Share

CHAPTER THREE

Author: Cypress Hiyas
Para bang nabigla si Irene, hindi makapaniwala.

“Anak… paano mo nagagawang siraan ang sarili mong mama?”

Nakita ni Oliver ang nasasaktang tingin ni Irene at agad niyang inisip na nagsisinungaling lang ang anak niya. Iniisip niyang ginagawa lang ito ng bata para ipagtanggol si Mildred dahil sino nga bang ina ang mananakit ng sariling anak?

Madiin ang tono ni Oliver.

“Sophia, hindi dapat nagsisinungaling ang bata. At saka, hindi siya ibang tao, siya ang tunay mong ina, pati ng kapatid mo. Kung wala siya, wala rin kayong dalawa.”

Mariin ang sagot ni Sophia. “Hindi ako nagsisinungaling!”

Ngumiti si Irene kahit tumutulo ang luha, sabay pilit na pagpapakumbaba. “Ayos lang, mga bata naman ‘yan. Hindi sila nagsisinungaling, gusto lang nilang ipagtanggol ang mga taong malapit sa kanila. Okay lang ‘yan, masaya ako na gusto nila si Mildred, ibig sabihin mabait siya sa kanila.”

Tama nga, hindi nagsisinungaling ang mga bata. Ibig sabihin, si Mildred ang nagturo sa kanila ng ganitong pag-iisip.

Nang makita ni Oliver ang lungkot at pagdurusa sa mga mata ni Irene, lalo lamang siyang nagngitngit sa galit.

“Nasaan ang mga katulong?” sigaw niya.

Agad na pumasok ang yaya. Tiningnan ni Oliver si Mildred nang malamig. “Dalhin mo ang mga bata palabas.”

Ipinapakita nito na ayaw na talaga niyang mapalapit pa ang mga bata kay Mildred. Habang binubuhat ng yaya ang kambal, Oliver’s anger burned even more. Umalis siya kasama si Irene, leaving Mildred all alone in the room.

Tahimik lang si Mildred na nakatayo.

Isang ama at isang ina, sino ba siya para magsalita?

Nakita niya ang mga cotton swab na may bahid ng dugo at parang piniga ang puso niya sa sakit. Ngunit higit pa sa sakit ay ang matinding pagkadismaya. Anim na taon na silang kasal ni Oliver. Inasikaso niya ang bahay, inaalagaan ang mga bata, sinigurong makapagtrabaho ng maayos si Oliver. Akala niya, may halaga siya sa puso nito, na siya ay “espesyal.” Dahil nitong mga taon, hindi naman ito naging babaero, maayos naman ang pakikitungo sa kanya. Pero ang lahat pala ng iyon ay totoo hangga’t wala si Irene.

Sa isang gabi lang, ang pagprotekta ni Oliver kay Irene ay higit pa sa anim na taon niyang kabaitan kay Mildred. At dahil doon, lalo lamang naging katawa-tawa ang lahat ng pagmamahal niya.

Kinagabihan pagkatapos maligo, humiga na si Mildred. Maya-maya, narinig niyang pumasok si Oliver, katatapos rin lang nitong maligo. Humiga ito sa kabilang gilid, magkasalungat silang nakatalikod.

Pagkatapos ng ilang sandali, nagsalita ito.

“Si Irene ay dumalaw lang dahil namimiss niya ang mga bata. Hindi mo kailangang labanan siya o turuan ang mga bata magsinungaling. Ang nangyari kanina, huwag mo nang uulitin.”

“Huwag nang uulitin?” mariing ulit ni Mildred, halos kagatin ang labi. “Ako ang nagpalaki sa kanila ng anim na taon. Mula nang sila ay sanggol pa lang, ako na ang nag-aruga. Wala nang ibang mas nagmamahal sa kanila kaysa sa akin. Anong karapatan mong sabihin na ako ang nagturo sa kanilang magsinungaling?”

