LOGINMula sa nagtataasang gusali sa Makati, natatangi ang Montenegro Group of Companies sa tinitingala ng lahat. Mula sa mga dekalibreng materyales at modernong istraktura, hindi maipagkakaila na isa ang kumpanya nila sa matitibay at matatag. Ang kabuuang disenyo nito ay elegante at moderno, angkop sa kapaligiran nito na nag-uunahan sa pataasan na tila ba ekonomiya ng bansa.
Sa ika-limamput-apat na palapag naroon ang opisina ni Lucas. Habang tahimik siyang nakikinig sa report ni Sergio—ang assistant niya, biglang nag-vibrate ang phone niya ng dalawang beses.
Nang silipin niya ang screen, kumunot ang noo niya.
“Pinagsasabi mo?” singhal na sagot niya sa text. Sa isip niya, “Anong bata pinagsasabi ng kumag na ‘to?”
Maya-maya pa, may kasunod ng larawan.
Dalawang bata—isang babae at isang lalaki—magkahawig na magkahawig. Kahit siya na nakasandal lamang sa swivel chair ay napabalikwas siya sa gulat. Ang lalaki ay nakasimangot na pumasok sa loob na may dalang toy car, samantala ang babae naman ay parang prinsesa kung maglakad, hawak-hawak ang paborito nitong stuff toy.
Tumigas ang ekspresyon ni Lucas na siyang ikinatigil ni Sergio sa pagbabasa.
“Bakit parang a-ako?”
Mula sa hubog ng mukha at tindig, walang duda. Subalit alam niya sa sarili niya na wala siyang ginalaw ni isang babae matapos ang divorce nila ni Clarisse.
No’ng gabing lang ‘yon. Natigilan siya sandali pero binawi niya rin agad. Pero imposible para sa kan’ya.
“Sir Lucas?” maingat na tanong ni Sergio, takot na mapagbuntungan ng galit. “May problema po ba?”
Malamig ang boses ni Lucas na tila siya ay pinagtaksilan.
Inihagis niya ang phone sa table. “Hanapin mo kung sino ang mga batang ‘yan. At ang nanay nila. Gusto ko ng sagot—ASAP!
Nang makita ni Sergio ang larawan, ang mga mata niyay pabalik-balik kay Lucas at sa cellphone.
***
Pagdating ni Clarisse sa hospital, agad niyang namukhaan ang sasakyan ni Lucas sa parking lot. Sinundo siya ni Lucas mula roon.
“Wow,” sabi niya habang sumasakay. “Isang Lucas Montenegro talaga ang susundo? Nakakahiya naman.”
Hindi siya nito pinansin.
“Kung gagaling ang Grandma, kahit ako pa magmaneho araw-araw.”
Natahimik si Clarisse. Alam niya sa sarili niya na hindi maaari. Hangga't maaari, kailangan niyang tapusin ang lahat ng appointment niya sa hospital para makabalik na sila ng UK ng mga bata. Hindi puwedeng makita ni Lucas ang mga ito.
Sa Montenegro residence, handa na ang mga gamot na nireseta niya. Bukod sa mga herbal medicine na iniutos niya, mayroon ding galing pharmacy na kailangan ihanda muna.
“Okay na ‘to. Puwede hiramin ang kusina?”
Hindi nagtagal, natapos din ang paghahanda. Habang inilalagay ni Clarisse sa isang tray ang mga gamot, biglang naalala ni Lucas kung paano siya inalagaan ni Clarisse noon.
Mahinahon. Maingat. Walang reklamo.
Napatingin si Lucas sa kan’ya nang mariin.
"Bakit ko na naman naiisip ang walang kwentang babaeng 'yon?" Iwinakli ni Lucas sa isip ang dating asawa.
Biglang tumunog ang cellphone ni Clarisse na nasa ibabaw ng bar counter. Ibibigay na sana niya ito ngunit aksidente niyang nasagot. Dahil busy si Clarisse, agad na sinagot ito ni Lucas.
“Mama, tapos na po kami. Nasaan ka na po? Sabi mo nandito kana bago ang oras ng labasan?”
