Share

Chapter 03

last update publish date: 2026-06-11 13:12:55

KYLER EZEKIEL

“Pwede ba?! Mamaya ka na mangulit! May ginagawa ako!”

Irritado kong pinindot ang end call bago tuluyang pinatay ang cellphone ko. Isinuksok ko iyon sa bulsa ng suot kong jeans at napabuntong-hininga.

Buwisit na lalaki.

Alam nang tatlong taon na akong tumigil sa pambababae, pilit pa ring nagyayaya sa club at kung anu-anong kalokohan.

“Sir, fifteen thousand pesos po.”

Napalingon ako sa cashier at iniabot ang card ko.

Pagkatapos magbayad ay kinuha ko ang paper bag na naglalaman ng dress na pinabili ni Claire. Lalabas na sana ako ng boutique nang mapahinto ako sa mismong pintuan.

Parang huminto ang buong mundo.

Parang nawala ang lahat ng ingay sa paligid.

Dahil naroon siya.

Nakatayo ilang metro ang layo sa akin.

Kasama ang kapatid niyang si Shally.

Shanaia.

Tatlong taon.

Tatlong mahabang taon ko siyang hindi nakita.

At ngayon, nasa harapan ko na siya.

Mas maganda.

Mas elegante.

Mas malamig.

Mas mahirap abutin.

Unti-unti akong lumapit habang pilit kinokontrol ang mabilis na tibok ng puso ko.

“You're back.”

Bahagya akong ngumiti.

Pero wala.

Nanatiling walang emosyon ang mukha niya.

Nanatiling malamig ang tingin niya.

At sa unang pagkakataon matapos ang tatlong taon, muli kong naramdaman kung gaano kasakit ang pagkawala niya.

“Kailan ka pa nakabalik?” maingat kong tanong.

Tumitig lang siya sa akin bago sumagot.

“Let's talk some other time. I'm busy with my sister.”

Malamig.

Diretso.

Walang bakas ng pananabik.

Walang bakas ng saya.

Parang estranghero lang ako.

Tumango na lang ako.

“Ah... okay.”

Lumagpas siya sa akin nang hindi na naghihintay ng karagdagang usapan.

Kasunod niya si Shally.

At katulad ng tatlong taon na ang nakalipas...

Iniwan niya ulit ako.

Tahimik ko silang sinundan ng tingin hanggang sa mawala sila sa isang home decor shop.

Gusto ko siyang sundan.

Gusto ko siyang kausapin.

Gusto kong sabihin na miss na miss ko siya.

Pero alam kong wala akong karapatan.

Hindi pagkatapos ng lahat ng ginawa ko.

Kaya kahit masakit, tumalikod ako at umalis ng mall.

---

Pagdating ko sa bahay, sinalubong agad ako ng busangot na mukha ng kapatid ko.

“At sa wakas naman!” reklamo ni Claire habang nakaakbay sa sofa. “Isang dress lang ang pinabili ko pero halos buong araw kang nawala!”

Inihagis ko sa kanya ang paper bag.

“Kasalanan mo rin. Sana sumama ka para hindi ako nahirapang mamili.”

Kinuha niya ang bag at inilabas ang dress.

“Fifteen thousand pesos 'to,” dagdag ko. “Kaya magpasalamat ka.”

Sinuri niya muna ang damit bago napabuntong-hininga.

“Nami-miss ko na talaga si Ate Shanaia.”

Napahigpit ang hawak ko sa susi ng sasakyan.

“Ano na naman ba?”

Ngumiti siya nang mapait.

“Naalala ko lang. Noon kasi, kapag ganitong dress ang binibili ko, lagi niya akong pinapagalitan.”

Tiningnan niya ang dress.

“Masiyado raw revealing.”

Napahina ang tawa niya.

“Pero ikaw kasi, Kuya.”

Napatingin ako sa kanya.

“Niloko mo siya.”

Tumahimik ako.

“Napakababaero mo kasi noon.”

Masakit.

Pero totoo.

“Kaya nga nagbago na ako,” sagot ko.

