Share

His Fabulous Ex-wife
His Fabulous Ex-wife
Penulis: Charm Marquez

Chapter 1

Penulis: Charm Marquez
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-19 12:49:44

Nagising si Hannah sa malakas na katok sa kwarto niya, kaya agad siyang bumangon kahit hindi pa siya nakaligo o nakapag-hilamos man lang.

“Ang aga naman,” reklamo niya habang kinukusot ang mata.

Tulog pa ang diwa niya, kaya nang buksan niya ang pintuan, halos hindi niya makita ang mukha ng tao sa labas.

“Hannah! Ngayon ka pa lang ba nagising? My God!”

Napatigil siya nang marinig ang boses. Nagulat.

“Jenna? A-anong ginagawa mo rito?”

Hindi na siya sinagot agad ng kapatid. Pumasok ito na para bang siya ang may-ari ng bahay. Dumiretso sa sala at saka naupo sa couch. Nalilito man, sinundan na lang siya ni Hannah.

“Well, pinapunta ako rito ni Mommy para bisitahin ka. And guess what, may pinapadala sa’kin ang husband mo. Hindi ko alam kung ano ito, but here.” Inabot ni Jenna ang isang puting envelope.

Sabog pa ang utak ni Hannah pero kinuha niya iyon. Naupo rin siya at dahan-dahang binuksan ang envelope. Habang ginagawa niya iyon, hindi tumigil si Jenna sa pagdadaldal.

“Nako, iyong asawa mo. Nakakausap mo ba siya araw-araw? Kinakamusta ka ba?”

Hindi agad nakasagot si Hannah. Para bang may matalim na tinik na tumusok sa lalamunan niya. Dalawang taon na siya sa Singapore pero kahit isang tawag o simpleng kumustahan, wala siyang natanggap mula kay Ivan. Siya lang ang laging nagte-text, siya lang ang pilit na kumakapit.

“Nakakausap ko naman siya,” mahina niyang sagot, pilit na pinapaniwala ang sarili.

Umiling si Jenna. “I doubt that. Pero sige, unahin mo na iyan. Curious na rin ako.”

Sa wakas ay nabuksan ni Hannah ang envelope. Nilabas niya ang papel, at nang mabasa niya ang nakasulat, parang biglang huminto ang tibok ng puso niya.

“Request for Annulment.”

“Gago ba siya?!” sigaw ni Jenna, dahilan para mapapitlag si Hannah.

Pero wala siyang narinig. Nakatitig lang siya sa papel. Hindi niya inakalang ganito magsisimula ang umaga niya.

Alam niya sa loob-loob niya, darating din ang araw na ito. Hindi sila nagkaroon ng normal na relasyon bilang mag-asawa. Pero hindi niya inaasahan na sa ganitong paraan siya haharapin, isang papel na ipinaabot sa pamamagitan ng kapatid niya. Wala man lang tawag, wala man lang paliwanag.

“Ang kapal ng mukha niyang makipaghiwalay! Siya pa mismo ang nag-suggest kay Mommy noon na dito ka mag-aral para raw mas maganda ang future mo. Pero kung tutuusin, plano na pala niyang takasan ka!”

Patuloy sa pagsasalita si Jenna, pero si Hannah, pakiramdam niya’y lumulubog siya sa sahig. Hindi niya alam kung galit ba siya, o nasasaktan. Hindi sila nagsama kahit isang gabi bilang mag-asawa. Pagkatapos ng kasal, hinatid lang siya nito sa Singapore, parang batang inihatid sa paaralan, tapos umalis agad.

“Ano, wala ka bang sasabihin? Sasabihin ko ito kina Mommy!” dagdag pa ni Jenna.

Agad siyang hinawakan ni Hannah sa kamay, sabay iling. “Huwag na. Ako na ang bahala kakausap.”

Bubuka pa lang ang bibig ni Jenna nang biglang tumunog ang cellphone ni Hannah. Napalingon siya sa mesa kung saan nakalapag ito.

May tumatawag sa Skype. At nanlamig ang mga kamay ni Hannah. Unang beses niyang makita ang pangalan ng asawa sa screen niya.

‘Ivan is calling…’

“Answer it!” bulong ni Jenna, halatang mas gigil pa kaysa sa kanya.

Huminga nang malalim si Hannah bago pinindot ang green button. Lumitaw ang mukha ng isang lalaking matagal na niyang hindi nakikita. Medyo pumayat ito, pero halata ang pamilyar na tingin sa mga mata.

“Hannah,” mahinang bati ni Ivan.

Natigilan siya. Ilang segundong katahimikan bago siya nakapagsalita. “Ivan… bakit ngayon ka lang?”

