LOGINJehan’s Point of View Hindi naman ganoon kalayo ang mansion ng mga Dela Fuente kaya ilang minuto lang ay natanaw ko na ang pamilyar na malaking gate. Mataas pa rin iyon, mukha mang luma ay halatang matibay pa rin. Ang guwardiyang nakalagi sa guardhouse ay agad na lumapit para buksan ang gate nang makita nito si Nicole. Nakababa kasi ang salamin sa bintanang katabi nito kaya kita agad siya sa loob. “Good morning, Senorita Nicole.” Bati nito sabay ngiti. “Good morning.” Bati pabalik ni Nicole. Nang malaki na ang pagkakabukas ng gate ay at kasya na ang sasakyan ay pinaandar nang muli ni Nicole ang sasakyan. Nakapasok kami at dire-diretso na siyang nagmanahe papunta sa rotunda, sa tapat lamang ng mansion ng mga Dela Fuente. Hindi pa ganoon katagal nang makapunta ako rito. Naaalala ko pa ang intricate exterior design ng mansion, pero ngayon ay nakatulala na naman ako at parang nalululala naman sa rangya ng tahanan. Mayaman ang mga Gazalin. Malaki ang mansion nila at bawat sulok ng t
Jehan's Point of View True to Nicole’s words, siya na ang nagpaalam para sa amin kay Madame Sole. At may pakiramdam ako na hindi kayang hindian ng matanda si Nicole kaya pumayag ito sa pag-alis namin. Nicole's wearing a white open-knit long-sleeved crop-top. Ang panloob niya’y itim na sports bra. And pang-ibaba niya’y itim na midi-skirt na may mahaba at malaking slit sa kaliwang hita kaya nakikita ang maputi at mahahaba niyang legs. Pinaresan niya iyon ng puting sneakers. At bilang accessory, nagsuot siya ng gintong pulseras at gintong relo. Sa balikat niya’y nakasabit ang itim na shoulder bag na kung hindi ako nagkakamali ay may tatak na LV. She looks chic. Simple lamang ang suot, ngunit sobrang ganda. “Come on, Jehan.” Tawag niya sa akin nang makitang pababa na ako ng hagdan. Tumayo siya galing sa sofa kung saan nilalaro niya kanina ang mga pamangkin. Gising na rin kasi si Zia at kandong ito ngayon ni Daisy. Si Zeke ay naglalaro ng mga laruang cars sa coffee table. Kahit paano
Jehan's Point of ViewThe next morning, si Daisy, Clad, at ang anak nilang si Zeke ang naabutan kong nag-aalmusal. I wasn't particularly early or late. Napagtanto ko rin na hindi sila maagang nagigising dito. Ala syete y media ay gising na ako, pero ngayong alas otso lang ako bumaba para mag-almusal na. “Good morning, Tita Jehan.” Ngiting bati ni Zeke nang makita ako. Tinutulungan siyang kumain ng Mommy niya. Sabay na nag-angat ng tingin si Clad at Daisy sa akin. “Good morning, Jehan.” Si Daisy na agad ang pagguhit ng ngiti. Parang nakakahiyang tumawag ng Ate kay Daisy. Kahit na iyon naman ang tawag sa kaniya ni Nicole at ni Nicolas. Mas matanda nga siya marahil sa amin, pero nakakahiya pa rin ang tumawag ng ate. Siguro hindi rin kasi ako sanay na mag-address ng ate kahit sa mga nakatatanda sa akin kasi hirap din akong tawaging ate… si Veda. “Good morning.” “Sumabay ka na sa amin mag-almusal, Jehan.” I smiled politely. Naglabas naman agad ng pinggan at kubyertos ang kasambah
Jehan's Point of View “Nexon…” I trailed off. Hindi siya lumayo, tumitig lamang siya sa akin. Hindi ko matagalan ang paninitig niya kaya napaiwas ako ng tingin kasabay ng pag-init bigla ng pisngi ko. I’m sure I'm not blushing. Why would I? “Baka… baka may makakita sa atin.” “No one can find us here.” Maagap niyang tugon sa malamig na tono. “Not even your fiancé.” Naibalik ko ang tingin sa kaniya. Sinalubong naman niya agad ang mga mata ko. Dahil medyo madilim sa parteng ito, madilim din ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi ko matukoy kung dahil sa anino ng gabi, o dahil sa nararamdaman niyang emosyon kaya ganoon ang mukha niya. “Ano’ng fiancé?” Naguguluhan kong tanong. Tumitig siya sa mga mata ko, parang may hinahanap, pero walang ibang naroon kung hindi pagtataka. “You don’t know? Everyone's talking about you and Nicolas. Ang ilan sa mga bisita ngayon, iniisip na engagement party ito ninyo ni Nicolas.” May kakaiba sa tono niya… parang galit na nang-uuyam. Umawang ang bib
Jehan's Point of View Sa hagdan ay naririnig ko pa ang pang-aasar nila kay Nicolas. Ngunit tinawanan lamang iyon ng lalaki. I don’t know, but it feels like everyone’s thinking that there’s something between us. Pero wala naman. Hindi naman si Nicolas ang ipinunta ko sa lugar na ito. T’yaka hindi sinagot ni Nicolas ang tanong ko kanina tungkol kay Liezel. Maybe there’s something between them? O baka ako lang ang nag-iisip no’n dahil sa nasaksihan kanina sa burol? Nang makarating sa ikalawang palapag, kabado kong tiningnan ang sala— umaasang naroon si Nexon. Ngunit wala. Wala nang tao sa sala at malinis na rin iyon. Umuwi na kaya siya? Sabi niya mag-uusap kami, hindi ba? Napahikab muli ako. Mabilis kong tinakpan ang bibig saka napailing sa sarili. Paano pala kung mahilig sa mga party ang pamilyang Gazalin? Baka magmukha akong killjoy sa paningin nila dahil maaga akong nagpapahinga? Paano kung maoffend sila Madame Sole dahil sa pagkawala ko? Pero sinabi naman ni Nicol
Jehan's Point of ViewThe fireworks display was pretty amazing. Nasa labas sila Nicolas, samantalang nasa loob ako ng sasakyan habang pinagmamasdan ang pagsabog ng fireworks sa kalangitan. Actually, pagkarating namin ay may fireworks na. Kaya nga mabilis na nagsibabaan ang mga kasama ko para makita iyon bago pa matapos. My eyes slowly drifted to where Nicolas’ friends were. Nagtatawanan sila Nasser, Erica at Emman habang kinukunan ng pictures at video ang fireworks. Si Katrina at Jericho naman ay magkayakap malapit sa puno ng acacia. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang dahan-dahang paglapit ni Liezel sa pwesto ni Nicolas. Busy si Nicolas sa pagkuha ng pictures kaya hindi napansin ang presensya ni Liezel. Mabagal ang paghakbang niya palapit, parang natatakot na mapansin ni Nicolas. At nang makalapit na nang tuluyan ay tahimik na lamang na tumabi sa lalaki. Bigla’y hindi ko na maalis ang tingin sa dalawa. Ayaw kong pag-isipan ng masama si Liezel. Mukhang malapit naman sila sa isa’







