Home / Romance / His Fake Wife / Kabanata 26.2: Sleepless

Share

Kabanata 26.2: Sleepless

Author: Purplexxen
last update Last Updated: 2025-02-17 16:12:05

Aurora's Point of View

Iniangat niya ang tasang may kape at dinala iyon sa salas.

Naiwan naman ako sa island counter at sinundan siya ng tingin.

Kagaya ng ginawa niya, sumunod ako sa kaniya sa salas dala ang gatas ko at nang maupo siya sa mahabang sofa ay naupo naman ako sa pang-isahan.

"Gusto ko nga sabay tayo." Pamimiliit ko pa rin.

Alam ko naman e, sa huli paaakyatin niya lang ako at hihintayin niyang makatulog ako para hindi ko na mahintay ang pagpasok niya dahil siguradong sa sahig na naman siya matutulog.

Bigla ay natawa siya habang inilalapag ang tasa sa coffee table na nasa gitna. Naiiling na tumingin siya sa akin at may kung anong emosyon sa mga mata niya. Iyon na yata ang unang pagkakataon na makita kong may pagkalito at paghanga sa mga mata niya. Ibinaba ko rin sa coffee table ang gatas ko at tiningnan siya.

"You need to rest, okay?" Ngumiti siya ng matipid.

"Mukhang napagod ka kanina kaya kailangan mo nang magpahinga. Susunod agad ako."

Umiling naman ako.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Wynda Placino Taguilaso
paulit ulit lang Ang ibang mga descriptions at feelings, pinapahaba pero ganun at ganun lang din ang eksena, Ang bagal ng pacing
goodnovel comment avatar
AiXanne
𝚖𝚊𝚢 𝚋𝚎𝚖𝚋𝚊𝚗𝚐𝚊𝚗 𝚗𝚊 𝚋𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐𝚊𝚐𝚊𝚗𝚊𝚙? 𝚑𝚊𝚑𝚊𝚑𝚊
goodnovel comment avatar
Calista Dale
Hala anu ba yan kinikilig ako senyu
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • His Fake Wife   Kabanata 11: Guilt

    Primitivo's Point of View Nang paalis na siya ng kusina ay sinundan ko na lamang siyang ng tingin ngunit hindi na pinigilang umalis. I know she will not give a d*mn about my feelings anymore, pero mas magaan pa rin sa dibdib na sabihin sa kaniya kung ano ang iniisip at nararamdaman ko. Kahit na alam kong maiinis siya sa akin, pinipilit ko pa rin na sabihin sa kaniya ang mga bagay na ‘yon. ‘Cause in that way, I want her to know that I'm still trying to reach her. Hinawakan ko muli ang tasa at ngumiti sa sarili nang maisip na kahit na simpleng bagay lamang ang ginagawa niya ay tila malaki at mabigat na iyon para sa akin. Sa ilang beses kong pagpasok sa villa nila, ngayon niya pa lamang ako inalok ng kape. Madalas, pinapaalis niya lang ako at hindi na inaalok na makapasok man lang hanggang sa living room. Ipagtatabuyan niya agad ako, dahil hindi bisita ang tingin niya sa akin, kung hindi trespasser.Gagawin niya ang lahat para lamang hindi ako magtagal sa paningin niya. Kaya ngayo

  • His Fake Wife   Kabanata 10.3: Feelings

    Elizabeth's Point of View Tinalikuran ko siyang muli para kumuha ng instant coffee galing sa pantry. I don't want to tire myself preparing the coffee maker machine for him. Kaya ang instant coffee na lamang ang maiaalok ko sa kaniya. I grabbed a new mug from the shelf. Pagkatapos na maglagay ng kape ay binuhusan ko iyon ng mainit na tubig bago bumalik sa kaniya. Dahan-dahan kong inilapag sa kaniyang harap ang dala kong kape. Nang mag-angat ako ng tingin ay saka ko lang napagtanto na nakatitig na pala siya sa akin.Kumunot ang noo ko. Nang makaayos ng tayo sa kaniyang harap ay pinagtaasan ko siya ng kilay."Why are you looking at me like that?" Galit kong tanong sa kaniya.Hindi ko gusto ang tingin niya. Ayaw kong titig na titig siya sa akin na tila kinakabisa ang bawat kilos ko.Kumurap siya at wala sa sariling ngumiti. His white teeth were displayed to my sight. Nalukot naman ang mukha ko dahil sa pagngiti niya."Why are you smiling like a creep, Gazalin?" Napipikon na talaga ako

