Justice and revenge. Iyon lang ang nasa isip ni Alexandria hanggang sa tumuntong siya sa edad na bente-sais. Desi-otso anyos siya nang magulantang siya sa kaniyang nasaksihan sa mismong tahanan nila. Pinatay ang Mommy at Daddy niya habang ang kaniyang kapatid naman na babae ay walang sawang inangkin at binaboy. Dahil sa kagustuhang maipaghiganti ang pamilya. Nakilala niya si Raul. Ang dahilan ng unti-unting paglimot niya sa nakaraan. Ang lalaking nagpagulo sa natutulog niyang puso. Pero bato naman pagdating sa salitang pagmamahal. Isang bagay ang nalaman niya tungkol sa binata. Isang bagay na naging dahilan para muling sumibol ang galit, poot, at pagkamuhi sa kaniyang puso.
View More"Mom! Dad! I'm home!" Sigaw ko habang inilalapag ang aking bag sa sofa.
"Mommy?!" Sigaw ko ulit nang walang sumagot sa akin. That's new, everytime I got home from school lagi nila akong sinasalubong. Pero bakit parang iba ngayon? Parang ang tahimik yata? "Manang, nasaan sila Mommy?" Pagtawag ko sa aming mayordoma. Kahit ang mga kawaksi ay wala. Naiinis na ako. Hindi ako natutuwa sa ganitong biro.
"Ate?!" Naiiritang tawag ko sa aking Ate Moreen.
"What the hell is wrong with them?" Takang tanong ko sa sarili bago naglakad papunta sa kusina. I'm thirsty. I need water—nah, I want orange juice.
I was about to enter the kitchen when I heard moans. I'm already eighteen years old and I'm not that innocent when it comes to those things. And you know what I'm talking about.
"Are they really doing that right now?" Takang tanong ko sabay pasok sa kusina. Hindi ko na lamang pinansin ang mga ungol galing sa taas. I'm sure nakalimutan lang nila Mommy saraduhan yung pinto nang kwarto nila.
"Fuck!!!" Sigaw na muntik nang makapagpatalon sa akin. Mabilis kong ibinaba ang pitsel ng tubig bago inisahang lagok ang tubig sa baso.
"What the hell!" Hindi makapaniwalang bulalas ko sabay punta sa lababo. Pero ganoon na lamang ang hindik na naramdaman ko. Nabitiwan ko ang aking hawak. Pumailanlang ang ingay ng baso nang malaglag iyon sa sahig.
"W-Wait, no! N-No! M-Mommy?!" Nauutal na sabi ko habang nakatingin sa aking ina na nakahandusay sa lapag at naliligo sa sariling dugo. "Oh God, no! Mommy! Wake up! Mom! Prank ba 'to? Mommy hindi nakakatuwa!" Humahagulgol na sabi ko sabay hawak sa kamay ni Mommy. Lalo akong napahagulgol nang maramdaman ko ang lamig niyon. Bakit?! Anong nangyayari?!
"Fuck you!" Muling rinig ko sa sigaw mula sa second floor.
"Ate?" Mahinang sabi ko sabay takbo papunta sa taas. Hindi ko alam kung paano ko natakbo ang grand staircase. Lagi akong nagrereklamo sa tuwing pumapanhik-panaog ako sa kuwarto. Pero ngayon, tila hindi ko naramdamang tinahak ko ang hagdanan. Nang makarating sa second floor ng aming bahay ay nakita ko ang bukas na kwarto ni Mommy at Daddy.
"Oh no, Dad?" Halos bulong na sabi ko bago pumasok sa nakabukas na pinto. Napapikit na lang ako nang mariin at napatakip sa aking bibig nang makita ko si Daddy sa kama. Nakadapa, may dugo sa uluhan nito. Wala nang buhay.
Can someone tell me what is happening?! This is not funny at all!
"Tama na! Patayin niyo na lang ako!" Narinig kong sigaw ni Ate mula sa kaniyang kwarto.
"Patience Sweetheart, darating tayo riyan. Pero ngayon, papatayin ka muna namin sa sarap!" Nangilabot ako nang marinig ko ang boses na iyon, parang galing sa hukay. Nakakatakot. Gusto ko na lang kumaripas ng takbo para maisalba ang sarili. Pero paano si Ate?
"Gago ka! Napakahayop niyo!" Halos wala nang boses na sigaw ni Ate Moreen.
"Ang totoo niyan, mas hayop si Roman. Utos niya ito kaya siya ang sisihin mo!" Sabi ng lalaki sabay halakhak. Tahimik na kinuha ko ang baseball bat sa kuwarto ni Dad. Iyon lang ang alam kong pwedeng maging pansalag kong aatakihin ako ng isa man sa mga taong gumawa nito sa pamilya ko.