“Talaga?”

Tumayo siya at diretsong tumingin sa akin.

“Nagbago ka dahil iniwan ka niya.”

Natigilan ako.

“Nagbago ka dahil na-realize mong si Ate Shanaia lang ang taong minahal mo nang totoo.”

Parang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ko.

“At na-realize mo lang lahat ng pagkakamali mo nang mawala siya.”

Hindi ako nakasagot.

Dahil tama siya.

Lahat ng sinabi niya ay tama.

Tahimik akong tumalikod at umakyat sa kwarto.

---

Pagkapasok ko, agad kong ni-lock ang pinto.

Dumeretso ako sa mini refrigerator at kumuha ng beer.

Binuksan ko iyon at lumagok nang malalim.

Pagkatapos ay naupo ako sa gilid ng kama.

Awtomatikong napunta ang tingin ko sa picture frame sa bedside table.

Kinuha ko iyon.

Larawan namin ni Shanaia.

Noong masaya pa kami.

Noong hindi pa ako nagkamali.

Noong hindi ko pa siya nasasaktan.

Napangiti ako nang mapait.

“It's been three years.”

At kasabay niyon, bumalik ang pinakamalungkot na araw ng buhay ko.

---

Three Years Ago

“Saan ka pupunta?”

Hingal akong napahinto sa harapan niya sa airport.

May hawak siyang passport at boarding pass.

At sa unang tingin ko pa lang, alam kong desidido na siya.

“Wala ka nang pakialam doon.”

Parang may humawak sa puso ko at marahas na piniga iyon.

“Tapos na tayo, remember?”

“Babe, please...” nanginginig kong sambit.

Sinubukan kong hawakan ang kamay niya.

Pero umatras siya.

Parang ayaw niya akong mahawakan.

Parang marumi ako.

“Wag naman ganito,” pakiusap ko.

“Pag-usapan natin 'to.”

Tumulo ang luha ko.

Wala akong pakialam kung nakakahiya.

Wala akong pakialam kung maraming tao.

Ang mahalaga lang sa akin noon ay huwag siyang mawala.

Pero umiling siya.

May luha rin sa mga mata niya.

“Wala nang aayusin, Kyler.”

Basag ang boses niya.

“Dahil wala na siya.”

Napapikit ako.

Dahil alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

Ang batang hindi man lang nabigyan ng pagkakataong mabuhay.

Ang dahilan kung bakit tuluyang nasira ang relasyon namin.

“Please...” bulong ko.

“Stay with me.”

Umiling siya.

“Paano ako mananatili?”

Sunod-sunod na bumagsak ang luha niya.

“Sa tuwing nakikita kita, puro sakit ang nararamdaman ko.”

Parang dinudurog ang puso ko sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

“How can you ask me to stay when you're one of the reasons why I'm leaving?”

Hindi ako nakasagot.

Dahil tama siya.

Kasalanan ko.

Kasalanan ko ang lahat.

“Babe—”

“Kailangan na nating umalis.”

Naputol ang sasabihin ko nang lapitan siya ng lalaking kasama niya.

Pinunasan niya ang luha niya.

Pagkatapos ay tumalikod.

At naglakad palayo.

“Shanaia!”

Hinabol ko siya.

Pero agad akong hinarang ng dalawang bodyguard.

“Bitawan niyo ako!”

Nagpumiglas ako.

“Shanaia!”

Hindi siya lumingon.

Hindi siya huminto.

Hindi siya bumalik.

“Babe!”

Pero tuluyan siyang nawala.

At kasabay noon...

Tuluyan ring nawala ang mundo ko.

---

Present Time

Mula nang umalis siya, naging impiyerno ang buhay ko.

Walang araw na hindi ko siya naisip.

Walang gabi na hindi ko pinagsisihang sinaktan ko siya.

Unti-unti kong inayos ang sarili ko.

Tumigil sa pambababae.

Nagpakalunod sa trabaho.

At araw-araw kong pinangarap na sana magkaroon ako ng pagkakataong maitama ang lahat.

