Nang maghapunan, ang lahat ay nasa dining table na at pinag-uusapan si Arsen.
Lahat sila ay natutuwa sa pagbabalik ng babae.
Ngunit tahimik lamang si Silver na nakikinig sa mga binabatong tanong kay Arsen. Magkasalubong pa rin ang makapal niyang kilay at hindi pa rin napapatag ang nakakunot niyang noo.
Umalis si Avi kasama si Rafael Cuesta na walang dinalang kahit na anong bagay, maging ang inalok niyang 20 million at ang villa.
“Nasaan si Avi? Bakit hindi siya bumaba at nang makakain na?” Si Director Bernard Galwynn ang nagtanong dahil sa pagtataka.
“Silver?” Bumaling ito kay Silver.
“Where's Avi?” Nag-aalala nitong tanong.
“She left.”
“Ano?” Kumunot ang noo ni Bernard.
“Where did she go? Ang batang ‘yon, kumain na ba si Avi?”
“Dad, she left already. She signed the divorce paper and decided to leave.”
Nagbaba ng tingin si Silver.
“But we still have to choose a day to go through the formality and get the divorce certificate.”
Naibaba ni Bernard ang kaniyang kubyertos. Nagulat siya sa sinabi ng anak.
“Ano?! Divorce?”
“Kuya Bernard,” singit ni Fatima. “Sinabi ko na sa iyo dati pa man na si Silver at Avi ay hindi talaga bagay sa isa't isa. Ang matanda lamang ang pumilit para magsama ang dalawa.”
Huminga ng malalim si Fatima.
“Three years is already long enough. Nahihirapan na siguro si Avi kaya pinili na niyang umalis. She's now finally willing to let go and part ways with Silver happily. Mas makabubuti na rin ito para sa kanilang dalawa. Alam mo rin naman na dati pa, si Arsen na ang tinatangi ni Silver.”
Bumaling si Bernard kay Silver. Seryoso ang mukha.
“Silvestre, marriage is not a joke, not to mention Avi is—”
“Dad,” putol ni Silver sa sasabihin ng ama.
“We have signed the divorce agreement, it's a mutual decision. Umalis siya, at walang kinuha na anuman.”
Muling kumunot ang kaniyang noo dahil sa naramdamang pagkayamot.
“Not even her clothes?” Gulat na tanong ni Bernard.
Umiling siya.
“Wow, that country girl is quite strong-willed.”
Napaismid naman si Lucinda. “Hindi kaya paraan lang niya ito para magmukhang kaawa-awa? Baka mamaya niyan ay pagsalitaan tayo ng masama at sabihin niyang tinatrato natin siya ng hindi tama!”
Nang marinig iyon ni Silver ay mabilis na dumaan ang galit sa kaniyang mga mata. Nagsalubong ang makapal na kilay at gumalaw ang panga.
“Masyado kang nagpadalos-dalos sa desisyon mo ngayon, Silver.” Medyo bigong saad ni Bernard. “Your Abuelo is still sick. How would you explain this to him?”
Natahimik ang lahat ng nasa mesa dahil sa pagbanggit ni Bernard sa matanda.
Halata rin sa mukha ng lalaki ang labis na pag-aalala. Alam ni Bernard na malaki ang posibilidad na hindi matuwa ang matanda kapag nalaman ang pakikipaghiwalay ni Silver kay Avi, baka mas lumala lamang ang kalagayan nito.
“I will tell him the truth, Dad. And next month, I will announce the engagement with Arsen. I want to marry her and make her my wife.”
Napatitig si Arsen sa guwapong mukha ng lalaki. Namungay ang kaniyang mga mata dahil sa mga sinabi nito.
“You are just kidding! Have you already thought about this, Silver?” Tumaas ang boses ni Bernard.
“You've already been married to Avi for three years, you should not risk your marriage like that. And your reputation? It will be ruined the moment you announce your engagement with another woman!”
