Share

Chapter 25

Author: zeharilim
last update Last Updated: 2025-06-14 19:19:22

Samantha's POV

Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin ako makapaniwala na talaga ngang malapit si Theo sa mga Hamson. From the way he talks to them and from the way he jokes around them. Daig pa nito ang kanyang pamilya na tila ba kilalang-kilala siya at alam na alam bawat kilos at pag-uugali niya.

Sa katunayan ay ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya. Halos hindi mapatid-patid ang ngiti sa mga labi niya kung saan maging ako ay nahahawa na rin sa kanya.

"So, pwede bang matanong kung ano ang dahilan at pumayag ka na rin na umupo bilang CEO?" maya-maya'y tanong ni Mr. Victor.

Tumikhim siya at bahagyang nagbaling ng tingin sa akin. "I have some personal reasons." Muli ay hinarap niya sila. "Saka hindi naman siguro masamang subukan kung ano nga ba ang buhay ng isang CEO, hindi ba? You know how curious I can get."

Natawa si Mr. Victor ganoon si Oliver, ang anak niya.

"I just hope that you're not just Taylor's substitute," pagseseryoso ni Mr. Victor. "Sana pagkatapos ng limang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • His Dangerous Desire   Chapter 244

    (A week after Samantha ended things with Theo)"Kamusta ang tito Theo mo?" nag-aalalang tanong ni Irigo kay Neo. "Mag-iisang linggo na siyang hindi lumalabas ng kwarto niya. Kakain lang siya kung kailan niya gusto. Kinakausap naman namin pero ayaw niya kaming sagutin. Ni ayaw niyang mag-respond."Humugot ng isang malalim na hininga ang binata at napakamot sa kanyang batok."Hindi na ako magtataka pa kung bakit ganyan siya umasta," saad nito at binuksan ang refrigerator. "Ikaw ba naman ang iwanan at biglang talikuran ng babaeng pinakamamahal mo, siguradong lagapak ka sa kung saan kayo nagsimulang dalawa."Saglit siyang natigil. "Taylor's secretary? Samantha? He's in love with that woman?"Inilabas nito ang nabawasan na cake mula sa refrigerator. Inilapag nito iyon sa lamesa at kumuha ng platito at tinidor sa plate rack. Matapos niyon ay hinarap niya si Irigo na pumwesto sa bakanteng upuan sa dinner table."Very much in love…" aniya at pagak na natawa. "Wala na nga yatang ibang inatupag

  • His Dangerous Desire   Chapter 243

    Samantha's POV"Shocks! Nagawa kong sabihin 'yon sa harapan ng mga anak ni Mr. Irigo?" anas ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin. "Nagawa kong sagutin sina Ms. Taylor at Ms. Herley? Ano nalang ang mukhang ihaharap ko sa kanila? Ang tanong, magagawa ko pa ba silang harapin?"Kung may sakit lang ako sa puso ay baka inatake na ako sa mga sandaling ito.Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko at nasagot ko sila ng ganoon. Sa katunayan ay wala naman talaga akong balak na gawin iyon. Ayaw ko silang ipahiya dahil kahit paano ay may pinagsamahan din naman kami noon.Hindi ko lang sila naging boss kundi naging malapit din ako sa kanila. Bukod pa roon ay marami silang naitulong sa akin at siyempre ay ganoon din ako sa kanila."Still. Hindi pa rin maganda ang mga sinabi nila tungkol sa akin. Alam ba nila kung ilang beses kong ipinagtabuyan ang tiyuhin nila? Aba! Kulang nalang ay mag-resign ako sa trabaho ko, maiwasan ko lang siya," muli kong anas sa sarili ko.Isang malalim na bun

  • His Dangerous Desire   Chapter 242

    Theo's POV"That Selena Aguirre? Sigurado ba kayo na mas boto kayo sa babaeng 'yon kaysa rito kay tita Samantha?" nakangising anas ni Neo.Tumango si Taylor. "Of course. It's not just about the fact that she came from a wealthy family. Pero standard ang isang tulad ni Selena. She's a model, an architect, and at a very young age, isa na siyang President ng kanyang sariling kompanya.""Can you imagine kung maging parte siya ng pamilya Buendia?" dagdag pa ni Herley. "Hindi lang tayo magiging kilala kundi–""Didn't you know that Selena slept with her younger brother's ninong?" putol ni Neo na ikinatigil ni Herley. "Hindi niya tinigilan ang lalaking 'yon hangga't hindi nito ibinibigay sa kanya ang pagmamay-ari nito na 1.3 million na halaga ng bahay at lupa.""That's ridiculous–""After that, isinuko naman niya ang kanyang sarili sa isang Italian supermodel. Because of his connections, naipasok niya si Selena bilang isa sa mga model. And about her company…Do you think she owned that? You'll

