LOGINSamantha's POV
Agad na nagising ang katawang-lupa ko nang makita ko ang lalaking nakatalik ko nang gabing iyon. Lihim akong napalunok nang makita kong titig na titig siya sa akin. Gosh! He kissed me. Mapupusok ang mga iyon at kulang nalang ay maubusan ako ng hininga. Maya-maya ay naramdaman ko na lamang ang kamay niyang napadpad sa bewang ko. Ako naman ay napahawak sa dibdib niya habang pilit siyang itinutulak. Ngunit para bang nawalan na ako ng lakas para gawin iyon. Niyakap niya ako ng mahigpit kung saan ay para bang wala na akong kawala pa. Ngunit hindi nagtagal ay narinig namin ang naghahalakhakang boses mula sa labas. It's Ms. Taylor and the board members. Natigil siya sa paghalik sa akin at kinuha ko na ang oportunidad na iyon upang kumawala sa kanya. Dali-dali ko siyang tinulak mula sa harapan ko at inayos ang sarili ko. "I can't believe I had sex with my sister's secretary," nakangisi niyang anas. Pagak akong natawa. "We never had sex, Mr. Theo. I don't even know you. Kung sino man 'yong nakita mo, malamang kamukha ko lang 'yon." Matapos niyon ay naglakad na ako patungo sa pinto. "Talagang ide-deny mo?" aniya na ikinahinto ko. "I am denying it because it's not true," madiin kong sambit. Akmang ipipihit ko na ang doorknob ay mabilis niyang hinablot ang kamay ko at muli ay hinila niya ako palapit sa kanya. "I don't care how many times you deny what happened to us that night." Sinalubong niya ang mga titig ko at halos ilang pulgada nalang ang pagitan ng mga mukha namin. "Kung nagawa mo 'kong takasan last time, ngayon hindi na 'ko papayag na makawala ka pa ulit. You're mine." Siniil niya ako ng halik matapos niyon. Tila ba biglang nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok sa sinabi niyang iyon. Tinitigan ko siya na sa mga sandaling iyon ay tinungo ang couch at naupo. Matapos niyon ay tuluyan kong binuksan ang pinto ng opisina. "Mr. Theo's already here. Kanina pa ho niya kayo hinihintay," bungad kong bati kay Ms. Taylor. Tumango siya. "That's good then. Gusto ko na rin siyang makausap." Agad akong sumunod sa kanya pagpasok niya ng kanyang opisina. Mula roon ay nakita ko si Theo na komportableng nakaupo sa couch at di kalaunan ay napangiti nang magtama ang paningin nila ni Ms. Taylor. "Hi, Ms. CEO. Kamusta-" "Where the heck have you been?" Piningot nito ang tenga ng kapatid. "Halos ilang buwan na kaming hanap ng hanap sa'yo pero hindi ka namin mahagilap. Saang lupalop ka ba ng mundo naroon?" "Bakit kailangan niyo pa 'kong hanapin?" Hinaplos nito ang tenga nitong napingot. "Happy family naman na kayo, diba? Hindi niyo na kailangan ng sampid sa pamilya." Napameywang si Ms. Taylor. "Sampid? Iyan ba ang tingin mo sa sarili mo?" "Oo. Diba, 'yon naman ang trato niyo sa 'kin?" aniya na hindi tumitingin sa kausap. "Balita ko nga, nagkaroon daw kayo ng reunion no'ng December. At ang sabi ni Neo, ni kahit sino sa inyo ay wala man lang naghanap sa 'kin. It's okay, actually. Sanay na sanay na 'ko." Hindi nakaimik si Ms. Taylor sa sinabing iyon ng kapatid. Si Theo naman ay komportable lamang na nakaupo roon. He looked at me with desire in his eyes. Umiwas ako ng tingin. Akmang lalakad na ako palabas ng opisina ay natigil ako. "Samantha," tawag sa akin ng CEO. "You stay here. Kailangan ko kayong kausapin na dalawa ni Theo." Bakit kailangang kasali ako sa usapan nila? Naglakad ako at umupo sa couch sa tabi ni Theo habang si Ms. Taylor naman ay umupo sa katapat namin. Napailing siya nang mabaling ang tingin niya sa kapatid niya at di nagtagal ay nagsalita na rin siya. "As for you, Samantha, you already know about my travel to Japan," pagsisimula nito. "Ah, Japan," sambit ni Theo at napangiti. "I know a lot of