Umiling si Silver. Hindi natatakot sa pagtaas ng boses ng kaniyang ama.
“I never care about false reputation. Avi has never been the woman I want." Buo ang kaniyang loob na sabihin iton.
“Tito Bernard, please don't blame Silver, blame me if you want to.”
Hindi na napigilan ni Arsen ang bugso ng damdamin. Humilig siya sa balikat ni Silver at kinuha ang kamay nito.
Pinagsiklop nila ang kanilang mga kamay.
“It's my fault, Tito.” Pag-amin niya.
“I shouldn't have appeared in front of Silver... I will go back to Canada tomorrow morning.”
Kumunot ang noo ni Silver sa kaniyang sinabi.
“And for you, Silver, kailangan mong ayusin ang relasyon mo kay Avi. I don't want you to regret anything. I don't want to feel bad by ruining your marriage with her—”
“Stop it, Arsen.” Putol ni Silver.
“I don't regret anything. And I would not regret anything.”
Humigpit ang hawak ni Silver sa kamay ng babae.
“And you're not going back to Canada. I wouldn't let you go.”
“But...” nag-alinlangan si Arsen nang makita ang pagtagis ng bagang ni Silver.
Mabigat ang mga mata nito at mahigpit ang pagkakahawak sa kaniyang kamay.
“Avi and I are over. You have endured for me for three years. I won't let you suffer any more grievances.” Nangangakong saad ng lalaki.
Natahimik ang mesa.
Lahat ay nakatingin na lamang kay Silver at Arsen habang ang dalawa ay parang may sariling mundo.
“I love you, Ariel Sendyll Espejo. I'd marry you no matter what.”
Sa labas naman ay malamig ang simoy ng hangin sa gabing iyon. Tila hinihele ang mga kumikirot na puso.
Dinala ni Rafael si Aeverie sa port kung saan naghihintay ang pribadong yate na binili ni Uriel.
Sumakay sila at agad naman na pinaandar ng kapitan ang yate.
Gabi na at halos marami ang tao sa nadaanan nilang boulevard. Mula sa yate ay tanaw niya ang mga magkasintahan na naglalakad-lakad sa may boulevard.
Binalingan niya ang kapatid.
“Really, Kuya Rafael? You're killing me. This place is for lovers!” Sarkastiko niyang saad.
Marahang natawa ang lalaki.
Hinila siya nito para yakapin.
“I want you to relax and enjoy the yatch by looking the gorgeous city lights at night. Huwag mong pansinin ang ibang bagay. Lalayo rin naman tayo.” Pang-aasar nito.
Pinaikot niya ang mga mata.
Palayo nang palayo sa boulevard ay lumiliit ang mga tao. Tanging ang liwanag nalang mula sa street lamp at establismento ang natatanaw nila.
Gone those sweet couples.
Naupo siya sa maliit na sofa, at humugot ng malalim hininga.
“I think I don't like what's happening now.”
Naupo sa katapat na upuan si Rafael.
“Really? Then you have to blame your Kuya Uriel for that. He said that he will set off fireworks here at 8 o'clock in the evening.”
Eleganteng itinaas ni Rafael ang kaniyang kamay kung saan nakalagay ang mamahaling relo.
Nang makita ang oras, agad na napangisi.
Sakto lamang ang pagdating nila.
“Five, four, three, two, one.”
Nag-angat siya ng tingin at kasabay no’n ay ang ingay na sumabog sa kalangitan nang magsimula na ang fireworks display.
Malaking kulay purple-red na fireworks ang sumasabog sa kalangitan.
At dahil nasa dagat sila, kitang-kita iyon ni Aeverie.
Rumereplekta sa tubig ang liwanag ng fireworks dahilan para mas maging maganda ang tanawin.
Ang mga tao sa boulevard ay nagsipaglapitan pa para makita ang fireworks display.
Everyone's cheering.