Ngayon...

Bumalik na siya.

At kahit gaano siya kalamig.

Kahit gaano niya ako kamuhian.

Hindi na ako susuko.

Dahil kung may isang bagay akong natutunan sa pagkawala niya—

hinding-hindi ko na hahayaang mawala ulit si Shanaia Isabelle Villafuerte.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Greatest Inheritance   Chapter 08

    SHANAIA ISABELLEPagkaalis ko sa restaurant ni Kyler, hindi muna ako umuwi. Tahimik akong nagmamaneho habang nakatanaw lang sa kalsada. Hindi ko alam kung saan ko gustong pumunta—ang alam ko lang, hindi pa ako handang bumalik sa mansiyon.Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Shally. "Hapon na ako makakauwi. Huwag mo na akong hintayin sa tanghalian.""Sige po, Ate. Pero kumain ka rin, ha? Huwag kang magpapagutom."Hindi ko napigilang mapangiti. "Okay."Tinapos ko ang tawag at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.Makalipas ang ilang minuto ay pumasok ako sa parking lot ng isang condominium. Agad kong ipinarada ang kotse at dumiretso sa loob ng building.Binati ako ng security guard, ngunit tumango lang ako bilang tugon. Hindi na rin ako dumaan sa reception. Kabisado ko na ang unit number ni Clayton.Pagkabukas ng elevator sa ikasampung palapag, diretso akong naglakad papunta sa kaniyang condominium. Isang pindot lang sa doorbell ang ginawa ko. Ilang segundo pa lang ang lumipas nang bumukas

  • His Greatest Inheritance   Chapter 07

    KYLER EZEKIELBandang alas otso ng umaga nang magising ako, ngunit pakiramdam ko ay wala man lang akong naitulog. Mabigat ang ulo ko. Parang may martilyong paulit-ulit na pumapalo sa sentido ko. Hindi ko alam kung epekto ba iyon ng alak... o ng babaeng hindi na nawala sa isip ko buong magdamag.Si Shanaia.Paulit-ulit na bumabalik sa alaala ko ang eksena sa club.Ang lalaking kasama niya. Ang pag-akbay nito sa kaniya. At higit sa lahat..."Kung gusto mong maka-usap ang baby ko, next time na lang. Kakagaling lang namin sa kuwarto."Napapikit ako at mariing kinuskos ang mukha ko. "Tangina..."Hindi ko alam kung ano ang dapat kong paniwalaan. Talaga bang galing sila sa iisang kuwarto? O baka naman mali lang ang pagkakaintindi ko? Maybe they were discussing something important. Something private. Pero...Bakit ang sakit pa ring isipin?Napailing ako. "Ano ba 'tong iniisip ko?"Pinilit kong bumangon at dumiretso sa banyo. Mas mabuti pang bisitahin ko si Sky. Siya lang ang lugar na kahit pa

  • His Greatest Inheritance   Chapter 06

    ETHAN GREY Eksaktong alas-sais ng umaga nang magising ako. Gusto ko pang matulog. Mabigat pa ang ulo ko dahil sa dami ng nainom ko kagabi. Pero agad kong naalala ang sinabi ni Dad bago ako matulog. Pupunta kami ngayon sa mansiyon ng mga Villafuerte. Napabuntong-hininga ako at tumitig sa kisame. Kung hindi lang talaga importante ang dahilan ng pag-iimbita nila, hindi ako babangon nang ganito kaaga. Pagkauwi ko kagabi mula sa club ay saka ko lang nalaman na tumawag si Mr. Villafuerte kay Dad. Halos mag-aalas-onse na ako nakauwi noon kaya kulang-kulang limang oras lang ang tulog ko. Kaya sana naman, may magandang dahilan sila para gambalain ang pahinga ko. Matapos maligo nang halos dalawampung minuto, nagpahatid ako ng mainit na soup sa kuwarto. Saktong si Mom ang nagdala. "Gaano ba karami ang nainom mo kagabi?" tanong niya habang inilalapag ang tray sa mesa. Umupo ako at kumuha ng kutsara. "Biglaan naman kasi ang imbitasyon nila," sagot ko habang humihigop ng soup. "Kung alam ko l

