Nakahawak sa sintido niya si Ivan na para bang hirap na hirap sa desisyon.
“You really made your decision, dude.” Umiiling na sabi ng pinsan niyang si Kenneth. Kanina pa ito nasa opisina niya, nakikinig sa usapan ng mag-asawa sa Skype.
“I don’t have a choice, Ken. Alam mo naman na hindi ko talaga mahal si Hannah. I suggested na sa Singapore muna siya kasi hindi ko kaya na makasama ang taong hindi ko mahal,” pilit na paliwanag ni Ivan.
Ngunit para kay Kenneth, hindi iyon sapat. Hindi niya gusto ang ginawa ng pinsan niya, pero wala rin siyang karapatan na mangialam.
“Yeah, that’s your life. Pero sana, you won’t regret doing this. Dalawang taon kayong kasal ni Hannah na hindi man lang nagsama. Nagsinungaling ka pa sa pamilya niya na nakakausap mo siya. Pero, Ivan…” tumigil saglit si Kenneth bago muling nagsalita, “…hindi habang buhay aantayin mo iyong taong iniwan ka nang walang dahilan.”
Napatigil si Ivan. Alam niya ang tinutukoy ng pinsan, ang ex-girlfriend niyang si Fyra, na apat na taon na niyang hindi nakikita pero palagi pa rin niyang binubuksan ang social media nito.
“Anyway, I need to go. Balitaan mo na lang ako kung may kailangan ka pa.” Tumayo si Kenneth at saka umalis.
Naiwan si Ivan sa opisina, magulo ang isip.
Sa kabilang banda, mabilis na nakapag-book si Jenna ng ticket pauwi ng Pilipinas. Ayaw niya na sana dahil hindi maganda ang araw ni Hannah, pero siya mismo ang nagdesisyon na ngayon na lang. Gusto niyang matapos lahat.
“Nandyan na ang Grab car,” sabi ni Jenna habang bitbit ang maleta ng kapatid.
Habang nasa loob ng kotse, tahimik si Hannah. Tinitigan lamang niya ang bintana, parang wala sa sarili. Gusto sanang magsalita ni Jenna pero nahihirapan siyang sumingit sa bigat ng emosyon ng kapatid.
“You can talk now,” basag ni Hannah sa katahimikan. “Ask anything… or sabihin mo na lang kung ano talagang sinabi nila Mommy.”
Huminga nang malalim si Jenna. “W-well, pinapunta talaga nila ako para pauwiin ka. Kasi tapos na ang semester mo. Miss ka na nila… pero hindi ko alam na iyon ang laman ng envelope. Kung alam ko lang—”
“Wala kang kasalanan, Jen. Ayos lang.” Mahinang tugon ni Hannah.
Hinawakan ni Jenna ang kamay ng kapatid. Ramdam niya ang pighati nito kahit pilit pinapakita na matatag siya.
Pagkarating nila sa airport ng Pilipinas, mabilis na kinuhanan ni Jenna ng porter ang mga gamit. Nagtaka si Hannah nang hawakan siya ng kapatid sa braso.
“May problema ba?” tanong niya.
Ngumiti si Jenna. “Iyong mga gamit nasa kotse na. Pero hindi pa alam nila Mom na umuwi ka. I told the driver not to tell them. Kaya ngayon… may pupuntahan muna tayo.”
Napakunot-noo si Hannah. “Saan naman? Hindi ba dapat pumunta muna ako kay Ivan para pumirma—”
“Makakapaghintay ang lalaking iyon. Ate, please. Sumunod ka na lang. I know you’re hurting, but trust me, this will help you.”
Napahinto si Hannah nang marinig ang salitang hurting. Sa totoo lang, hindi niya alam kung nasaktan ba siya o na-insulto lang. Dalawang taon na silang kasal pero wala silang kahit isang alaala na mag-asawa talaga sila.
“Narinig mo ang usapan namin. Hindi niya ako mahal, at hindi ko rin siya mahal… so I won’t say I’m broken. Maybe… I just feel insulted.”