things about that place." "Would you shut up?" iritableng anas ni Ms. Taylor. "Anyway, base sa napag-usapan namin kanina. Aabutin kami ng halos five and half months doon. Marami kaming kailangang asikasuhin kabilang na ang pakikipag-usap namin sa mga investors." Sumabat si Theo. "Bakit mo 'ko pinapunta rito? Para ipaalam sa 'kin ang tungkol sa kompanya niyo?" "It's our company," marahan ngunit madiing anas ni Ms. Taylor. "At oo, ipinapaalam ko sa'yo ang tungkol sa napag-usapan namin dahil habang nandoon ako sa Japan, ikaw muna ang papalit sa posisyon ko bilang CEO." Agad na nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niyang iyon. Si Theo ang tinutukoy niya na magiging temporary CEO? Itong lalaking ito ang pansamantalang magiging boss ko? "What?" pasigaw na anas ni Theo. "Bakit ako? Wala akong alam tungkol sa pagiging CEO at mas lalong wala akong alam pagdating sa kompanya niyo." "Kompanya namin?" taas-kilay na tanong ni Ms. Taylor. "This is also your company. You are a part of the family-" "I was never a part of the family," anito na ikinatigil ng kapatid nito. "Dad already made his decisions. Ipinagtabuyan niya na 'ko." Bahagyang pumikit si Ms. Taylor. Muli ay nagsalita siya, "Well, mismong si Dad ang nagsabi sa 'kin na ikaw ang pansamantalang mamamahala ng kompanya habang nasa Japan ako. And while I am away, Ms. Samantha here, would be your personal secretary." Natigil si Theo sa huling katagang lumabas mula sa kanyang kapatid. Nagbaling siya ng tingin sa akin habang ako naman ay kulang nalang na mapaiyak sa mga sandaling iyon.Samantha HernandezI've never been more happy seeing Theo sleeping next to me. Bagamat taon na rin ang inabot simula nang mag-live in kami at halos araw-araw ko siyang nakikita at nakakatabi. Ibang-iba pa rin ang feeling na katabi ko ang lalaking hindi ko akalaing magiging asawa ko ngayon.I've met him in a most dramatic and heartbreaking part of my life.Isang gabing puno ng pighati na dala ng ex-boyfriend ko at isang gabing puno ng kapusukan mula sa lalaking hindi ko inaasahang magiging malaking parte ng buhay ko.Kung tutuusin ay hindi naman talaga siya gusto.First of all, napakababaero niya at iyon ang ayaw na ayaw ko pagdating sa isang lalaki. I never planned to stay with him and make him my official boyfriend. But things suddenly changed at sa hindi inaasahan ay napadpad ako sa isang sitwasyon na hindi ko na alam kung paano ako makakatakas.But I'm actually glad, I didn't.Maya-maya ay natigil ako sa paghahanda ng mga rekado para sa lulutuin kong almusal nang maramdaman kong ma
Theo BuendiaIsang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko habang titig na titig ako sa babaeng naglalakad patungo sa altar at sa akin. She's wearing a white dress and a veil. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa mga sandaling iyon because of the fact that after an hour, she's going to be my wife.Maya-maya ay narinig ko ang pagtikhim ni Neo kasunod niyon ay ang pagsiko niya sa akin."Other than marrying her, sa tingin ko ay may kailangan ka pang tuparin sa kanya," halos pabulong niyang sambit. "Naalala mo 'yong bahay at lupa na ipinangako mo pagkatapos mo siyang makilala? She remembered that. Kaya kung ako sa 'yo, after ng event, doon mo siya iuwi."Marahan akong tumango sabay tapik sa kanyang braso."Thanks for the reminder," anas ko na mahina niyang ikinatawa.Matapos ang ilang minuto ay tuluyan na rin siyang nakarating sa altar. Ramdam ko ang nginig ng buong katawan ko sa mga sandaling iyon hindi dahil sa gutom kundi dahil sa tuwa na dumating na nga ang araw na pareho naming
