Share

Chapter 4

Author: reesecycle
last update Huling Na-update: 2026-01-14 19:32:19

Mula sa likuran ni Lucas, dumungaw ang matandang babae na nakahilig sa recliner sa loob ng kwarto. Biglang namuo ang luha sa mata ni Clarisse ngunit kaagad niya itong pinigilan. 

“Grandma…” bulalas niya. 

“Lola naman. Andito naman ako,” suyo ni Lucas sa Lola niya. Umupo ito sa tabi nito habang nakaangat ang tingin.

“Makinig ka,” galit na sigaw ng matanda, habang hinahampas ang arm rest, “Kung hindi mo kayang iuwi ang asawa mo rito, kalimutan mo na na may Lola ka pa.”

Napayuko si Lucas sa tinuran nito. 

Samantala, mula sa maliit na salamin, umaliwalas ang mukha niya nang makita si Clarisse malapit sa pinto.

“Clarisse!” masiglang tawag niya. “Halika rito. Buti nagbalik ka. Ikaw lang ang nag-iisang apo’t manugang ng pamilya natin. Kapag inapi ka ng kumag na ‘to,” sabay batok kay Lucas, “lumapit ka lang sa ‘kin.”

Tahimik na napabuntong hininga si Lucas. Tumayo siya sa pagkakaupo.

“Medyo magulo ang isip ng Lola ko,” mahina nitong sabi. “Pasensya na, Dr. Navarro. Sana matingnan niyo siya.”

Hindi na kailangan pang sabihin dahil gagawin niya talaga. Lumapit si Clarisse at marahang tiningnan ang pulso ng matanda. 

Mabagal at banayad ang tibok ng kan’yang pulso. Bawat pintig nito ay maingat na tila ba nagtitipid ng lakas. Hindi pantay. Nakakabahala. Pero para kay Clarisse, hindi pa huli ang lahat.

Humigpit ang kapit ng matanda sa kamay niya. Ang malalabong mata nito ay tumitig sa kaniya na animoy minimemorya ang itsura niya.

“Clarisse, dito ka na ba ulit? Sasamahan mo na ba ako rito?” bulong nito sa kan’ya.

Nanginig si Clarisse. Pinipigilan niya ang sarili na hawakan ang matanda sa pisngi. Kahit kailan hindi siya nakalimutan ng matanda, kahit na iniba niya ang kan’yang itsura.

Hindi niya ako kilala.

“Madam, nagkakamali ho kayo,” mahinahon niyang sambit. “Claire po ang pangalan ko.”

Pero umiling ang matanda.

“Doktor ka na pala, apo ko. Samantala no’ng umalis ka, kakapasa mo lang sa PLE noon. Saan ka nag-aral? Magagaling ba ang mga professors mo doon?” sunod-sunod na tanong nito.

“Masama ang pakiramdam ng Lola,” aniya na parang bata. “Tingnan mo ako, huh?”

Sumulyap si Lucas kay Clarisse.

“Pasensya na. Madalas na nakakalimot si Grandma sa mga bagay-bagay,” paliwanag nito. 

Hindi na muling nagtanong pa si Clarisse. Alam niya ang totoo. 

Matapos ang divorce nila noon, tuluyang bumagsak ang health conditions ng matanda ang nagkaroon pa ito ng multiple system atrophy—isang sakit na halos wala pang lunas. 

Kaya nang nalaman ni Lucas kung ano ang kayang gawin ng isang Dr. Claire Navarro, ginawa niya ang lahat at ginamit ang lahat ng koneksyon na meron siya. 

Kinuha ni Clarisse ang acupressure kit niya at sinimulan ang dapat gawin. Nilagay niya ang foot roller sa paa nito at pinaasikaso kay Lucas.

“Tulungan mo ako rito.”

“Of course. Ano ang gagawin?” Agad-agad na nakinig si Lucas.

“Press her foot onto the roller for 5-10 minutes. Warm up mo rin ‘yong leg niya. It will help her relax a bit for now,” paliwanag niya. “Ako naman dito sa kamay and other joints. Itong wooden ball para mag-activate ang blood circulation and tiredness.