Tumango si Jenna, tila naintindihan ang damdamin ng kapatid.
“Then all the more reason for this. Hindi ka pwedeng makita ng pamilya natin at lalo na ni Ivan na ganyan ka. You need a makeover.”
“Makeover?” napailing si Hannah. “Hindi ba maayos na itong hitsura ko?”
“Hmmm, pwede na. Pero hindi pwedeng ‘pwede na.’ Let’s go!”
Dumiretso sila sa isang high-end salon. Pagkapasok nila, sinalubong sila ng receptionist. “Good afternoon, Ma’am! What service would you like?”
“Full makeover for her,” sagot agad ni Jenna sabay turo kay Hannah.
Nagulat si Hannah. “Full makeover? Jen, hindi naman ako artista.”
“But you’re about to face the man who disrespected you. You need to look like the woman he lost,” pabulong na sagot ni Jenna.
Mabilis silang inasikaso ng mga staff. Nilagyan ng treatment ang buhok ni Hannah, ginupitan at inayos. Pagkatapos ay inayos ang kilay, nilagyan ng light makeup. Habang nakaupo siya, hindi niya maiwasang mapatingin sa salamin.
Parang ibang tao ang nakikita niya, mas matapang, mas matatag.
“Beautiful,” bulong ng isang stylist. “You should smile more.”
Napangiti si Hannah kahit bahagya.
Pagkatapos sa salon, agad siyang hinila ni Jenna sa isang sikat na mall. “Clothes time!”
“Jen, sobra na yata—”
“Nope! You need this. Come on. At saka, ngayon lang ulit tayo nagsama ‘no. Nasa Pinas ka na, hindi ka na mag-isa. Alam ko naman na wala kang masyadong kasama sa mga ganito sa Singapore.”
Napaisip din si Hannah sa sinabi ng kapatid dahil totoo ang mga iyon. Mag-isa siya sa loob ng dalawang taon. At ngayong araw lang siya nagkaroon ng bisita na mula sa pamilya niya, at iyon ay si Jenna. Gaya ng iilan, naranasan niya rin ma-homesick, umiyak gabi-gabi at nahihirapan sa buhay sa Singapore lalo na’t pinili niyang huwag manghingi ng allowance sa pamilya dahil sa kasabihan na kasal na siya. At hindi rin naman sila nagkakausap ni Ivan kaya kahit piso ni Ivan ay wala siyang natanggap. Pumasok siya ng dalawang trabaho kasabay ang pag-aaral.
Ilang boutique ang pinasok nila. Pinagpilian ni Hannah ang ilang dress, may simpleng white dress, may eleganteng black, at may corporate-style na outfit pero mahahalata parin ang classy style nito. Pinili niya ang huli.
“Why that one?” tanong ni Jenna.
“Because I’m not going to him as a broken wife. I’m going there as I am, someone who deserves respect.”
Nagulat si Jenna sa tono ng ate niya, pero natuwa rin. “That’s my girl.”
Sa dulo ng shopping, dala nila ang ilang paper bags. Hindi lang damit, kundi bagong heels at bag na akma sa transformation ni Hannah.
Kinabukasan, maaga silang nag-check out sa hotel. Diretso silang pumunta sa opisina ni Ivan. Habang nasa loob ng kotse, ramdam ni Hannah ang kaba.
“Are you ready?” tanong ni Jenna.
Huminga siya nang malalim. “I have to be.”
Pagpasok nila sa opisina, agad na napalingon ang receptionist. “Good morning, Ma’am. Do you have an appointment?”
“Yes. Tell Ivan… tell my husband that I’m here,” matatag na sagot ni Hannah.
Nanlaki ang mata ng receptionist, halatang nagulat.
Ilang minuto lang, bumukas ang pintuan ng opisina. Lumabas si Ivan, hawak ang isang folder. Nang makita niya si Hannah, natigilan siya.
