Tahimik ang paligid habang magkasunod na pumasok sina Hannah at Jenna sa loob ng malaking sala. Malinis at maaliwalas ang mansyon, ngunit ramdam ni Hannah ang bigat ng atmospera. Parang lahat ng mata ay nakatutok sa kaniya.
Unang bumungad ang mommy niya, si Sandra, seryosong nakapamewang at nakatingin nang diretso sa kanya. Ang step-dad naman niya, na ama ni Jenna ay nakaupo, malamlam ang mukha ngunit halatang galit din. Sa kabilang dulo, ang lola nila ay nakangiti, pilit na nagpapagaan ng tensyon.
“Nandito na ang mga apo ko—” masiglang bati ng lola nila, ngunit agad itong natigil nang singitan ni Sandra.
“Ma, not now.” Malamig na boses ng mommy ni Hannah. Tumayo ito, nakapulupot ang mga braso sa dibdib. “Hannah, bakit ka pumayag na makipaghiwalay kay Ivan?”
Natigilan si Hannah, hindi alam kung paano sasagot. Pilit siyang ngumiti, ngunit halata ang lungkot sa kanyang mga mata. “Welcome home to me, Ma,” mahina niyang sabi. Lumapit siya at isa-isang niyakap ang mga ito, ngunit malamig ang pagtanggap ng mommy at step-dad niya. Sa huli, dumiretso siya sa lola niya at niyakap ito nang mahigpit. “I miss you, Lola,” bulong niya, ramdam ang init ng pagmamahal na matagal na niyang hindi nadama.
Ngunit hindi doon natapos ang tensyon.
“Ano bang iniisip mo, Hannah?” singhal ng step-dad niya, medyo malakas ang boses. “Alam mo bang kahihiyan ‘to? Dalawang pamilya ang nagkasundo, tapos basta ka na lang pumirma?!”
Napakagat-labi si Hannah. “I had no choice,” mahinahon niyang sagot. “Ayoko nang ipilit kung wala naman talaga. Hindi ko kayang mabuhay sa kasal na walang koneksyon. Mom, Tito… in the first place alam niyo rin na hindi namin gusto ang isa’t isa. Si Ivan ang unang nag-desisyon. Siya ang nagpadala sa akin ng request sa pamamagitan ni Jenna.”
“Choice ‘yan, Hannah!” dagdag pa ni Sandra, halos nanginginig ang boses sa galit. “Pinilit ka naming maging matatag dahil alam naming matututo rin si Ivan. Pero ikaw rin mismo ang sumuko!”
Napatitig si Hannah, halatang nasasaktan sa mga salita. “Ma, dalawang taon akong naghintay. Dalawang taon akong umaasa. Hindi ako sumuko nang walang laban. Kagaya ng sinabi niyo sa akin na tiisin ko at magiging maayos din ang koneksyon namin kahit na magkalayo kaming dalawa. Pero kung wala na talaga, bakit pa ako magpapakapagod?”
Saglit na katahimikan ang bumalot. Doon na siya lumingon kay Jenna, tila may hinala. “Wait… paano niyo nalaman? Hindi pa naman ako nagsasabi.”
Nag-iba ang mukha ni Jenna, halatang nagulat. Napakuyom siya ng kamay at hindi makatingin kay Hannah. “I… I’m sorry,” mahina niyang sabi.
“Jenna?” nanlaki ang mga mata ni Hannah. “Ikaw ba nagsabi?”
Napailing si Jenna, pilit na umiwas ng tingin. “They forced me. Ayokong magsinungaling sa kanila. Tinawagan nila ako, paulit-ulit. Kung hindi ako sumagot, baka isipin nilang may tinatago ako. I didn’t mean to betray you.”
Napatayo si Hannah, halatang nanginginig sa emosyon. “Kaya pala tinanong mo ako sa kotse… kunyari gusto mong makasiguro kung handa na akong magsabi. Pero alam na pala nila lahat.”
“Please don’t be mad,” pakiusap ni Jenna, halos naiiyak.
Ngunit ramdam ni Hannah ang sakit, hindi lang sa ginawa ni Ivan kundi pati sa mismong pamilya niya. “Mas mabuti pa pala na nasa Singapore ako, walang ganitong bungad. Bakit sa akin lang kayo nagagalit sa sitwasyon na ito? Si Ivan ang nag-desisyon, siya ang kausapin niyo.” Giit ni Hannah.
