登入ETHAN GREY Noong high school ako, akala ko madali lang maging CEO. Ikaw ang boss. Ikaw ang pinakamataas. Ikaw ang nagbibigay ng utos. Akala ko, buong araw lang akong uupo sa opisina, pipirma ng ilang dokumento, dadalo sa meeting kapag gusto ko, tapos uuwi. Simple. Napakasimple. Pero ngayon...halos gusto ko nang sampalin ang sarili kong high school version. Hindi pala ganoon. Being the highest doesn't mean you have the easiest job. It means you carry the heaviest responsibility. Bawat kontratang dumarating sa mesa ko, kailangan kong basahin nang paulit-ulit. Bawat desisyon...puwedeng makaapekto sa daan-daang empleyado. Bawat pagkakamali...ako ang sasalo. Minsan nga, hindi ko na namamalayang alas dos na pala ng hapon. Hindi pa ako nakakakain. "Sir." Napalingon ako kay Romel. "Yung sa storage po?" "Dispose everything." Tinuro ko ang warehouse. "Lahat. Walang matitira." Tumango siya. "Yung bagong raw materials bukas na rin darating." "Good. I'll be back this afternoon.
SHANAIA ISABELLENagising akong mag-isa sa kama. Bahagyang gusot pa ang kumot sa kabilang bahagi—patunay na kanina lang umalis si Shally. Wala rin siya sa banyo.Siguradong nasa kusina na.Tahimik akong bumangon at inayos muna ang kama. Pagkatapos maghilamos, mag-toothbrush at magpalit ng damit, tinipon ko ang buhok ko sa isang simpleng ponytail. Isang oversized shirt at maong shorts lang ang suot ko nang lumabas ako ng kuwarto.Pagbaba ko ng hagdan, agad kong napansin ang attache case ni Ethan na nakapatong sa sofa.Alas otso na. Nandito pa rin siya?Hindi ko na lang iyon pinansin.Papunta na sana ako sa kusina nang marinig ko ang boses niya."Nasa'n si Eris?"Huminto ako sa labas ng pinto. Tahimik."Nasa'n siya?" ulit niya.Narinig kong nagtataka si Shally. "Eris?""Oo. Anak ni Kyler ng ate mo."Sumikip ang dibdib ko. Hindi pa rin ako pumasok."I... I'm just curious," dugtong niya. "Wala kasi akong nakitang batang kasama si Kyler ever since. Kahit noong bumalik ang ate mo..."Tahi
ETHAN GREYBandang alas kuwatro na ng hapon nang makabalik ako sa kompanya. Pakiramdam ko, isang linggo akong paikot-ikot sa Metro Manila.Lahat ng meeting ko ngayong araw ay sa iba't ibang restaurant pa ginanap. Iba-iba ang lokasyon, iba-iba ang investor, at pare-pareho silang mahilig magpalipat-lipat ng venue.Kung hindi lang talaga sila mga investor, baka kanina pa ako umuwi.Pagkapasok ko sa opisina, hindi na ako nagulat nang makita si Dad. Tahimik siyang nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng newspaper, na para bang opisina rin niya ang lugar."Tired?" tanong niya nang hindi man lang inaalis ang tingin sa binabasa.Tiningnan ko lang siya. Wala akong ganang sumagot. Dumeretso ako sa swivel chair ko, ibinagsak ang katawan, saka ipinikit ang mga mata. Kailangan ko lang ng limang minutong katahimikan."Nagpunta ako sa bahay ninyong mag-asawa."Agad akong napamulat. "Ano namang ginawa mo ro'n?"Dahan-dahan niyang ibinaba ang newspaper. "Naaalala mo ang last will ng lolo mo?" Napakunot-no
SHALLY MARIEMatapos naming ayusin ni Ate ang lahat ng wedding gifts at ubusin ang pagkaing ipinadeliver niya, nagyaya siyang mag-grocery."Ayoko nang araw-araw na nagpapadeliver ng pagkain," sabi niya habang kinukuha ang susi ng kotse. "Marunong naman akong magluto." Dagdag niya pa.Kaya heto kami ngayon... Magkatabing nagtutulak ng push cart sa loob ng grocery. Tahimik. Komportable. Para lang kaming bumalik sa dati.Paminsan-minsan ay may inilalagay si Ate sa cart—bigas, de-lata, gulay, karne, condiments, frozen food. Halatang pang-isang linggong stock ang binibili niya.Samantalang ako... Dalawang pakete lang ng snacks ang laman ng cart ko.Napansin agad iyon ni Ate. "Wala ka bang bibilhin bukod diyan?" tanong niya habang nakatingin sa dalawang snacks na hawak ko.Ngumiti ako. "Okay na 'to."Itutulak ko na sana ulit ang cart nang marahan niyang hinawakan ang braso ko. "Midnight snack mo lang 'yan. Kumuha ka pa."Napailing ako. "Okay na talaga.""Shally." Mahinahon ang boses niya. P
