MasukTheo's POV
Natigil ako sa pagsasalin ng niluto kong pritong isda nang mabaling ang tingin ko kay Neo. Panay ang hagalpak nito habang nakatitig sa cellphone nito. Binato ko siya ng hawak kong potholder. "Aray!" anito at nag-angat ng tingin. "Kuya naman." "Ano ba kasing tinatawa-tawa mo dyan?" kunot-noo kong anas. Kumuha ako ng pinggan sa plate rack cabinet at nagsandok ng kanin. Habang si Neo naman ay tumayo sa kanyang kinauupuan at pumwesto sa dinner table. "Naalala mo ba 'yong supervisor don sa office ni ate Taylor?" Saglit akong natigil. "Supervisor? Sino do'n?" Natawa ito sabay kurot ng laman ng isda at isinubo iyon. "The supervisor we pranked na halos lumuhod na sa harapan ni ate Taylor dahil akala niya tatanggalin siya sa trabaho." Umupo ako sa dinner table at bahagyang natawa. "Yeah, I remember that. What about him?" "I told him na ngayong araw ka bibisita sa office. Ayun, hindi na naman magkandaugaga. Rinig na rinig ko kung paano niya bungangaan 'yong mga hawak niyang empleyado." Maya-maya ay natigil ako sa pagnguya nang tuluyang mag-sink in sa akin ang sinabi niya. "You told them that I'm going to the office today?" "Hindi ba pupunta ka rin naman? Might as well make them prepare for your arrival." "Yeah. Pero bukas pa ang punta ko do'n," sagot ko at tuluyang nginuya ang isinubo kong pagkain. "Kailangan kong kitain si-" "Sino 'yong babaeng ka-chat mo kagabi?" kunot-noo niyang tanong. "Kuya naman! Hindi ba pwede bang pigil-pigilan mo muna 'yang alaga mo sa paghahanap ng butas? Ang akala ko ba hahanapin mo pa 'yong babaeng nakilala mo no'ng nakaraang gabi?" Muli ay natigil ako sa pagkain. Matapos niyon ay agad kong pinalo ang kamay niya nang dadakot siyang muli ng kanin sa pinggan ko. "Anong pinagsasasabi mong babae? Wala akong kikitaing babae at wala rin akong ka-chat kagabi." Tumayo siya at kumuha ng pinggan. Matapos niyang sumandok ng kanin ay bumalik siyang muli sa kanyang pwesto. "Kung hindi babae ang kikitain mo, sino?" "Iyong kaibigan ko no'ng high school. Kinuha kasi akong ninong ng anak niya. Magkikita kami mamayang ala-una. Pero dahil sa kabalbalan na ginawa mo, sino ngayon ang uunahin ko?" "So, wala kang kikitaing babae? Wala ka ring ka-chat?" "Wala," mabilis kong sagot. "At kung meron man, sisiguraduhin ko na 'yon 'yong babaeng inuwi ko no'ng nakaraang gabi." "But you still haven't found her," anito at lumagok ng tubig. "Wag kang mag-alala, kuya. Mahahanap mo rin 'yong babae mo. Tiwala lang at konting pagtitiis muna." Oo at talagang magtitiis ako. Halos gabi-gabi ko ngang ginagawa iyon. Sa ngayon ay wala akong ibang inatupag kundi ang tumitig sa litrato niya habang pinipilit kong huwag mag-init ang katawan ko. "Ano bang pag-uusapan niyong dalawa ni ate Taylor?" takang tanong ni Neo pagpasok namin sa main door ng kompanya. "Di kaya tungkol 'yon sa magiging papel mo rito sa company niyo?" "Nagpapatawa ka ba?" "Bakit?" inosente niyang tanong. "May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Bago pa man ako makapagsalita ay bumukas na ang elevator. Pinindot ko ang button paakyat ng 17th floor at muli ay hinarap si Neo. "Una palang ay nilinaw na sa 'kin ni Dad na wala akong papel sa kumpanya namin," sinsero kong sambit. "He treats me like a garbage and I am okay with it. Ayos nga 'yon dahil at least wala akong magiging problema." Bumuntung-hininga si Neo. "Hindi pa rin talaga kayo nagkakaayos, no? Kung bakit ba kasi hindi ka nalang magpakumbaba? Ikaw ang anak, dapat ikaw ang unang gumagawa non." Hindi ako sumagot. Our family knew nothing about how my dad really treats me. Kasabay ng pagtunog ng elevator ay ang pagbukas din niyon. Agad kaming lumabas ni insan at mula roon ay bumungad sa amin ang nakakabinging katahimikan sa employee's workplace. Siniko ako ni Neo at maya-maya ay inginuso niya ang supervisor na nasa opisina nito. Isang nakakalokong-ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi matapos niyon ay tinapik ako at tumakbo patungo roon. Habang ako naman ay pumasok sa hallway patungo sa opisina ni ate Taylor. Pero natigil ako nang makita ko ang isang pamilyar na babaeng nakaharap sa