Share

Chapter 4

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-02-10 08:31:53

Cassandra Dela Vega's POV

Hindi ako makagalaw.

Parang tumigil ang oras matapos sabihin ni Sebastian ang mga salitang iyon.

"Then I will marry you."

Nanginginig ang kamay kong nakakapit sa laylayan ng gown ko. Ang dibdib ko, mabilis ang pagtaas-baba habang pilit kong inuunawa kung ano ang nangyayari.

Sa paligid namin, unti-unting humina ang bulungan ng mga bisita. Ang ilan sa kanila ay nagulat, ang iba naman ay parang hindi makapaniwala.

Si Daddy? Tahimik siyang nakatitig kay Sebastian, pero kita ko sa mga mata niya ang mabilis na pagproseso ng sitwasyon.

Si Mommy? Halos hindi na makahinga sa kaba.

At ako?

Ako ang babaeng dapat ikakasal ngayon, pero sa hindi ko inakalang groom.

Napalunok ako.

"S-Sebastian…"

Pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataong magtanong.

Mabilis siyang lumingon kay Daddy at diretsong sinabi, "Ako ang papalit kay Daniel."

Tahimik ang buong simbahan.

Tila ba walang gustong magsalita.

Si Daddy lang ang mukhang hindi nagulat. Parang inaasahan na niya ito.

Tumingin si Sebastian sa akin. "Cassandra, you said you still want this wedding, right?"

Hindi ako agad nakasagot. Pero alam kong wala na akong ibang pagpipilian. Alam kong hindi ako pwedeng umatras, hindi matapos ang lahat ng ito.

Kaya kahit gumuguho ang mundo ko, kahit hindi ko alam kung paano ko kakayanin ito—ang lumabas lang sa bibig ko ay isang mahinang…

"Yes."

Sa sandaling iyon, alam kong wala nang atrasan ito.

Ang kasal na dapat ay para kay Daniel…

Ngayon ay magiging kasal namin ni Sebastian.

***

Hindi ko na alam kung paano ako nakalakad papunta sa altar. Hindi ko na alam kung paano ako umabot sa harapan ng pari, kung paano ko naiangat ang tingin ko kay Sebastian, kung paano ko napigilan ang mga luha ko.

Pero narito na ako ngayon.

Siya ang kaharap ko. Siya ang magpapakasal sa akin.

Ang lalaking minsan kong minahal. Ang lalaking minsan akong iniwan.

Tinitigan ko siya. Gusto kong hanapin ang sagot sa mga mata niya, gusto kong malaman kung bakit niya ginagawa ito. Pero walang kahit anong emosyon sa mukha niya.

Wala siyang galit. Wala siyang lungkot. Wala siyang saya. Parang isa lang itong ordinaryong transaksyon para sa kanya.

Bakit niya ginagawa ito?

Pero hindi ito ang oras para magtanong.

"Simulan na natin ang seremonya," sabi ng pari.

At doon, tuluyan kong naramdaman ang bigat ng sitwasyon.

Ako si Cassandra Dela Vega.

At sa loob ng ilang minuto…

Magiging asawa ko na ang lalaking minsan akong sinaktan.

Habang nagsasalita ang pari, unti-unting bumigat ang loob ko. Pero ang tunay na dagok, ang tunay na dagundong sa puso ko, ay nang marinig ko ang pinakaimportanteng bahagi ng seremonya.

"Sebastian Alcantara, do you take Cassandra Dela Vega to be your lawfully wedded wife?"

Mabagal siyang huminga.

Alam kong kaya niyang umatras. Pero hindi siya umatras. Diretso siyang tumingin sa akin, at sa unang pagkakataon, may nakita akong kakaiba sa mga mata niya.

Isang bagay na hindi ko mawari. Isang bagay na nagpakaba sa akin.

"I do."

Isang iglap, parang gumuho ang mundo ko.

Napalunok ako.

"Cassandra Dela Vega, do you take Sebastian Alcantara to be your lawfully wedded husband?"