Parang hindi niya makilala ang babae sa harap niya. Elegante ang ayos, confident ang tindig, at may kakaibang liwanag sa mga mata. Hindi ito ang Hannah na iniwan niya sa Singapore.
“Hannah…” mahina niyang sabi.
“I’m here for the annulment paper.” Diretso ang boses ni Hannah, walang pag-aalinlangan.
Pero hindi nakapagsalita si Ivan, nakatitig lang siya kay Hannah na para bang bagong-bago sa paningin niya.
“What? Hindi mo ba narinig ang sabi ng ate?” tanong ni Jenna sa gilid nito.
Bumaling si Hannah sa kapatid. “Please wait for me in the car, sis. I need to talk to my husband,” sabi nito.
Nagkibit balikat lang si Jenna at saka umalis.
Tinignan naman ni Hannah si Ivan na hanggang ngayon ay nakatitig parin sa kanya. Kinabahan siya sa titig nito pero hindi niya na lamang pinahalata. Binuksan niya ang opisina ni Ivan at siya na mismo ang naunang pumasok. Umupo siya sa harap ng upuan ng mesa.
Kinuha ni Ivan ang folder, inilapag sa mesa, at binuksan. “It’s all prepared. You just need to sign.”
Kinuha ni Hannah ang ballpen na nasa lamesa lang din. Pero bago siya pumirma, tiningnan niya muna si Ivan. “Two years, Ivan. Two years akong naghintay kahit wala kang paramdam. And this is what you wanted all along?”
Tumingin si Ivan sa kanya, tila nahihirapan. “Yes. I told you, Hannah. This is for the best.”
“Best for you,” mabilis na tugon ni Hannah. “Never for me.”
Natigilan si Ivan. Hindi siya makatingin nang diretso.
“Don’t worry. I won’t beg. I won’t even ask why anymore. But remember this, Ivan…” tumigil saglit si Hannah, at sa malamig na tono ay idinugtong, “…the woman you see right now is the wife you never tried to love. And the same woman who will walk out of your life with dignity.”
Diretso niyang pinirmahan ang papel. Sa bawat stroke ng ballpen, ramdam niyang unti-unti siyang napapalaya.
Pagkatapos, isinara niya ang folder, itinulak pabalik kay Ivan, at tumayo.
“Goodbye, Ivan.”
Tahimik si Ivan, tanging tingin lang ang naisukli. Hindi niya inasahan ang presensyang dala ngayon ni Hanna, —isang presensyang mas matatag kaysa dati.
Pero mayamaya, lumabas si Ivan sa opisina, hinabol si Hannah. Nang mahabol niya ito, hinawakan niya ang braso nito dahilan para mapalingon sa kanya si Hannah. Tinignan siya ni Hannah na may pagtataka.
“May sasabihin ka pa ba?” malamig na tanong ni Hannah.
“We need to see our parents bago ma-finalize ang annulment. You’re coming with me to them…today.”