Napatingin ulit si Lucas sa screen.
“Baby Lia?” kunot-noong sabi niya.
Sandali siyang natigilan. Iniisip ni Lucas na may anak na si Clarisse.
“Mama, gusto ko ng Lamborghini!” sigaw ng bata.
“Edi magtaxi ka,” sagot naman ng isa.
Bahagyang umubo si Lucas. “Nasa kusina pa ang Mommy niyo. Iaabot ko ang phone sa kan’ya.”
Biglang natahimik ang linya.
“Sino ka po?” maingat na tanong ng bata.
“Handa na ang gamot.” Lumabas si Clarisse mula sa kusina. At nang nakita niya hawak ni Lucas ang phone niya, kumabog ang dibdib niya.
Agad niya itong inagaw, nagmadaling sinagot, at saka pinatay ang tawag.
“Pasensya na, Sir Montenegro,” pilit na ngiti niya. “Kailangan ko ng sunduin ang anak ko.” Binigyan niya ng instructions si Lucas. “Tatlong beses sa isang araw ang gamot. Tawagan mo ako kapag hindi ka sigurado.”
Mabilis ang bilin ni Clarisse at saka kumaripas siya ng takbo palabas. Nang nasiguro niyang hindi siya nasundan, saka lamang siya nakahinga ng maluwag. Nininigas ang likod niya at pawis ang noo.
“Hindi niya puwedeng malaman ang tungkol sa mga anak ko. Not now.”
***
Matapos masundo ni Clarisse ang mga bata, umuwi sila ng bahay imbes na lumabas pa. Masiyadong tahimik ang biyahe nila. Pagdating sa bahay, sabay silang umupo sa sofa, subalit kapansin-pansin ang itsura ng dalawa. Nakakunot ang mga noo, seryoso, at halatang may binabalak.
“Mama,” maingat ang tawag ni Lia, sabay tuwid ng likod. “Question and answer muna tayo.”
Sa titig pa lang ng dalawa, pakiramdam ni Clarisse ay ginigisa siya sa sarili niyang mantika.
“Ano ‘to hearing?” pilit niyang biro na may mahinang tawa.
“Sino ‘yong lalakeng sumagot sa phone?” mariing tanong ni Lia at diretso ang tingin.
“Pasiyente lang, ‘nak. May topak ‘yon. Kinuha phone ni Mama, eh,” pagsisinungaling niya.
Nagkatinginan ang magkapatid. Isang tinginan pa lang, parang may napagkasunduan na.
“Nagsisinungaling ka, Mama. 'Di ba, bawal magsinungaling?” Sumimangot si Andrei. “Matandang babae ang pasyente mo. Narinig kita kagabi.”
Napabuntong-hininga at napapikit na lamang si Clarisse.
“Mama, nagde-date ka na po ba?” mangiyak-ngiyak na tanong ni Lia. “Ayaw niyo na po ba kay Daddy?”
Parang sinakal ang lalamunan ni Clarisse. Halos pabulong na lamang ang boses niya.
“Nak, wala na ang daddy niyo.”
Nanlaki ang mga mata ni Lia, samantala dudang-duda naman si Andrei, halatang hindi kumbinsido.
Dumiretso si Andrei sa kwarto niya at may kinuha roon.
“Eh, sino to, Mama?”
Pinakita ni Andrei ang larawan nilang dalawa ni Lucas no’ng kasal pa sila. Pinunit na niya iyon kagabi nang makita niya pero nakuha pa rin ng anak niya.
“Para na siyang puzzle kaya binuo ko po. Nakita ko siya sa mga billboards, Mama.”
Parang gumuho ang mundo ni Clarisse sa narinig. Hindi na niya kaya pang magsinungaling.
“Halika rito, Andrei.” Hinawakan niya pareho ang kamay ng dalawa. “Ganito. Buhay pa ang daddy niyo pero hindi niya mahal si Mama niyo. Iba na ang mahal niya.”
Tahimik ang mga bata.
