ETHAN GREYNaupo si Shanaia sa single sofa sa gitna ng sala at isa-isang pinagmasdan ang mga taong naroon.Tahimik ang buong mansiyon.Hindi niya man lang sinulyapan ang direksyon namin. Para bang hindi kami kasama sa silid.Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, nagsalita siya. "Now... speak."Nagkatinginan ang mga magulang ni Shally."Shanaia," maingat na sambit ni Mrs. Villafuerte, "kagagaling mo lang sa biyahe. Mas mabuti sigurong magpahinga ka muna."Dahan-dahang lumingon si Shanaia sa kaniyang ina. "That's not what I want to hear, Mom."Malamig ang boses niya ngunit sapat iyon para maramdaman ng lahat ang babala."Hayaan mo na kami rito," singit ni Mr. Villafuerte."Hayaan?" Napatawa siya nang mapakla. "It's about my sister, Dad. So whether you like it or not, makikialam ako."Tumuwid siya ng upo."Now, if you don't want to tell me what I need to know, I'll ask them myself."Doon lang siya tuluyang humarap sa amin."Mr. Erick Parker, am I right?"Sasagot na sana si Dad nang
Last Updated : 2026-06-11 Read more