ELARA'S P.O.V:
"ANO PO bang pag-uusapan natin, Sir?" kinakabahang tanong ko habang nakatayo, ilang dipa ang layo sa kanyang kinauupuan. "Why don't you sit first, Miss Vance?" "Huwag na ho, sanay naman po akong tumayo." Umigkas ang isang kilay niya sa akin at saka siya napapabuntong hiningang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at naglakad siya palapit sa akin. Itinukod niya ang isa niyang kamay sa mesa habang nakatingin sa akin. "So, sanay ka rin na mang iwan ng taong natutulog at hindi man lang ginising para humingi ng eksplenasyon?" "Ano bang sinasabi mo, Sir?" Napaatras ako ng kaunti nang hawakan niya ang aking baba at marahang iniangat yun upang magtama ang aming mga mata. "Do you think I will forgot what happened that night five years ago? Sinamantala mo ang kalasingan ko--" "O.A mo, hindi no!" Nanglaki ang mga mata ko sa sinabi ko dahil sumilay ang ngisi sa kanyang labi. "So, tama ako? Ikaw yung babaeng nakasama ko sa Grind Me Harder, five years ago na ang nakakalipas?" "H-Hindi nga ako, Sir-- ano ba!" bigla niyang niyakap ang isang braso niya sa bewang ko at kinabig ako palapit sa kanya at amoy na amoy ko ang pabango niya nang mailapat ko ang pareho kong kamay sa dibdib niya. "Now, tell me. Why did you disappear that day without even talking to me, Elara Vance?" Umiwas ako ng tingin sa kanya. "B-Baka kamukha ko lang ang sinasabi mo. Hindi naman kita kilala." "Ahuh? But you didn't deny the fact that it was you whom I spend my night with. Sinamantala mo ang kahinaan ko," bulong niya sa aking tainga kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob na itulak siya palayo sa akin ngunit isang atras ang nagawa niya dahil nakapatong sa mesa ang isa niyang braso. "Ang kapal ng mukha mo. Sa ating dalawa, ikaw ang nananamantala tyaka sabi mo nga five years ago na di ba? Meaning, kalimutan mo na ang nangyari. Isipin mo na lang na empleyado mo ako at Boss kita." "Paano kung ayoko?" "What?" singhal ko sa kanya. "Paano kung gusto kong sabihin sa'yo na gusto kong maramdaman ulit ang bagay na ipinaramdam mo sa akin habang nasa bisig kita?" "Baliw ka na. Pwede bang bumalik na lang ako sa trabaho ko dahil wala naman akong mapapala sayo." "Fine, then let's have a deal?" "Ayoko!" "Miss Vance," "Ayoko! Tapos ang usapan. Maiwan na kita!" Hindi ko na hinintay pa na sumagot si Mr. Saavedra, bagkus nilayasan ko siya at saka ako nagmartsa palabas ng conference room at sa pantry ako dumiretso. Pumasok ako sa banyo at doon ako nagkulong habang sapo ang dibdib ko. Diyos ko, naalala niya! Hindi ko inaasahan na ang lalaking nakasama ko ng gabing 'yon ay magiging Boss ko ngayon. Naiwasan ko nga si Vince pero dumating naman ang isang Felip Saavedra! Pakiramdam ko, mamamatay ako ng maaga. Iwinaksi ko na lamang yun sa aking isipan at saka bumalik sa trabaho ngunit hindi pa man ako nakakaupo sa tabi ni Miss Barbie, tumunog ang intercom. "Miss Vance, please come to my office." Gusto kong magdabog ngunit wala akong mapapala kundi ang sundin siya dahil mula sa araw na ito ay Boss ko ang lalaking naka-one night stand ko. "Pinatawag niyo po ako?" tanong ko habang abala si Mr. Saavedra sa papel na pinipirmahan niya. "Pwede bang pakidala ito sa marketing department at sabihin mong irevise nila ang report nito." "Seryoso ka?" Umangat ang kanyang mukha sa akin at doon ko lang napansin na may suot siyang salamin. Ang haba kasi ng buhok, natatakpan ang kanyang noo hanggang ilong. "Yes, Miss Vance." I groan in anger as I step forward on his desk. Iniabot niya ang isang kumpol ng bond paper ngunit bago ko pa makuha ang papel, iniwas niya yun at hinawakan ang kamay ko gamit ang isa niyang kamay at walang habas akong hinila paupo sa kanyang kandungan. "Mas maigi sigurong manatili ka na lang dito sa opisina ko at bantayan ang pagtatrabaho?" aniya habang nakakulong ako sa kanyang bisig at yakap ang bewang ko. Isang malambing na ngiti ang binigay ko sa kanya at marahang hinawakan ang neck tie na suot niya. "Sa pagkakaalam ko po, sekretarya mo ako. Hindi laruan!" Sa inis ko, hinila ko ang neck tie at itinali yun sa kanyang leeg dahilan para mapaubo nang maramdamang nasasakal siya ng sarili niyang neck tie.ELARA'S P.O.V:DUMATING si Iori kasama si Sinji at Saviel at gulat sila nang malamang narito sa bahay ko si Felip."Oh god, anak mo to?" hindi makapaniwalang tanong ni Sinji habang nakatitig sa anak namin."Kamukha ko naman ah, bakit parang tutol ka?" kunot-noong sambit ni Felip. Kalong niya kasi si Ale."Mas kamuka siya ni Elara kaysa sayo. Ampanget mo!" ani ni Saviel."Ang sarap mo talagang maging kaibigan no?""Oo naman. Masarap talaga ako. Tanong mo pa kay Barney."Napapailing na lamang ako at ganun din si Iori at nagulat ako nang senyasan ako ni Iori kaya lumapit ako sa kanya at lumayo kami ng kaunti kila Felip, Sinji at Saviel na nilalait pa rin si Felip."Hindi ko alam na may pamangkin na pala ako sa lalaking yon." Natatawang sambit ni Iori kaya nagtataka akong tumingin sa kanya."Pamangkin?" tanong ko."Ah, magkapatid kami sa ama ni Felip. Recently ko lang din nalaman at hindi halata na magkapatid kami kasi siraulo siya. Matagal na pala niyang alam mula pa nang magkakilala kam
ELARA'S P.O.V:"DADDY, dito ka sleep di ba?"Natigilan ako sa pagbibihis kay Ale ng pantulog niya at narito kami sa aming kwarto kasama si Felip na nakaupo rin sa ibabaw ng kama at napapagitnaan namin si Ale."Sorry anak, kailangan mo ni Daddy eh. Wala siyang damit dito.""Sama na lang Ale.""Ale, huwag makulit. Magkikita pa naman kayo ng Daddy mo bukas."Nalungkot ang mukha ni Ale kaya nagkatinginan kami ni Felip."Sige, ganito na lang. Magpapalit lang si Daddy ng damit ha tapos balik ako dito. Okay ba yun sayo?""Talaga?""Yes, so be a good boy and wait for me, okay?"Biglang nagliwanag ang mukha ni Ale at dinamba ng yakap ang ama niya."Yehey! Dito tulog Daddy ko!"Napailing na lang ako sa pagiging hyper ni Ale kaya tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at saka inilagay sa basket ang maruming damit ni Ale."Behave na ha? Pumunta ka na muna sa play room mo at hintayin mo si Daddy," utos ko sa anak ko."Okay!"Patakbong lumabas ng kwarto namin si Ale at sumisigaw pa siya na dito nga ma
ELARA'S P.O.V:"AT DAHIL mabait ako, sige, susundin ko yang gusto mo pero ano na ang plano niyo ate?" baling sa akin ni Alon kaya nangunot ang aking noo."Anong plano?""Plano kung kailan kayo magpapakasal."Bigla akong nasamid sa sinabi ni Alon kaya marahang hinaplos ni Felip ang likuran ko ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang galit na boses ni Ale."You! Don't touch mommy!" ani ni Ale at saka siya umalis mula sa pagkakakalong kay Alon.Lumapit siya sa amin ni Felip at inalis ang kamay nito sa likuran ko."Bakit mo naman ako inaaway, nak?" nakangusong sambit ni Felip."Mommy, bakit niya copy face ko?" baling sa akin ni Ale at initsapwera ang ama niya.Kaya naman, kinalong ko si Ale at tinignan ko pa si mama at alon bago ibinaling ang atensyon sa anak ko."Di ba sabi mo you want to see your daddy na?""Opo.""Itong lalaking katabi ko ay daddy mo. Kaya niya kino-kopya ang face mo kasi magkamukha kayo. Nagmana ka sa kanya kaya be good to daddy. Gusto mo bang iwan ka niya ulit?""Ayaw ko.