SHANAIA ISABELLETahimik ang loob ng emergency room. Tanging tunog lang ng mga gamit ng nurse at ang paminsan-minsang pagdaing ni Ethan ang maririnig.Nakasandal lang ako sa dingding habang walang emosyon na pinagmamasdan ang nurse na nililinis ang sugat sa braso ni Ethan."Tss... dahan-dahan naman!" reklamo niya."Pasensya na po, sir. Medyo malalim po kasi 'yung hiwa.""Kasalanan mo naman 'to eh!" inis niyang sambit sabay lingon sa akin.Napataas ako ng isang kilay. "Talaga?""Oo! Kung tinulungan mo sana ako kanina—""Ang kapal naman ng mukha mong isisi sa'kin." Putol ko. "Kasalanan ko bang hindi ka marunong tumanggi sa babae ha! Kung hindi ka babaero, wala tayong problema ngayon."Napabuntong-hininga siya. "Ano bang koneksiyon nun?""Hindi ka sana pinaghahanap ng ex ng ex mo."Tahimik na napailing si Ethan.Habang nag-uusap kami, napansin kong panay ang ngiti ng nurse."Sir, maswerte po kayo at hindi sobrang lalim ng sugat. Konting pahinga lang po, magiging okay na kayo.""Ganun ba?
ETHAN GREYUnang umaga bilang mag-asawa.Sikat ng araw ang marahang tumama sa mukha ko dahilan para magising ako. Ilang segundo akong nakatitig lang sa kisame ng presidential suite bago tuluyang bumangon.Tahimik. Napakatahimik. Hindi ko na kailangang lumingon para malaman na ako lang ang natulog sa kama. Expected ko na iyon.Mula nang iwan ko si Shanaia sa balcony kahapon at bumalik sa reception, hindi ko na siya nakita. Hindi rin siya bumalik sa suite buong gabi.At wala naman talaga akong pakialam...Siguro.Napailing ako sa sarili bago dumiretso sa banyo. Naghilamos, nagsipilyo, at inayos ang sarili. Balak ko sanang dumiretso sa mini kitchen para kumuha ng maiinom. Pero natigilan ako paglabas ko ng kuwarto.Nandoon siya. Tahimik na nakaupo sa sofa sa living area. Naka-cross arms. Naka-cross din ang mga paa sa ibabaw ng center table. Nakapikit. Parang walang anumang nangyari kahapon.Napatingin ako sa sofa. Don't tell me... Diyan siya natulog? Sa gano'ng posisyon?Dahan-dahan akong
SHANAIA ISABELLEToday's the day.The day everyone had been preparing for. The day everyone kept calling the happiest day of my life. Ironically...It was also the day I would lose the freedom I had spent years protecting.Everything happened too fast.Parang kahapon lang... Nakikipag-away pa ako ka
SHANAIA ISABELLE Dalawang araw. Dalawang araw na lang bago ang kasal. Forty-eight hours. Forty-eight hours before I willingly hand over my freedom. Forty-eight hours before I become Mrs. Parker. At ang mas nakakatawa... Patuloy pa ring umiikot ang mundo na para bang walang malaking bagay na ma
SHALLY MARIE Tahimik. Iyon ang unang bagay na napansin ko nang magmulat ako ng mga mata. Hindi ko alam kung anong oras na, pero kakaiba ang katahimikan ng buong mansiyon. Walang maririnig na boses ng mga kasambahay na nag-uusap habang naglilinis. Wala ring mahinang paghuni ni Mommy habang naghah
LONDON"F*ck that marriage!"Galit na galit na napasigaw si Shanaia nang makarating sa kanya ang balitang ipapakasal ng kanyang mga magulang ang nag-iisang kapatid na si Shally."She's still studying! Are they really going to ruin my sister's life?" gigil niyang dagdag.Tahimik na nakatayo sa harap