Samantha's POVIsang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko matapos ang ilang minutong iginugol ko sa pagsasabi ng katotohanan kay Theo.Sa puntong iyon ay nakaupo lamang siya roon na hindi maalis-alis ang pagkakatitig niya sa akin. Bukod pa roon ay kita ko ang hindi maipintang reaksiyon sa kanyang mukha. Salubong ang kanyang dalawang kilay at mayroong tanda ng pagtataka.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon.Gusto kong tumayo mula sa kamang kinaroroonan ko o di kaya ay magtalukbong nalang dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko ngayon. I had no idea kung ano ang tumatakbo sa utak ni Theo at kung ano man iyon ay ayaw kong marinig ang mga sasabihin niya tungkol doon."I know what you feel," mahina kong sambit na tila ba ako lang ang nakarinig. "Hindi ako magrereklamo sa kung ano man 'yang nararamdaman mo ngayon dahil sa pagsisinungaling ko sa 'yo. Just tell me if you're mad or you hate me. Tatanggapin ko 'yon dahil deserve ko
Theo's POVNamilog ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi ng doktor.Tila ba nanghina ang mga tuhod ko at pakiramdam ko ay nawalan ako ng balanse. Kaya naman sa mga sandaling iyon ay napakapit ako kay Neo.Muli ay tinapunan ko ng tingin ang doktor na sa puntong iyon ay patuloy pa rin sa pagpapaliwanag sa sitwasyon ni Samantha. But my mind couldn't comprehend what I am feeling right now.Halo-halo ang mga nararamdaman ko at tila ba wala akong naririnig kundi ang utak ko na nagsisisigaw sa mga sandaling iyon."She's pregnant," bulalas ni Neo pagkaalis ng doktor. "She's pregnant! Magkakaanak na kayo. Narinig mo ba 'yon?"Marahan akong tumango. "Yeah, I did. Malinaw na malinaw sa 'kin ang mga narinig ko…""What?" ani Neo na ikinatitig ko sa kanya. "Bakit parang iba ang reaksiyon mo sa inaasahan ko? Hindi ba't gustong-gusto mo na magkaanak na kayo? You want it more than her, right? Wag mong sabihin na nagbago ang isip mo?"
Samantha's POVNapabalikwas ako ng bangon nang maramdaman kong may humalik sa pisngi ko.It was Theo.Nakaupo siya sa gilid ng couch habang nakangiti siyang pinagmamasdan ako. Hula ko na kararating lang niya dahil nakasuot pa siya ng pang-opisina niyang damit.Sa kabilang banda naman ay hindi ko akalain na nakatulog pala ako rito sa couch. Bago pa man kasi umalis si Alya ay talagang antok na antok na ako. Sa natatandaan ko ay balak ko sanang pumunta sa kwarto upang doon matulog ngunit hindi iyon ang inaasahan ko.Nabaling ang tingin ko sa orasan.It's 6:30 pm. So, I've been sleeping for almost two hours.Pinangakuan ko pa man din si Theo na ipagluluto ko siya ng dinner. Akmang babangon na ako ay siya namang paghiga ni Theo sa tabi ko kung kaya't agad akong natigil. Hanggang sa hindi nagtagal ay wala na akong nagawa kundi ang pagmasdan siya nang isubsob niya ang kanyang mukha sa leeg ko ganoon din nang ikorner niya ako sa kanyang mga b
Third Person's POVAgad na umangat ang dalawang kilay ni Vince nang mabasa niya ang mga nakasulat sa notebook na nakapatong sa coffeetable.- bridal shoes and gown- groom's suit and shoes- venue- bride's bouquet- pre-meal food and dinner with dessert- hair and makeupNgunit bukod sa mga nakalistang iyon ay mayroon ding mga developed photos na nakakalat sa coffeetable na mas lalong nagpatameme sa kanya.Akmang dadamputin niya na iyon upang rekisahin ay natigil siya nang lumabas mula sa kusina si Ms. L. Ngiting-ngiti ito at ramdam din niya ang hindi matatawarang saya nito sa mga oras na iyon. Kabaliktaran naman ang reaksiyon ni Vince kung saan ay kunot-noo siyang nakatitig sa huli habang hindi maalis sa kanyang isip ang pagtataka."Mukha yatang ang saya-saya niyo ngayon. Anong meron?" bungad niyang tanong na ikinatigil nito.Tinapunan siya nito ng tingin. "Nandito ka na pala. Kanina ka pa ba? Pasensya ka







