"I WANT them dead!" mariin kong sabi sa mga tauhan ni Raul. Walang nagawa ang mga ito kundi ang tumango. "Mag-iingat kayo, matinik rin si Maximo."
"Huwag po kayong mag-alala Ma'am Alex. Mag-iingat po kami." nakangising sagot ng isa sa kanila.
Nang makaalis ang mga ito'y pasimple kong binuksan ang laptop. Pinipilit kong pigilan ang sarili na tumawa nang malakas.
Napakauto-uto ni Maximo. Anong akala niya, ibibigay ko ang mga hinahanap niya ng gano'n-ganoon na lang? Hindi ako bobong katulad niya.
"Kaunting-kaunti na lang, matatapos na ang lahat." mahina kong sabi bago muling pinanood ang mga ebidensiyang nakuha ko kay Maximo.
"Alex!" Taas ang kilay na napatingin ako kay Jason nang pumasok ito. Bakas sa mukha niya ang pagod at pag-aalala.
"What do you want?" Mataray kong tanong. Ang sabi ni Raul, mag-ingat raw ako kapag nariyan si Jason. E
ISA pang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi ni Mr. Lim. Pakiramdam ko'y mamamaga ang palad ko dahil sa lakas niyon."That's for killing my Dad! And this, for betraying Saavedra!" galit kong sigaw bago muli siyang sinampal.Hindi ko na nakayanan ang pagpatak ng mga luha ko. Kahit papano'y parang nabawasan ang bigat na dinadala ko nang masampal ko si Mr. Lim.Isang pagtawa ang kumawala sa bibig ni Mr. Lim. Nakaluhod ito sa harap ko habang hindi tumitigil sa pagtawa. "Your father betrayed me first. Ipinangako niyang sa akin niya ipapamahala ang Saavedra na nakabase sa Canada. Pero anong ginawa niya, he humiliated me in front of everyone! Pinahiya niya ako at sinabing gahaman!" sigaw ni Mr. Lim."Because you are. Sino ka para pamahalaan ang pinaghirapan ng Daddy ko. Yes, you invested a lot of money pero hindi sapat iyon para pagkatiwalaan ka ni Daddy."
PUTING kisame ang bumungad sa akin. Naririnig ko ang pagtunog ng makinang nasa gilid. Pati na rin ang mabining tunog na likha ng hangin mula sa bukas na bintana."Alex, gising ka na!" sabi ni Jason bago lumapit sa akin.Mabilis kong inilibot ang tingin. Nasaan siya? Bakit wala si Raul?"Nasaan ang asawa ko?" mahina kong tanong na ikinaiwas ng tingin ni Jason. Bakas sa mukha nito ang pag-aalinlangan. Maging ang pag-aalala ay dumaan sa kaniyang mga mata."Nasaan si Raul?!" mariin kong ulit sa tanong."Two days kang tulog dahil sa maraming dugong nawala sayo. Sa loob ng dalawang araw na iyon, maraming nangyari." sagot sa akin ni Jason na ikinabangon ko. Tila pinunit ang tagiliran ko nang maramdaman ang kirot mula roon."What happened?" naiiyak ko nang tanong."Nakatakas si Maximo." sagot niya sabay i
——"AKIO!" malakas kong sigaw bago tumalon."Ma'am!" narinig kong pagtawag sa akin ng ilan sa mga tauhan ni Raul bago ako tuluyang nilamon ng tubig dagat.I can swim! Tinuruan ako ni Akio! Kaya dapat lang na gamitin ko iyon para sagipin siya!Madilim sa ilalim ng tubig. Para akong masusuka nang maramdaman ang sobrang sakit sa tagiliran. Hindi ko napaghandaan ang pagpasok ng lamig sa aking sugat. Mahapdi rin iyon dahil sa tubig-alat.Tinalasan ko ang paningin. Madilim kaya mahirap hanapin si Akio. Kaya mas pinag-igi ko pa ang paglangoy. Nang tuluyang makita si Akio ay mabilis kong ikinampay ang mga paa.Kaagad ko siyang hinila sa damit pagkatapos ay mabilis na sinakop ang kaniyang bibig. I'll do everything para mabuhay sila. Hindi ako papayag na iwan na naman ako ng mga taong malapit sa akin. Hindi ako papayag na may m
"Mom! Dad! I'm home!" Sigaw ko habang inilalapag ang aking bag sa sofa."Mommy?!" Sigaw ko ulit nang walang sumagot sa akin. That's new, everytime I got home from school lagi nila akong sinasalubong. Pero bakit parang iba ngayon? Parang ang tahimik yata? "Manang, nasaan sila Mommy?" Pagtawag ko sa aming mayordoma. Kahit ang mga kawaksi ay wala. Naiinis na ako. Hindi ako natutuwa sa ganitong biro."Ate?!" Naiiritang tawag ko sa aking Ate Moreen."What the hell is wrong with them?" Takang tanong ko sa sarili bago naglakad papunta sa kusina. I'm thirsty. I need water—nah, I want orange juice.