Tahimik na naglakad ako papunta sa kwarto ni Ate. Maingat kong binuksan ang pinto ng kaniyang kwarto. Noon ko nakita ang isang pangyayaring ni minsan ay hindi ko inakalang mangyayari sa isa sa pamilya ko. Nakahiga si Ate Moreen sa kama habang nakatali ang dalawang kamay at mga paa. Nasa ibabaw niya ang isang lalaking medyo may edad na at walang sawang inaangkin si Ate.
I want to help her. Pero isang iling ang natanggap ko kay Ate nang magtama ang mga mata namin. Umiiyak na umiling rin ako bilang sagot. Kailangan ko siyang iligtas, siya na lang ang meron ako!
"No! Run!" Sigaw niya sa akin nang akmang lalapit ako para hampasin ng baseball bat ang isa sa mga bumababoy kay Ate.
"Run Alex! Iligtas mo na ang sarili mo!" Umiiyak na sabi ni Ate kaya bigla kong nabitiwan ang aking hawak at napatakbo palabas.
"Ruel habulin mo iyon!" Rinig kong sigaw ng isa sa kanila. Mabilis kong kinuha ang aking bag at muling tumakbo. Napahinto ako nang makarinig ako nang putok ng baril. Tila itinulos ako sa kinatatayuan dahil sa sobrang takot. If this is a dream, please, wake me up.
"Ayun! Bilis, habulin niyo! Malilintikan tayo nito kay Boss kapag nakatakas si Alex!"
Nang marinig ko ang boses ng mga humahabol sa aki'y pinilit ko ang sariling makalapit sa kotse. Kahit na nanghihina ang aking mga tuhod dahil sa takot ay nagawa kong sumakay sa nakaparada naming sasakyan. Napatili pa ako nang makitang wala nang buhay ang driver namin na siyang sumundo sa akin sa school. Sariwa pa ang dugong umaagos sa leeg nito.
"M-Mommy, I'm scared!" Mariing bulong ko sa sarili habang pilit hinihila palabas ang aming driver. Nang matapos ko itong mailabas ay kaagad akong naupo sa driver's seat. I don't know how to drive. Pero wala naman akong magagawa. Kailangan kong makalayo para mailigtaa ang sarili.
Mahaba na ang itinakbo ng sasakyang minamaneho ko. Pa-zigzag ang takbo ng sasakyan. Mabuti na nga lang at walang gasinong sasakyan akong nakakasalubong.
Muli akong napaiyak. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung saan ang police station na malapit. Sana pala hindi ko sinanay ang sarili na school at bahay lang ang alam. Ngayon nahihirapan ako kung paano makakapunta sa mga awtoridad.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela. "Aalis ako ngayon, pero babalik ako para pagbayarin kayo! Magbabayad kayo! Papatayin ko rin kayo gaya nang ginawa niyo sa pamilya ko!" Humahagulgol na sigaw ko habang nagmamaneho.
Magbabayad silang lahat!
——"AKIO!" malakas kong sigaw bago tumalon."Ma'am!" narinig kong pagtawag sa akin ng ilan sa mga tauhan ni Raul bago ako tuluyang nilamon ng tubig dagat.I can swim! Tinuruan ako ni Akio! Kaya dapat lang na gamitin ko iyon para sagipin siya!Madilim sa ilalim ng tubig. Para akong masusuka nang maramdaman ang sobrang sakit sa tagiliran. Hindi ko napaghandaan ang pagpasok ng lamig sa aking sugat. Mahapdi rin iyon dahil sa tubig-alat.Tinalasan ko ang paningin. Madilim kaya mahirap hanapin si Akio. Kaya mas pinag-igi ko pa ang paglangoy. Nang tuluyang makita si Akio ay mabilis kong ikinampay ang mga paa.Kaagad ko siyang hinila sa damit pagkatapos ay mabilis na sinakop ang kaniyang bibig. I'll do everything para mabuhay sila. Hindi ako papayag na iwan na naman ako ng mga taong malapit sa akin. Hindi ako papayag na may m
PUTING kisame ang bumungad sa akin. Naririnig ko ang pagtunog ng makinang nasa gilid. Pati na rin ang mabining tunog na likha ng hangin mula sa bukas na bintana."Alex, gising ka na!" sabi ni Jason bago lumapit sa akin.Mabilis kong inilibot ang tingin. Nasaan siya? Bakit wala si Raul?"Nasaan ang asawa ko?" mahina kong tanong na ikinaiwas ng tingin ni Jason. Bakas sa mukha nito ang pag-aalinlangan. Maging ang pag-aalala ay dumaan sa kaniyang mga mata."Nasaan si Raul?!" mariin kong ulit sa tanong."Two days kang tulog dahil sa maraming dugong nawala sayo. Sa loob ng dalawang araw na iyon, maraming nangyari." sagot sa akin ni Jason na ikinabangon ko. Tila pinunit ang tagiliran ko nang maramdaman ang kirot mula roon."What happened?" naiiyak ko nang tanong."Nakatakas si Maximo." sagot niya sabay i