Malamig ang sagot ni Oliver. “Kung hindi ikaw, sino? Si Irene ba? Kailangan ko pa bang ipaalala sa’yo na siya ang tunay nilang ina?”

Kasabay ng mga salitang iyon ay parang libu-libong pana ang tumama sa puso ni Mildred.

Six years of sacrifice, all gone because of one night of Irene’s tears. And now, what was she to him?

Kinabukasan, paggising ni Mildred, wala na si Oliver sa kwarto. Weekend ngayon — “Family Day.” Hindi siya papasok sa opisina, mananatili siya sa bahay kasama ang mga bata.

Pagbaba niya, sinalubong siya ng alanganing ngiti ng katulong.

“Ma’am, nakahanda na po ang almusal…”

Nang tumingin siya sa dining area, doon niya lang nakita kung bakit gano’n ang ekspresyon nito, si Irene ang nagluto.

“Mildred, gising ka na pala, halika’t kumain,” bati ni Irene, mahinahon ang ngiti.

Ngunit sa paningin ni Oliver, ang kabaitan ni Irene ay tila paraan ng pagpapakumbaba sa harap ni Mildred. Kaya agad niyang sinab.

“Hindi mo kailangang maging alangan. Bahay ito ng mga anak mo. Dapat komportable ka rito.”

Nanginig ang kamay ni Mildred sa hiya, parang sinampal siya sa harap ng lahat.

Ngumiti si Irene. “Sige.”

Pag-upo ni Mildred, inalok siya ni Irene, “Tikman mo ito, soup dumpling ‘yan, paborito ni Oliver dati. Na-miss ko lang kaya ginawa ko ulit, para matikman ninyong lahat.”

Totoo, paborito iyon ni Oliver.

At hindi ito nagdalawang-isip na magbigay ng papuri. “Mas lalo kang gumaling. Salamat, hindi mo kailangan mag-abala. Marunong din naman si Mildred.”

“Salamat.”

“Si Mildred rin marunong.” Parang bulong iyon ng pagkainsulto.

Naalala ni Mildred noong dalawang araw na binantayan niya si Lucas nang magkasakit, hindi man lang siya nasabihan ni Oliver ng, “Thank you, you’ve worked hard.” Pinilit niyang huwag magsalita. Marahil iniisip lang nito na si Irene ay bisita.

Sabi ni Mildred, kalmado pa rin, “Oo, marunong din ako. Pero si Sophia ay allergic sa alimango, hindi siya pwedeng kumain niyan.”

Nagulat si Irene. “Allergic? Oliver, ang ganitong mga allergy kasi minsan dahil kulang sa exposure. Dapat masanay din sila sa iba’t ibang pagkain para lumakas ang resistensya.”

Tahimik lang si Oliver. Alam niyang sobrang maingat si Mildred sa mga bata, walang pagkukulang. Kaya hindi na siya sumang-ayon kay Irene.

Napansin ni Irene ang katahimikan, kaya agad binago ang usapan. “Gusto kong isama ang mga bata mamasyal. Sasama ka ba, Oliver?”

Tapos lumingon siya kay Mildred. “Mrs. De Vera — este, Mildred, baka gusto mong sumama?”

“Tawagin mo na lang siyang Mildred,” sabat ni Oliver.

Sumunod si Irene, “Sige, Mildred.”

Parang walang pakialam kung gusto ba niyang sumama o hindi.

Ngumiti si Mildred nang malamig. “Kayo na lang. May pupuntahan akong kaibigan ngayon.”

Nagulat si Oliver. “May kaibigan ka ba?”

“Meron. Matagal na kaming hindi nagkikita, lilipat na siya sa Tagaytay. Bibisitahin ko lang.”

Tumango si Oliver. “Sige. Ingat ka.”

Pag-alis niya, agad namang inasikaso ni Oliver si Irene.

“Magaling ka na ba talaga?”

