Share

Chapter 6

Author: reesecycle
last update Last Updated: 2026-01-23 21:01:19

“Lia, Andrei, okay na tayo, ha? Will you forgive Mama for lying?”

Pilit kinukuha ni Clarisse ang loob nila Andrei at Lia. Alam niya na nagkamali siya dahil sa paglilihim niya, pero ‘yon ang lang ang paraan para hindi na magkita pa ang mag-ama. 

Kahit hindi maintindihan ng mga bata, tumango lamang ang mga ito. 

“Thank you so much. Mama will wash up lang. Let’s have dinner after, okay?” 

Hinaplos niya ang ulo ng dalawa sabay talikod. Mabigat ang kaniyang loob pero kailangan niyang gawin. Ang namumuong luha ay isa-isang pumatak sa kaniyang pisngi. Bawat hakbang niya papalayo ay siya namang bibigat ng kaniyang mga paa. 

“Hindi puwede,” giit ni Andrei. “Hindi niya puwedeng saktan si Mama.” 

“Kuya, ano ang binabalak mo?” Napalingon si Lia sa kapatid niya umuusok sa galit—nakanguso ito habang diretsong nakatingin sa banyo kung nasaan ang ina nila. 

“Gusto mo bang maglaro ulit tayo ng computer games?” Kumindat pa si Andrei kay Lia. 

“That’s bad, Kuya. Magagalit si Mama. Pinagalitan na ako sa ginawa ko last time.”

“Pero sinaktan niya si Mama,” giit ni Andrei. “Kung ayaw mo, ako nalang.”

Kinuha ni Andrei ang laptop ni Clarisse at nagsimulang mag-code.

Sa kabilang banda, biglang nag-down ang server at nagblack out ang buong Montenegro Group. Lahat ng empleyado ay nagrereklamo dahil sa mga backlogs nila. 

“Uy, anong nangyayari?”

“Oh my God! My files!”

“Hindi ko pa nasi-save ang presentation ko mamaya. Lagot ako ni Mr. Montenegro nito.”

Kahit anong gawin ng mga empleyado, hindi talaga gumagana ang mga computers nila.  Kahit ang  IT department ay naguguluhan kung paano nila aayusin ito.

Makalipas ang limang minutong aligaga ng lahat, biglang umilaw ang lahat maging ang mga screens.  

“Oh! Bumalik na.”

Ngunit mayamaya pa’y lumitaw naman ang isang baboy na kulay pink. Gumiling-giling ito na parang nananadya. 

“What the fuck is happening here?”

Natigilan ang lahat nang sumingaw si Lucas. Halos hindi na maririnig ang mga hininga ng empleyado—sa takot nito. 

“Walang magsasalita?” Nanginginig na ang lahat na nagduduruan ang iba kung sino ang magsasalita. 

“Baka glitch lang—!”

Tinaasan ni Lucas si Sergio ng kilay na parang nagtatanong kung seryoso siya. Hanggang sa tumunog ang mga computers:

“Scumbag Lucas! Scumbag Lucas! Scumbag Lucas!”

Nagkakagulo na ang opisina lalong-lalo na ang IT department. Nasisiguro nilang mawawalan sila ng trabaho kapag hindi ito naayos sa lalong madaling panahon. Wala silang makitang entry point ng virus or breach. 

Pawis na pawis ang technical director na humarap kay Lucas. “Sir Lucas, ginagawa na namin ng paraan. Give us more time.”

Wala silang narinig mula kay Lucas. Ngunit mas nanaisin nilang sumigaw ito o magwala sa harapan nila kaysa ganito na hindi man lang kumibo. 

“Kapag maulit pa ito, magresign na kayong lahat,” malamig niyang sabi habang nakaturo sa staffs niya.

Tinanggal ni Lucas ang coat niya at kinuha iyon ni Sergio. Binigay ni Sergio ang laptop nito at nagmadaling nagtype. Mabilis. Malinis. Alam ang ginagawa. 

Tahimik ang paligid na naghihintay kung ano ang ginagawa ni Lucas. Maging si Sergio ay namangha sa bilis ng kamay ni Lucas na tila sisiw lamang ang ginagawa. 

Makalipas ang limang minuto, tumayo si Lucas at diretsong lumabas ng opisina. Nagulat ang lahat na biglang bumalik ang lahat sa dati at nawala ang “Scumbag Lucas”. 

“I knew it. Magaling pa rin talaga si Sir Lucas kahit matagal na niya itong kinalimutan.” Masiyadong masaya si Sergio sa nasaksihan. Hanggang sa may tumawag sa kan’ya.

“Yes?” Sabay kuha ng laptop. “Everybody get to work.”