Naririnig nila ang sigawan at hiyawan dahil sa pagsabog ng fireworks sa kalangitan.
Napangiti si Aeverie habang pinagmamasdan ang maliwanag na kalangitan.
“Kuya Uriel's aesthetics are very... very rustic.” Unti-unti siyang umiling, pero hindi niya maitatanggi na uminit ang kaniyang puso.
“Thinking about the weird gifts you received over the years, this is already a great improvement.”
Umakbay si Rafael kay Aeverie at maingat itong pinahilig sa kaniyang braso.
Ang pamilyar na melodiya ng Le Temps des Lilas ni Ernest Chausson ay biglang nagpakaba kay Rafael habang pinagmamasdan ang kaniyang kapatid na nakatayo sa gitna ng entablado. Noong kumakanta pa si Aeverie ay isa ito sa pinakamagaling at hinahangaan ng mga vocal coach. Natural ang talento nito, hindi pinipilit at hindi na kailangan na e-pressure para makuha ang tamang tyempo at melodiya. Ngunit ilang taon nang hindi kumakanta si Aeverie. Ilang taon na nitong pinagpahinga ang boses at talento. Ngunit hindi man lang kababakasan ng takot ang magandang mukha ng babae. Nang bumuka ang bibig nito para sa intro ng kanta ay napatulala ang mga tao nang marinig na sobrang lamig ng boses nito. Naipikit ni Rafael ang kaniyang mga mata, lumuwag ang kaniyang paghinga at isang ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Hindi siya nagduda, natakot lamang siya… ngunit alam niya sa kaniyang sarili na malaki ang tiwala niya sa kakayahan ng kaniyang kapatid. Kaya nang magmulat siya ay tinitigan niya ang kapat
Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ni Aeverie nang bumaba ang mukha ni Silvestre sa kaniya. She could feel it— the sudden heat and anticipation. Alam niya na kaniyang makatakas sa pagitan ng mga braso nito, kaya niyang matakasan ito… ngunit bakit hindi niya magawa? Bakit may pwersa pa rin na pumipigil sa kaniyang umiwas at lumayo? Nasaan na ang galit sa kaniyang puso? Nasaan na ang panatang hindi na niya hahayaan na makalapit sa kaniya ang lalaking ito? Nagtama ang kanilang tingin at sa sandaling iyon malinaw niyang nakita sa mga mata ni Silvestre ang pananabik na madampian ng halik ang kaniyang labi. Mas lalong bumilis ng tibok ng kaniyang puso. “Silvestre. Avi.” Ang malalim na boses ni Benito ang nagpatigil kay Silvestre sa paglapit pa lalo. Pareho silang napatingin sa kanan at nakita ang matandang sekretaryo ni Lucio. May halong gulat at pag-aalala ang ekspresyon ng mukha ng matandang lalaki. Halatang ayaw sanang makaisturbo sa kanila ngunit kailangan. Gumapang ang h
“What the heck? Are you crazy?!” Gulat niyang sigaw. “You lied to me again and again, Aeverie... Who do you think wouldn't go crazy?” “Ano bang sinasabi mo? Tyaka layuan mo nga—” nahigit niya ang hininga nang ilapit lalo ni Silvestre ang mukha sa kaniya. Hindi niya natuloy ang pagproprotesta dahil kaunting pagkakamali lang ay maglalapat agad ang kanilang labi sa sobrang lapit ng kanilang mga mukha. Hindi niya gustong mangyari iyon. The last thing she wants to happen is to get kissed by this man. Ngunit kung may makakakita sa kanila ay iisipin na naghahalikan silang dalawa. Lalo pa't bahagyang nakakiling ang ulo ni Silvestre, nakaanggulo para sa isang romantikong halik kagaya ng mga nakikita sa telenobela. Mabuti na lamang at parang hindi iyon palaging dinadaanan ng mga bisita at empleyado dahil walang ibang naroon kung hindi silang dalawa lang. “You’re a liar in nature, Aeverie Cuesta.” Naging madilim ang mga mata ni Silvestre, puno ng pait at panghuhusga nang pukulin siy
