แชร์

Chapter 4

ผู้เขียน: Charm Marquez
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-09-19 12:52:13

Tahimik ang gabi sa condo ni Ivan. Nakaupo siya sa harap ng computer, hawak ang baso ng alak, ngunit hindi doon nakatutok ang atensyon niya. Ang cellphone niya, nasa kamay, at hindi niya alam kung bakit bigla niyang hinanap ang pangalan ni Hannah sa social media.

Hindi niya namalayan, nag-click na siya ng “Add Friend.” Saglit siyang natigilan, napahawak sa sentido. 

‘Bakit ko ba ginawa ‘yon?’ tanong niya sa sarili, ngunit bago pa siya makapigil, naroon na rin ang sunod niyang hakbang, ang pag-scroll sa mga litrato nito.

Isa-isa niyang tinitingnan ang mga post ng asawa, o dapat ay “ex-wife” niya. Mga litrato ni Hannah sa Singapore, sa mga café na mag-isa lang siya, sa mga painting na ginagawa nito para sa art school, sa mga lugar na tila kay ganda pero malamig ang aura.

Halos wala itong kasama sa mga litrato. Minsan ay si Jenna pero alam niya na ang litratong kasama ang kapatid ay nasa Pinas, pero kadalasan, siya lang.

Parang may kirot na tumusok sa puso ni Ivan. ‘Ganito pala siya namuhay doon… mag-isa?’ 

Hindi niya napigilang ikumpara sa sarili niyang mga gabi, puno ng trabaho, minsan ng kasayahan kasama ang mga kaibigan, ngunit kailanman ay hindi niya naisip kung ano ang ginagawa ni Hannah.

Habang pinapanood ang screen, isa-isa niyang nilike ang mga posts, kahit pa yong mga isang taon na ang nakalipas. Tila hindi alintana ang ginagawa niya. Ang mahalaga, nakikita niya ngayon ang isang side ni Hannah na hindi niya kailanman pinagtuunan ng pansin noon, may sumilay na maliit na ngiti sa labi niya.

Samantala, sa kabilang banda, abala rin si Hannah sa kanyang laptop. May tinatapos siyang research para sa isang project sa art school, isang painting series tungkol sa “Isolation.” Tahimik ang paligid, tanging tunog ng keyboard at mahinang music lang ang maririnig.

Ngunit naputol ang atensyon niya nang sunod-sunod ang tunog ng notifications sa cellphone niya. Nilingon niya iyon, at agad na nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pangalan.

“Ivan?” bulong niya sa sarili.

Hindi siya makapaniwala. Dalawang taon, halos hindi man lang siya pinansin ni Ivan kahit minsan. Ni hindi nag-like sa kahit anong post, ni hindi nag-text. Pero ngayon, nagpadala ng friend request.

Saglit siyang natigilan. Pigil ang paghinga habang binubuksan ang notification. Hindi lang friend request, nakita niyang halos lahat ng posts niya, mula sa pinakahuli ay nilike ni Ivan. Maging ang mga simpleng larawan ng kape o kaya isang painting draft ay hindi nito pinalampas.

Napatigil si Hannah, napahawak sa dibdib. May halong gulat at inis. “Ano na naman ‘to? Anong trip ng isang ‘to?”

Pinilit niyang huwag patulan, ibinalik ang tingin sa laptop. Ngunit hindi siya mapakali. Paulit-ulit bumabalik ang pangalan ni Ivan sa isip niya.

Bumuntong-hininga siya at pinikit ang mga mata. ‘Don’t be affected, Hannah. He made his choice. He never wanted you. Don’t let a few likes make you forget that.’

Pero kahit anong pilit niyang iwaksi, ramdam niya ang bahagyang pagkalito. Dahil sa unang pagkakataon, lumapit si Ivan kahit sa pamamagitan lang ng mga simpleng notifications.

At iyon ang bagay na hindi niya alam kung ikatutuwa ba niya, o ikagagalit.

***

Maaga ang araw at malamig pa ang simoy ng hangin sa loob ng subdivision. Nakasuot ng earphones si Hannah habang tumatakbo, sinisikap alisin sa isip ang kung anu-anong bagay, lalo na ang notifications kagabi mula kay Ivan. Pinipilit niyang ituon ang sarili sa bawat hakbang, sa tunog ng sapatos niya sa kalsada, at sa musika na umaagos sa tenga niya.