“Sorry, Mama,” sabi ni Andrei. “Scumbag pala ang Daddy?”
“Ayaw na namin sa kan’ya, Mama,” patuloy na sabi ni Lia. “Ang sama pala niya.”
At doon, sa harap ng sarili niyang anak, naramdaman ni Clarisse ang pinakamasakit na anyo ng pagkatalo—ang mawalan, kahit hindi pa lubusan naging kan'ya.
Hindi na pinansin ang mga sabi-sabi ng mga tao sa paligid at sinundan na lamang nila sina Lia at Lucas sa loob ng isang store.“Come, let’s go inside.”Pumasok sila sa isang men’s luxury brand. Tahimik lamang si Clarisse pero may kung anong bigat ang presensya niya na agad nakapansin ng tao. Nagkatinginan ang dalawang sales lady. “This is a high-end luxury boutique,” saad ng isa, taas noo. “Everything is extremely expensive. Pumunta na lang kayo sa tiangge. For sure, ma-afford niyo ‘yon.”“Don’t waste our time kung wala naman kayong pambili,” dagdag pa ng isa na tinitingala si Lucas sa kabilang isle.Kumulo ang dugo ni Andrei pero sinipatan niya ito ng mata, kaya tumigil. “Pumili ka na. May gusto ka ba?”Inilapag na rin ni Lucas si Lia para makapili ng gusto niya. “Go.”Halatang hindi natutuwa ang mga sales lady. “Kung may masisira kayo diyan, hindi niyo kayang bayaran.”Ipinasok ni Clarisse ang kamay sa bulsa, kalmadong nagtanong. “Ano na ang nabasag ng mga anak ko ngayon? Nagtiti
Clarisse spent her entire day inside the hospital treating patients. Pakiramdam niya ay bibigay na ang katawan niya sa sobrang pagod at sakit. Sumasakit na rin ang balikat at paa niya. Habang naglalakad papuntang parking lot, minamasahe niya ang braso niya ang inuunat ito. Iniisip na lamang niya kung gaano kasarap mahiga ngayon sa kama.Nang lumingon kung nasaan ang kotse, naroon na si Lucas at nakasandal sa bandang driver seat, mukhang kanina pa naghihintay.“Seriously?” bulong niya sa sarili.Lumapit siya rito, halatang iritado. “Sir Lucas, naligaw ka yata? Umalis ka diyan kung ayaw mong sipain kita.”“Sasabay na ako,” hirit ni Lucas habang nakangiti sa kanya. “Doctor po ako, sir Lucas, hindi driver. I drove you once, ayos na ‘yon. At please lang, huwag ka naman bigla-biglang sumusulpot. Tawagan mo muna ako. At baka may makakakita pa sa atin. Misunderstanding na naman,” litanya niya na tila pinapangaralan niya ang binata.“Anong misunderstanding?” kalmadong tanong ni Lucas, pero n
The next Monday morning, maagang muli na pumasok si Clarisse sa ospital. Hindi pa man siya nakapasok sa opisina, agad siyang hinila ni Nurse Vera sa gilid.“Doc, ayos ka lang? May kalaban ka ba ngayon?”“Huh?”“Si Miss Rachelle nasa loob,” bulong nito. “Sinabihan ko na baka mag-off ka today at bumalik nalang siya bukas. Pero ayaw niya.”Pagkarinig niya no’n, agad sumilay ang ngiti sa labi niya na ikinagulat ni nurse Vera. “Okay lang. I’ll call you when I need you,” kalmado niyang sabi.“Nasa nurse station lang ako, ha. Tawagin mo lang ako kapag need mo ng resbak.”Tumango si Clarisse saka marahang binuksan ang pinto. Nandoon nga si Clarisse, nakaupo sa sofa habang naglalaro sa phone niya. Nang nakita ni Rachelle si Clarisse, tumayo siya at halatang iritado ang mukha.“Honestly, I underestimated you. Ang lakas ng loob mo. Dinala mo na agad ang mga bastardo mo sa bahay ng Montenegro?”“Bastardo?”“Akala ko ba wala kang gusto kay Lucas? Ano ‘yon? Nagbago ang isip mo?” tanong nito na pun
