LOGINNagtaas ng kilay si Aeverie. Malamig pa rin ang tingin sa kaniya.
“I don't question your relationship with Arsen, so don't question my relationship with this gentleman.”
Hindi nakapagsalita si Silver.
Para siyang nag-ugat sa kaniyang kinatatayuan.
Si Arsen na napag-iwanan dahil sa pagmamadali kanina ni Silver ay patakbong lumapit sa kanila.
Nang makita nitong nakatulala si Silver kay Aeverie ay parang sinakop ng galit ang kaniyang dibdib.
Bumigat ang kaniyang mga paa at padarag na naglakad. Dahil mataas ang suot niyang takong, natapilok siya.
“Ah!” Napahiyaw siya nang sumigid ang kirot sa kaniyang paa, bumagsak siya dahil sa kawalan ng balanse.
“Silver! Help please! My foot hurts.” Iyak niya.
Nagising si Silver sa kaniyang pagkatulala. Nang lingunin niya si Arsen, nakasalampak ito sa sahig. Dali-dali siyang lumapit, at tinulungan ito.
Nang ibalik niya ang tingin kay Aeverie, wala na sila roon. Ang dalawa ay naglakad na palayo na tila magkasintahan na hindi kailanman magagawang saktan ninuman.
Napatulala siya sa likod nilang paunti-unting naglalaho sa kaniyang paningin.
Bumukas ang malaking gate nang makarating si Rafael at Aeverie sa Cuesta La Palacio. Bumungad ang pamilyar na daan papunta sa malaking bahay.
Ang gate ay malayo pa sa mismong mansyon kaya may pagkakataon pa si Aeverie na magbalik-tanaw.
Marami na ang nagbago sa kanilang tahanan. Mas lalo lamang itong napuno ng karangyaan.
Ang kanilang dinadaanan ay parang hardin na walang katapusan.
“Uriel is already waiting.” Si Rafael nang pagbuksan siya ng pinto.
Ngumiti siya at agad na kumapit sa braso ng kapatid. Umakyat sila sa marmol na hagdan at nakita ang isa pang kapatid, si Uriel.
Nakangiti itong naghihintay sa kanila sa tapat ng malaking pinto ng kanilang tahanan.
“Welcome back, Princess!”
Ang mukha ni Aeverie ay mas lalong nagliwanag. Sa paningin ni Uriel ay parang anghel ang kaniyang nakababatang kapatid.
Hindi na niya hinintay na makalapit pa ito, sinugod niya ito ng mahigpit na yakap.
Ngunit nanatiling matuwid ang pagkakatayo ni Aeverie, hindi nasuklian ang kaniyang yakap.
Ganunpaman, kilala niya ang kaniyang kapatid, kahit na malamig ang pakikitungo nito, alam niyang mabuti at mabait ang puso nito.
“Is everything alright, Kuya Uriel?”
Kumalas siya sa yakap. Ngumiti at hinaplos ang buhok ni Aeverie.
“Everything's better now, Aeve. Especially that you're back.”
Nakapagpalit ng high heels si Aeverie sa sasakyan ni Rafael kanina ngunit mas matangkad pa rin talaga ang kaniyang mga kapatid. Hanggang balikat lamang siya ni Uriel.
Pero hindi niya iyon inalintana. She personified the queen in her.
“How's my gift?” Ngumiti si Uriel. “Did you like it?”
Umikot ang mga mata ni Aeverie. Kaya bahagyang natawa si Uriel.
“Hey. Hey. The fireworks display is amazing! It attracted the attention of the whole city and has become a hot search in internet.” Natatawang dipensa ni Uriel sa sarili.
Punong-puno ng energy ang katawan ni Uriel.
“Yes, Kuya. I've actually seen an update about your so-called amazing gift. Iniisip ng lahat na nagwaldas ka ng milyon-milyon para lang sa isang engrandeng regalo. They're making rumors now, thinking that it's actually intended to pursue the local tycoon's wife.”
Nagtaas ng kilay si Uriel.
“Iniisip nila na patay na patay ka sa isang babae para gumastos ng ganoon kalaki. You're now the newest hot search, the crazy-tycoon who paid millions for fireworks display. Congratulations, Kuya Uriel, for unlocking a new achievement in life.” Pumalakpak pa si Aeverie para mas lalong maasar ang kapatid.
Ngunit hindi iyon pinatulan ni Uriel. Tumawa lamang ang lalaki.
“I can actually spend more than that, Aeverie, if it's for you. I don't hella care about their assumptions and all. Who cares anyway?”
Umakbay si Uriel kay Aeverie at natawa.
“I hope you won't leave us again this time, Princess.” Bulong niya.
“I'm already divorced, Kuya Uriel. So, why should I leave?”
Tinapik Aeverie ang likod ng kapatid.
“I've let everyone down. Masyado akong naging desperada sa nagdaang tatlong taon, halos inubos ko ang oras at lakas, maging ang puso at kaluluwa para sa isang lalaki na hindi naman ako kayang mahalin. I'm such a failure, a complete failure.”
Unti-unting nanikip ang kaniyang dibdib at parang may nagbabara sa kaniyang lalamunan.
Naramdaman niyang kung patuloy niyang babanggitin ang bigong pag-ibig kay Silvestre ay maiiyak na naman siya.
Kaya bahagya niyang ipinilig ang ulo para makalimutan ang mapapait na alaala.
Nangako siyang hindi na niya iiyakan si Silver. It's not worth it!
“That d*mn, Silvestre Galwynn! How dare he betray my sister?”
Hinaplos muli ni Uriel ang buhok ni Aeverie.
“I will start a thorough investigation of the Galwynn Group tomorrow, I will make him regret it. Let's see what Sage can do to him.”
Si Rafael na nakikinig ay nagbaba ng tingin at saglit na pumikit sabay sabing, “Amen.”
Mabilis na tinampal ni Aeverie ang braso ng kaniyang mga kapatid.
“Tumigil nga kayo!” Awat niya.
“Kuya Uriel, walang kang gagawin na kahit na ano! Huwag mo rin idamay si Sage sa mga kalokohan mo. You're a respected prosecutor, a public official, hindi ka gagawa ng ikakapahamak mo lang din sa huli.”
Pinanlakihan niya ng mata si Uriel.
“Bakit hindi ka gumaya kay Kuya Rafael? Learn to control your anger and be more loving and patient.”
“B*llsh*t!” Humalakhak si Uriel tiningnan ang nakatatandang kapatid na nagkibit-balikat.
“Bakit hindi na lang kaya pumasok sa simenaryo si Kuya Rafael kung ganoon? Hindi mo lang nakita, he's actually planning to cut your ex-husband's body using a butcher's knife!”
Niluwagan ni Uriel ang kaniyang kurbata. Naramdaman niya ang matinding galit pero itinawa na lamang niya iyon.
Ayaw niyang matakot si Aeverie sa kaniya.
“Stop it, okay? Kayo ni Kuya Rafael, lalo na si Sage!”
Pagod na tumango si Rafael, kaya napipilitan nalang din na tumango si Uriel.
“As you wish, Princess.”
Muling umakbay si Uriel kay Aeverie.
“But it's really hard to control myself when we're already talking about your safety, Aeverie.” Seryosong saad ni Uriel.
“We can take all the pain and suffering just to save you. What he did to you is really getting to my nerves. How about we sabotage their company?”
Siniko ni Aeverie ang matigas na tiyan ng kapatid. Nagkunwari naman si Uriel na nasaktan kahit ang totoo ay hindi naman.
“I said, stop it!”
Muli ay tumawa si Uriel para pagaanin ang sitwasyon.
“I'm just kidding, Princess.”
Iniangkla ni Aeverie ang kaniyang mga kamay sa bisig ni Uriel at Rafael.
Silang tatlo ay sabay-sabay na naglakad papasok ng mansyon na halos ilang taon din ni Aeverie na hindi nabisita. Napuno ng kanilang tawanan at asaran ang buong tahanan.
Mula sa silid ni David Cuesta ay narinig niya ang pamilyar na mga tinig ng kaniyang mga anak.
Nangibabaw ang boses ng babae na tila nakikipag-asaran. Kahit ilang taon na niyang hindi naririnig ang boses na iyon, kilala niya kung sino iyon.
Ibinaba niya ang hawak na dokumento at wala sa sariling napangiti. Ang puso niya'y nabalot ng kakaibang init.
Sa unang pagkakataon, ang malamig at striktong Chairman ng AMC Group ay nagpakita ng emosyon. Sumungaw ang saya sa kaniyang mga mata.
“Old Man?”
Bumukas ang pinto ng study room at bumungad ang magandang mukha ng kaniyang babaeng anak.
“I'm back.” Ani Aeverie.
“Oh my god.” Bulong ni Aeverie, puno ng iritasyon ang boses. So, they didn't send my car? Tanong niya sa sarili. Kinapa niya ang kaniyang cellphone at hinanap ang numero ni Rafael. Siguradong nasa trabaho pa ito, pero sino ang tatawagan niya kung hindi ang nakatatandang kapatid? Kinagat niya ang ibabang labi, pinipigilan ang sarili na madala ng emosyon. Naramdaman niyang nakatayo malapit sa kaniya si Silvestre. Medyo malayo naman ito, pero nakaka-bother pa rin ang presensya nito kaya kahit na may distansya naman sa pagitan nila ay nararamdaman niya pa rin ang presensya nito. Ilang ring na pero hindi pa rin sinasagot ni Rafael ang tawag. “The user’s currently busy. You're directed to voicemail. Please, leave a message.” Bungad ng operator. Nagtagis ang kaniyang ngipin. Ang numero naman ni Uriel ang kaniyang tinawagan nang hindi sumagot si Rafael . Ilang ring din bago iyon sinagot ni Uriel. “Kuya Uriel.” Matigas niyang turan nang sa wakas ay sagutin ang tawag. “Aeve?
Sa pasilyo, malayo si Silvestre kay Aeveri habang sinusundan ang babae. Ayaw niyang mapansin nito ang kaniyang presensya kaya’t hanggang maaari ay tahimik lamang siyang sumusunod at binibigyang distansya ang pagitan nila. Kapag naman nasa opisina ito ay nasa labas naman siya ng opisina, nagbabantay ay naghihintay hanggang sa matapos ito sa trabaho. Pagkatapos nilang mag-usap ni Maredith Sevilla kanina, mas naging tahimik siya. Minsan ay nararamdaman niyang sumusulyap sa kaniya si Aeverie, pero kapag binabalingan niya ito ng tingin, sa ibang bagay nakapokus ang atensyon nito. Ngunit alam niyang hindi guni-guni na sumusulyap ito sa kaniya. Buong araw, simula nang bumisita si Maredith, pakiramdam niya’y tinitingnan siya ni Aeverie. Hindi niya lang ito mahuling nakatingin sa kaniya. Lunch break, bumaba ito sa restaurant kaya nakasunod siya. Kagaya noong unang araw niya, pinaupo pa rin siya ng waiter sa kalapit na mesang inuukupa ni Aeverie. Nag-order sila at sabay na kumain. No
Simula sa kaniyang pagkabata, wala na siyang ibang pangarap kung hindi ang maging kagaya ng kaniyang Tita Fatima— makapag-asawa ng mayamang negosyante. Malaki ang naging impluwensya ng kaniyang tiyahin sa kaniya. Mas malapit pa ang loob niya kay Fatima kumpara sa kaniyang inang si Arabella. Matagal na niya itong iniidolo. Bata pa lang ay nakitaan na siya ng potensyal ni Fatima kaya inihanda siya ng babae para sa kaniyang pangarap. Si Silvestre ang nakita nilang magbibigay sa kaniya ng pagkakataon na makamit ang yaman, kapangyarihan, at impluwensya na kaniyang inaasam. Sa murang edad ay natutunan na niyang manipulahin si Silvestre Galwynn. Siguro nga’y naging kampante siya dahil alam niyang malaki ang utang na loob sa kaniya ni Silvestre. Sa isip niya, kahit na gumawa siya ng kalokohan, hangga’t hindi nito nalalaman, ay patuloy siyang pipiliin ng lalaki. Pinakita rin sa kaniya ni Silvestre na mahal na mahal siya nito, kaya lumakas lalo ang kaniyang loob na gumawa ng mga kalokohan
