Samantha's POV"Bakit mo 'ko hinalikan?" tanong ko kay Theo. Hindi siya sumagot bagkus ay nag-iwas siya ng tingin. Tinanggal ko ang bag ko na nakasabit sa balikat ko at hinampas siya niyon. Muli ay nilingon niya ako at takang pinukulan ako ng tingin. "What?""Anong what?" Pinanlakihan ko siya ng mata. "Sagutin mo ang tanong ko. Bakit mo 'ko hinalikan? Anong dahilan mo?"Nanatili pa ring tikom ang bibig niya sa sunod-sunod na tanong kong iyon. Pagak akong natawa at naningkit ang mga mata kong pinukulan siya ng tingin. "Don't tell me you kissed me because you thought..." Muli ay hinampas ko siya ng pagkalakas-lakas kung saan ay agad siyang napaatras mula sa akin. "Hoy, Theo Buendia! Hindi kita dinala rito dahil gusto kitang masolo! Anong tingin mo sa 'kin? Sinabi ko naman sa 'yo ang dahilan ko kung bakit gusto kong pumunta rito, hindi ba?"He frowned. Hinablot niya ang hawak kong bag na ipinanghahampas ko sa kanya kung kaya't mabilis pa sa alas-kuatro akong natigil. "Anong pinags
Theo's POVLumabas na kaagad kami sa fast food restaurant matapos naming kumain.It's 11:30 pm. For a week and a half, this is the first time I have gone out of my house. Halos ilang araw din akong nagkukulong sa loob ng bahay ko at walang ibang inisip kundi ang tungkol sa nakaraan ko na hindi ko alam kung babalik pa ba. I was about to open my car door when Samantha spoke. "Pwede bang...""What is it?" tanong ko sabay sara ko ng pinto ng kotse.Napakamot siya sa kanyang ulo. "Ano, um." Pinukulan niya ako ng tingin at hindi kalaunan ay umiling. "Hindi bale na lang. Saka na siguro kapag..."Hindi ako umimik bagkus ay mataman ko lamang siyang tinitigan. I waited for her to say something. "May gusto akong puntahan," pagsisimula niya. "Noong isang araw ko pa nga inaaya si Alya. Ang problema nga lang ay wala siyang oras na samahan ako. Hindi ko naman magawang puntahan dahil hindi ko alam kung saang banda 'yon at ang kaso ay wala akong alam sa lugar.""Saan ba ang lugar na 'yon?" I cur
Theo's POV"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Neo pagpasok namin sa loob ng opisina. "It's already late. Baka naman hinahanap ka na sa inyo?"Pagak siyang natawa. "Ako? Hahanapin ni Papa? Imposible! Saka bakit mo ba kinukwestyon ang pagpunta ko rito? I like it here with you more than in our house."Hindi ako umimik sa pahayag niyang iyon bagkus ay umupo lamang ako sa katapat niyang couch. Maya-maya ay binalingan ko ng tingin si Samantha na kunot-noong nakatitig sa kanyang cellphone. Bagamat panay ang ring niyon ay tila ba pinipili pa rin niyang huwag pansinin iyon. Who would it be?But my moment of staring at her comes to an end when the door closes.Agad akong nag-angat ng tingin at mula roon ay napukol ang tingin ko kay Neo na siyang nagsara ng pinto. "Problema mo?" iritable kong anas. Tumikhim siya at napahalukipkip na naglakad patungo sa pwesto ko."Ikaw ba?" aniya at umupo sa tabi ko. "Bakit ganyan ka kung makatitig kay Samantha? Tapos, ano 'yong nakita ko kanina? Baki
Samantha's POV"Sinasabi ko sa 'yo!" Panduduro sa akin ni Ariana. "Makakarating 'to kay kuya Irigo. Sigurado ako na kapag narinig niya ang pagpapalayas mo sa 'kin, na isang di hamak na secretary lang, ay hindi niya 'to magugustuhan! I'm telling you. Tomorrow? Mapapalayas ka na sa trabaho mo."Pinantaasan ko siya ng kilay at napameywang ko siyang hinarap. "Hoy! Wala akong pakialam kung magsumbong ka kay Mr. Irigo!" matapang kong tugon. "Hindi siya ang boss ko kundi ang kapatid niya na si Mr. Theo. Mas susundin ko ang CEO kaysa sa kung sino-sino."Pagak siyang natawa. "At ang kapal ng pagmumukha mong gamitin ang pangalan ni Theo! As if naman na paaalisin niya 'ko?"Umangat ang dalawa kong kilay sa sinabi niyang iyon. Naningkit ang mga mata kong tinitigan siya kasunod niyon ay ang unti-unti kong paglapit sa kanya. Bahagya siyang umatras at tiningnan ako mula ulo hanggang paa."What are you-""Bitch!" bulalas ko na ikinabilog ng mga mata niya. "Hindi mo ba nakita kung paano magdabog si
Theo's POVFor about five minutes ay matatapos na rin ang meeting ko kasama ang mga board members. Halos inabot din iyon ng fifteen hanggang twenty minutes. Samantha was supposed to be here pero dahil sa inis ko sa kanya sa pagiging late niya sa unang araw ng trabaho ay kinandaduhan ko siya sa labas. Pero kung tutuusin ay hindi lamang iyon ang dahilan. Inis ako dahil hindi man lang niya nagawang mag-sorry sa nangyari kagabi. She didn't even say goodbye to me last night. Dumagdag pa roon ang ugaling balasubas ng manliligaw niya. Napatiim-bagang na lamang ako nang muli kong maalala kung paano umasta ang lalaking iyon. I want to punch him and kick his ass!Basta-basta na lang niyang hinila si Samantha paalis doon nang hindi man lang inaalam kung sasama ba sa kanya ang dalaga. Ang kapal ng mukha!Hindi kalaunan ay tuluyan na rin kaming lumabas ng conference room. Sa pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Samantha na nakaupo sa kanyang pwesto habang abalang nakatuon ang tingin sa
Samantha's POV "Hoy, Samantha!" anas ni Alya. "Six-thirty na ng umaga. Hindi ka pa ba babangon dyan? Ang akala ko ba maaga ka? Anong nangyari? Masyado ka yatang natuwa sa dinner date niyong dalawa ni Karlo at..." Namilog ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi ni Alya. 6:30? Lagpas alas-sais na ng umaga? Agad akong napabalikwas ng bangon sa mga sandaling iyon. Dali-dali kong dinampot ang cellphone ko mula sa gilid ng kama at doon ay nakita ko ang oras. Tama nga ang sinabi ni Alya. Shit! Malalagot ako nito kay Theo. Sinabi ko pa man din kagabi na mas maaga akong papasok kaysa sa kanya ngayong araw. Tapos ganito ang mangyayari? Kainis din kasi ang lintik na cellphone ko! Hindi na naman tumunog ang alarm. Matapos kong ayusin ang sarili ko ay dali-dali kong hinablot ang bag ko mula sa likod ng pinto. Dinala ko na rin ang ilang mga document na pinag-aralan ko kagabi. "Hindi ka na mag-aalmusal?" tanong ni Alya. "Hindi na," sambit ko habang isinusuot ko ang sandals ko. "M