ISA pang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi ni Mr. Lim. Pakiramdam ko'y mamamaga ang palad ko dahil sa lakas niyon."That's for killing my Dad! And this, for betraying Saavedra!" galit kong sigaw bago muli siyang sinampal.Hindi ko na nakayanan ang pagpatak ng mga luha ko. Kahit papano'y parang nabawasan ang bigat na dinadala ko nang masampal ko si Mr. Lim.Isang pagtawa ang kumawala sa bibig ni Mr. Lim. Nakaluhod ito sa harap ko habang hindi tumitigil sa pagtawa. "Your father betrayed me first. Ipinangako niyang sa akin niya ipapamahala ang Saavedra na nakabase sa Canada. Pero anong ginawa niya, he humiliated me in front of everyone! Pinahiya niya ako at sinabing gahaman!" sigaw ni Mr. Lim."Because you are. Sino ka para pamahalaan ang pinaghirapan ng Daddy ko. Yes, you invested a lot of money pero hindi sapat iyon para pagkatiwalaan ka ni Daddy."
"I WANT them dead!" mariin kong sabi sa mga tauhan ni Raul. Walang nagawa ang mga ito kundi ang tumango. "Mag-iingat kayo, matinik rin si Maximo.""Huwag po kayong mag-alala Ma'am Alex. Mag-iingat po kami." nakangising sagot ng isa sa kanila.Nang makaalis ang mga ito'y pasimple kong binuksan ang laptop. Pinipilit kong pigilan ang sarili na tumawa nang malakas.Napakauto-uto ni Maximo. Anong akala niya, ibibigay ko ang mga hinahanap niya ng gano'n-ganoon na lang? Hindi ako bobong katulad niya."Kaunting-kaunti na lang, matatapos na ang lahat." mahina kong sabi bago muling pinanood ang mga ebidensiyang nakuha ko kay Maximo."Alex!" Taas ang kilay na napatingin ako kay Jason nang pumasok ito. Bakas sa mukha niya ang pagod at pag-aalala."What do you want?" Mataray kong tanong. Ang sabi ni Raul, mag-ingat raw ako kapag nariyan si Jason. E
MALAMIG akong napatitig sa salaming nasa banyo. Umaga na naman at kailangan kong harapin ang mga kampon ng demonyo sa opisina.Pinagbawalan na ako ni Raul na pumasok. Pero hindi ako pumayag, baka mas lalong matuwa si Maximo kapag nalaman nitong nagtatago ako.Hindi ako natatakot sa kaniya. Ilang beses ko nang kinaharap ang kamatayan, ngayon pa ba ako makakaramdam ng takot? Isa pa, nangako naman si Raul na pasasamahan ako sa mga tauhan niya. Mas maigi iyon, para kahit papaano'y mapanatag ang kalooban ko."Are you sure about this?" kunot ang noong tanong ni Raul habang nag-aalmusal kami.Mahinang pagtango ang isinagot ko sa kaniya. Hindi ko na alam kung pang-ilang beses niya na akong tinanong niyon. Alam kong nag-aalala siya para sa akin, pero hindi naman pupuwedeng dito lang ako sa bahay.
MALAKAS na ibinalibag ko ang hawak na baso. Nagkalat sa sahig ang mga bubog pati na rin ang natapong alak. "Anong ibig mong sabihin?!" "B-Boss." nahihintakutang sabi ng isa sa mga tauhan ko. "Nakita na lang po namin na wala na siyang buhay sa bahay na tinutuluyan niya. Mga dalawang araw na po siguro siyang walang buhay. Wala rin po doon si Raul." Isang malakas na sapak ang binigay ko sa kaniya. Nagngangalit ang ngiping sinakal ko ang kaharap. "Nasaan ang mga anak ko?! Nasaan si Moreen?! Nasaan si Rafael?!" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kaniya. Wala akong pakialam kung tumutulo man ang dugo sa kaniyang ilong. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makita ko si Moreen at Rafael. "Boss! Nariyan na po ang bangkay ni Ma'am Moreen." anunsiyo ng k
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments