“You would receive a lot of gifts today, Aeve. Everyone has prepared them for you and they are piled up in your room. Hermosa, there are many people who love you. Give your love and time to those who deserve it.”
Nag-init ang sulok ng mga mata ni Aeverie dahil sa sinabi ng kapatid.
She missed a lot of things.
Pinagmasdan nila ang fireworks at napagtanto niyang marami pang tao ang nagmamahal sa kaniya.
Marami pa ang nagpapahalaga sa kaniya. Hindi niya lang makita dahil nakapokus lamang siya kay Silver.
“Thank you, Kuya.” Bulong niya.
Samantalang nang mga oras na iyon ay pumarada ang itim na Maybach sa boulevard.
Nasa likod sila ng nagkakagulong mga tao.
Lumabas ng sasakyan si Silvestre at pinagbuksan ng pinto si Arsen.
Naglahad siya ng kamay na tinanggap naman agad ng babae.
Nang makalabas ito, itinuro agad ang fireworks display.
“Look! Wow.” Umawang ang bibig ni Arsen dahil sa pagkamangha.
“What a beautiful fireworks!”
Ngumiti ng malaki si Arsen na pinagmasdan naman ni Silver.
“Tingnan mo, Silver. Ang ganda!”
Pinananatili ni Arsen ang kaniyang pagiging inosente sa maliliit na bagay na siyang dahilan kung bakit nagustuhan ito lalo ni Silver.
Sa kabilang banda, si Avi ay parang matigas na kahoy ang personalidad, walang kabuhay-buhay, na siyang dahilan para hindi magawang gustuhin ni Silver.
Sa nagdaang tatlong taon, dalawang bagay lamang ang hindi niya maipipintas kay Avi, iyon ay desiplinado at maayos nitong pagkilos at ang pagiging masyadong masunurin nito.
Pero ano ang silbi no’n? Hindi ito ang babaeng gusto niya.
Magkahawak kamay si Arsen at Silver na naglakad papunta sa railing at muling napatingin sa kalangitan nang apat na fireworks ang sumabog nang sabay-sabay.
Ang pagsabog ay gumawa ng ilusyon ng mga letra sa kalangitan.
Happy.
Naglaho iyon pagkatapos ng ilang minuto.
Muling sumabog ang walo pang fireworks.
Ngayon ay panibagong mga letra ang binuo.
Birthday.
“Oh, it turns out that someone’s celebrating a birthday.” Si Arsen na namamangha pa rin.
“I wonder who is it? The celebrant would be very happy to receive such a gift.” Hindi na napigilan ni Arsen na mainggit.
Napabuntong-hininga siya, ang inggit ay tuluyang sumiksik sa kaniyang puso.
Samantalang dumilim naman ang mga mata ni Silver. Ang kaniyang puso ay parang sinasakal ng isang maliit na kamay. Mariin niyang itikom ang kaniyang bibig.
Today is Avi's birthday. Hindi kaya ang fireworks display na ito ay regalo ni Mr. Cuesta?
Bigla niyang narinig ang isang malinaw at masayang tinig mula sa hindi kalayuan.
Napakapamilyar nito na ibinaling niya ang tingin kung saan iyon nanggaling.
Ang yate ay dumaan sa kanila at nakita niya ang dalawang taong nakatayo sa top deck nito.
Si Avi at Rafael Cuesta ay nakangiting nag-uusap.
“W-wait. Is that Avi? The man looks familiar, and they seem to have a good relationship.” Inosinteng tanong ni Arsen.
Ang matinding galit ay biglang sumabog sa loob-loob ni Silver. Hindi maipinta ang kaniyang mukha. Ang ugat sa kaniyang mga kamay ay lumilitaw at mas lalong nadidipina dahil sa mahigpit niyang paghawak sa railing.
As expected!
Hindi pa man nila ospisyal na nailalakad ang divorce ay hindi na makapaghintay si Avi! Gusto na nitong magpalipas ng gabi kasama ang ibang lalaki. Hindi na siya binigyan ng kahihiyan.