Biglang nagsalita ang lola, malumanay ngunit matatag. “Tama na, Sandra. Tama na rin kayo.” Tumingin ito kay Hannah at hinawakan ang kamay niya. “Anak, kahit anong sabihin nila, hindi kahihiyan ang magpalaya ng sarili mula sa kasal na walang pagmamahal. Mas malaking kasalanan ang manatili roon.”
Unti-unting bumagsak ang luha ni Hannah. “Lola…” bulong niya.
Ngunit sa likod ng yakap ng lola niya, ramdam niyang lalong tumitindi ang agwat sa pagitan niya at ng kanyang ina at sa kinilalang ama na rin.
***
Isang linggo ang lumipas mula nang dumating si Hannah. Nanatili muna siya sa mansyon kasama ng pamilya dahil bakasyon pa niya at wala pa siyang balak bumalik sa Singapore. Sa panahong iyon, tahimik lang siya, halos walang ganang sumagot sa mga tanong ng ina at step-dad niya. Ang lola lang ang palaging kumakampi sa kanya at si Jenna na pilit pinapagaan ang loob niya.
Ngunit ngayong araw, hindi inaasahan ni Hannah na haharap siya sa isa pang pagsubok.
Maaga siyang bumaba mula sa kanyang silid at nagtungo sa hardin upang uminom ng kape. Ngunit habang naglalakad pabalik sa sala, narinig niya ang boses ng mommy niya.
“Ivan, thank you for coming. Mabuti at pinaunlakan mo kami.”
Halos matigilan si Hannah sa narinig. Mabilis siyang bumaling, at doon niya nakita si Ivan na kakapasok lamang ng bahay, suot ang isang simpleng polo at dark jeans. Maayos ang tindig nito at kahit hindi nakangiti, ramdam ang presensyang palaging tumatagos.
Parang tumigil ang oras sa sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata.
“Ivan?” mahina ang tinig ni Hannah, halatang gulat.
Nag-iba ang ekspresyon ni Ivan, tila hindi rin handa na makita siya roon. Hindi siya agad nakasagot, tanging pagtitig lang ang nagawa. Ngunit habang tumatagal ang tingin niya kay Hannah, hindi niya maiwasang mapansin ang malaking pagbabago. Mas lalo itong gumanda, ang gupit ng buhok, ang ayos ng pananamit, at ang dignidad sa mga mata nito. Dalawang taon na silang kasal ngunit parang estranghero ang turingan nila. Ngayon, pakiramdam niya, para bang ibang tao ang nasa harap niya. Tila ngayon niya lang napapansin si Hannah kumpara noong araw na kinasal sila.
“Hindi ko alam na… nandito ka pa,” sa wakas ay nasabi ni Ivan, medyo paos ang boses.
“Neither do I,” malamig na tugon ni Hannah, ibinalik ang tingin sa ibang direksyon. “Akala ko hindi na tayo magkikita pagkatapos ng annulment papers.”
Tahimik ang paligid. Ramdam ni Ivan ang bigat ng mga salita nito. Totoo, matapos silang pumirma, inisip niyang iyon na ang huli. Pero ngayon, habang nakikita si Hannah, may kung anong gumugulo sa kanya.
Lumapit ang mommy ni Hannah, nakangiting pilit. “Hannah, gusto naming ayusin ito. Kahit papaano, baka pwede niyo pang pag-usapan.”
Natawa si Hannah, mapait. “Pag-usapan? Ma, everything’s already signed. Ano pang dapat naming ayusin?”
“I still believe this marriage can work,” singit ng step-dad niya, seryoso ang tono.
Nag-angat ng kilay si Hannah, hindi makapaniwala. “Work? Two years na kaming kasal ni Ivan, Tito. Two years na wala. Ni minsan, hindi kami nagsama nang totoo. That should be enough proof.”
Tahimik si Ivan, nakamasid lang, ngunit ramdam niya ang hapdi sa bawat salitang binitawan nito. Totoo ang lahat ng sinabi ni Hannah, hindi niya ito minahal noon. Pinili niyang umiwas. Pero ngayong kaharap niya ulit ito, bakit parang iba ang nararamdaman niya, tila nasasaktan siya sa mga sinasabi ng babae.
