Share

Chapter 4

Marcus Zion Point of View

Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Seina. Kanina lamang ay masaya pa ito at nakikipagbiruan pa sa akin ngunit ng buksan niya ang kaniyang telepono kanina ay bigla na lang nagbago ang mood niya. She even ask me go on a date with her. I feel that she is sad and I can't say no... I can't make her sad because it is my duty to make her happy, to make her safe and give her a happy and confortable life.

It's my promise to her beloved father.

"May problema ba?" Tanong ko sa kaniya ng makababa kami ng sasakyan ko. " Kanina ko pa napapansin na may problema ka at sobrang tahimik mo buong biyahe. You don't even dare to talk to me."

Dahan-dahan siyang lumingon sa akin at ngumiti. Alam kong hindi ito tunay dahil iba ang sinasabi ng mga mata niya. She's not happy. She's smiling but she is not happy.

"I'm okay, Marcus... you don't have to worry about me." She smiled fakedly. "Let's go! I want to have fun tonight."

Nauna na itong maglakad papasok sa loob ng El Paradiso na may suot-suot na gold mask. Marahan kong tinignan ang kaniyang likod. Napabuntong hininga na lang ako at sumunod na sa kaniya sa loob ng Club. Nang makapasok ako sa loob ay agad kong nilibot ang aking mga mata sa apat na sulok ng club upang hanapin si Heaven.

I know her cousin very well.

This club is a private property and an elite club for businessman, and elite people. Hindi ka makakapasok sa lugar na ito kapag wala kang invitation galing sa mga members dito at sobrang higpit ng mga security ng club na ito.

Actually, nakapasok ako sa lugar na ito dahil kay Heaven. She helped me to enter inside the El Paradiso and she also planned that I and Seina will crossed our paths. Dinala niya rito si Seina sa club para magtagpo ang mga landas naming dalawa at sinadya niya talagang iwan ni Heaven si Seina kagabi para magawa ko na ang plano ko.

My planned is to save her from her so called family.

Let's just say, the family she's living right now is not her real family. She has been used and I need to save her.

She's in danger and her biological father wants me to guide and protect her precious daugther, and that is Seina Riley Natividad.

"Heaven!" I called Heaven the moment she enter the Hall.

Kilala ko siya kahit nakasuot ito ng gold mask.

Nakakunot at matatalas ang tingin na naglakad ito patungo sa kinatatayuan ko. Wala sa tabi ko si Seina. Iniwan ko siya ro'n sa counter at ibinilin ko siya sa bartender na nag-serve ng inumin niya kagabi.

"What are you doing here, Zion?" Pagalit na tanong nito sa akin.

"To guard Seina, andito siya naglalasing and I can't say no," I answered her question in a low tone of voice.

"Tsk. Maybe she heard a harshful words again from her evil mother," she uttered as she rolled her eyes.

My forehead knitted. "What do you mean with that, Heav?"

"She suffered a lot, Marcus. You can see her as a strong woman but she's fragile, she's hurt. She's been maltreated by her mother and tito Oscar. Behind her being succesful... ay puro masasamang salita lang ang nakuha niya in return. I'm helping you and please help her— protect her from them. I know you have reason why you want me to help you." Huminga siya ng malalim at tumingin sa gawi ni Seina na nasa aking likuran lamang, limang metro ang layo mula sa kinatatayuan namin ngayon. "I trusted you so much, Marcus, please don't let me down, don't let Seina down. She needs help."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad niya akong iniwan dahil may biglang tumatawag sa kaniya.

I let out a deep sigh before turning my back and walk towards her direction. Umiinom pa rin siya hangang ngayon at siguro ay nakakaraming baso na ito.

"Seina..." tawag ko sa kaniya ngunit hindi man lang niya ako nilingon bagkus ay kinuha niya iyong baso at mabilis na nilagok ang laman no'n.

Nang mailapag niya ang shot glass ay sumenyas ulit siya sa bartender ng isa pa. Tumingin sa akin ang bartender pero isang masamang tingin ang ginawad ko sa kaniya.

Don't give her another shot, look.

"Bakit hindi mo ako binibigyan?" Naiinis na tanong nito ro'n sa bartender.

Napakamot ng ulo iyong bartender habang nakatingin sa akin. Huminga ako ng malalim at pinaalis muna siya. Umupo ako sa tabi ni Seina at marahang hinawakan ang kamay niya. Her hands are shaking right now.

"Seina, is there any problem?" I asked even though I know everything about her.

Gusto siya mismo ang magsabi sa akin tungkol sa buhay niya. Ayaw ko siyang pangunahan. Kahit alam ko na ang lahat ay ayaw ko pa rin siyang pangunahan. I respect her... I respect everything about her.

"You can tell me what is happening, Sei because I am willing to listen. Hindi solusyon ang paglalasing. Kung nasasaktan ka, ilabas mo. Makikinig ako at hindi kita huhusgahan agad," mahinahong sabi ko.

She look at me in the eyes and I saw some tears polling from ger precious eyes. Hindi ko mapigilan ang sarili na malungkot at magalit sa pamilya niya.

How could they hurt this woman? How could they make this woman cry?

"Masakit... sobrang sakit, Marcus. Ginawa ko naman ang lahat pero bakit kulang pa rin?" She asked me while crying.

Hindi ko siya sinagot bagkus ay niyakap ko siya ng sobrang higpit. Hinayaan ko siyang umiyak sa aking balikat dahil wala akong magawa...wala akong magawa sa ngayon.

I don't know how to comfort her but I'll do my best just to lessen up the pain she had been through now.

"Hindi ko alam ang pinagdadanan mo, Seina pero andito ako... andito ako para pasayahin ka. Iiyak mo lang iyan at ilabas dahil mawawala rin ang sakit." I hold her hair and carressed it slowly. "Magtiwala ka lang darating ang panahon na makakaahon at makakawala  ka rin sa sakit na iyan at kapag nagkataon iyon ay sana huwag mo nang balikan ang nakaraan na. Ayaw kong masaktan ka nila at ayaw ko rin na nakikita kang nasasaktan."

Kumalas siya ng yakap sa akin at mapungay ang mga matang tinignan ako. "What do you mean, Marcus?"

I just give her a smile. "I will do everything to protect you, Sei and this time I won't let them hurt you. You will stay in my place starting today and until you recover your life again."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status