“Kailangan niya ito regularly. Let’s do this for now. Pagkatapos nito, mag-iisip ako ng health plans para sa kan’ya.”Hindi umimik si Lucas at masyadong focus sa ginagawa. Ngayon lamang niya ito nakitang seryoso. Halos dalawampung minuto ang lumipas, natapos din ang lahat. Mahimbing na ang tulog ng matanda. 

Inayos ni Clarisse ang kwarto na para bang sanay na siya sa pasikot-sikot dito. Binababa niya ang curtain gamit ang remote control para makapagpahinga nang maigi ang matanda.

“Pagpahingahin niyo muna ang matanda. Ito naman ang reseta.”

Kinuha ni Lucas ang papel, ngunit nagsalubong lang ang kilay niya. Dati na itong binigay ng doktor pero walang epekto. Kahit gano’n pa man, hindi na siya nagtanong.

“Ipapahanda ko.” 

Sa sala matamang naghihintay sina Rachelle. Nang makita niya si Clarisse habang pababa ng hagdan, nagngingitngit na naman siya sa galit. 

“Hindi umubra ang pagiging peke mo, no?” pangungutya ni Rachelle. “Sabi ko na nga ba. Nagsasayang lang ng oras si Lucas sa ‘yo. Probinsyanang doctor na puro pangalan lang.”

Pagod na pagod na si Clarisse at wala na siyang ganang makipagtarayan pa. Pero dahil ayaw tumigil ni Rachelle, pinatulan na niya.

“Kung mag-aagaw buhay ka man balang araw, papatunayan ko sa ‘yo na doktor ako.”

“Did you just curse me?” sigaw ni Rachelle. “Isang salita ko lang, hindi ka magtatagal sa Medical Center. Your life will be over kapag ako kinalaban mo.”

“Talaga ba?”

Lalapit na sana siya para pagbuhatan ng kamay si Clarisse, biglang nagsalita si Lucas.

“At kailan ka pa naging bahagi ng pamilya Montenegro, Rachelle? Kahit kailan hindi kita inimbita dito. Why are you acting like the lady of the house?”

Malamig ang boses nito. Mula sa hagdan, bumaba si Lucas para ihatid si Clarisse sa labas. 

Nanigas sa kinatatayuan si Rachelle.

“Lucas… nag-aalala lang ako kay Grandma—”

“Manang, ihatid niyo muna ang bisita sa labas.” 

Magsasalita na sana si Mrs. Montenegro nang maalala niya ang sinabi ni Clarisse kanina. Kaya’t tuluyan na siyang tumahimik. 

Gabi na nang umalis si Clarisse mula sa Montenegro residence. Halos bugbog na ang katawan niya sa pagod.

Matagal na nakatitig si Lucas sa kan’yang papalayong likod nito. Na kahit ang tanong ng ina tungkol sa matanda ay hindi niya narinig. 

Sa halip ay malamig niyang sinabi, “Hindi ko papakasalan si Rachelle. And stop inviting her over.”

“Pero—”

“At huwag mo na subukan ang pasensya ko. Sana huli na,” dagdag ni Lucas.

***

Pag-uwi ni Clarisse sa apartment, agad siyang sinalubong ng dalawang bulilit at yumakap sa kan’ya—isa sa bewang at isa sa binti. 

“Mama!”

Napangiti siya agad. 

“Kanina pa ‘yan sila nag-aabang sa ‘yo, Ma’am,” ani ng on-call nanny. 

“Pasensya na, ate, medyo natagalan ako. Heto po.” Iniabot niya ang puting envelop. “Tatawag ako ulit. Maraming salamat po.”

“Maraming salamat din, Ma’am.” Umalis ang kasambahay sa apartment nila.

Nawala ang lahat ng pagod na iniinda ni Clarisse simula pa kanina. Pero nang makita niya sina Andrei and Lia, hindi niya maitatanggi ang pagkakahawig nito sa kanilang ama. 

Sumikip ang kan’yang dibdib. Pilit niyang itinaboy ang iniisip at nagluto para sa mga bata. 