“Sir Sergio, may nawawalang pera  sa corporate account. Isang daang milyon,” nginig na sabi ng Chief Finance Officer.

“Ha?” Nanigas si Sergio sa kinatatayuan. Agad niyang hinabol ang kan’yang boss sa opisina nito at ibinalita. “Boss… boss!”

“One hundred million,” Lucas scoffed. Sinilip ni Lucas ang records na binigay ng CFO. “Only one transfer, straight to the donation. And it was Red Cross.”

Napatawa nang mahina si Lucas. Laking pagtataka niya kung bakit napunta ito sa charity at sa Red Cross pa. 

“Si Robin Hood kaya ‘yan, boss?” bulong ni Sergio. 

Hindi sumagot si Lucas subalit sinundan niya kung kanino ang IP address. Hindi pa man niya na-trace biglang lumitaw ang isang pink na Pikachu na nagsasalita.

“Lucas Montenegronyo! This is your punishment for hurting our Mama.”

Biglang napatayo si Lucas sa kinauupuan nang marinig niya ang boses ng bata. Narinig na niya ang boses na ‘yon. Alam niya kung sino pero hindi niya matukoy kung saan niya narinig.  

“Montenegronyo.” Tawang-tawa si Sergio nang marinig niya ‘yon. “Parang demonyo—”

Sinipat siya ni Lucas na siyang ikinatahimik niya. Hinaplos ni Lucas ang kan’yang sentido. 

“Sergio,” mababa ang boses niya. “Kumusta ang pinapagawa ko sa ‘yo?”

“Alin do’n, Boss? Ang dami no’n.” 

Lucas hissed. “Ang dalawang bata. Gusto mo ba ng ibang trabaho?”

“Joke lang, boss.” Binasa ni Sergio ang nasa records niya. “Two days palang sila dito sa Pilipinas and kambal ‘yon. Anak sila Ni Dr. Claire Navarro. Masiyadong malinis ang records nila. Baka dahil hindi sila dito talaga lumaki.”

Tumango si Lucas. “Bilisan mo ang pag-iimbestiga. I want answers immediately or you sign your resignation letter.”

“Yes, boss. On it.”

Tumayo si Lucas mula sa swivel chair patungo sa malawak na bintana, tanaw ang maliliit na buildings. Malalim ang kan’yang iniisip ngunit alam niya na posibleng mangyari ito ngayon. 

Limang taon.

Limang taon na ang nakakaraan nang umalis si Clarisse nang walang paalam. Matapos ang gabing ‘yon, hindi na niya makalimutan ang dating asawa na minsan na niyang inalipusta. 

Hinanap niya si Clarisse nang mga panahong ‘yon pero noong nalaman niyang nasa abroad ito, hindi na niya kinulit pa. Sobrang taas ng pride niya na ayaw niyang siya ang maghabol.

Bumalik si Lucas sa kan’yang ulirat nang maalala si Claire Navarro. Ang napakapamilyar nitong presenya kapag nagtabi sila, at ang dalawang batang kamukhang-kamukha niya. 

Kinabukasan, araw na naman ng klase nina Andrei at Lia. Hindi niya puwede itong isabay sa kan’yang trabaho kaya’t minabuti niyang ibilin ang mga ito sa guro. 

Habang naghahanda siya ng mga gamot ni Senior Grandma, nakatanggap siya ng tawag mula sa kindergarten.

“Maam, si Teacher Alba po ito. Nawawala po sina Andrei at Lia. Hindi po namin mahanap sa school.”

“Ano?” Naninikip ang dibdib ni Clarisse sa narinig. “Sandali. Baka naglaro lang. Na-check niyo ba lahat ng lugar?”

Binuksan ni Clarisse ang tracker na naka-connect sa phone niya.

“Montenegro Group?” gulat na sabi niya. “Teacher, ako na po bahala. Alam ko na kung nasaan sila.”

Matapos ibaba ang phone, agad na kinuha ni Clarisse ang gamit niya at nagbilin sa kasambahay. Pababa na sana siya ng mansyon nang makasabay niya si Lucas. 

“Aalis ka na? Sumabay ka na sa akin,” alok nito. Napansin ni Lucas ang mukha niya. “Dr. Navarro, may problema ba? Paalis na ako. Puwede kang sumabay sa akin.”

Tumulo ang pawis ni Clarisse. Kailangan niya ng dahilan upang hindi magkita ang mag-aama. 

“No need,” mabilis niyang sagot. “I will handle it.”

Nginitian lamang niya ito pero biglang humaplos ang daliri ni Lucas sa noo niya. Parang nakuryente si Clarisse sa haplos nito kaya umatras siya. 

“Sorry,” sabi ni Lucas. “Akala ko may lagnat ka.”

“Ayaw ko ng hinahawakan ako,” may diin niyang tugon. She lied. Alam niya sa sarili niyang nagdadahilan lamang siya. Pero kailangan niyang manindigan. “We’re not in the same direction.”

“Medical Center ang punta ko. Sumabay ka na. Nasa South wing ang sasakyan ko.”

Bahagyang gumaan ang dibdib ni Clarisse. Tumalikod siya at hindi na naghintay pa na makaalis si Lucas. Kahit anong mangyayari, kailangan niyang pigilan ang mga anak niya sa binabalak nito. 

“Sa mainhouse ako.” Malayo ang mainhouse dahil nasa North Wing ‘yon. Masyadong nagmamadali si Lucas para mag-iba ng daanan.

Nanatiling nakatitig si Lucas sa likod niya habang papalayo. May kakakaiba siyang naramdaman nang maglapat ang mga balat nila kanina. Hindi niya maipaliwanag.

That back.

Her reaction.

That feeling of familiarity.

At sa unang pagkakataon, isang tanong ang ayaw lumisan sa kaniyang isipan—

“Hindi kaya si Claire Navarro at si Clarisse Montenegro ay iisa?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Ex-Wife's Greatest Secret   Chapter 34

    Hindi na pinansin ang mga sabi-sabi ng mga tao sa paligid at sinundan na lamang nila sina Lia at Lucas sa loob ng isang store.“Come, let’s go inside.”Pumasok sila sa isang men’s luxury brand. Tahimik lamang si Clarisse pero may kung anong bigat ang presensya niya na agad nakapansin ng tao. Nagkatinginan ang dalawang sales lady. “This is a high-end luxury boutique,” saad ng isa, taas noo. “Everything is extremely expensive. Pumunta na lang kayo sa tiangge. For sure, ma-afford niyo ‘yon.”“Don’t waste our time kung wala naman kayong pambili,” dagdag pa ng isa na tinitingala si Lucas sa kabilang isle.Kumulo ang dugo ni Andrei pero sinipatan niya ito ng mata, kaya tumigil. “Pumili ka na. May gusto ka ba?”Inilapag na rin ni Lucas si Lia para makapili ng gusto niya. “Go.”Halatang hindi natutuwa ang mga sales lady. “Kung may masisira kayo diyan, hindi niyo kayang bayaran.”Ipinasok ni Clarisse ang kamay sa bulsa, kalmadong nagtanong. “Ano na ang nabasag ng mga anak ko ngayon? Nagtiti

  • His Ex-Wife's Greatest Secret   Chapter 33

    Clarisse spent her entire day inside the hospital treating patients. Pakiramdam niya ay bibigay na ang katawan niya sa sobrang pagod at sakit. Sumasakit na rin ang balikat at paa niya. Habang naglalakad papuntang parking lot, minamasahe niya ang braso niya ang inuunat ito. Iniisip na lamang niya kung gaano kasarap mahiga ngayon sa kama.Nang lumingon kung nasaan ang kotse, naroon na si Lucas at nakasandal sa bandang driver seat, mukhang kanina pa naghihintay.“Seriously?” bulong niya sa sarili.Lumapit siya rito, halatang iritado. “Sir Lucas, naligaw ka yata? Umalis ka diyan kung ayaw mong sipain kita.”“Sasabay na ako,” hirit ni Lucas habang nakangiti sa kanya. “Doctor po ako, sir Lucas, hindi driver. I drove you once, ayos na ‘yon. At please lang, huwag ka naman bigla-biglang sumusulpot. Tawagan mo muna ako. At baka may makakakita pa sa atin. Misunderstanding na naman,” litanya niya na tila pinapangaralan niya ang binata.“Anong misunderstanding?” kalmadong tanong ni Lucas, pero n

  • His Ex-Wife's Greatest Secret   Chapter 32

    The next Monday morning, maagang muli na pumasok si Clarisse sa ospital. Hindi pa man siya nakapasok sa opisina, agad siyang hinila ni Nurse Vera sa gilid.“Doc, ayos ka lang? May kalaban ka ba ngayon?”“Huh?”“Si Miss Rachelle nasa loob,” bulong nito. “Sinabihan ko na baka mag-off ka today at bumalik nalang siya bukas. Pero ayaw niya.”Pagkarinig niya no’n, agad sumilay ang ngiti sa labi niya na ikinagulat ni nurse Vera. “Okay lang. I’ll call you when I need you,” kalmado niyang sabi.“Nasa nurse station lang ako, ha. Tawagin mo lang ako kapag need mo ng resbak.”Tumango si Clarisse saka marahang binuksan ang pinto. Nandoon nga si Clarisse, nakaupo sa sofa habang naglalaro sa phone niya. Nang nakita ni Rachelle si Clarisse, tumayo siya at halatang iritado ang mukha.“Honestly, I underestimated you. Ang lakas ng loob mo. Dinala mo na agad ang mga bastardo mo sa bahay ng Montenegro?”“Bastardo?”“Akala ko ba wala kang gusto kay Lucas? Ano ‘yon? Nagbago ang isip mo?” tanong nito na pun

  • His Ex-Wife's Greatest Secret   Chapter 31

    Nasa braso pa rin ni Lucas si Lia at ayaw pang bumaba. Tahimik lamang si Andrei sa paligid at mukhang guilty sa ginawa niya kanina. “Tito, hinarangan po kami. Ayaw niya po kaming palabasin. Tapos sinigawan niya si Mama ko,” sumbong ni Lia habang mahigpit ang hawak sa damit ni Lucas. “Tapos, pinagtanggol ni Kuya si Mama.”“Hindi gan’yan ang nangyari,” sigaw naman ni Lara. “Lucas, huwag kang maniwala sa mga ‘yan. Tinulak ako ng batang ‘yan at hindi pa nagso-sorry.”“Inunahan mo kami. Ininsulto mo kami ng mga anak ko. Gusto mo ng respeto pero hindi mo maibigay sa amin. Ano ‘yon?” singit ni Clarisse. “Mom, please. Stop this,” pakikiusap ni Lucas sa ina. “Bumalik ka muna sa loob. Aasikasuhin ko lang ito. At sana naman, Mom, ito na ang huli.”Hindi makapaniwala si Lara na kinampihan ni Lucas ang mag-iina.“Lucas, I’m your Mom. Noon, sinabi mong pabayaan kita sa kumpanya, ngayon naman pati sa pagpapakasal, bawal pa rin ako?”Mas kumunot pa ang noo ni Lucas. Ayaw niyang makarinig ng ganito

  • His Ex-Wife's Greatest Secret   Chapter 30

    Alam ni Lucas kung paano hindi makatanggi si Clarisse sa regalo. Alam din ni Clarisse na kahit anong mangyari, mga apo pa rin ‘yon ng matanda at ayaw niya itong ipagdamot, maliban na lang kay Lucas at sa ina nito. “Pero next time, huwag na gano’n kamahal. They’re just kids. They don’t know the prices. Kahit toys lang sa mga department store or sa street stalls, masaya na ang mga ‘yon,” paliwanag ni Clarisse habang ibinabalik ang kahon sa mesa.“I think you’re late. Hiningi ni Andrei sa akin kahapon ang susi ng Lexus ko.” Napapikit na lamang sa Clarisse. Parang ayaw na niyang harapin si Lucas sa kahihiyan.“He surely inherits your hobby. Sinulyapan niya si Lucas at nagrereklamo.Pinigilan ni Lucas ang kan’yang tawa. “Walang duda. Anak ko nga ‘yan.”Nang bumaba sila para sa agahan, masigla si Senior Grandma. Mas may buhay ito kesa noong nakaraang araw, mula noong makilala sina Andrei at Lia.“Ang tatalino ng dalawang ito. They are just four, right?” masayang komento ng matanda. Agad

  • His Ex-Wife's Greatest Secret   Chapter 29

    Nang bumalik si Lucas mula sa restroom, unang bumungad sa kanya si Clarisse na nakasubsob sa mesa at may dalawang lata ng beer. Natatawa na lang siya nang mahina sa nakita niya.Ang tigas talaga ng ulo.Nagbayad na siya sa counter at maingat na inalalayan si Clarisse palabas. Kahit pa pinipilit nito na maglakad ng tuwid, halatang nahihilo na. Inupo niya ito sa passenger seat, at ikinabit ang seatbelt. Habang nagmamaneho pauwi, banayad lamang ang pagpapatakbo niya. Ayaw niya itong magising sa pagkakatulog. “Mmm, ang sarap. Gusto ko pa ng isa…” bulong nito.Bigla itong nagmulat ng mata, luminga-linga, at tuluyang tumitig sa kan’ya. Mamula-mula na ang pisngi nito sa sobrang kalasingan. “Who are you?” tanong nito.“Call me honeybunch.”“Ang corny. Ew!” sabay irap kay Lucas.Napatawa na lang si Lucas sa kanya. “Akala ko tulog ka. Nakakapagmura pa, ah.”Hindi na sumagot si Clarisse. Yumuko lamang at humikab.“I’m warning you. Kung dadalhin mo ako kung saan-saan, sasapakin kita.”“Iuuwi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status