Hindi ko alam kung paano ako nakasagot. Pero alam kong wala na akong ibang pagpipilian.

"I do."

At sa pagbigkas ng dalawang salitang iyon…

Alam kong hindi ko na mababawi ang lahat. Alam kong ito na ang umpisa ng isang bagay na hindi ko inakala.

Ngayon…

Ako na ang asawa ng lalaking minsan akong iniwan.

"You may now kiss the bride."

Parang isang malakas na hampas ng alon ang salitang iyon sa utak ko. Para akong natuklaw ng lamig, hindi makagalaw, hindi makahinga.

Mula sa altar, natigilan ako, nakatitig lang kay Sebastian. Ramdam ko ang bigat ng mga matang nakatingin sa amin—mga bisitang nag-aabang, nagtataka, at siguro ay nag-uusap-usap sa likod namin.

Pero sa lahat ng naroon, isa lang ang hindi natinag.

Si Sebastian.

Tahimik siyang humakbang palapit sa akin, ang kanyang presensya ay nagdulot ng kakaibang init sa malamig kong katawan.

Bawat segundo, bawat hakbang niya ay parang nagpapabagal sa mundo.

Hanggang sa naramdaman ko ang kamay niya sa baba ko, marahan niyang inangat ang mukha ko para salubungin ang tingin niya.

Diyos ko.

Ang lalim ng titig niya.

Para bang may isang bagay siyang gustong iparating. Isang bagay na hindi ko maintindihan.

Napalunok ako. Hindi ko ito inisip. Hindi ko ito inasahan. Hindi ko ito ginusto. Pero nandito na ako.

Sa harap ng Diyos, sa harap ng pamilya namin, sa harap ng lahat ng taong nag-aabang.

Walang atrasan.

Bago pa ako makapag-isip ng paraan para umiwas—dumampi ang labi niya sa labi ko.

Isang halik na dapat ay pang-show lang, pero bakit parang… totoo?

Bakit parang sa halip na isang kasunduang halik, may kung anong nakakapasong init ang dumaloy sa akin?

Nanlaki ang mga mata ko.

Napapikit siya.

Sa loob ng ilang segundo, nakalimutan ko ang lahat. Nakalimutan ko na dapat wala akong maramdaman. Nakalimutan ko na hindi ako dapat mahulog ulit. Nakalimutan ko na si Sebastian Alcantara ang unang lalaking bumasag sa puso ko.

Hanggang sa biglang bumitaw si Sebastian.

Doon ako tuluyang natauhan.

Nilingon niya ang mga bisita, saka ngumiti nang tipid. Wala siyang emosyon, parang walang nangyari.

Dahan-dahang bumaling ulit siya sa akin. May ibinulong siya, isang bagay na ako lang ang nakarinig.

"This is just the beginning, Cassandra."

***

Hindi ko alam kung paano ako nakaalis ng simbahan.

Parang nasa autopilot ang katawan ko habang bumabati sa mga bisita, habang nakikipagkamay sa mga taong ni hindi ko alam kung sino.

Lahat sila, nagtataka pero hindi nagtatanong. Lahat sila, nakangiti pero halatang gustong malaman kung ano nga ba ang nangyari?

Si Daddy at Mommy? Hindi nagreklamo. Hindi rin nagtanong.

Mukhang masaya sila. Mukhang masaya rin ang pamilya Alcantara.

Kasi sa kanila, wala namang talo.

Hindi natuloy ang kasal kay Daniel?

Okay lang, dahil si Sebastian naman ang pumalit.

Business as usual.

Pero ako?

Pakiramdam ko, hindi ako kasali sa sariling kwento ng buhay ko. Parang isang manika na pinagalaw lang sa isang scripted na palabas.

Habang nakaupo ako sa loob ng wedding car, tulala lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Hanggang sa maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Nag-angat ako ng tingin.

Si Sebastian.