Kinagabihan, habang tulog ang dalawang bata, nakatanaw siya sa bintana at inalala ang kapakanan ng anak. Hindi niya hahayaang mawalay ito sa kan’ya.

Kinabukasan, maaga silang pumunta sa kindergarten. Kahit ilang buwan lamang siya sa Pilipinas, sinigurado niyang makakatanggap ng pormal na edukasyon ang kan’yang anak.

“Mama, ayoko diyan!” reklamo ni Andrei. “Ang boring diyan, eh.”

“Ayoko rin, Mama!” sigaw ni Lia. “Gusto ko nalang mag-aral mag-isa.”

Napahawak sa ulo si Clarisse sa katigasan ng ulo ng mga anak.

“Sige ka. Diba sabi mo bibili tayo ng Buggati soon?” tukso niya sa anak. “Paano ka magiging rich kid kung hindi ka mag-aaral?”

Kumikinang bigla ang mata ni Andrei. Kinuha naman niya ang flyers ng dessert shop na gusto ni Lia. 

“Kung magiging mabait kayo kay teacher, pipili ka kahit anong gusto mong dessert mamaya.” 

Nakaawang bibig ni Lia sa offer ng ina. And it always works for Clarisse. 

“Enjoy your school, kids.”

Habang papaalis si Clarisse, may napansin siya na sasakyan sa likuran. Pero wala namang tao. 

Samantala, sa loob ng sasakyang iyon, nanginginig sa excitement si Jacob habang nagtetext .

“Hulaan mo kung ano ‘to.

“Nakunan ko ng litrato ang mga anak mo sa labas. May binuntis ka ba?” 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • His Ex-Wife's Greatest Secret   Chapter 5

    Mula sa nagtataasang gusali sa Makati, natatangi ang Montenegro Group of Companies sa tinitingala ng lahat. Mula sa mga dekalibreng materyales at modernong istraktura, hindi maipagkakaila na isa ang kumpanya nila sa matitibay at matatag. Ang kabuuang disenyo nito ay elegante at moderno, angkop sa kapaligiran nito na nag-uunahan sa pataasan na tila ba ekonomiya ng bansa.Sa ika-limamput-apat na palapag naroon ang opisina ni Lucas. Habang tahimik siyang nakikinig sa report ni Sergio—ang assistant niya, biglang nag-vibrate ang phone niya ng dalawang beses. Nang silipin niya ang screen, kumunot ang noo niya. “Pinagsasabi mo?” singhal na sagot niya sa text. Sa isip niya, “Anong bata pinagsasabi ng kumag na ‘to?”Maya-maya pa, may kasunod ng larawan. Dalawang bata—isang babae at isang lalaki—magkahawig na magkahawig. Kahit siya na nakasandal lamang sa swivel chair ay napabalikwas siya sa gulat. Ang lalaki ay nakasimangot na pumasok sa loob na may dalang toy car, samantala ang babae naman

  • His Ex-Wife's Greatest Secret   Chapter 4

    Mula sa likuran ni Lucas, dumungaw ang matandang babae na nakahilig sa recliner sa loob ng kwarto. Biglang namuo ang luha sa mata ni Clarisse ngunit kaagad niya itong pinigilan. “Grandma…” bulalas niya. “Lola naman. Andito naman ako,” suyo ni Lucas sa Lola niya. Umupo ito sa tabi nito habang nakaangat ang tingin.“Makinig ka,” galit na sigaw ng matanda, habang hinahampas ang arm rest, “Kung hindi mo kayang iuwi ang asawa mo rito, kalimutan mo na na may Lola ka pa.”Napayuko si Lucas sa tinuran nito. Samantala, mula sa maliit na salamin, umaliwalas ang mukha niya nang makita si Clarisse malapit sa pinto.“Clarisse!” masiglang tawag niya. “Halika rito. Buti nagbalik ka. Ikaw lang ang nag-iisang apo’t manugang ng pamilya natin. Kapag inapi ka ng kumag na ‘to,” sabay batok kay Lucas, “lumapit ka lang sa ‘kin.”Tahimik na napabuntong hininga si Lucas. Tumayo siya sa pagkakaupo.“Medyo magulo ang isip ng Lola ko,” mahina nitong sabi. “Pasensya na, Dr. Navarro. Sana matingnan niyo siya.”