  • His Dangerous Desire   Season 5 Chapter 241

    Theo's POV"What are you doing here?" takang tanong ko kay kuya Irigo matapos ko silang papasukin sa loob ng bahay. "Hindi ba't napag-usapan na natin na doon tayo sa mansion magdi-dinner? Did you suddenly changed your mind?"He smiled as he tapped my shoulders. "Yes, I changed my mind. Hindi naman sa ayaw ko kayong patuluyin sa bahay ko. It's just that gusto ko lang makita at malaman kung saan ka tumira nang mga panahong pinagtaguan mo kami ng halos ilang buwan."Napangisi ako kasunod niyon ay ang pagbaling ko kay Neo na sa mga sandaling iyon ay mabilis pa sa alas-kuatrong nag-iwas ng tingin.Lihim na lamang akong natawa sa tinuran niyang iyon at muli ay hinarap si kuya Irigo."You really want here?" paninigurado ko sa kanya. "Baka mamaya ay makarinig na naman ako ng panlalait mula sa inyo? Hindi kami handa at binigla niyo kami. I didn't prepare any food para sa family dinner natin."Sumabat si Bella. "Don't worry, tito Theo. Everything's under control. Nag-order na kami ng pagkain do

  • His Dangerous Desire   Chapter 240 Nervous as Ever

    Samantha's POVNaudlot ang pagmumuni-muni ko nang marinig kong bumukas ang pinto ng banyo.Iniluwa niyon si Theo na katatapos lamang maligo. Sa puntong iyon ay saglit na naglaho ang kung ano-anong mga pinag-iisip ko nang mabaling ang tingin ko sa kanya.Lihim akong napangiti habang mataman ko siyang pinagmamasdan.Bagamat ilang taon na rin kaming nagsasama hanggang ngayon ay kilig na kilig pa rin ako sa tuwing nakikita ko siyang nakatapis lamang ng tuwalya sa kanyang ibabang bahagi. I couldn't believe that I pulled someone like him.Inaamin ko.Hindi ako ganoon kaganda tulad ng mga naging babae niya. Kung tutuusin ay malayong-malayo ako sa mga babaeng iyon dahil ang ilan sa kanila ay talagang high-class model. Ang kikinis at ang puputi. Hindi lang maganda ang mukha pero maganda rin ang katawan.Maya-maya ay unti-unting napadpad ang tingin ko sa bahagi ng kanyang katawan na siyang natatakpan ng tuwalya. Lihim akong napangiti at napakagat-labi.Ngunit agad ding naudlot ang mga sandaling

  • His Dangerous Desire   Chapter 239 Change of Heart

    Alya's POVApat na araw na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay lutang pa rin ang utak ko sa mga pangyayaring naganap sa resort.Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang tuwa ko nang masaksihan ko ang simple ngunit napakagandang proposal ni Theo kay best friend.I do hate him.Why?Sa tingin ko kasi ay deserve ni Samantha ang mas bonggang proposal. Iyong tipong maiinggit ang kung sino mang makakakita niyon at maiiyak dahil sobrang nag-effort iyong lalaki.Anyway, it's Theo Buendia – ang lalaking patay na patay kay Samantha.Sigurado akong babawi ang lalaking iyon at sigurado rin ako na bibigyan niya ng engrandeng kasal si best friend.Aba! Susumbatan ko talaga siya kapag magkataon na hindi niya maibigay ang pangarap na kasal ng kaibigan ko.Ngunit bukod sa proposal na iyon, isa sa mga pangyayaring hanggang ngayon ay hindi ko magawang makalimutan ay ang naganap sa pagitan namin ni Neo. Kung tutuusin ay ayaw ko siyang makita o makausap. Gusto ko na siyang i-block sa lahat ng acco

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status