"Tito Max, thank you." Sabi ko sa matalik na kaibigan ni Daddy na siya ring abogado ng pamilya namin. Sinamahan niya akong bisitahin ang pamilya ko sa sementeryo."You're always welcome, Alex." Nakangiting sabi sa akin ni Tito Max. Bahagya nitong hinagod ang aking likod. Marahil ay naaawa na naman ito sa akin dahil sa nakikitang emosiyon sa aking mga mata habang pinagmamasdan ang mga pangalang nakaukit sa parisukat na bato."Sige po Tito, iwan niyo na lang po muna ako. Susunod na lang ako mamaya sa bahay." Walang ganang sabi ko—hindi pa rin inaalis ang tingin sa puntod."Alright,mag-ii
Pagkatapos mananghalian ay nagpasya akong magpahinga muna saglit. Masyadong mahaba ang naging biyahe ko dagdag pa na napakataas ng sikat ng araw.Habang nakahiga sa kama ay hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Jason. Bakit nga ba walang kahit na anong picture o information si Roman sa internet? Anong taon na ngayon, kahit sino yata pwedeng mahanap sa internet. Unless, may mali sa information na nakuha ni Jason. Was it really Roman?Nakakakulo ng dugo ang hayop na Roman na iyon. Ipinapangako ko talagang hahanapin ko siya at ako mismo ang magpapahirap sa kaniya gaya ng ginawa niya sa pamilya ko. Pagbabayaran nilang lahat ang pagkamatay nila Daddy. Hindi ako titigil hangga't 'di ko nakukuha ang inaasam kong hustis
"Ma'am Alex, mamamasyal po ba ulit kayo?" Tanong sa akin ni Joan nang makalabas ako ng villa. Ika-apat na araw ko na ngayon dito sa resort. It went well, so far. I don't know for the next days."Oo sana. Hindi ba't nabanggit mo sa akin na may isla rito na pag-aari din ng mga magulang ko? Gusto ko sanang tumungo roon." Nakangiti kong sabi sabay labas ng cellphone para tawagan si Jason. Simula kasi nang huli ko itong makausap ay hindi pa ito muling tumatawag. Gusto ko lang ng update ukol sa ipinapagawa ko sa kaniya."Ay, opo. Meron pong motor boat na maghahatid sa bawat turista sa isla na iyon Ma'am. Gusto niyo po bang sumabay na sa kanila?" Tanong ni Joan habang nakasunod sa akin.&nb
MALAKAS ang hanging tumatama sa aking mukha. Nasa bangka pa rin kami ni Raul at hanggang ngayo'y hindi pa nakakarating sa Isla Paradiso; ang islang pagmamay-ari ng aking pamilya. Hindi naman kalayuan ang isla pero parang sinasadya ni Raul na ihinto ng paulit-ulit ang bangka. Nakakairita!"Kailan mo ba ititigil iyang ginagawa mo?!" Irita kong tanong na ikinangisi niya lamang. Napakasarap lunurin ng lalaking ito. Kung hindi ko lamang siya crush baka kanina ko pa iyon ginawa."Sadyang tumitigil mag-isa ang makina. 'Wag kang mag-isip ng kung ano riyan." Pasupladong sagot niya sa akin. Nakakainis. Napakasakit na sa balat ng sikat ng araw. Namumula na rin ang pisngi ko dahil doon at sa pagkainis sa lalaking kasama ko ngayon.