  • His Ex-Wife's Greatest Secret   Chapter 3

    Kahit kilala si Rachelle sa entertainment industry at sa marangyang pamilya, hindi makakapayag si Professor Martin na bastusin niya ang isang haligi sa larangan ng medisina.“Miss Rivera, watch your words. Wala kang karapatang laitin ang sinuman dito lalong-lalo na ang bisita ko.”Dating estudyante ni Professor Martin si Claire sa UK at alam niya ang kakayahan nito. Ilang beses niya itong kinumbinsi na bumalik na ng Pilipinas at magtrabaho sa Medical Center, pero laging bigo siya. Kaya nagtaka siya nang pumayag ito na bumalik ngayon. Gayumpaman, masaya siyang nandito ito ngayon. Bahagyang napahiya si Rachelle pero taas-noo pa rin siya.“I will hire you,” malamig na sabi nito. “Masama ang pakiramdam ng Mommy ko nitong mga nakaraang araw. Sakto, ikaw na ang tumingin—”“No!” sagot ni Clarisse ng diretso. “Wala akong oras sa mga walang kwentang bagay.”Nginitian niya si Rachelle nang nakakaloko. Natigilan si Rachelle sa sagot nito. Nagngingitngit sa galit at tinaas niya ang kan’yang kam

  • His Ex-Wife's Greatest Secret   Chapter 2

    “Andrei, gayahin mo ang kapatid mo. Tahimik lang.”Hindi pa rin tapos si Clarisse sa pangangaral niya. Sa dalawang paslit niya, si Andrei ang pinakamakulit. Lagi itong napapagsabihan dahil sa kuryusidad nito sa mga bagay-bagay.“Eh, kasi Mama, may kasalanan ‘yan,” bulong ni Andrei sa kan’ya. “Naalala mo ‘yong unauthorized transaction sa card mo po? Ginamit niya ‘yon. Order ng order ng kung anu-ano.”“Chessboard lang ‘yon, Kuya,” giit naman ni Lia.“Oo nga pero peke naman,” pangungutya ni Andrei.“Ano?” Nabitaw si Clarisse sa manibela. Halos mapamura na siya sa inis. “That’s 30,000 pesos, Lia. Tapos peke?”Napatitig na lamang si Clarisse sa daan. Sumasakit ang ulo niya sa dalawa. Sumabay pa ang traffic sa init ng ulo niya.Pagkatapos niyang iwan si Lucas, hindi niya aakalain na magbubunga ang gabing ‘yon at kambal pa. Mababait naman ito no’ng sanggol pa lamang ngunit nang tumongtong ng tatlong taon, wala nang araw na siya ay payapa. Subalit, ito ang dahilan kung bakit patuloy siyang lu

  • His Ex-Wife's Greatest Secret   Chapter 1

    Mahigpit ang hawak ni Clarisse sa steering wheel ng sasakyan habang parang sirang plakang umiikot sa kan’yang isipan ang mga larawan at video na natanggap niya. Nasa paanan pa lamang siya ng pintuan, rinig na niya ang kinaiinisan niyang boses. “Lucas, puwede bang dito na ako matulog ngayong gabi?” Umigting ang tainga ni Clarisse nang marinig ang boses ng kan’yang kapatid. Bahagyang nakaawang ang pinto at kitang-kita niya ang pares ng sapatos ng babae. Mahigpit ang hawak ni Clarisse sa kan’yang bag na tila humuhugot siya ng lakas roon. Matalim ang titig niya sa dalawa ngunit tila wala itong nakikita. Maging ang kan’yang asawa na si Lucas ay parang hangin lamang ang tingin sa kan’ya. Tinaasan lamang siya ng tingin ni Rachelle habang nakapulupot ang kamay sa braso na para bang pagmamay-ari niya si Lucas. Bahagyang nakasandal ang ulo sa balikat habang deretso at mapanuri ang titig kay Clarisse—tila ba naghahamon.Parang mayroong bumabara sa lalamunan ni Clarisse at hindi siya makapa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status