Ngumiti ito. “Oo, ayos na ako.”

“Marami kang tiniis nitong mga taon, ano?”

Bahagyang yumuko si Irene. “Kaunting hirap lang. Pero ngayon, parang bumalik na ang lahat sa dati.”

Pagkagising ng mga bata, tinulungan ni Mildred ang mga ito maghanda, bote ng tubig, wet wipes, camera, extra clothes.

“Hindi muna ako sasama ngayon, ha? Makinig kayo kay Daddy, huwag lalayo.”

Nakabusangot si Lucas. “Eh, sino sasama sa amin?”

“Si Daddy… at ang—” nag-atubili si Mildred, “ang tunay ninyong mama.”

“Ayaw namin!” singhal ni Sophia. “Imposibleng hindi ikaw ang totoong mama namin! Sinungaling lang ‘yung babae!”

Hinaplos ni Mildred ang ulo ng anak. “Siya talaga ang tunay ninyong mama. Kapag ipinakita ninyong ayaw niyo sa kanya, magagalit si Daddy.”

Kahit ayaw nila, sumunod pa rin ang mga bata para kay Mommy Mildred.

Pagbaba, iniwan ni Mildred sa mesa ang isang papel.

“Nandiyan ang mga bawal at paboritong pagkain ng mga bata, pati mga allergy nila.”

Pagkatapos noon, tahimik siyang umalis.

Halos maghapon siyang nanatili sa bar ng kaibigan niyang si Ivy.

“Family Day ngayon ah. Bihira kang magtagal dito,” sabi ni Ivy habang inilalagay ang fruit platter.

Napangiti si Mildred, may halong mapait. “May pamilya na silang tatlo, anong gagawin ko ron?”

“Pwede mong pagtuunan ng pansin ang sarili mong karera.”

Umiling si Mildred. “Wala akong karera rito sa Cavite.”

Isa siyang venture capital specialist, pero sa lungsod na ito, walang malalaking proyekto o kumpanya na nangangailangan ng ganon. Ang tanging malaki lang ay kumpanya ni Oliver.

Ngunit hindi niya kailanman pinakialaman ang negosyo nito.

“Sayang ang galing mo,” sabi ni Ivy. Alam niya kung gaano katalino si Mildred, mula pagkabata, tinuruan na ito ng ama’t kapatid, nakikibahagi na sa mga investment bago pa mag-18, at malaking tulong sa negosyo ng pamilya. Kaya nga, nang piliin nitong pakasalan si Oliver, isang lalaking may kambal na anak at walang yaman ay nagalit ng todo ang pamilya niya. Umabot pa sa punto ng pagtatakwil sa kanya.

Pero para kay Mildred, sapat na, na siya ang lalaking minahal niya noon pa man.

Hindi alam ni Oliver ang lahat ng iyon. Akala niya, simpleng babae lang si Mildred, mula sa malayong probinsiya at walang maipagmamalaki sa buhay.

Napahawak si Mildred sa ulo. “Nahihilo ako, uuwi na ako.”

Ngunit bago pa siya makatayo—

“Bzzzz—”

Tumunog ang cellphone niya.

Tumatawag si Oliver.

Kumunot ang noo niya, hindi ito tumatawag ng walang dahilan. Usually, text lang.

“Hello?”

Malamig ang boses sa kabilang linya. “Go straight to the Children’s Hospital, hurry!”