Ngunit isang kamay ang biglang dumapo sa balikat niya. Napahinto siya, mabilis na hinugot ang earphones at humarap.

“Ivan…” mahina niyang sambit, may gulat at inis na halong emosyon.

Nasa harap niya si Ivan, suot ang gray na jogging pants at itim na dri-fit shirt. Hingal din ito, halatang matagal nang sumusunod.

“Ang aga mo ring nagjo-jogging,” casual nitong bati, pero ramdam ni Hannah ang pananaliksik ng tingin nito sa kanya.

Mabilis niyang iniwas ang mga mata at muling nagsimula sa pagtakbo. “Coincidence. Nandito ka rin.”

Sumabay si Ivan, hindi nagpapahuli sa hakbang. “Hindi naman… well, nandito lang talaga ako. Bahay ng pamilya ko nasa kanto lang.”

“I know,” malamig niyang tugon. Pinabilis pa niya ang takbo, pero nanatiling malapit si Ivan.

Sandali silang natahimik, ang tanging ingay ay ang pareho nilang paghinga at yapak. Napapailing si Hannah, halatang naiinis. Sa wakas, hindi na niya natiis.

“Can you stop following me?” Tumigil siya at hinarap ito, seryoso ang mga mata. “Ano ba talaga ang gusto mo? Hiwalay na tayo. Pumirma ka. Tapos na ‘yon.”

Huminto rin si Ivan, nakapamaywang habang humihinga nang malalim. Tila may gustong sabihin pero nahihirapan ilabas. Sa huli, diretso siyang tumingin kay Hannah.

“Gusto kitang makilala,” mahinang sabi niya, halos parang sarili niya lang ang pinakikinggan.

Natawa si Hannah, pero mapait. “Makilala? After two years of silence, Ivan? Alam mo ba kung ilang gabi akong naghintay na kumustahin mo man lang ako? Ni hindi mo nga alam kung anong klaseng buhay ang meron ako sa Singapore.”

“Exactly.” Umusog si Ivan palapit, may bahagyang pagmamakaawa sa tono. “Doon ako nagkamali. Hindi ko tinignan, hindi ko pinansin. Pero kagabi… nakita ko yong mga litrato mo. Mag-isa ka palagi, Hannah. Hindi ko alam… hindi ko alam na ganoon pala ang naging buhay mo.”

Napakurap si Hannah, sinubukan panatilihin ang matibay na mukha. “At anong gusto mong mangyari ngayon? Gusto mo bang ibalik ang kasal natin?”

Umiling si Ivan. “Hindi ko hinihingi na bumalik tayo roon. Ang hinihingi ko… simula ngayon, kilalanin naman kita. Kilalanin yong Hannah na hindi ko pinansin noon.”

Tahimik na natigilan si Hannah, ramdam ang bigat ng bawat salita. Pero agad niyang inalis ang tingin, muling naglakad paalis.

“Too late, Ivan. You lost that chance.”

Pero kahit pa ganoon, hindi siya makapaniwala na ang lalaking iniwan siya sa lamig noon, ngayo’y ito pa ang kusang humahabol.

At sa likod niya, naroon pa rin si Ivan, hindi sumusuko, nakamasid, at tahimik na sumusunod.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • His Fabulous Ex-wife   Chapter 4

    Tahimik ang gabi sa condo ni Ivan. Nakaupo siya sa harap ng computer, hawak ang baso ng alak, ngunit hindi doon nakatutok ang atensyon niya. Ang cellphone niya, nasa kamay, at hindi niya alam kung bakit bigla niyang hinanap ang pangalan ni Hannah sa social media.Hindi niya namalayan, nag-click na siya ng “Add Friend.” Saglit siyang natigilan, napahawak sa sentido. ‘Bakit ko ba ginawa ‘yon?’ tanong niya sa sarili, ngunit bago pa siya makapigil, naroon na rin ang sunod niyang hakbang, ang pag-scroll sa mga litrato nito.Isa-isa niyang tinitingnan ang mga post ng asawa, o dapat ay “ex-wife” niya. Mga litrato ni Hannah sa Singapore, sa mga café na mag-isa lang siya, sa mga painting na ginagawa nito para sa art school, sa mga lugar na tila kay ganda pero malamig ang aura.Halos wala itong kasama sa mga litrato. Minsan ay si Jenna pero alam niya na ang litratong kasama ang kapatid ay nasa Pinas, pero kadalasan, siya lang.Parang may kirot na tumusok sa puso ni Ivan. ‘Ganito pala siya namu

