Theo's POVAgad na hinablot ni Samantha ang kanyang bag mula kay Karlo. Bahagya siyang napangiti rito at hindi kalaunan ay nagsalita. "I appreciate na nagpunta ka rito para ihatid ako sa trabaho," aniya na ikinatango ng huli. "Pero napag-usapan namin ni Theo na sabay na kaming pupunta sa opisina. Kaya nga siya nandito at hinihintay ako."Umiling si Karlo. "Pwede ka namang tumanggi hindi ba? After all, gusto mo ba talagang sumabay sa kanya o baka naman pinilit ka lang niya?""Walang pilitang nangyari!" sabat ni Alya. "Hoy, Karlo! Tumigil-tigil ka nga dyan sa paninira mo kay Theo. Oo at pareho kayong manliligaw ni Samantha pero hindi nakakaangat 'yang ganyang ugali sa babae."Pagak itong natawa. "Bakit ko naman sisiraan si Theo? For all I know, siya mismo ang gagawa niyon sa sarili niya. Darating ang araw na mismong si Samantha ang makakakita ng totoong ugali ng lalaking 'to."I smirked. Hindi nagtagal ay nagpasya akong lapitan si Samantha kasunod niyon ay ang marahan kong pagkuha sa
Theo's POVA few moments ago, I was okay. I was happy.I was excited. Pero nabali ang ngiting iyon at naglaho ang sayang iyon nang dumating ang karibal ko. Karlos came when Samantha and Alya was in their room. Kung sinuswerte nga naman!Sa mga sandaling iyon ay pareho kaming nakaupo sa couch sa living room. Wala ni isa man sa amin ang umiimik at panay pagbuntung-hininga lamang ang maririnig mula sa amin. Nabanggit na kaya ni Samantha sa lalaking ito na nililigawan ko siya?Tumikhim siya na ikinabaling ko ng tingin sa kanya. "Anong ginagawa ng isang Theo Buendia dito?" sinsero niyang tanong habang salubong ang kanyang kilay. "Isn't it too early for a CEO to stop by his secretary's house for some work? Hindi ba pwedeng hintayin mo ang work hours o di kaya ay i-message mo siya kung may kailangan ka?"I paused for a moment. Naningkit ang mga mata kong tinitigan siya samantalang siya naman ay prente lamang na nakaupo roon habang hinihintay ang sasabihin ko. "Wala ba kayong rules sa ko
Theo's POV"Ang sabi sa 'kin ni Samantha, ang aga mo raw napadpad dito?" tanong ni Alya habang nakapwesto kami sa living room. It's five o'clock in the morning. Halos katatapos lang naming kumain ng almusal. Matapos niyon ay agad nang nagpaalam si Samantha upang maligo at ayusin ang kanyang sarili para sa maagang pagpasok sa trabaho. Well, katulad ng sinabi ko sa kanya kagabi ay iyon naman talaga ang gusto kong mangyari. Ang problema nga lang ay mas napaaga ang pagpunta ko sa kanila. Hindi kasi ako makatulog at wala akong ibang inisip kundi ang nangyari sa pagitan namin kagabi. I kissed her.I couldn’t believe I did such thing as that. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at ginawa ko iyon. At mas lalong hindi ako makapaniwala sa sarili na sinabi ko sa kanya na liligawan ko siya. However, I'm actually glad that I did. Kung hindi ngayon, kailan ko gagawin? Kung hindi ko gagawin, anong mangyayari? Paniguradong wala akong mapapala at sa huli ay baka magsisi lang ako. Tumik
Samantha's POVIt's 3:30 am.Kung tutuusin ganitong mga oras ay mahimbing pa ang tulog ko, pero nang dahil sa nangyari at napag-usapan namin kagabi ni Alya ay wala akong ganang matulog. Gustong-gusto kong ipikit ang mga mata ko pero ang utak ko ay hindi matigil sa kaiisip. Ngunit sa bawat pag-iisip ko naman ay hindi ko alam kung anong hakbang ang dapat kong gawin. Alya was right. Pareho ko silang hindi type.Ang isa ay kaibigan ko at ang isa naman ay ang lalaking sobra-sobra kong kinabubwisitan. Ewan ko ba kung bakit ganoon na lamang ang nararamdaman ko tungo kay Theo? Maayos naman siya at mukhang matino. Tulad ng sinabi ni Alya, responsable at hindi bastos. Nagawa niyang makipagsagutan kay Mr. Irigo nang dahil lang sa akin. Sobra-sobra kong na-appreciate ang ginawa niyang iyon at wala akong maramdaman nang mga sandaling iyon kundi tuwa. Tingin ko nga ay nakadagdag puntos ang ginawa niyang iyon na naging dahilan ng paghanga ko sa kanya. Pero kahit ganoon pa man ay parang wala pa
Samantha's POVNanlaki ang mga mata ni Alya nang sabihin ko sa kanya ang lahat-lahat ng mga nangyari sa pagitan namin ni Theo ngayong araw. Inaasahan kong bubungangaan niya ako tulad ng ginawa niya sa akin kanina sa chat pero hindi iyon nangyari. She was sitting in front of me with her eyes wide open. Curious yet, surprised. Well, sino ba namang hindi? Tapos ang mas nakakabigla pa ay hindi lang siya basta umamin kundi bigla na lang din niya akong hinalikan. It's not just a kiss, but a kiss on my lips. Lips!Shocks!Ang masaklap pa bukod sa idineklara niya na liligawan niya ako ay napaka-demanding pa. "Bwisit ka!" Yugyog ni Alya sa balikat ko kasabay ng pagsabunot niya sa laylayan ng buhok ko. "Ang haba ng hair mo ah! Talaga bang liligawan ka ni Theo? As in, ligaw talaga? Hindi kaya nagkamali ka lang ng dinig?"Pagak akong natawa. "Nagkamali? Sana nga at sana ay panaginip lang ang lahat ng nangyayari ngayon.""Hoy!" bulalas niya at siniko ako. "Anong panaginip? Napakaswerte mo n
Samantha's POVSobra-sobra ang pasasalamat ko dahil inuwi naman ako ng magaling kong boss. Ang buong akala ko ay iuuwi niya ako sa bahay niya o di kaya ay dalhin ako sa kung saan. Tahimik ang loob ng kotse sa mga sandaling iyon. Ngunit sa kabila ng katahimikang iyon ay panay naman ang pagwawala ng isipan ko dahil sa paghalik sa akin ni Theo kanina. Napakagat-labi ako habang ramdam ko ang bawat paggalaw ng kanyang mga labi sa labi ko. Noong mga nakaraang araw ay ini-imagine ko lang kung paano siya humalik, ngayon ay bigla akong nagkaroon ng sagot sa tanong kong iyon. Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa bahay. Kasabay ng pagtapak niya sa brake ay ang pagbaling niya sa akin. Not long later, he removed my seatbelt. At that moment, I felt like I was about to melt, knowing how he looked at me like there's no tomorrow. Napalunok ako nang lumapit siya sa akin. Sa pagsandal ko sa pinto ng passenger seat ay agad din naman akong natigil nang hilahin niya ako palapit sa kanya. Ram