computer. Nakasuot siya ng navy blue na corporate attire habang ang buhok naman niya ay nakaayos na nakatirintas. Marahan akong naglakad patungo sa desk niya habang hindi mabali-bali ang ngiti sa mga labi ko. "Is the CEO around?" tanong ko. "Meron ho siyang meeting with the board members," aniya habang nakatuon pa rin ang kanyang tingin sa computer. "Pakihintay nalang ho si Ms. Taylor. Matatapos na rin naman ho ang meeting nila for about 15 minutes." Hindi ako sumagot bagkus ay kinatok ko ang desk niya. Nag-angat siya ng tingin. Hindi kalaunan ay agad na nanlaki ang mga mata niya na tila ba nakakita ng multo. "Hi," nakangisi kong bati sa kanya. Itinigil niya ang kanyang ginagawa at tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Nginitian niya ako pero natigil ako nang marinig ko ang mga sumunod na sinabi niya. "Sino po sila?" sinsero niyang tanong. "Let me guess, kayo po ba 'yong kapatid ni Ms. Taylor? Are you Mr. Theo Buendia?" I crossed my arms as I looked at her. "Ako nga po pala si Samantha Hernandez, ang personal secretary ni Ms. Taylor," pagpapakilala niya sa sarili niya. "Pakihintay nalang siya rito sa loob ng kanyang office." Matapos sabihin iyon ay tinungo nito ang pinto ng opisina ni ate at binuksan iyon. Sa kabilang banda naman ay naglakad nalang din ako papasok sa loob habang hindi pa rin maalis-alis ang pagkakatitig ko sa kanya. Hindi niya ba ako naaalala? Or nagpapanggap lang siya? Right after I stepped inside the office, I closed the door behind me and locked it. Samantalang si Samantha naman ay nagtungo malapit sa bintana upang kumuha ng maiinom. "Ano pong gusto niyo, sir Theo? Coffee, tea, or-" "You," putol ko. Nagbaling siya ng tingin sa akin. "I'm sorry?" "I said…" I uttered as I put my hands on her waist and pulled her against my body. "I want you." Hindi siya sumagot bagkus ay itinulak niya ako palayo na naging dahilan ng pagbitaw ko sa kanya. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo sa akin ay mabilis kong hinawakan ang palapulsuhan niya sabay hila sa kanya kung saan ay napasandal siya sa pader. I cornered her. "Mr. Theo, this is-" I put my thumb on her lips. "You don't remember me, huh? Siguro ito maaalala mo." Bago pa man siya muling makapagsalita ay agad ko siyang siniil ng halik sa kanyang mga labi.Third Person's POV"Kailan ka umuwi?" tanong ni Ms. L sa asawa nito. "Bakit hindi mo man lang sinabi sa 'kin at nang nasundo kita? Wala naman akong ginagawa at saka isa pa tapos na ang mga inaasikaso kong papeles sa kompanya."Umiling si Santisimo at napangiti. "Alam ko kasing masyado kang busy sa pinagkakaabalahan mo. Ayaw kong maistorbo ka dahil baka mamaya ay sisihin mo na naman ako na hindi mo natapos ang mga dapat mong gawin.""You know me so well." Tawa ni Ms. L. "Anyway, kumain ka na ba? Sakto at nagluto ako ng makakain. Wala kasi ang cook natin dahil mayroon daw siyang personal na aasikasuhin sa kanyang pamilya sa probinsya. Aside from that, matagal-tagal na rin simula nang huli akong magluto.""Bakit ako lang? Ikaw? Kumain ka na ba?" kunot-noo nitong sambit.Humugot siya ng isang malalim na buntung-hininga."I have some errands I need to attend to," mabilis niyang tugon. "Ang totoo nga ay matagal ko nang gustong-"Naputol ang kanyang sasabihin nang marinig niya ang mga sumuno
Samantha's POV"Mukha yatang nagkakalapit na ang loob nina Theo at Roman," nakangiting anas ni tita Ellaine. "Aba't kanina pa sila hagalpakan ng hagalpakan dyan sa labas. Baka mamaya niyan ay pareho na pala silang nakainom."Natawa ako sa pahayag na iyon ng tiyahin ko. Hindi na nakakapagtaka kung magkataon man na mangyari nga iyon. Kilala ko si Theo at panigurado na kung gusto niyang kunin ang loob ni papa ay hindi siya magdadalawang-isip na makipag-inuman at makipagkwentuhan kahit na gaano pa iyon katagal. Noon pa man ay gawain niya na iyon lalo na sa mga kliyente ng kanilang kompanya. Hindi ko nga alam kung paano niya nagagawang kunin ang loob ng mga taong halos kulang nalang ay isumpa siya. Maybe it's just the way he does things.Maybe it's his strategy that even his family couldn't understand. "Ikaw ba, ate," maya-maya'y anas ni Victorino na ikinatigil ko. "Kailan mo ba balak kausapin si Papa? Hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin sa kanya? Naunahan ka pa ni kuya Theo na makip