Nang hapong iyon ay nasa City Jail Female Dormitory si Fatima kasama ang abogado ni Arsen. Sa ilang beses na niyang pagbisita, hindi niya pa nasasabi kay Arsen ang nangyari kay Alvi. Pinipigilan niya rin ang sarili na magsabi dahil marami nang problema si Arsen, ayaw niyang madagdagan ang alalahanin nito. “How’s Mom and Dad?” Iyon palagi ang bungad sa kaniya ni Arsen kapag nakikita nitong siya lamang at ang abogado ang nagpunta. Sinasalubong niya ito ng yakap upang itago ang totoong reaksyon. Kahit paano’y naawa siya sa kalagayan ni Arsen. Ngayon dapat mas ipinaparamdam ang suporta at pagmamahal ng mag-asawang Espejosa anak, ngunit dahil sa mga nangyari ay hindi man lang nila ito mapuntahan. Ilang araw din siyang nakapiit sa kulungan noong nakaraan, kaya't alam niya kung gaano kahirap ang buhay sa loob ng gusaling ito. Malayong-malayo ang buhay nila sa labas, kumpara dito sa loob ng kulungan. “Where’s Mom?” ngayon ay ipinilit na ni Arsen na malaman kung nasaan ang ina. Lumayo s
“I didn't want to develop feelings for her, especially since our marriage was just for convenience. At nang mga panahon na ‘yon, pilit kong pinagbabawalan ang sarili na mahulog sa kaniya. Para sa akin, mali ang magustuhan siya. Gusto ko lang na sumuko siya sa akin— sa kasal namin.” Ikinuyom ni Maredith ang kaniyang kamao. Gusto niyang sampalin ang lalaking ito. Mahirap ang pinagdaanan ni Aeverie sa kanilang pamilya. Hindi lingid sa kaniya na nasasaktan si Aeverie dahil sa masalimuot na relasyon nila. Nagtitiis si Aeverie sa ugali ni David. Pilit nitong tinatanggap ang mga anak ni David sa labas. Pilit nitong iniintindi ang kanilang pamilya. Lumaki ito na hindi normal ang pamilyang nakapaligid sa kaniya. Nang mangarap itong bumuo ng sariling pamilya ay ganitong lalaki pa ang natagpuan. “Sa kagustuhan ko na lumayo siya, hindi ko na napansin na unti-unti na pala akong nahuhulog sa kaniya. Naging malinaw lang ‘yon nang wala na siya sa akin.” “Stop it.” Si Maredith sa mariin na boses
Kahit hindi sabihin ni Maredith ang bagay na iyon, agad na mahuhulaan na mag-ina sila ni Aeverie. Batang version ni Maredith si Aeverie. Ang hugis ng mukha, ang matangos at maliit nitong ilong, ang matang may kakaibang kislap ng paglinga, at ang labing hugis pana. Nang makita siya ni Silvestre kanina, naisip agad ng lalaki na ito ang ina ni Aeverie. Magkasingganda ang dalawa. “I’ve learned from an article na bata ka pa noong maulila ka.” Hinuli ni Maredith ang emosyon sa mga mata ni Silvestre, ngunit walang nagbago. Kaya nagpatuloy na lamang siya. “Due to some unfortunate circumstances, your mother had suffered from depression. And she ended her own life.” Hindi man lang nag-iwas ng tingin si Silvestre. Matapang pa rin nitong sinalubong ang kaniyang tingin kahit na direkta na niyang binanggit ang tungkol sa pagpapakamatay ng ina nito.Hindi rin naman sekreto ang nangyari. Naging laman ng pahayagan ang pagpapakamatay ng ina ni Silvestre kaya alam ni Maredith ang tungkol sa bagay na