Hindi na siya nagtanong. Tumakbo siya palabas ng bar, kaba ang bumalot sa dibdib niya.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Forgotten, Unwanted Wife   CHAPTER 100

    Going back to the past…Of course, Oliver couldn’t bear to make the children sad. But talking about returning to the past now seemed a little too late.Mukhang desidido na si Mildred na ituloy ang annulment. Lalo na’t dahil sa kanya kaya nawala ang anak nila. “Daddy, kapag bakasyon na kami, puntahan natin si Mommy ha? Hindi ba masama ang pakiramdam niya? Sabay-sabay natin siyang alagaan, tapos babalik na siya,” mungkahi ni Sophia.Sagot ni Oliver,“May lalaki na nag-aalaga sa Mommy niyo.”“Si Uncle Terrence po ‘yon. Normal lang na alagaan ni Uncle si Mommy,” sabi ni Lucas.Halos mapangiti si Oliver sa inosente nilang isip, pero hindi niya magawang sabihin ang totoo at masaktan sila.“Basta pumayag ang Mommy niyo, sasama ako.”Agad lumiwanag ang mga mata ng magkapatid. Inilabas nila ang mga hinliliit.“Promise ha! Pinky swear!”Napatawa si Oliver.“Sige. Pinky swear.”Talagang kailangan pa rin niyang makita si Mildred. Kahit paano, kailangan niyang magkaroon ng malinaw na paliwanag tu

  • His Forgotten, Unwanted Wife   CHAPTER NINETY NINE

    “Ano ang gusto mong kainin bukas?” tanong sa kanya ni Terrence. Bukas? Babalik pa ba siya?“Ako na ang bahala. May maid naman.”Kumuha si Terrence ng sigarilyo mula sa kaha at inulit. “Ano ang kakainin mo bukas?”Ang pagiging assertive at bahagyang domineering niya ay napangiti si Mildred.“Eh di… isda.”Tumalikod si Terrence at umalis. Mabagal at relaxed ang lakad niya, parang naglalakad lang sa gabi, hanggang tuluyang mawala sa dilim.Tutal, babae siya hindi rin naman angkop na mag-stay ito sa bahay. Sa biyahe pauwi sa bahay ng mga De Vera. Lutang ang isip ni Oliver buong daan. Tuwing naiisip niya si Mildred na magkasama at mag-isa kasama si Terrence, hindi niya mapigilan ang apoy sa dibdib niya.Pero kasabay noon—Noong siya naman ang madalas na kasama si Irene, ganito rin kaya ang sakit na naramdaman ni Mildred? Mali ba siya mula pa noon?Pero ang relasyon niya kay Irene ay katanggap tanggap dahil ina ito ng anak niya..“Oliver, okay ka lang ba?” maingat na tanong ni Irene.Nagba

  • His Forgotten, Unwanted Wife   CHAPTER NINETY EIGHT

    Tumingala si Mildred. “May saysay pa ba tayo?”Nakaupo sa likuran si Terrence, tahimik na naninigarilyo, pinagmamasdan ang eksena na parang isang palabas sa entablado.Sa sandaling iyon, nakatitig si Oliver kay Mildred. Kalmado ang mga mata niya, wala na roon ang dating pagmamahal na minsang ibinuhos niya para sa kanya. Biglang sumagi sa isip ni Oliver ang mga nagdaang taon.Noon, masaya ang pamilya nilang apat, walang alitan, walang lamat.Nang maalala niya ang eksenang nakita niya kanina si Mildred kasama ang dalawang bata at si Terrence, ang galit at selos sa dibdib niya ay biglang nagbago ng anyo. Doon niya tuluyang naunawaan ang naramdaman ni Mildred noon.Noong siya ang nanonood habang kasama niya si Irene sa pag-aalaga sa mga bata, iyon pala ang pakiramdam. Biglang inabot ni Oliver ang kamay ni Mildred.Ang tingin niya ay tila tumawid sa nakaraan, bumalik sa umagang unang beses silang nagkakilala.“Bumalik ka para makapagpahinga nang maayos. Ako ang bahala sa’yo, responsibilidad

