HALOS wala sa sariling pinanood ko lamang ang pagpapalitan ng suntok ni Raul at Cean. Parehong duguan ang mukha ng mga ito. Pero kahit ganoo'y walang nagpapaawat sa dalawa.
"Stop!" narinig kong sigaw mula sa aking likuran. "Both of you stop!" ulit nito.
Mabilis akong lumingon. Ngunit tila parang sa pelikulang bumagal ang lahat nang makita ko ang taong sumigaw niyon. Nakasuot siya ng bestidang puti, may benda sa noo at may hawak na baril na palipat-lipat ang tutok sa dalawang nagpapambuno.
Unti-unting tumulo ang mga luha ko. Kasabay niyon ang tila pagkahilo dahil sa mga alaalang pilit sumisiksik sa utak ko.
Ang maamo niyang mukha. Ang mapipilantik niyang mga pilikmata, matangos na ilong at manipis na mga labi. Hindi ako makapaniwala sa nakikita.
"Stay away, Moreen!" mariing sigaw ni
ISANG malalim na buntong-hininga ang aking ginawa bago naupo sa harap ng puntod ni Mommy at Daddy. Pagkaalis ko sa resort ay dito kaagad ako dumiretso.Alas-otso na ng gabi. Malamig ang hangin na bumabalot sa katawan ko."Mom, Dad." napipiyok kong sabi habang nanginginig ang mga kamay na humahaplos sa kanilang lapida. "Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ganito ang nangyayari? Bakit lahat sila niloloko ako?"Walang tigil sa pag-agos ang aking mga luha. "Si Ate, buhay si Ate Mommy. Hindi ko alam kung paanong nangyari pero Mommy, bakit hindi ako masaya?"Hinayaan kong lamunin ako ng aking emosyon. Sa pagkakataong ito, muli kong pinakawalan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. They betrayed me, na para bang isa lang itong laro at ayos lamang ang mandaya't manloko. "Dad, your filthy evil best friend was the reason kung bakit nagkakaganito ako ngayon!" galit kong sigaw.&nb
"I THOUGHT...you were.." sabi na Raul na parang hindi maituloy ang sasabihin.Ano bang dahilan niya? Iyon ang nagpapagulo sa isipan ko dahil wala naman akong kinalaman sa pagkamatay ng Mommy niya."I thought you were his...""..his daughter? Iyon ba Raul?" patuloy ko sa gustong sabihin ni Raul.Bakit nga ba hindi pumasok sa isip ko ang bagay na iyon. The way he looked at me noong nahulog ang Mommy niya sa hagdan. Tingin na para bang may kasalanan rin ako sa nangyari.Isang buntong-hininga ang ginawa niya bago ako tinitigan sa mga mata. "Malaking pagkakamali na inisip ko iyon." sagot niyang ikinatawa ko ng pagak."Pero nagawa mo pa rin. Pinagmukha mo akong tanga!""Alex, hindi iyon ang gusto kong mangyari. Maniwala ka man o hindi, totoo ang mga ipinakita ko sa iyo!" matigas niyang sabi habang hawak ako sa magkabila balikat.
NANLALAKI ang mga matang napatitig ako sa lalaking nasa harap ko. Magulo ang kaniyang buhok, maluwang ang suot na damit na may mantsa ng dugo. Mula sa kaniyang ulo ay dumausdos ang kulay pulang likido pababa sa kaniyang mukha."No..." naiiyak kong sabi habang pilit na lumalayo. Pero tila napakabagal kong kumilos. Halos mapasigaw ako nang marahas niyang hablutin ang aking buhok.Mahigpit na sakal ang isinalubong niya sa akin. "Papatayin kita!" sigaw niya sa akin. Walang habas sa pagtulo ang aking mga luha. Hindi ako makahinga.Hanggang dito na lang ba ako?Hindi....Ayaw kong sa ganitong paraan mamatay."Alex!" sigaw na mula sa malayo. Parang gusto kong abutin ang taong iyon."Alex!""Alex wake up!" malakas na sigaw at pagyugyog s
PASIMPLE kong inilibot ang tingin sa buong conference room. Katatapos lamang akong ipakikilala ni Maximo sa mga directors at iba pang partners ng Saavedra. Ilan rin sa mga empleyado'y nasa loob. Ang iba nama'y nasa labas at malayang napapakinggan ang bawat sinasabi ni Maximo.Pigil na pigil ko ang sariling tingnan nang matalim ang bawat mukhang nasa harap ko. May oras din sila. Iisa-isahin ko sila at ipaparanas ko kung gaano kasakit ang pagmukhaing tanga sa harap ng maraming tao."As we all know malaking dagok sa buhay ko ang nangyari sa pamilya ko. Sana maintindihan ninyo iyon. May mga pagkakataong wala ako rito, pero hayaan ninyo't hindi naman ako mawawalan ng pakialam sa kompaniyang ito. Salamat sa...." marahan akong lumunok. Mabilis kong ikinurap-kurap ang aking mga mata."Alex, its okay. Hindi mo na kailangang habaan—.""Ayos lang Tito Max. Naalala ko lang kasi ang nangyari kina Dadd