Tahimik lang siyang nakatingin sa akin. Wala pa ring emosyon. Wala pa ring kahit anong reaksyon. Pero may isang bagay sa mga mata niya na hindi ko mabasa. Kahit anong pilit ko. Kaya bago pa ako mahulog sa illusion na baka may natitira pang koneksyon sa amin, mabilis kong binawi ang kamay ko.

Alam kong napansin niya iyon, pero hindi siya nagsalita.

Nanatili lang kaming tahimik sa buong biyahe. Pero kahit wala siyang sinasabi…

Ramdam ko. Ramdam kong may paparating. Ramdam kong may mga lihim na hindi ko pa alam. Ramdam kong sa isang iglap…hindi na ako makakatakas.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Brother's Bride   WAKAS

    Cassandra Dela Vega’s POVMatapos ang ilang buwang pagod, luha, at takot, unti-unti nang bumalik sa normal ang lahat. Wala na si Daddy, nakulong na ang mga taong gumawa ng kasamaan, at sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, nakahinga na rin ako nang maluwag. Tahimik na ang bahay, walang mga sigawan, walang mga tawag na nakakapagpabigat ng loob.Ngayon, si Sebastian ay muling nakabalik sa Alcantara Group. Hindi na siya binabatikos ng board. Sa katunayan, bumalik ang tiwala ng mga investors dahil nakita nilang siya ang totoong may kakayahan mamuno. Ako naman, sa wakas ay nakakapagpahinga na bilang asawa niya. Hindi na kailangan ng pagdududa o takot.Nasa balcony kami ng bahay habang iniinom ko ang kape ko. Lumabas si Sebastian mula sa loob ng kwarto, suot ang simpleng white shirt at slacks. “You’re up early,” sabi niya habang nilalapit ang sarili sa akin.“Hindi ako makatulog,” sagot ko. “Sanay pa rin yata ang katawan ko sa mga araw na puro abala tayo sa kaso.”Ngumiti siya at naupo

  • His Brother's Bride   Chapter 65

    Cassandra Dela Vega’s POV Hindi ko na mabilang kung ilang gabi akong hindi nakatulog sa pag-aalala. Mula nang malaman namin na may nagtangka na sirain ang ebidensya, halos hindi na ako mapakali. Kasama ko si Sebastian araw-araw sa pag-asikaso ng mga dokumento at sa pagtiyak na bawat kopya ng recording ay may backup na hindi basta-basta mawawala. “Cass, nakumpirma na ng abogado. The audio files have been secured in three different encrypted drives,” sabi ni Sebastian habang naglalakad kami palabas ng opisina ng abogado. “One’s with the prosecutor, one’s with our team, and one’s with the court. Walang makakagalaw doon nang hindi napapansin.” Huminga ako nang malalim. “I hope so. Ayokong masayang lahat ng pinagdaanan ni Daniel… ni Vivian. If that evidence disappears, everything will fall apart.” Sebastian placed a hand on my back. “It won’t. We’ve come too far to lose now. Tomorrow’s the hearing. This is it, Cassandra. Justice will finally be served.” Pagdating ng kinabukasan, napuno

  • His Brother's Bride   Chapter 64

    Cassandra Dela Vega's POVHindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Matapos maaresto si Daddy at si Edward Laurel, tila bumigat ang hangin sa bawat sulok ng tahanan namin. Ilang taon akong lumaking may takot at respeto sa ama ko—pero ngayon, iba na. May galit na akong hindi ko na kayang itago.Nasa conference room kami ng abogado namin, kasama si Sebastian at si Vivian. Tahimik ang paligid habang hinihintay namin ang update mula sa legal team. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko, lalo na’t alam kong anumang oras ay magsisimula na ang preliminary hearing.“Cass…” mahinang tawag ni Sebastian habang nakahawak siya sa kamay ko. “Are you okay?”Tumango ako, bagaman halatang pilit. “I’m trying to be,” sagot ko. “Hindi pa rin ako makapaniwala na kaya ni Dad ‘yon. Na papayag siyang patayin si Daniel… para lang sa pangalan ng pamilya.”“Greed can make people do terrible things,” sagot niya. “But we’re doing the right thing now. At least Daniel will finally get the justice he deserves.”Tahi