Saglit na nag-ayos si Ivan ng upo. Nakita ni Hannah ang likod ng isang opisina, mga cabinet, computer, at dokumento. “Busy ako. Pasensya na. Alam kong hindi ako nakatawag agad, pero kailangan nating pag-usapan ito.”

Itinaas ni Ivan ang isang papel, kapareho ng hawak ni Hannah. “About the annulment.”

Parang pinisil ang puso niya. “So totoo nga…”

“Oo.” Diretso ang sagot ng lalaki. “Hannah, hindi tayo puwedeng magpatuloy sa ganito. Alam mong wala namang nangyayari sa relasyon natin. Wala tayong pinagsamahan bilang mag-asawa. And honestly, I don’t want to keep you tied down.”

Napatigil si Hannah. “Tied down? Ivan, dalawang taon akong nagte-text sa’yo araw-araw. Ni minsan hindi ka sumagot. Hindi mo man lang ba naisip kung ano ang pakiramdam ko? Na parang ako lang ang kumakapit?”

“Ano? Ang sabi mo nagkakausap kayo?” sabi ni Jenna pero walang boses na lumabas, tanging bibig lang. Hindi siya pinansin ni Hannah.

Napabuntong-hininga si Ivan. “I know. Nakita ko lahat ng messages mo.”

“Kung nakita mo, bakit hindi ka nag-reply kahit minsan?”

Sandaling natahimik si Ivan. “Dahil alam kong wala rin akong maisasagot. Hindi kita mahal, Hannah. At ayokong magpanggap.”

Parang umikot ang mundo niya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung iiyak ba siya o tatawa.

Alam iyon ni Hannah pero gusto niya parin marinig mula sa bibig ni Ivan. “Kung hindi mo ako mahal, bakit ka pumayag sa kasal natin?” nanginginig niyang tanong.

“Because it was convenient. Dahil iyon ang gusto ng pamilya. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ito magiging tama. Alam ko…ikaw rin, hindi mo ako mahal. Pareho lang naman tayong napilitan sa kasal na ito.”

Napapikit si Hannah, pilit na pinipigilan ang luhang nagbabantang pumatak. Sa gilid, galit na galit na si Jenna, pero pinipigilan niya ang sarili para hindi makisabat.

“Convenient…” bulong ni Hannah. “Gano’n lang ba ako sa’yo, Ivan? Convenience? And yes, aaminin ko hindi rin naman talaga kita mahal pero kahit respeto manlang sa pamilya natin hindi mo nagawa?”

Tumingin si Ivan sa screen. May bakas ng guilt sa mata niya pero hindi siya umatras. “I’m sorry, Hannah. I really am. But it’s better this way. You’re young. You deserve someone who can actually be there for you.”

“Hindi mo man lang sinubukan,” mahina niyang sagot. “Hindi mo man lang binigyan ng pagkakataon iyong relasyon na ito.”

“Hannah—”

“Enough!” napasigaw siya. “Kung annulment ang gusto mo, fine. Pero sana kahit minsan, nagkaroon ka ng lakas ng loob na sabihin sa akin nang personal. Hindi ‘yong ipapadaan mo pa sa kapatid ko!”

Natigilan si Ivan. Kita sa mukha niya ang pagsisisi. “You’re right. Mali ako doon. But Hannah… this is the only way forward.”

Sandali silang natahimik. Ang tanging naririnig lang ay mahina niyang hikbi.

“Okay,” bulong ni Hannah. “Kung ito ang gusto mo, wala na akong magagawa. Pero sana tandaan mo… hindi lang ikaw ang may responsibilidad dito. Pinaniwala mo ang pamilya ko…ang pamilya natin na maayos tayo!” giit ni Hannah. “Uuwi ako dyan para pirmahan ang gusto mong annulment!”

Hindi nakasagot si Ivan. Nakatingin lang siya, para bang may gustong sabihin pero hindi niya mahanap ang tamang salita.

Bago pa siya tuluyang malunod sa sakit, pinindot ni Hannah ang end call. Nawala ang mukha ng asawa niya sa screen.

Agad siyang niyakap ni Jenna. “Ate…”

Tuluyang bumigay si Hannah. Doon siya humagulgol, hawak pa rin ang papel ng annulment, habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang sinabi ni Ivan.