Nagtagis ang kaniyang bagang at halos mamuti na ang kaniyang buko sa kamay dahil sa higpit ng pagkakahawak sa railings.
May paiyak-iyak pa ito kaninang hapon samantalang halos itapon na nito ang sarili sa mga bisig ni Rafael Cuesta ngayon-ngayon lang!
What did she mean by crying pitifully in front of me that afternoon?! Galit niyang tanong sa kaniyang isip.
Ang yate ay umikot para dumaong sa pyer.
Maingat na inalalayan ni Rafael si Aeverie pababa ng yate. Nang makaapak sa board walk ay agad na inilagay ni Rafael ang kaniyang kamay sa bewang ng babae.
Marami pa rin ang tao sa may boulevard at malapit roon ang pinag-parkingan ng kanilang sasakyan.
“Avi!”
Nang marinig ang tawag na iyon, natigilan si Aeverie sa paglalakad at parang nanlamig ang buo niyang katawan.
Unti-unti siyang pumihit sa direksyon ng boses. Kumunot ang kaniyang noo nang makita si Silver na malalaki ang hakbang na naglakad papunta sa kanila.
Tanging ang street lamp lamang ang liwanag doon kaya parang aninong naglalakad ang lalaki sa direksyon nila.
Madilim ang anyo at parang handang sumugod sa isang madugong labanan.
Kahit na halos hindi niya makita ng malinaw ang mukha nito, kilalang-kilala niya si Silver. Ito ang bukod-tanging lalaki na kayang magpatibok ng mabilis sa kaniyang puso.
Ngunit anong silbi no’n?
Nagsalubong ang kaniyang kilay.
Winasak na nito ng tuluyan ang kaniyang pag-ibig. Sapat na ang halos isang dekada at tatlong taon na pagpapakatanga para sa lalaki. Hindi na niya kayang mahalin pa ito.
“Who's this?!” Galit na saad ni Silver nang makalapit sa kanila.
Ang mga mata nito'y malamig at nagtatagis ang bagang.
Hindi siya nakapagsalita.
“I guess Mr. Galwynn has some sort of short-term memory.”
Mas lalong humigpit ang hawak ni Rafael sa kaniyang kapatid lalo na't naramdaman niya ang panlalamig nito.
Kalmado siyang ngumiti.
“In the business world, we have fought more than once.”
“Avi, answer my question.” Binaliwala ni Silver ang pagsasalita ni Rafael.
Gusto niyang manggaling mismo kay Avi ang kasagutan.
Tumuwid ng tayo si Aeverie. Malamig ang mga mata.
“I have already signed the divorce paper, Mr. Galwynn. Technically, it means that we both agreed to separate ways.” Saad ni Aeverie.
Gone the soft-spoken and loving Avi. Sa harap niya ay ang malamig na Aeverie.
“And who's this gentleman? Why? What does it have to do with you?” Malamig niyang tanong.
Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Silver. Hindi siya makapaniwala na ang Avi na desiplinado at masunurin ay malaki na agad ang pinagbago.
Ang kilalang niyang Avi ay hindi ganito ang tono kung magsalita.
“We haven't officially divorced yet, and you can't wait to be with another man?” Patuya niyang tanong.
“Watch your words.”
Naramdaman ni Aeverie na nainsulto rin ang kaniyang kapatid kaya susugurin na dapat nito si Silver ngunit napigilan niya ito agad.
Violence are only for savages. Iyon ang pinaniniwalaan ng kaniyang mga kapatid, pero alam niyang hindi iyon palalampasin ni Rafael kapag ininsulto siya.
Nang makita ni Silver ang pagpigil ni Avi sa lalaki mas lalong tumindi ang nararamdaman niyang galit.
At talagang dinipensahan pa nito ang ibang lalaki?!
“You've already said it, that we haven't officially divorce yet. Pero Mr. Galwynn, mukhang hindi naman yata tama na pikit-mata kong tatanggapin ang babae mo sa tahanan habang hindi pa official and divorce natin? You've already brought home your other woman, what do you expect from me? Leave when it already feels convenient for you?”
