every layer of lie that surrounded this family.“Ate Cass,” tawag ni Alyssa, isa sa mga interns na in-assign ko para tumulong sa paghalukay ng dating mga project files. “May nakita po akong n
Cassandra Dela Vega's POV Abala ako sa pagta-type ng monthly performance report ng marketing department nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa gilid ng desk. Mabilis kong kinuha iyon, at agad kong kinilala ang pangalan sa screen—Sebastian. Napangiti ako. Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita. Pareho kaming abala. Siya sa board meetings at sa pressure ng leadership, ako naman sa deadlines at brand proposals. Pero sa kabila ng lahat, mahalaga pa rin sa akin ang kahit sandaling tawag mula sa kanya. Pakiramdam ko, sa gitna ng kaguluhan sa mundo, siya lang ang katahimikan kong puwedeng uwian. Kaya't hindi na ako nagdalawang-isip. “Hey,” bungad ko, pilit tinatago ang pananabik sa boses ko. Pero agad ding napawi ang ngiti ko nang marinig ko ang tonong bumungad mula sa kabilang linya. “Cassandra…” basag at mabigat ang boses niya. Iba sa karaniwang kalmadong Sebastian na alam ko. Iba ito—parang may kinikimkim, parang punô ng pangamba. Napakunot ang noo ko. “Sebastian, what’s w
Cassandra Dela Vega's POV Buong araw, tahimik lang ang opisina. May mga pagkakataong napapatitig ako sa pinto ng opisina ni Sebastian, pero nananatili iyong nakasara. Walang anino ng presensiya niya sa loob. Wala ring text. Walang tawag. Walang balita. Ilang araw na siyang hindi pumapasok, at kahit ang mga tauhan niya ay halatang nag-aalalang hindi makatingin ng diretso kapag napapadaan ako sa hallway.It’s been an another week. A whole week without Sebastian.Alam kong abala siya sa pagliligtas sa posisyon niya bilang CEO, lalo pa’t halos lamunin siya ng mga board members noong huling meeting. Nabalitaan kong sunod-sunod ang mga closed-door discussions sa head office. Confidential, highly sensitive matters. And at the center of all that? Sebastian Alcantara—my Sebastian.Ako, heto pa rin. Working. Breathing. Trying. Pero may bahagi sa akin na hindi mapakali. Parang kahit anong gawin kong productive na kilos, hindi buo ang araw kapag hindi ko siya nakikita. Ganoon na ba talaga ako ka
Cassandra Dela Vega's POV Isang linggo na ang lumipas, pero ni anino ni Sebastian, hindi ko pa rin nakita. Hindi ko alam kung mas nakakabaliw ang katahimikan ng bahay o ang pag-iwas niya sa akin. Oo, naiintindihan ko. Alam kong abala siya sa Alcantara Group—lalo na ngayong may banta si Daniel sa posisyon niya bilang CEO. Pero hindi ba… ako ang asawa niya? Hindi ba dapat, kahit papaano, ay kinukumusta niya ako? Kahit isang mensahe lang? Kahit isang tawag? Huminga ako nang malalim habang pinagmamasdan ang mga patak ng ulan na marahang humahalik sa salamin ng bintana sa kwarto namin. I had always found comfort in the rain. It felt like the sky was crying the tears I didn’t know I was holding. Ilang beses ko nang tinangka siyang tawagan pero laging unreachable. And it wasn’t like him. Hindi siya kailanman naging ganito—distant, cold, unreachable. I turned away from the window, walked towards the dresser, and picked up the small velvet box he once gave me. The engagement ring shimmer
Sebastian Alcantara's POV The night was cold, but my blood was boiling. Sitting behind my mahogany desk, I stared at the cityscape beyond my office window. The towering skyscrapers stood tall, a testament to the power and ambition that ruled this world. My world. But now, everything I built was at risk. The board wanted me gone. The investors were uneasy. And my so-called family—the same people who raised me, the ones I fought for—were the ones leading the charge to rip everything away from me. Daniel. His name was like a blade against my throat, pressing harder with each passing day. He was the rightful heir, they said. The true Alcantara? Pareho lang naman kaming walang dugong Alcantara. Anak siya ng ama ni Cassandra. A man who had no experience, no vision, no battle scars to prove his worth—yet they were ready to hand him the throne. I scoffed. Let them try. My fingers tapped rhythmically against my desk as I reviewed the reports in front of me. Every financial statement