Theo's POV"Lubos kong pinagsisisihan na naging magkaibigan kami ni Eleanor," maya-maya'y basag ng katahimikan ni Roman. "Sa lahat ng mga naging kalokohan niya ay ako ang sumasalo at nag-iisip ng pwedeng gawing solusyon. Hindi ko nga alam kung bakit nagawa kong magpakatanga bilang kaibigan niya."Tumango lamang ako sa naging pahayag niyang iyon. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa narinig kong kwento mula sa kanya. Pero kung tutuusin ay nagawa lang naman niyang manatili dahil kaibigan talaga ang turing niya kay Eleanor. Or maybe, there's something more to that."Nagawa mo bang lumayo sa kanya?" tanong ko na ikinabaling niya ng tingin sa akin. "Nakaya ba ng konsensya mo na iwanan ang taong naging parte ng buhay mo sa mahabang panahon?""Oo." Natawa siya at napailing. "Hindi ko nga akalain na nagawa ko rin sa wakas ang bagay na 'yon. Noong una ay natatakot ako at nag-aalangan na baka kung anong gawin niya. Pero sinabi ko sa sarili ko na baka pinapasakay lang din niya ako sa mga d
Third Person's POVNapapikit at napakagat-labi si Eleanor habang patuloy siyang binabayo ni Santisimo mula sa kanyang likuran. Ramdam niya ang kanyang malulusog na dibdib na patuloy sa pag-indayog sa mga sandaling iyon habang sarap na sarap siya sa ipinaparanas sa kanya nito.Napasigaw siya kasunod niyon ay ang paglingon niya kay Santisimo na sa puntong iyon ay patuloy lamang sa paglalabas-pasok ng dragon nito sa kanyang hiyas.Ramdam niya ang paninigas niyon sa kanyang loob na naging dahilan ng mas lalo pa niyang pagbukas ng kanyang dalawang hita.Marami na siyang naikamang lalaki at natikman na rin niya ang lahat ng iyon. Pero iba si Santisimo. Magaling ito pagdating sa kama at alam na alam nito kung paano siya paligayahin ng husto.Iyong tipong kahit na pareho na nilang narating ang sukdulan ay gusto pa niyang tikman ang katigasan nito sa kanyang loob."Mmmm...daddy!" bulalas niya sabay kagat ng dulo ng kanya
Third Person's POV"Nababaliw ka na ba?" anas ni Roman sa kaibigan na sa puntong iyon ay ngiting-ngiti. "Santisimo Buendia? Ang nagmamay-ari ng Buendia Incorporated at kilala sa buong bansa?"Tumango si Eleanor. "Oo. Siya nga. Bakit may masama ba?"Pagak na natawa si Roman. "At ako pa talaga ang tatanungin mo ng ganyan! Hindi ba dapat ay ako ang nagtatanong sa 'yo kung anong pumasok dyan sa kokote mo? Talaga bang may kalawang na 'yang utak mo, Eleanor? Nag-iisip ka ba?""Pwede ba, Roman?" iritable nitong anas. "Magtatanong ka pa ng ganyan. Aba, malamang! For your information, nasa tamang katinuan ako at walang dahilan para-""Sinabi mo na nagkakilala kayo sa bar?" sinsero niyang anas at kunot-noong tinapunan ng tingin ang kaibigan. "Anong nangyari nang magkakilala kayo roon? May asawa na 'yong tao, wag mong sabihing...""Oh, please, my friend!" anas ni Eleanor at tinalikuran ang binata. Nagtungo ito sa kusina at kumuha ng maiinom. "Wag kang mag-alala dahil hindi nangyari kung ano man
Third Person's POVNatigil si Roman sa kanyang ginagawa nang mabaling ang tingin niya kay Eleanor na naupo sa kanyang tabi. Bagsak ang balikat nito at tila ba may kung ano na namang mabigat na problemang iniisip. Umiling siya at napakamot na lamang sa kanyang batok. Bagamat sanay na siyaay hindi pa rin niya mapigilan ang kanyang sariling tanungin kung ano ang bumabagabag sa kaibigan. Paniguradong kung hindi tungkol sa pamilya nito ay tungkol doon sa bagong lalaking kinahuhumalingan ng dalaga."Problema mo?" tanong niya sabay siko sa kaibigan. "Bakit ba sa tuwing pupunta ka rito sa bahay ay ganyan nalang ang pagmumukha mo? Hindi na ba mababago 'yan?"Sinamaan siya nito ng tingin. "Problemado na nga 'yong tao, ganyan pa ang ibubungad mo sa 'kin! Kaibigan ba talaga kita?"Natawa si Roman. "Sana nga, hindi nalang! No offense! Pero ang gusto ko kasing kaibigan ay 'yong katulad kong palabiro at hindi overdramatic. Sa tingin ko, sa tuwing kasama kita ay pati ako sakop ng problema mo.""Ah