ELARA'S P.O.V:NAPATINGIN ako kay Felip nang sabihin niyang hindi niya inaasahang magkapatid kami ni Alon kaya nagsalita ako."Anong sinasabi mo?" lumingon si Felip sa akin at bakas pa rin sa kanyang mukha na galing siya sa pag-iyak."Uhm, nakikita ko siya tuwing may race ako dito sa Manila at minsan ko na siyang nakausap.""Oo ate, idol ko yan eh. May picture nga kaming dalawa. Wait, kunin ko," ani naman ni Alon at saka siya tumakbo patungo sa kanyang kwarto kaya lalong nangunot ang aking noo."Don't tell me sumasabak sa ilegal na gawain ang kapatid ko dahil sayo? Sinasabi ko sayo, sasakalin talaga kita.""Woy, hindi ah. Legal ang race na sinasalihan ko pero si Iori hindi. Yun, pumapatol talaga sa iligal kaya nga nilipat ko sa international scene para hindi masayang ang talento niya.""Anak, siya ba ang ama ni Ale?" sabat ni Mama sa usapan namin kaya nilingon namin siya ni Felip.Muntik ko nang makalimutan na may magulang pa ako kaya iginiya ko si Felip at si mama na maupo sa sofa da
ELARA'S P.O.V: "Sino yan?" tanong ni Felip nang mapansing nakatingin ako kay Vince. "Ex boyfriend ko," mapaklang wika ko. "Ang panget ng ex mo!" Marahas ko siyang nilingon. "Bumaba ka na nga lang!" singhal ko sa kanya. Naunang bumaba si Felip at pinagbuksan niya ako ng pinto at ang loko, hinawakan ang kamay ko at magka-holding hands kaming lumapit kay Vince. "E-Elara," aniya. "Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't sinabi ko nang ayaw ko ng makita pa ang pagmumukha mo?" "Elara, please. I want you back." "You want me back? For what? Vince, masaya na ako kay Felip kaya pwede ba tigilan mo na ako." "Elara--" "Pare, respeto na lang sana sa relasyon naming dalawa." sabat ni Felip dahilan para matigilan si Vince sa balak niyang paglapit sa akin. "Elara, ganun mo na lang ba ako kabilis palitan?" Wow? Ayos ah, siya ngayon ang biktima? "Tanga ka ba?" mapaklang wika ko. "Sa loob ng pitong taon na magkarelasyon tayong dalawa anong nagawa kong mali para lokohin mo ako ng gan
ELARA'S P.O.V: "ANG sama mo!" padabog na wika ni Felip at marahan pa akong itinulak palayo sa kanya kaya natawa ako dahil sa pagmamaktol niya. Pinunasan niya ang luha sa kanyang mga mata at hinarap ako ulit. "Hindi ba pwedeng ngayon ko na siya makita? Ihahatid naman kita sa bahay niyo di ba?" "Hindi ko pa nga nasasabi kay Ale, anong gusto mo, surpresahin ko ang anak ko at sabihin sa kanya na ikaw ang ama?" "Natin, anak natin. Doon din naman pupunta yun kaya tara na!" Bago pa ako makapagreklamo, hinila na ako ni Felip palabas ng VIP room at nakakulong ang palad ko sa kanyang kamay na para bang mawawala ako sa kanya. Muli ko pang namataan ang dalawang babae na nag-uusap sa rest room kanina ngunit hindi ko na sila pinansin hanggang sa makalabas kami ng restaurant at isinak