  • His Brother's Bride   Chapter 63

    Cassandra Dela Vega's POV Hawak ko ang kamay ni Sebastian habang naglalakad kami papasok sa custodial center. Naka-face mask ako, pero alam kong kahit gano’n, halatang nanginginig ang labi ko. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o sa bigat ng lahat ng nangyari.Hindi ko alam kung handa na ba talaga akong makita ulit ang ama ko — ang taong itinuring kong haligi ng buhay ko, pero siya rin pala ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid ko.“Are you sure you want to do this?” tanong ni Sebastian habang huminto kami sa tapat ng pintuan ng interrogation room.Tumingin ako sa kanya. “I need to. Kailangan kong marinig mismo mula sa kanya kung bakit niya nagawa ‘yon. I deserve to know.”Tumango siya, pero hindi niya binitiwan ang kamay ko. “Then I’ll be here. I won’t let you face him alone.”Binuksan ng pulis ang pinto, at unti-unti akong pumasok. Nasa loob si Don Romano, nakasuot ng detainee uniform, tahimik na nakaupo. Walang bakas ng hiya o takot sa mukha niya. Parang normal lang.Pagkakita

  • His Brother's Bride   Chapter 62

    Cassandra Dela Vega's POV Nasa conference room kami nina Sebastian, Atty. Morales, Jenny, at Vivian nang dumating ang tawag mula sa piskal. Tahimik kaming lahat habang nakikinig. Ilang minuto lang ang usapan, pero ramdam ko ang tensyon sa bawat segundo. Nang ibaba ni Atty. Morales ang telepono, diretso ang tingin niya sa amin.“Na-issue na ang warrant of arrest laban kay Don Romano Dela Vega at kay Edward Laurel,” mariin niyang sabi. “Both for murder and obstruction of justice.”Parang biglang lumiwanag ang paligid. Hindi ko napigilan ang malalim na paghinga ko, habang si Sebastian ay mariin ang pagkakahawak sa kamay ko.“So it’s final,” sabi ko, mahina pero malinaw. “They will finally face the law.”“Yes,” sagot ni Atty. Morales. “And the best part—operatives already moved. Hinuli na sila.”Napatayo si Sebastian. “Are you serious? Wala nang delay?”“Wala nang delay,” ulit ni Atty. Morales. “They were arrested earlier today. Dinadala na sila ngayon sa custodial center.”Hindi ko mapi

  • His Brother's Bride   Chapter 61

    Cassandra Dela Vega's POV Lumakad ako nang dahan-dahan papasok sa maliit na apartment na kinaayunan namin bilang safehouse. Mainit ang ilaw sa loob, tahimik ang paligid. Nandoon na sina Sebastian at Atty. Morales; nakaayos ang table namin na may mga folder, laptop, at mga tila hindi mapigilang takot sa mga mata nila. Nakita ko rin si Jenny—nakaupo sa couch na may hawak na warm cup; mukhang hindi pa rin makapaniwala sa ginagawa niya.“Vivian’s here,” sabi ni Sebastian sa papasok ko. Naglakad kami papunta sa sala. Nang buksan ng receptionist ang pinto, nakita ko si Vivian na nakatayo sa threshold. Nakasuot siya ng simpleng blouse at trousers; mukha niya ay maputla, at nanginginig ang mga kamay. Pero lumalakad siya nang diretso, hindi tumitingin sa amin nang hindi niya kinakailangan.Huminto siya at tumingin sa akin. “Cassandra,” mahina ang boses niya. “Thank you for meeting me.”Hindi ko agad sinagot. Inayos ko muna ang sarili ko. “You came,” sabi ko. “You said you wanted to testify. I

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status