LOGIN“I didn't want to develop feelings for her, especially since our marriage was just for convenience. At nang mga panahon na ‘yon, pilit kong pinagbabawalan ang sarili na mahulog sa kaniya. Para sa akin, mali ang magustuhan siya. Gusto ko lang na sumuko siya sa akin— sa kasal namin.” Ikinuyom ni Maredith ang kaniyang kamao. Gusto niyang sampalin ang lalaking ito. Mahirap ang pinagdaanan ni Aeverie sa kanilang pamilya. Hindi lingid sa kaniya na nasasaktan si Aeverie dahil sa masalimuot na relasyon nila. Nagtitiis si Aeverie sa ugali ni David. Pilit nitong tinatanggap ang mga anak ni David sa labas. Pilit nitong iniintindi ang kanilang pamilya. Lumaki ito na hindi normal ang pamilyang nakapaligid sa kaniya. Nang mangarap itong bumuo ng sariling pamilya ay ganitong lalaki pa ang natagpuan. “Sa kagustuhan ko na lumayo siya, hindi ko na napansin na unti-unti na pala akong nahuhulog sa kaniya. Naging malinaw lang ‘yon nang wala na siya sa akin.” “Stop it.” Si Maredith sa mariin na boses
Kahit hindi sabihin ni Maredith ang bagay na iyon, agad na mahuhulaan na mag-ina sila ni Aeverie. Batang version ni Maredith si Aeverie. Ang hugis ng mukha, ang matangos at maliit nitong ilong, ang matang may kakaibang kislap ng paglinga, at ang labing hugis pana. Nang makita siya ni Silvestre kanina, naisip agad ng lalaki na ito ang ina ni Aeverie. Magkasingganda ang dalawa. “I’ve learned from an article na bata ka pa noong maulila ka.” Hinuli ni Maredith ang emosyon sa mga mata ni Silvestre, ngunit walang nagbago. Kaya nagpatuloy na lamang siya. “Due to some unfortunate circumstances, your mother had suffered from depression. And she ended her own life.” Hindi man lang nag-iwas ng tingin si Silvestre. Matapang pa rin nitong sinalubong ang kaniyang tingin kahit na direkta na niyang binanggit ang tungkol sa pagpapakamatay ng ina nito.Hindi rin naman sekreto ang nangyari. Naging laman ng pahayagan ang pagpapakamatay ng ina ni Silvestre kaya alam ni Maredith ang tungkol sa bagay na
Malayo ang isip ni Aeverie habang iniinspeksyon ang restaurant. Kagaya ng gustong mangyari ni Maredith, pinapunta niya si Silvestre sa opisina para makausap ito ng babae. Siya naman ay tumuloy sa restuarant para mag-inspesyon. Ngunit hindi rin siya makapagpokus sa trabaho. Hindi niya matukoy kung bakit gustong kausapin ng kaniyang ina si Silvestre. May bumubulong sa kaniya, mahinang boses na nagsasabing tungkol ito sa trabaho ni Silvestre at sa relasyon nila noon. “Miss Cuesta?” Mahinang tawag ng general manager. Napabalik siya sa reyalidad. Kanina pa pala siya nakatulala. Bumaling siya sa general manager at tiningnan ito. “Would you like to inspect the kitchen yourself?” Tanong nito, nag-aalangan pa ang hitsura. Kumurap siya at lumingon sa mga empleyadong pumapasok na ngayon sa mismong kusina ng restaurant. Tumango siya ng marahan. “Yeah, I want to talk to the head chief.” Pormal niyang sabi. Bakit ba wala siya sa kaniyang sarili? Ano ngayon kung pinag-uusapan siya ng kaniya
Bumalik si Aeverie at Larissa sa silid. Mas naging tahimik si Aeverie at madalas na matulala sa kawalan. Kahit noong dinala na sa kanila ang tsaa ay hindi niya pa rin maibalik ang sarili sa reyalidad. Maraming bagay ang gumugulo ngayon sa isip niya.Minsan ay nararamdaman niyang nakatingin sa kaniya ang kaniyang ina kaya inaayos niya ang kaniyang sarili. Ayaw niyang magtanong ito kung ayos lang ba siya.“Sage is in the Philippines.” Anunsyo bigla ni Uriel sa gitna ng usapan.“Akala ko nasa ibang bansa na ulit si Sage.” Mahinang turan ni Felistia.Ibinaling ni Aeverie ang kaniyang atensyon sa dalawang nag-uusap lalo pa't kuryuso rin siya kung bakit bigla na lang naglaho ang kaniyang kapatid pagkatapos nitong tumulong sa kaniya.Madalas ay umaalis na lang bigla si Sage at lumilitaw ulit kung kailan nito gusto. Kapag may misyon ito, mas matagal na hindi nila nakikita ang lalaki, kaya sinasanay na rin nila ang kanilang mga sarili na ganoon si Sage— lulubog-lilitaw.”I received a call from
Tuluyang natameme si Maredith. Pakiramdam niya’y pinagtaksilan na naman siya ni David dahil sa ginawa nito. Mas masakit pa, lalo na at may kinalaman kay Aeverie. Noong nalaman niyang nagpakasal si Aeverie sa isang lalaki at nakipagsama rito ng tatlong taon, hindi niya magawang maniwala. Lumaki ito sa piling niya, sinubaybayan niya ang paglaki nito at iningatan niya ito sa abot ng kaniyang makakaya. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman kung gaano nito kinasusuklaman ang kanilang pamilya dahil sa masilimuot na relasyon nila. Kaya naisip niyang mahirap para kay Aeverie na magtiwala sa lalaki— hindi ito mag-aasawa agad. Ngunit mali pala siya. Habang lumalaki si Aeverie, nakikita niyang unti-unting nagbabago ang ugali nito. Aeverie was a sweet loving child. Dahil pala-palagi silang magkasama, nakuha nito ang ugali niya. Mahinahon, malambing, at mapagmahal ang batang Aeverie. Ngunit nang tumatanda na ay unti-unti nang nagiging malamig, matigas, at mapag-isa. Hindi na niya mahanap ang d
Naupo sila, ngunit hindi natapos ang pagbati at pangangamusta ng tatlong babae para sa unang araw niya sa trabaho bilang pangulo ng hotel. “It was good.” Matipid niyang sabi. Hindi niya alam kung paano ipaliliwanag ang unang araw niya sa trabaho bilang presidente. Siguro ay tunay sanang naging maganda ang kaniyang araw kung hindi lamang sa ginawa ni David. Simula nang maging general manager siya ng hotel ay unti-unti rin nahubog ang kaniyang kakayahan sa pamamamahala ng negosyo. Unti-unti rin nabubuo ang pangarap na mailagay siya sa mas mataas na posisyon. Pinatunayan niya ang kaniyang sarili, hindi siya nagkulang. Bakit kung kailan nakamit na niya ang inaasam na posisyon sa hotel ay saka naman mas lalo niyang naramdaman na walang katapusan ang mga pagsubok na ibinabato sa kaniya ng kaniyang ama? “He didn't tell us about his plan, actually.” Ani Felistia nang mapunta ang usapan kay David. “Not even to Tita Maredith?” Si Rafael na sumulyap sa babae. Nag-angat ng tingin si Maredi







