MasukETHAN GREY
Kulang na lang ihagis ko ang laptop ko sa pader dahil sa sobrang inis. Halos isang oras nang naka-loading ang hinahanap kong impormasyon, pero wala pa rin akong napapala. "Nakakabwisit ka talaga!" Muli kong pinindot ang refresh button. Loading. Loading. Loading. At nang tuluyan itong matapos, wala pa ring lumabas. Wala. Kahit isang impormasyon tungkol kay Shanaia Villafuerte. Para bang hindi siya nag-eexist. Ni wala man lang lumalabas na lumang larawan, social media account, o kahit anong koneksiyon sa pamilya nila. Maging sa profile ng mga magulang niya at ni Shally, wala man lang kahit isang bakas ng pangalan niya. Napahilamos ako sa mukha. Pagkatapos ay dinampot ang lata ng beer at lumagok nang mahaba. "Who the hell are you, Shanaia Villafuerte?" Pakiramdam ko tuloy mas lalo akong naiintriga sa babaeng iyon. At mas lalo akong naiinis. Saktong tumunog ang cellphone ko. Hindi ko man lang tiningnan kung sino ang tumatawag bago sinagot. "Hello." "Parang bad mood ka ah." Napairap ako. Si Aaron. "Sakto pala pagtawag ko." "Ano na naman?" "Si Kyler. Nag-aaya uminom." Napakunot ang noo ko. "Talaga? Inaya ko 'yon kanina, ayaw naman." "Baka nagbago isip." Napabuntong-hininga ako. Sa totoo lang, kailangan ko rin ng alak ngayon. "Sige. Game." "That's my boy!" natatawang sabi ni Aaron. "Mamayang seven. Sa usual place." Pagkatapos ng tawag ay ibinagsak ko ang cellphone sa mesa. Muli akong sumandal sa swivel chair. At muling pumasok sa isip ko ang babaeng dahilan ng lahat ng stress ko. Shanaia Villafuerte. Hindi ko alam kung bakit. Pero pakiramdam ko, may tinatago ka. At sisiguraduhin kong malalaman ko kung ano iyon. --- Makalipas ang ilang minuto, tuluyan ko nang isinara ang laptop. Wala rin namang silbi. Pumasok ako sa banyo at agad pumuwesto sa ilalim ng shower. Bumuhos ang malamig na tubig sa katawan ko. Kung babae siguro ako at umiiyak, mukha na akong bidang nasaktan sa teleserye. Napangisi ako sa sarili kong naiisip. Pagkalipas ng dalawampung minuto ay lumabas na ako. Nagbihis ng simpleng puting shirt, denim jacket, maong at rubber shoes. Pagkatapos ay bumaba na ako. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdan nang makita ko si Mommy. May hawak siyang brown envelope. At sa seryoso niyang mukha, alam kong hindi magandang balita ang laman nito. "Where are you going?" tanong niya. "Club." Diretso ang sagot ko. Alam naman niyang iyon lang ang pinupuntahan ko kapag gabi. Pero sa halip na daanan ako, humarang siya. "Sumunod ka sa library." Napakunot ang noo ko. Pero sumunod na rin. --- Pagdating namin sa library ay agad siyang naupo sa sofa. Pagod. Problemado. At halatang kinakabahan. "We really need the Villafuertes now, Ethan." Binuksan ko ang envelope at isa-isang tiningnan ang mga dokumento. Financial reports. Business reports. At kung anu-ano pang papel. At habang tumatagal, lalo akong sumeseryoso. Mukhang mas malala ang sitwasyon kaysa sa inaakala ko. "Hindi naman siguro nila uurungan ang kasal," sabi ko. "Kailangan lang natin maghintay." "Maghintay?" Mabilis siyang tumayo. Halatang nawawala na ang pasensiya niya. "Ethan, naiintindihan mo ba ang nakikita mo diyan?" Tinaas niya ang mga papel. "Hindi natin kayang maghintay nang matagal!" Napabuntong-hininga ako. "So what do you want me to do?" Humarap siya sa akin. At doon ko nakita ang determinasyon sa mga mata niya. "Puntahan mo si Shanaia." Napakunot agad ang noo ko. "Kausapin mo siya." Nanlaki ang mata ko. "At kumbinsihin mong pumayag siya sa kasal." Bigla akong napatayo. "No." Diretso. Matigas. Walang pag-aalinlangan. "Ayokong makipag-usap sa babaeng iyon." Kung tutuusin, naiisip ko pa lang siya, tumataas na ang presyon ko. Tapos gusto nilang puntahan ko pa? No way. "Ethan—" "No." Mas tumigas ang boses ko. "Kung may kailangan tayong gawin, gagawa ako ng paraan." Tinuro ko ang mga dokumento. "Pero hindi ako lalapit kay Shanaia Villafuerte." Tuluyan kong tinalikuran si Mommy. "End of discussion." Narinig ko pa siyang tumawag. Pero hindi na ako lumingon. --- Late na akong nakarating sa club dahil sa traffic. Pagpasok ko pa lang ay sinalubong na ako ng malakas na musika, makukulay na ilaw at amoy ng alak. Agad kong nakita sina Aaron at