  • His Forgotten, Unwanted Wife   CHAPTER NINETY SEVEN

    Nakunot ang noo ni Oliver habang naaalala ang mga sinabi ng mga bata kanina. Bilang ama, hindi niya pwedeng balewalain ang bagay na ito.“Sinabi mong tinawag ka raw ng mga bata na white-boned demon, tama ba?”Isang kisap na kaba ang dumaan sa mga mata ni Irene. “Ako… oo. Pero hindi ko naman seneryoso. Alam ko nabigla lang sila.”“Pero hindi iyon sinabi ng mga bata,” mariing titig ni Oliver sa kanya.Alam ni Irene na marahil ay may nasabi na naman ang mga bata kanina. Bahagyang gumalaw ang mga mata niya. Itinaas niya ang kamay at pinisil ang sentido.“Baka galit lang ako noon, tapos nanonood sila ng Journey to the West na cartoon. Baka nagkamali lang ako ng dinig?”Matagal siyang tinitigan ni Oliver.“Ibig sabihin, sinaktan mo talaga si Lucas?”Huminga ng malalim si Irene.“Hindi ko siya sinaktan. Light tap lang iyon. Masyado lang nila akong tina-target, pinapalaki ang maliit na bagay.”“Ikaw ang tunay nilang ina. Sa halip na ipagtanggol sila, kung anu-ano pa ang ibinibintang mo?”Ito a

  • His Forgotten, Unwanted Wife   CHAPTER NINETY SIX

    Magkahawak-kamay sina Sophia at Lucas habang nakatayo roon, ngunit hindi sila lumalapit kay Oliver.Lumuhod si Oliver.“Sabihin ninyo kay Daddy ang totoo. Sinaktan ba talaga kayo ni Irene? Ulitin ninyo, maayos at malinaw.”Kapag nagsisinungaling ang mga bata, nagugulo ang pagkakasunod ng kwento, may bakas na makikita.Hinimok sila ni Mildred. “Okay lang. Huwag kayong matakot. Sabihin ninyo kay Daddy kung ano talaga ang nangyari, step by step. Iyan ang itinuro sa inyo ni Mommy.”Napatingin si Oliver sa kanya.Siya ang nagturo sa mga bata na huwag magsinungaling na magsabi ng totoo, kung ano ang nangyari.Nag-ipon ng lakas ng loob si Sophia.“Nagsusulat po kami ni Lucas. Pumasok siya tapos sinabi niyang lilipat daw kami sa mas malaking bahay at magsisimula ng bagong buhay. Tinanong namin, ‘Paano po si Mommy?’ Tapos tiningnan niya kami ng masama, Daddy..”Dagdag ni Lucas,“Sobrang sama po ng tingin niya sa amin—nakakatakot! Nagulat ako kaya tinulak ko siya ng kaunti. Tapos pinalo niya ako

  • His Forgotten, Unwanted Wife   CHAPTER NINETY FIVE

    Ngunit makalipas ang ilang segundo. Mariing kinagat ni Lucas ang labi, namumula sa galit ang mukha.“Hindi ka rin naman namin Daddy! Ang Daddy namin ay marunong maniwala sa amin hindi sa ibang tao!”Pagkasabi noon, agad na inilagay ni Terrence ang dalawang bata sa likuran niya. Nanatili siyang nakaupo, hindi man lang gumalaw. “Kung sinasabi ng mga bata na hindi nila kayo kilala, then please leave,” ani Terrence. Lumapit si Oliver, biglang bumigat ang presensya.“President Terrence, hindi pa ba sapat na inagaw mo ang isang tao, ngayon pati mga anak ng iba, gusto mo pang kunin?”Sa paningin niya, si Terrence ang umagaw kay Mildred.“Kung sinasabi ng mga bata na hindi nila kayo kilala at pipilitin niyo silang isama, iyon ang tunay na pang-aagaw,” kalmadong sagot ni Terrence habang sinulyapan ang mga pulis. “Gabi na. May iba pa ba kayong concern?”Totoo naman ang kanyang sinabi..Dahil malinaw na sinabi ng mga bata na hindi sila kilala, hindi sila puwedeng pilitin. Pero kayang patunayan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status