At iyon ang pinakamalupit na paggising na natanggap niya sa buong buhay niya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • His Fabulous Ex-wife   Chapter 4

    Tahimik ang gabi sa condo ni Ivan. Nakaupo siya sa harap ng computer, hawak ang baso ng alak, ngunit hindi doon nakatutok ang atensyon niya. Ang cellphone niya, nasa kamay, at hindi niya alam kung bakit bigla niyang hinanap ang pangalan ni Hannah sa social media.Hindi niya namalayan, nag-click na siya ng “Add Friend.” Saglit siyang natigilan, napahawak sa sentido. ‘Bakit ko ba ginawa ‘yon?’ tanong niya sa sarili, ngunit bago pa siya makapigil, naroon na rin ang sunod niyang hakbang, ang pag-scroll sa mga litrato nito.Isa-isa niyang tinitingnan ang mga post ng asawa, o dapat ay “ex-wife” niya. Mga litrato ni Hannah sa Singapore, sa mga café na mag-isa lang siya, sa mga painting na ginagawa nito para sa art school, sa mga lugar na tila kay ganda pero malamig ang aura.Halos wala itong kasama sa mga litrato. Minsan ay si Jenna pero alam niya na ang litratong kasama ang kapatid ay nasa Pinas, pero kadalasan, siya lang.Parang may kirot na tumusok sa puso ni Ivan. ‘Ganito pala siya namu

  • His Fabulous Ex-wife   Chapter 3

    Tahimik ang paligid habang magkasunod na pumasok sina Hannah at Jenna sa loob ng malaking sala. Malinis at maaliwalas ang mansyon, ngunit ramdam ni Hannah ang bigat ng atmospera. Parang lahat ng mata ay nakatutok sa kaniya.Unang bumungad ang mommy niya, si Sandra, seryosong nakapamewang at nakatingin nang diretso sa kanya. Ang step-dad naman niya, na ama ni Jenna ay nakaupo, malamlam ang mukha ngunit halatang galit din. Sa kabilang dulo, ang lola nila ay nakangiti, pilit na nagpapagaan ng tensyon.“Nandito na ang mga apo ko—” masiglang bati ng lola nila, ngunit agad itong natigil nang singitan ni Sandra.“Ma, not now.” Malamig na boses ng mommy ni Hannah. Tumayo ito, nakapulupot ang mga braso sa dibdib. “Hannah, bakit ka pumayag na makipaghiwalay kay Ivan?”Natigilan si Hannah, hindi alam kung paano sasagot. Pilit siyang ngumiti, ngunit halata ang lungkot sa kanyang mga mata. “Welcome home to me, Ma,” mahina niyang sabi. Lumapit siya at isa-isang niyakap ang mga ito, ngunit malamig a

  • His Fabulous Ex-wife   Chapter 2

    Nakahawak sa sintido niya si Ivan na para bang hirap na hirap sa desisyon.“You really made your decision, dude.” Umiiling na sabi ng pinsan niyang si Kenneth. Kanina pa ito nasa opisina niya, nakikinig sa usapan ng mag-asawa sa Skype.“I don’t have a choice, Ken. Alam mo naman na hindi ko talaga mahal si Hannah. I suggested na sa Singapore muna siya kasi hindi ko kaya na makasama ang taong hindi ko mahal,” pilit na paliwanag ni Ivan.Ngunit para kay Kenneth, hindi iyon sapat. Hindi niya gusto ang ginawa ng pinsan niya, pero wala rin siyang karapatan na mangialam.“Yeah, that’s your life. Pero sana, you won’t regret doing this. Dalawang taon kayong kasal ni Hannah na hindi man lang nagsama. Nagsinungaling ka pa sa pamilya niya na nakakausap mo siya. Pero, Ivan…” tumigil saglit si Kenneth bago muling nagsalita, “…hindi habang buhay aantayin mo iyong taong iniwan ka nang walang dahilan.”Napatigil si Ivan. Alam niya ang tinutukoy ng pinsan, ang ex-girlfriend niyang si Fyra, na apat na t

  • His Fabulous Ex-wife   Chapter 1

    Nagising si Hannah sa malakas na katok sa kwarto niya, kaya agad siyang bumangon kahit hindi pa siya nakaligo o nakapag-hilamos man lang.“Ang aga naman,” reklamo niya habang kinukusot ang mata.Tulog pa ang diwa niya, kaya nang buksan niya ang pintuan, halos hindi niya makita ang mukha ng tao sa labas.“Hannah! Ngayon ka pa lang ba nagising? My God!”Napatigil siya nang marinig ang boses. Nagulat.“Jenna? A-anong ginagawa mo rito?”Hindi na siya sinagot agad ng kapatid. Pumasok ito na para bang siya ang may-ari ng bahay. Dumiretso sa sala at saka naupo sa couch. Nalilito man, sinundan na lang siya ni Hannah.“Well, pinapunta ako rito ni Mommy para bisitahin ka. And guess what, may pinapadala sa’kin ang husband mo. Hindi ko alam kung ano ito, but here.” Inabot ni Jenna ang isang puting envelope.Sabog pa ang utak ni Hannah pero kinuha niya iyon. Naupo rin siya at dahan-dahang binuksan ang envelope. Habang ginagawa niya iyon, hindi tumigil si Jenna sa pagdadaldal.“Nako, iyong asawa mo

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status