Huminga nang malalim si Hannah at tiningnan siya ng diretso. “Ivan, let’s make this clear. I’m not mad anymore. Pero please, huwag na tayong ipilit pa sa isa’t isa. We’re better off free. Ikaw na rin naman ang nag-desisyon no’n.”
Hindi nakapagsalita si Ivan. Tanging pagtitig lang muli sa kanya. Mahaba, puno ng mga bagay na hindi niya masabi. At sa loob-loob niya, nagtatanong kung bakit ngayon pa niya nakikita ang ganda ni Hannah, kung kailan huli na ang lahat?
“Ah…Tita, Tito…I’m sorry, may lakad pa pala ako. Babalik na lang ako rito kapag libre na ulit ako…” mabilis na sabi ni Ivan at nagmamadaling umalis sa mansyon pagkatapos magpaalam. Tinawag pa siya ni Sandra ngunit hindi na ito lumingon pa.
Tinignan ni Sandra ang anak, may galit sa mata nito. “I told you to talk to him, pero anong ginawa mo. Napaalis mo siya…God, Hannah!” galit niyang sabi at saka pumasok sa loob ng bahay.
Naiwan ang Step-Dad niyang si Jeric, tumingin siya kay Hannah at tinapik ang balikat nito. “I’ll talk to your Mom. But, Hannah. She’s right, you and Ivan should talk and try to fix what’s broken,” dagdag niya at pagkatapos ay sumunod sa asawa.
‘Fix what's broken.’ naisip ni Hannah ang sinabi niya.
“Bakit aayusin? Simula pa lang ay sira na…” mahina niyang banggit.
Nang tuloyang nakaalis si Ivan sa bahay, nasa loob na siya ng kotse niya. Mahigpit ang hawak sa manibela. Hindi siya agad nagpaandar, nanatili lang siyang nakatingin sa diretsong kalsada na parang wala sa sarili.
Bumalik-balik sa isip niya ang imahe ni Hannah, ang malamig nitong tingin, ang mapait na ngiti, at ang mga salitang binitawan nito.
‘We’re better off free.’
Pumikit si Ivan, pinisil ang sintido na parang tinataboy ang bigat na nakadagan sa kanya.
“Why now?” bulong niya sa sarili. “Bakit ngayon ko lang siya nakikita ng ganito?”
Dalawang taon silang kasal. Dalawang taon na hindi niya sineryoso ang koneksyon nila. Sa halip, tumakbo siya palayo, itinulak si Hannah sa malayo, iniwan ito sa Singapore, para hindi na niya maramdaman ang bigat ng responsibilidad na hindi niya kailanman ginusto.
Naalala niya pa noong araw ng kasal nila. Malamig ang damdamin niya. Hindi niya man lang tinignan si Hannah sa mata habang binibigkas ang sumpa. Sa isip niya noon, isa lamang iyong kasunduan, isang obligasyon.
Pero ngayong nakita niya si Hannah muli…ibang Hannah. Matapang, may tindig, at higit sa lahat, may kagandahang hindi niya binigyang pansin noon.
‘She’s changed… or maybe, I just refused to see her before.’
Napahawak siya sa dibdib niya, doon mismo sa tapat ng puso. May kakaibang kirot na ngayon lang niya naramdaman. Hindi ito galit, hindi rin guilt lang. Mas malalim. Parang may nawawala na noon pa man, at ngayon lang siya nagising para mapansin iyon.
Naalala niya ang sinabi ng pinsan niyang si Kenneth isang linggo na ang nakakalipas. “I hope you won’t regret this? Hindi habang buhay aantayin mo yong taong iniwan ka nang walang dahilan.”
Kaya hanggang sa makauwi siya sa condo niya, hindi mawala sa isipan niya si Hannah.