Tahimik ang gabi sa condo ni Ivan. Nakaupo siya sa harap ng computer, hawak ang baso ng alak, ngunit hindi doon nakatutok ang atensyon niya. Ang cellphone niya, nasa kamay, at hindi niya alam kung bakit bigla niyang hinanap ang pangalan ni Hannah sa social media.Hindi niya namalayan, nag-click na siya ng “Add Friend.” Saglit siyang natigilan, napahawak sa sentido. ‘Bakit ko ba ginawa ‘yon?’ tanong niya sa sarili, ngunit bago pa siya makapigil, naroon na rin ang sunod niyang hakbang, ang pag-scroll sa mga litrato nito.Isa-isa niyang tinitingnan ang mga post ng asawa, o dapat ay “ex-wife” niya. Mga litrato ni Hannah sa Singapore, sa mga café na mag-isa lang siya, sa mga painting na ginagawa nito para sa art school, sa mga lugar na tila kay ganda pero malamig ang aura.Halos wala itong kasama sa mga litrato. Minsan ay si Jenna pero alam niya na ang litratong kasama ang kapatid ay nasa Pinas, pero kadalasan, siya lang.Parang may kirot na tumusok sa puso ni Ivan. ‘Ganito pala siya namu
Tahimik ang paligid habang magkasunod na pumasok sina Hannah at Jenna sa loob ng malaking sala. Malinis at maaliwalas ang mansyon, ngunit ramdam ni Hannah ang bigat ng atmospera. Parang lahat ng mata ay nakatutok sa kaniya.Unang bumungad ang mommy niya, si Sandra, seryosong nakapamewang at nakatingin nang diretso sa kanya. Ang step-dad naman niya, na ama ni Jenna ay nakaupo, malamlam ang mukha ngunit halatang galit din. Sa kabilang dulo, ang lola nila ay nakangiti, pilit na nagpapagaan ng tensyon.“Nandito na ang mga apo ko—” masiglang bati ng lola nila, ngunit agad itong natigil nang singitan ni Sandra.“Ma, not now.” Malamig na boses ng mommy ni Hannah. Tumayo ito, nakapulupot ang mga braso sa dibdib. “Hannah, bakit ka pumayag na makipaghiwalay kay Ivan?”Natigilan si Hannah, hindi alam kung paano sasagot. Pilit siyang ngumiti, ngunit halata ang lungkot sa kanyang mga mata. “Welcome home to me, Ma,” mahina niyang sabi. Lumapit siya at isa-isang niyakap ang mga ito, ngunit malamig a
Nakahawak sa sintido niya si Ivan na para bang hirap na hirap sa desisyon.“You really made your decision, dude.” Umiiling na sabi ng pinsan niyang si Kenneth. Kanina pa ito nasa opisina niya, nakikinig sa usapan ng mag-asawa sa Skype.“I don’t have a choice, Ken. Alam mo naman na hindi ko talaga mahal si Hannah. I suggested na sa Singapore muna siya kasi hindi ko kaya na makasama ang taong hindi ko mahal,” pilit na paliwanag ni Ivan.Ngunit para kay Kenneth, hindi iyon sapat. Hindi niya gusto ang ginawa ng pinsan niya, pero wala rin siyang karapatan na mangialam.“Yeah, that’s your life. Pero sana, you won’t regret doing this. Dalawang taon kayong kasal ni Hannah na hindi man lang nagsama. Nagsinungaling ka pa sa pamilya niya na nakakausap mo siya. Pero, Ivan…” tumigil saglit si Kenneth bago muling nagsalita, “…hindi habang buhay aantayin mo iyong taong iniwan ka nang walang dahilan.”Napatigil si Ivan. Alam niya ang tinutukoy ng pinsan, ang ex-girlfriend niyang si Fyra, na apat na t
Nagising si Hannah sa malakas na katok sa kwarto niya, kaya agad siyang bumangon kahit hindi pa siya nakaligo o nakapag-hilamos man lang.“Ang aga naman,” reklamo niya habang kinukusot ang mata.Tulog pa ang diwa niya, kaya nang buksan niya ang pintuan, halos hindi niya makita ang mukha ng tao sa labas.“Hannah! Ngayon ka pa lang ba nagising? My God!”Napatigil siya nang marinig ang boses. Nagulat.“Jenna? A-anong ginagawa mo rito?”Hindi na siya sinagot agad ng kapatid. Pumasok ito na para bang siya ang may-ari ng bahay. Dumiretso sa sala at saka naupo sa couch. Nalilito man, sinundan na lang siya ni Hannah.“Well, pinapunta ako rito ni Mommy para bisitahin ka. And guess what, may pinapadala sa’kin ang husband mo. Hindi ko alam kung ano ito, but here.” Inabot ni Jenna ang isang puting envelope.Sabog pa ang utak ni Hannah pero kinuha niya iyon. Naupo rin siya at dahan-dahang binuksan ang envelope. Habang ginagawa niya iyon, hindi tumigil si Jenna sa pagdadaldal.“Nako, iyong asawa mo