Ang mahaba at itim na buhok ni Aeverie ay sinasayaw ng hangin at ang mapula niyang labi ay unti-unting umangat para sa isang mapanudyong ngiti.
Ngunit kaysa mainsulto ay natulala ng husto si Silver sa babae. Her changes is surprising him!
Tila mas gumanda lalo si Avi sa kaniyang paningin dahil sa mga pagbabago nito.
“Why, only you, the ex-husband, is allowed to set fires, and I, the ex-wife, ain't allowed to light lamps?”
Ang pamilyar na melodiya ng Le Temps des Lilas ni Ernest Chausson ay biglang nagpakaba kay Rafael habang pinagmamasdan ang kaniyang kapatid na nakatayo sa gitna ng entablado. Noong kumakanta pa si Aeverie ay isa ito sa pinakamagaling at hinahangaan ng mga vocal coach. Natural ang talento nito, hindi pinipilit at hindi na kailangan na e-pressure para makuha ang tamang tyempo at melodiya. Ngunit ilang taon nang hindi kumakanta si Aeverie. Ilang taon na nitong pinagpahinga ang boses at talento. Ngunit hindi man lang kababakasan ng takot ang magandang mukha ng babae. Nang bumuka ang bibig nito para sa intro ng kanta ay napatulala ang mga tao nang marinig na sobrang lamig ng boses nito. Naipikit ni Rafael ang kaniyang mga mata, lumuwag ang kaniyang paghinga at isang ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Hindi siya nagduda, natakot lamang siya… ngunit alam niya sa kaniyang sarili na malaki ang tiwala niya sa kakayahan ng kaniyang kapatid. Kaya nang magmulat siya ay tinitigan niya ang kapat
Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ni Aeverie nang bumaba ang mukha ni Silvestre sa kaniya. She could feel it— the sudden heat and anticipation. Alam niya na kaniyang makatakas sa pagitan ng mga braso nito, kaya niyang matakasan ito… ngunit bakit hindi niya magawa? Bakit may pwersa pa rin na pumipigil sa kaniyang umiwas at lumayo? Nasaan na ang galit sa kaniyang puso? Nasaan na ang panatang hindi na niya hahayaan na makalapit sa kaniya ang lalaking ito? Nagtama ang kanilang tingin at sa sandaling iyon malinaw niyang nakita sa mga mata ni Silvestre ang pananabik na madampian ng halik ang kaniyang labi. Mas lalong bumilis ng tibok ng kaniyang puso. “Silvestre. Avi.” Ang malalim na boses ni Benito ang nagpatigil kay Silvestre sa paglapit pa lalo. Pareho silang napatingin sa kanan at nakita ang matandang sekretaryo ni Lucio. May halong gulat at pag-aalala ang ekspresyon ng mukha ng matandang lalaki. Halatang ayaw sanang makaisturbo sa kanila ngunit kailangan. Gumapang ang h
“What the heck? Are you crazy?!” Gulat niyang sigaw. “You lied to me again and again, Aeverie... Who do you think wouldn't go crazy?” “Ano bang sinasabi mo? Tyaka layuan mo nga—” nahigit niya ang hininga nang ilapit lalo ni Silvestre ang mukha sa kaniya. Hindi niya natuloy ang pagproprotesta dahil kaunting pagkakamali lang ay maglalapat agad ang kanilang labi sa sobrang lapit ng kanilang mga mukha. Hindi niya gustong mangyari iyon. The last thing she wants to happen is to get kissed by this man. Ngunit kung may makakakita sa kanila ay iisipin na naghahalikan silang dalawa. Lalo pa't bahagyang nakakiling ang ulo ni Silvestre, nakaanggulo para sa isang romantikong halik kagaya ng mga nakikita sa telenobela. Mabuti na lamang at parang hindi iyon palaging dinadaanan ng mga bisita at empleyado dahil walang ibang naroon kung hindi silang dalawa lang. “You’re a liar in nature, Aeverie Cuesta.” Naging madilim ang mga mata ni Silvestre, puno ng pait at panghuhusga nang pukulin siy