  • His Greatest Inheritance   Chapter 05

    ELI CLAYTONWala pang alas-siyete nang makarating ako sa office ko sa loob ng club. Habang hinihintay si Shanaia, inabala ko muna ang sarili ko sa pagbabasa ng mga impormasyong nakuha ko tungkol sa pamilya Parker. Nakapatong sa mesa ang makapal na folder habang isa-isa kong binabalikan ang laman nito.Napangisi ako. Sigurado akong hindi magiging maganda ang reaksyon ni Shanaia kapag nalaman niya ang mga impormasyong ito.O baka hindi rin. Si Shanaia pa naman iyon. Napakahirap basahin ng emosyon niya. Hindi mo malalaman kung galit ba siya, masaya, nalulungkot, o nasasaktan dahil palagi siyang may poker face. Walang emosyon sa mga mata. Walang ekspresyon sa mukha. Minsan naiisip ko na baka ganoon talaga kapag sobrang dami mong pinagdaanan. Unti-unti kang natututong itago ang lahat hanggang sa wala nang makabasa ng nararamdaman mo.Ilang minuto pa ang lumipas nang bumukas ang pinto ng office. Napatingin agad ako roon. At gaya ng inaasahan, si Shanaia iyon.Agad akong tumayo mula sa swive

  • His Greatest Inheritance   Chapter 04

    ETHAN GREYKulang na lang ihagis ko ang laptop ko sa pader dahil sa sobrang inis.Halos isang oras nang naka-loading ang hinahanap kong impormasyon, pero wala pa rin akong napapala."Nakakabwisit ka talaga!"Muli kong pinindot ang refresh button.Loading.Loading.Loading.At nang tuluyan itong matapos, wala pa ring lumabas.Wala.Kahit isang impormasyon tungkol kay Shanaia Villafuerte.Para bang hindi siya nag-eexist.Ni wala man lang lumalabas na lumang larawan, social media account, o kahit anong koneksiyon sa pamilya nila. Maging sa profile ng mga magulang niya at ni Shally, wala man lang kahit isang bakas ng pangalan niya.Napahilamos ako sa mukha.Pagkatapos ay dinampot ang lata ng beer at lumagok nang mahaba."Who the hell are you, Shanaia Villafuerte?"Pakiramdam ko tuloy mas lalo akong naiintriga sa babaeng iyon.At mas lalo akong naiinis.Saktong tumunog ang cellphone ko.Hindi ko man lang tiningnan kung sino ang tumatawag bago sinagot."Hello.""Parang bad mood ka ah."Napa

  • His Greatest Inheritance   Chapter 03

    KYLER EZEKIEL“Pwede ba?! Mamaya ka na mangulit! May ginagawa ako!”Irritado kong pinindot ang end call bago tuluyang pinatay ang cellphone ko. Isinuksok ko iyon sa bulsa ng suot kong jeans at napabuntong-hininga.Buwisit na lalaki.Alam nang tatlong taon na akong tumigil sa pambababae, pilit pa ring nagyayaya sa club at kung anu-anong kalokohan.“Sir, fifteen thousand pesos po.”Napalingon ako sa cashier at iniabot ang card ko.Pagkatapos magbayad ay kinuha ko ang paper bag na naglalaman ng dress na pinabili ni Claire. Lalabas na sana ako ng boutique nang mapahinto ako sa mismong pintuan.Parang huminto ang buong mundo.Parang nawala ang lahat ng ingay sa paligid.Dahil naroon siya.Nakatayo ilang metro ang layo sa akin.Kasama ang kapatid niyang si Shally.Shanaia.Tatlong taon.Tatlong mahabang taon ko siyang hindi nakita.At ngayon, nasa harapan ko na siya.Mas maganda.Mas elegante.Mas malamig.Mas mahirap abutin.Unti-unti akong lumapit habang pilit kinokontrol ang mabilis na t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status