Nasa braso pa rin ni Lucas si Lia at ayaw pang bumaba. Tahimik lamang si Andrei sa paligid at mukhang guilty sa ginawa niya kanina. “Tito, hinarangan po kami. Ayaw niya po kaming palabasin. Tapos sinigawan niya si Mama ko,” sumbong ni Lia habang mahigpit ang hawak sa damit ni Lucas. “Tapos, pinagtanggol ni Kuya si Mama.”“Hindi gan’yan ang nangyari,” sigaw naman ni Lara. “Lucas, huwag kang maniwala sa mga ‘yan. Tinulak ako ng batang ‘yan at hindi pa nagso-sorry.”“Inunahan mo kami. Ininsulto mo kami ng mga anak ko. Gusto mo ng respeto pero hindi mo maibigay sa amin. Ano ‘yon?” singit ni Clarisse. “Mom, please. Stop this,” pakikiusap ni Lucas sa ina. “Bumalik ka muna sa loob. Aasikasuhin ko lang ito. At sana naman, Mom, ito na ang huli.”Hindi makapaniwala si Lara na kinampihan ni Lucas ang mag-iina.“Lucas, I’m your Mom. Noon, sinabi mong pabayaan kita sa kumpanya, ngayon naman pati sa pagpapakasal, bawal pa rin ako?”Mas kumunot pa ang noo ni Lucas. Ayaw niyang makarinig ng ganito
Alam ni Lucas kung paano hindi makatanggi si Clarisse sa regalo. Alam din ni Clarisse na kahit anong mangyari, mga apo pa rin ‘yon ng matanda at ayaw niya itong ipagdamot, maliban na lang kay Lucas at sa ina nito. “Pero next time, huwag na gano’n kamahal. They’re just kids. They don’t know the prices. Kahit toys lang sa mga department store or sa street stalls, masaya na ang mga ‘yon,” paliwanag ni Clarisse habang ibinabalik ang kahon sa mesa.“I think you’re late. Hiningi ni Andrei sa akin kahapon ang susi ng Lexus ko.” Napapikit na lamang sa Clarisse. Parang ayaw na niyang harapin si Lucas sa kahihiyan.“He surely inherits your hobby. Sinulyapan niya si Lucas at nagrereklamo.Pinigilan ni Lucas ang kan’yang tawa. “Walang duda. Anak ko nga ‘yan.”Nang bumaba sila para sa agahan, masigla si Senior Grandma. Mas may buhay ito kesa noong nakaraang araw, mula noong makilala sina Andrei at Lia.“Ang tatalino ng dalawang ito. They are just four, right?” masayang komento ng matanda. Agad
Nang bumalik si Lucas mula sa restroom, unang bumungad sa kanya si Clarisse na nakasubsob sa mesa at may dalawang lata ng beer. Natatawa na lang siya nang mahina sa nakita niya.Ang tigas talaga ng ulo.Nagbayad na siya sa counter at maingat na inalalayan si Clarisse palabas. Kahit pa pinipilit nito na maglakad ng tuwid, halatang nahihilo na. Inupo niya ito sa passenger seat, at ikinabit ang seatbelt. Habang nagmamaneho pauwi, banayad lamang ang pagpapatakbo niya. Ayaw niya itong magising sa pagkakatulog. “Mmm, ang sarap. Gusto ko pa ng isa…” bulong nito.Bigla itong nagmulat ng mata, luminga-linga, at tuluyang tumitig sa kan’ya. Mamula-mula na ang pisngi nito sa sobrang kalasingan. “Who are you?” tanong nito.“Call me honeybunch.”“Ang corny. Ew!” sabay irap kay Lucas.Napatawa na lang si Lucas sa kanya. “Akala ko tulog ka. Nakakapagmura pa, ah.”Hindi na sumagot si Clarisse. Yumuko lamang at humikab.“I’m warning you. Kung dadalhin mo ako kung saan-saan, sasapakin kita.”“Iuuwi