  • His Fake Wife   Kabanata 10.2: Feelings

    Elizabeth's Point of View I glared at him when he didn't even move. Ngayon, paano siya babalik sa bistro? "Where are the maids?"Naalala kong may pumunta nga palang mga katulong dito sa villa pero hindi nakapasok dahil updated na ang system. Kumunot ang kaniyang noo sa tanong ko kaya naisip ko agad na wala siyang nakitang tao sa labas. Mukhang umuwi na lang ang mga katulong at hindi na naghintay.I fished out my phone from my purse to ask Kuya Nexon about the maids. Sakto naman na bumungad ang numero at pangalan ni Kuya Nexon sa screen. "Kuya." I answered him coldly. "Are you home?" May pag-aalala sa tono ng boses niya kaya ang malamig na pagtrato na dapat ko sanang ipataw sa kaniya dahil sa ginawa niya ay nawala na sa isip ko. "Yes," sagot ko. "Where's Primo?"Sumulyap ako ng tingin kay Primo. Nakatingin naman siya sa akin, seryoso ang ekspresyon ng mukha.Paano ngayon babalik sa bistro ang isang ‘to?"Let him stay for awhile. Uuwi ako ngayong gabi kaya pinauwi ko na

  • His Fake Wife   Kabanata 10: Feelings

    Elizabeth's Point of View Nakakahiya. Iyon palagi ang naiisip ko sa tuwing nahuhuli ako ni Nicolas na nakatingin kay Primo. Hindi ko rin alam na palagi na palang binabantayan ni Nicolas ang mga ginagawa ko, kaya madalas niya tuloy na makitang sumusulyap ako ng tingin kay Primo kapag nariyan siya. Simula nang gabing iyon, nagsuspitya na siya na may gusto ako kay Primo kaya siguro hindi na siya tumigil sa pagbabantay sa mga kilos ko. At kahit na itanggi ko pa na wala akong nararamdaman para sa kaniyang pinsan, alam ko na hindi siya maniniwala. To be honest, I really don't know how I feel for Primo. I don't understand why I have to steal glances everytime he's near. He's cute, yes. But I don't have a crush on him! Or... maybe... just a little? "Totoo, Liza?" Dahil magkakambal si Nicolas at si Nicole, walang bagay na maitatago ang isa sa isa. Kaya ang pagsususpitya ni Nicolas tungkol sa nararamdaman ko kay Primo ay nakaabot sa pandinig ni Nicole. At kung makulit si Nico

  • His Fake Wife   Kabanata 9.3: Drive

    Elizabeth's Point of ViewI honestly felt defeated. Alam ko na magmamatigas siya at ipipilit niya kung ano ang gusto niya, lalo pa't tinawagan siya ni Kuya Nexon! Iyon ang nagpapalakas sa kaniyang loob.With all my might, I pushed him away. Pinukol ko siya ng masamang tingin nang makalayo na siya ng ilang sintemetro."I hate you." Mariin kong saad.Tinalikuran ko siya at tumuloy na sa backseat para makalayo sa kaniya nang tuluyan.Fine, I will let him drive! Para lang matahimik ang kaluluwa niya. Pero hinding-hindi ako tatabi sa kaniya.I slid in to the backseat and fastened my seatbelt. Lukot na lukot ang mukha ko dahil sa matinding pagkayamot sa kaniya.Sumunod naman siya nang makaupo na ako, naupo siya sa driver's seat at sumulyap pa talaga sa rearview mirror para lang mas maasar ako lalo sa pagmumukha niya!"Where's the key?"I gritted my teeth. D*mn it! Kung pwede lang talagang sipain siya palabas ng sasakyan ay gagawin ko para lang hindi ko na marinig ang boses niya at hindi ko

  • His Fake Wife   Kabanata 9.2: Drive

    Elizabeth's Point of View He said it so casually that it shocked everyone. Tila natahimik ang buong bistro pagkatapos ng ilang pagsinghap galing sa ibang costumer. Maging si Juliet ay hindi nakapagsalita lalo pa't tumigil sa harap namin si Primo. Nagtagis naman ang bagang ko dahil sa biglaang pagkairita sa ginawa niya. Kaysa na sagutin siya, muli akong humarap kay Juliet para pormal na magpaalam. "Thank you for inviting me tonight. Happy birthday." I greeted her again. "Mauna na ako." Hindi ko na hinintay na may sabihin pa siya sa akin. Tumalikod na ako at malalaki ang hakbang na naglakad paalis ng bistro. Now, I felt humiliated. Parang tumatagos sa buto ko ang kahihiyan dahil sa ginawa ni Primo! I didn't like it when people saw us together. Mahirap na para sa akin na magkasama kami sa iisang lugar kahit na hindi kami nagkakausap o naglalapit, kaya paano pa kapag lumapit na siya at kaswal na makipag-usap? Mabilis ang hakbang ko pababa sa hagdan ng bistro. Mas lalong nag-

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status