Tahimik ang gabi sa condo ni Ivan. Nakaupo siya sa harap ng computer, hawak ang baso ng alak, ngunit hindi doon nakatutok ang atensyon niya. Ang cellphone niya, nasa kamay, at hindi niya alam kung bakit bigla niyang hinanap ang pangalan ni Hannah sa social media.Hindi niya namalayan, nag-click na siya ng “Add Friend.” Saglit siyang natigilan, napahawak sa sentido. ‘Bakit ko ba ginawa ‘yon?’ tanong niya sa sarili, ngunit bago pa siya makapigil, naroon na rin ang sunod niyang hakbang, ang pag-scroll sa mga litrato nito.Isa-isa niyang tinitingnan ang mga post ng asawa, o dapat ay “ex-wife” niya. Mga litrato ni Hannah sa Singapore, sa mga café na mag-isa lang siya, sa mga painting na ginagawa nito para sa art school, sa mga lugar na tila kay ganda pero malamig ang aura.Halos wala itong kasama sa mga litrato. Minsan ay si Jenna pero alam niya na ang litratong kasama ang kapatid ay nasa Pinas, pero kadalasan, siya lang.Parang may kirot na tumusok sa puso ni Ivan. ‘Ganito pala siya namu
Tahimik ang paligid habang magkasunod na pumasok sina Hannah at Jenna sa loob ng malaking sala. Malinis at maaliwalas ang mansyon, ngunit ramdam ni Hannah ang bigat ng atmospera. Parang lahat ng mata ay nakatutok sa kaniya.Unang bumungad ang mommy niya, si Sandra, seryosong nakapamewang at nakatingin nang diretso sa kanya. Ang step-dad naman niya, na ama ni Jenna ay nakaupo, malamlam ang mukha ngunit halatang galit din. Sa kabilang dulo, ang lola nila ay nakangiti, pilit na nagpapagaan ng tensyon.“Nandito na ang mga apo ko—” masiglang bati ng lola nila, ngunit agad itong natigil nang singitan ni Sandra.“Ma, not now.” Malamig na boses ng mommy ni Hannah. Tumayo ito, nakapulupot ang mga braso sa dibdib. “Hannah, bakit ka pumayag na makipaghiwalay kay Ivan?”Natigilan si Hannah, hindi alam kung paano sasagot. Pilit siyang ngumiti, ngunit halata ang lungkot sa kanyang mga mata. “Welcome home to me, Ma,” mahina niyang sabi. Lumapit siya at isa-isang niyakap ang mga ito, ngunit malamig a
Nakahawak sa sintido niya si Ivan na para bang hirap na hirap sa desisyon.“You really made your decision, dude.” Umiiling na sabi ng pinsan niyang si Kenneth. Kanina pa ito nasa opisina niya, nakikinig sa usapan ng mag-asawa sa Skype.“I don’t have a choice, Ken. Alam mo naman na hindi ko talaga mahal si Hannah. I suggested na sa Singapore muna siya kasi hindi ko kaya na makasama ang taong hindi ko mahal,” pilit na paliwanag ni Ivan.Ngunit para kay Kenneth, hindi iyon sapat. Hindi niya gusto ang ginawa ng pinsan niya, pero wala rin siyang karapatan na mangialam.“Yeah, that’s your life. Pero sana, you won’t regret doing this. Dalawang taon kayong kasal ni Hannah na hindi man lang nagsama. Nagsinungaling ka pa sa pamilya niya na nakakausap mo siya. Pero, Ivan…” tumigil saglit si Kenneth bago muling nagsalita, “…hindi habang buhay aantayin mo iyong taong iniwan ka nang walang dahilan.”Napatigil si Ivan. Alam niya ang tinutukoy ng pinsan, ang ex-girlfriend niyang si Fyra, na apat na t
Nagising si Hannah sa malakas na katok sa kwarto niya, kaya agad siyang bumangon kahit hindi pa siya nakaligo o nakapag-hilamos man lang.“Ang aga naman,” reklamo niya habang kinukusot ang mata.Tulog pa ang diwa niya, kaya nang buksan niya ang pintuan, halos hindi niya makita ang mukha ng tao sa labas.“Hannah! Ngayon ka pa lang ba nagising? My God!”Napatigil siya nang marinig ang boses. Nagulat.“Jenna? A-anong ginagawa mo rito?”Hindi na siya sinagot agad ng kapatid. Pumasok ito na para bang siya ang may-ari ng bahay. Dumiretso sa sala at saka naupo sa couch. Nalilito man, sinundan na lang siya ni Hannah.“Well, pinapunta ako rito ni Mommy para bisitahin ka. And guess what, may pinapadala sa’kin ang husband mo. Hindi ko alam kung ano ito, but here.” Inabot ni Jenna ang isang puting envelope.Sabog pa ang utak ni Hannah pero kinuha niya iyon. Naupo rin siya at dahan-dahang binuksan ang envelope. Habang ginagawa niya iyon, hindi tumigil si Jenna sa pagdadaldal.“Nako, iyong asawa mo