Pagkatapos na magbukas ng mga regalo ay nagpapatuloy ang masayang selebrasyon, nagbigay naman ng mensahe ang mga bisita habang inihahain ng mga waiter ang pagkain sa kani-kanilang mga mesa. Ninais ni Aeverie na mag-ayos ng makeup, kaya pansamantalang nilisan niya ang tabi ng kanyang Abuelo. Pagkatapos na makapagpaalam kay Rafael ay naglakad na siya patungo sa pasilyo na magdadala sa kaniya sa powder room. Habang naglalakad ay hindi niya mapigilan na hindi mapangiti ng may sarkasmo nang maalala ang mga pagpapahiyang inihanda nina Arsen at Fatima sa kaniya—mga hamak na pakanang puno ng kahihiyan na bumalik din sa kanila bilang karma. Those women are the real definition of b*tch*s. Hindi talaga siya tatantanan ng pamilya ni Arsen hangga't hindi siya napapabagsak. Alam niyang babatikusin siya, ngunit maswerte lamang siya at sa katangahan ng magtiyahin ay hindi nasukat ng dalawa ang isang bagay: ang pagmamahal sa kaniya ni Lucio. Too bad, the old man favored her so much. Kaya kahit na a
Humupa ang gulo. Nahila palayo ni Fatima si Arsen na halos manginig sa galit at pagkapahiya. Minabuti ngi Fatima na pauwiin na lang ang pamangkin kaysa maeskandalo pa sila. Sumingit naman ang ilang bisita sa pagbibigay ng regalo at ilang saglit pa’y nakalimutan din nila ang ginawang eksena ni Arsen. Muli ay bumalik ang galak sa puso ni Lucio. Naging magaan muli ang atmospera at marami nang regalo ang nabuksan ng matanda. Sa wakas ay turno na ni Aeverie na magbigay ng regalo. Nilingon ni Rafael si Blue at agad naman nitong nakuha ang senyales ng kapatid. Umalis ang lalaki para kunin ang regalo, at pagbalik nito’s sunod-sunod na singhap ang pumuno sa venue. Ang mga kaibigan ni Lucio Galwynn na mahilig din magkolekta ng antigong mga gamit ay namangha ng lubos sa dala ni Blue. Isang antigong upuan ang maingat na binubuhat nito. Nakilala nila ang dala-dala nitong antigo. “I-iyan ang regalo kay Mr. Galwynn?” “Hindi ba't iyan ang Sedia regale? Iyan ang upuan na pinapaniwalaang inuki
"If she really wanted this painting, why didn't she bid with me? She didn't really want to buy it, she just wanted to cheat me!" Sigaw ni Arsen, desperadang ibaling ang sisi kay Avi. Napakunot-noo ang mga tao at hindi alam kung paniniwalaan ang babae o kaaawaan na lang. "Hindi kaya may lihim na galit ang dating asawa ni Mr. Galwynn kaya ginawa niya ito? Everybody knows that Miss Espejo is engaged with Mr. Galwynn now.” “That's a petty. Tingin ko hindi iyon gagawin ng babaeng ito lalo pa’t mukhang tanggap naman niya na hiwalay na sila ni Silvestre.” “Sa bagay. There's Rafael Cuesta by her side.” Lalong sumidhi ang galit ni Arsen dahil sa mga tsismis! Kahit anong gawin niya'y wala siyang makuhang simpatya mula sa mga tao. "Avi, did you really do that?" May diin na tanong ni Bernard kay Aeverie. Tahimik naman na pinagmasdan ni Lucio Galwynn ang apo, naghihintay ng paliwanag. Walang panghuhusga sa mga mata ni Lucio, ngunit mayroong pag-iingat. Hinihikayat niya sa kaniyang tingin si