Pagkatapos na magbukas ng mga regalo ay nagpapatuloy ang masayang selebrasyon, nagbigay naman ng mensahe ang mga bisita habang inihahain ng mga waiter ang pagkain sa kani-kanilang mga mesa. Ninais ni Aeverie na mag-ayos ng makeup, kaya pansamantalang nilisan niya ang tabi ng kanyang Abuelo. Pagkatapos na makapagpaalam kay Rafael ay naglakad na siya patungo sa pasilyo na magdadala sa kaniya sa powder room. Habang naglalakad ay hindi niya mapigilan na hindi mapangiti ng may sarkasmo nang maalala ang mga pagpapahiyang inihanda nina Arsen at Fatima sa kaniya—mga hamak na pakanang puno ng kahihiyan na bumalik din sa kanila bilang karma. Those women are the real definition of b*tch*s. Hindi talaga siya tatantanan ng pamilya ni Arsen hangga't hindi siya napapabagsak. Alam niyang babatikusin siya, ngunit maswerte lamang siya at sa katangahan ng magtiyahin ay hindi nasukat ng dalawa ang isang bagay: ang pagmamahal sa kaniya ni Lucio. Too bad, the old man favored her so much. Kaya kahit na a
Humupa ang gulo. Nahila palayo ni Fatima si Arsen na halos manginig sa galit at pagkapahiya. Minabuti ngi Fatima na pauwiin na lang ang pamangkin kaysa maeskandalo pa sila. Sumingit naman ang ilang bisita sa pagbibigay ng regalo at ilang saglit pa’y nakalimutan din nila ang ginawang eksena ni Arsen. Muli ay bumalik ang galak sa puso ni Lucio. Naging magaan muli ang atmospera at marami nang regalo ang nabuksan ng matanda. Sa wakas ay turno na ni Aeverie na magbigay ng regalo. Nilingon ni Rafael si Blue at agad naman nitong nakuha ang senyales ng kapatid. Umalis ang lalaki para kunin ang regalo, at pagbalik nito’s sunod-sunod na singhap ang pumuno sa venue. Ang mga kaibigan ni Lucio Galwynn na mahilig din magkolekta ng antigong mga gamit ay namangha ng lubos sa dala ni Blue. Isang antigong upuan ang maingat na binubuhat nito. Nakilala nila ang dala-dala nitong antigo. “I-iyan ang regalo kay Mr. Galwynn?” “Hindi ba't iyan ang Sedia regale? Iyan ang upuan na pinapaniwalaang inuki
"If she really wanted this painting, why didn't she bid with me? She didn't really want to buy it, she just wanted to cheat me!" Sigaw ni Arsen, desperadang ibaling ang sisi kay Avi. Napakunot-noo ang mga tao at hindi alam kung paniniwalaan ang babae o kaaawaan na lang. "Hindi kaya may lihim na galit ang dating asawa ni Mr. Galwynn kaya ginawa niya ito? Everybody knows that Miss Espejo is engaged with Mr. Galwynn now.” “That's a petty. Tingin ko hindi iyon gagawin ng babaeng ito lalo pa’t mukhang tanggap naman niya na hiwalay na sila ni Silvestre.” “Sa bagay. There's Rafael Cuesta by her side.” Lalong sumidhi ang galit ni Arsen dahil sa mga tsismis! Kahit anong gawin niya'y wala siyang makuhang simpatya mula sa mga tao. "Avi, did you really do that?" May diin na tanong ni Bernard kay Aeverie. Tahimik naman na pinagmasdan ni Lucio Galwynn ang apo, naghihintay ng paliwanag. Walang panghuhusga sa mga mata ni Lucio, ngunit mayroong pag-iingat. Hinihikayat niya sa kaniyang tingin si