  • His Fabulous Ex-wife   Chapter 3

    Tahimik ang paligid habang magkasunod na pumasok sina Hannah at Jenna sa loob ng malaking sala. Malinis at maaliwalas ang mansyon, ngunit ramdam ni Hannah ang bigat ng atmospera. Parang lahat ng mata ay nakatutok sa kaniya.Unang bumungad ang mommy niya, si Sandra, seryosong nakapamewang at nakatingin nang diretso sa kanya. Ang step-dad naman niya, na ama ni Jenna ay nakaupo, malamlam ang mukha ngunit halatang galit din. Sa kabilang dulo, ang lola nila ay nakangiti, pilit na nagpapagaan ng tensyon.“Nandito na ang mga apo ko—” masiglang bati ng lola nila, ngunit agad itong natigil nang singitan ni Sandra.“Ma, not now.” Malamig na boses ng mommy ni Hannah. Tumayo ito, nakapulupot ang mga braso sa dibdib. “Hannah, bakit ka pumayag na makipaghiwalay kay Ivan?”Natigilan si Hannah, hindi alam kung paano sasagot. Pilit siyang ngumiti, ngunit halata ang lungkot sa kanyang mga mata. “Welcome home to me, Ma,” mahina niyang sabi. Lumapit siya at isa-isang niyakap ang mga ito, ngunit malamig a

  • His Fabulous Ex-wife   Chapter 2

    Nakahawak sa sintido niya si Ivan na para bang hirap na hirap sa desisyon.“You really made your decision, dude.” Umiiling na sabi ng pinsan niyang si Kenneth. Kanina pa ito nasa opisina niya, nakikinig sa usapan ng mag-asawa sa Skype.“I don’t have a choice, Ken. Alam mo naman na hindi ko talaga mahal si Hannah. I suggested na sa Singapore muna siya kasi hindi ko kaya na makasama ang taong hindi ko mahal,” pilit na paliwanag ni Ivan.Ngunit para kay Kenneth, hindi iyon sapat. Hindi niya gusto ang ginawa ng pinsan niya, pero wala rin siyang karapatan na mangialam.“Yeah, that’s your life. Pero sana, you won’t regret doing this. Dalawang taon kayong kasal ni Hannah na hindi man lang nagsama. Nagsinungaling ka pa sa pamilya niya na nakakausap mo siya. Pero, Ivan…” tumigil saglit si Kenneth bago muling nagsalita, “…hindi habang buhay aantayin mo iyong taong iniwan ka nang walang dahilan.”Napatigil si Ivan. Alam niya ang tinutukoy ng pinsan, ang ex-girlfriend niyang si Fyra, na apat na t

  • His Fabulous Ex-wife   Chapter 1

    Nagising si Hannah sa malakas na katok sa kwarto niya, kaya agad siyang bumangon kahit hindi pa siya nakaligo o nakapag-hilamos man lang.“Ang aga naman,” reklamo niya habang kinukusot ang mata.Tulog pa ang diwa niya, kaya nang buksan niya ang pintuan, halos hindi niya makita ang mukha ng tao sa labas.“Hannah! Ngayon ka pa lang ba nagising? My God!”Napatigil siya nang marinig ang boses. Nagulat.“Jenna? A-anong ginagawa mo rito?”Hindi na siya sinagot agad ng kapatid. Pumasok ito na para bang siya ang may-ari ng bahay. Dumiretso sa sala at saka naupo sa couch. Nalilito man, sinundan na lang siya ni Hannah.“Well, pinapunta ako rito ni Mommy para bisitahin ka. And guess what, may pinapadala sa’kin ang husband mo. Hindi ko alam kung ano ito, but here.” Inabot ni Jenna ang isang puting envelope.Sabog pa ang utak ni Hannah pero kinuha niya iyon. Naupo rin siya at dahan-dahang binuksan ang envelope. Habang ginagawa niya iyon, hindi tumigil si Jenna sa pagdadaldal.“Nako, iyong asawa mo

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status