"BUT, seriously, you need to be careful. Hindi lahat naaayon sa plano mo Alex." seryosong sabi ni Raul pagkatapos niyang tumawa nang pagkalakas-lakas."I know what I'm doing." sagot ko na lamang bago muling hinarap ang laptop.Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Raul. Pasimple ko siyang sinulyapan. Pero halos mamula ako nang makitang nakatitig siya sa akin."What?" takang tanong ko."May bigla lang dumaan sa isip ko." sagot niyang nagdala ng lamig sa buo kong katawan. "Tungkol sa isang importanteng tao sa buhay mo, Alex.""What do you mean?" tanong kong parang biglang naintriga."Maliban kay Maximo, may isa ka pang kalaban." Bigla akong nanlamig. "Kasabwat siya ni Maximo. Ayaw ko sanang sabihin sayo dahil alam kong hindi mo kakayanin.""Sino?"—MATALIM ang mga matang nakatitig ako sa screen ng laptop. Walang paglagyan ang galit at puot sa puso ko. Nag-uumapaw, na parang gusto nang sumabog.
WHAT the hell happened just now?Hanggang sa makasakay kami sa kotse'y hindi pa rin umaayos ang magulo kong pag-iisip. Tila nagsama-sama na ang lahat. Para akong mababaliw."I need answers!" Mariin kong sabi sa dalawang lalaking kasama ko. Panaka-naka ko silang sinusulyapan habang nagmamaneho ako. Pareho silang may iniinda kaya ako na lamang ang nagmaneho."Aabutin ako ng kamatayan kapag nagpaliwanag kami ngayon. Dalhin mo muna kami sa hospital Alex." Salubong ang kilay na sabi ni Akio.Huminga ako nang malalim bago sumulyap sa katabing si Raul. "Ikaw! Malayo sa bituka iyang tama mo, magsalita ka!" inis kong sabi kay Raul.Seryosong tumingin siya sa akin. Pagdaka'y ngumiti nang matamis bago ipinikit ang mga mata. "We'll explain later. Tama si Akio, babe. Dalhin mo muna kami sa hospital. Kasalanan mo rin naman kung bakit dumating sa ganitong punto." nakangising sabi niya sa akin. Nakuha niya pa talaga akong sisihin? Mga hayop na 'to!"Huwag m
MARAHAN akong umalis sa pagkakayakap kay Raul. Hindi ko na talaga kaya ang pananakit ng tiyan. Kanina pa nagrereklamo ang sikmura ko."Where are you going?" Muntik na akong mapatalon nang biglang hawakan ni Raul ang aking kamay.Nanghihina ang tuhod na napaupo ako sa kaniyang kama. "Kanina pa ako nagugutom. Sasaglit lang ako sa labas, baka may bukas na nang ganitong oras." sagot ko habang nakatingin sa relong pambisig. Alas-kuwatro na nang umaga. Hindi ko na talaga matiis ang gutom.Mapatitig ako kay Raul nang halikan niya ang aking kamay. "Mag-ingat ka, bumalik ka kaagad pagkatapos mo." may ngiting sabi niya bago pinakawalan ang aking kamay."I will." sagot ko na lamang bago tuluyang lumabas sa kaniyang kuwarto.Walang gasinong tao sa hallway ng hospital. Kung matatakutin lang ako'y baka kumaripas na ako ng takbo. Pagdating ko naman sa lobby ay marami-rami na akong namamataang mga bagong dating. Ang iba'y paseyente ang iba nama'y mga bantay na sag
MALAKAS na ibinalibag ko ang hawak na baso. Nagkalat sa sahig ang mga bubog pati na rin ang natapong alak. "Anong ibig mong sabihin?!" "B-Boss." nahihintakutang sabi ng isa sa mga tauhan ko. "Nakita na lang po namin na wala na siyang buhay sa bahay na tinutuluyan niya. Mga dalawang araw na po siguro siyang walang buhay. Wala rin po doon si Raul." Isang malakas na sapak ang binigay ko sa kaniya. Nagngangalit ang ngiping sinakal ko ang kaharap. "Nasaan ang mga anak ko?! Nasaan si Moreen?! Nasaan si Rafael?!" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kaniya. Wala akong pakialam kung tumutulo man ang dugo sa kaniyang ilong. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makita ko si Moreen at Rafael. "Boss! Nariyan na po ang bangkay ni Ma'am Moreen." anunsiyo ng k