Kyler sa paborito naming puwesto. Nag-fist bump muna kami bago ako naupo. "So?" Tumingin ako kay Kyler. "Anong nangyari at bigla kang nagyayang uminom?" Ngumiti siya. At doon ako tuluyang nagtaka. Dahil hindi iyon pilit. Hindi iyon peke. Totoong ngiti iyon. Pagkatapos ng tatlong taon. "I just want to celebrate." Nagkatinginan kami ni Aaron. "Ano naman ice-celebrate mo?" tanong ni Aaron. "Huwag mong sabihing magpapakasal ka na?" Napatawa si Kyler. At lalo kaming nagtaka. Pagkatapos ay nagsalin siya ng alak sa baso niya. "Naalala niyo yung babaeng lagi kong kinukuwento?" Napataas ang kilay ko. "Yung ex mo?" Tumango siya. At doon ko naintindihan. "She's back." Sandaling natahimik ang mesa. "Nagkita kami kanina sa mall." Napangiti siyang muli. Mas malapad. Mas masaya. "At magkakausap kami ulit." Napailing ako. Grabe talaga kapag in love. Tatlong taon. Tatlong taon siyang naghintay. At hanggang ngayon, hindi pa rin siya sumusuko. Kaya itinaas ko ang beer ko. "Para sa paghihintay ni Kyler na hindi nasayang." Nagtawanan kaming tatlo bago sabay-sabay uminom. --- Lumipas ang ilang oras. Pabalik-balik si Aaron sa dance floor. May hinahanap daw na babae. Mukhang tinamaan. "Peste!" reklamo niya pagkabalik. "Nasaan na ba kasi siya?" "Baka may kasama nang iba." Sinamaan niya ako ng tingin. Tumayo naman si Kyler. "CR lang." Tumango ako. At naiwan akong mag-isa sa mesa. Habang umiinom ay napadako ang tingin ko sa kabilang bahagi ng club. At doon ako natigilan. Pamilyar ang babae. Magulo ang buhok. Naglalakad kasama ang isang lalaki. At halatang galing sa isang pribadong silid. Nang makilala ko kung sino siya, halos mabitawan ko ang beer ko. "Shanaia?" Napairap ako. Tsk. Akala mo kung sinong santa. May tinatago rin naman palang kalandian. Tumayo ako para lapitan sila. Pero natigil ako. Dahil nakita ko si Kyler. Nakatayo siya sa harapan nilang dalawa. At biglang nag-iba ang ekspresyon niya. Mula sa masayang lalaki kanina... Naging parang taong handang makipagsuntukan. Lalo na nang umakbay ang lalaki kay Shanaia. Humigpit ang kamao ni Kyler. Nagdilim ang mukha niya. At sa unang pagkakataon ngayong gabi, nakaramdam ako ng kakaibang kutob. Hindi ito simpleng pagkikita. Hindi ito simpleng away. At higit sa lahat... Parang kilala ni Kyler ang babaeng iyon. Habang pinagmamasdan ko silang tatlo, dahan-dahang lumiko sina Shanaia at ang lalaking kasama niya patungo sa fire exit. Hindi man lang sila pinigilan ni Kyler. Nakatayo lang siya roon. Tahimik. Galit. Nasasaktan. At biglang may pumasok sa isip ko. Napakunot ako ng noo. Teka... Huwag mong sabihing... Si Shanaia Villafuerte ang babaeng tatlong taon mong hinihintaySana'y bumuka na lang ang lupa sa kinatatayuan ko at tuluyan akong lamunin.Sa lahat ng klase ng kahihiyan na puwedeng maranasan ng isang tao, ito yata ang pinakamasakit—ang mapagtanto mong sa loob ng limang taon mong paghihintay, maling akala pala ang pinanghawakan mo.At ngayon, nakaupo ako sa harap ng babaeng limang taon kong hinanap, habang pilit na pinapakalma ang sarili ko dahil kanina lang ay halos gumawa ako ng eksena dahil nakita ko siyang kasama ang ibang lalaki.Ang tanga mo, Ethan.“Ba't yukung-yuko ka diyan?” tanong ni Shanaia. Kasunod noon ay marahang niyang inilapag ang tray sa mesa. “Baka mabali na yang leeg mo.”Napilitan akong tumingala. Sandali lamang. Dahil nang magtama ang mga mata namin, agad ko ring ibinaba ang tingin ko sa baso ng juice na nasa harapan ko.Hindi ko kayang titigan siya. Hindi matapos ang ginawa ko.“Salamat... sa juice,” mahina kong sambit.Kinuha ko ang baso at walang-isip na ininom ang laman nito nang diretso. Para bang kapag nalunok ko ang ju
The alcohol burned my throat.One bottle. Two. Three.Hindi ko na mabilang. Pero kahit gaano karami ang maubos ko, parang wala pa ring epekto. Siguro dahil mataas ang tolerance ko sa alak. O baka naman dahil mas matapang ang sakit na nararamdaman ko kaysa sa kahit anong alak sa mundong ito.I closed my eyes and laughed bitterly.Ang tanga mo, Ethan. Sana hindi ka na lang nagsinungaling kay Dad. Sana hindi mo sinabi na ibibigay mo sa kaniya si Nathan. Sana hindi ka natakot. Sana...Napamura na lang ako sa isip. Napakawalang-kuwenta mo."Kuya Eth-Napalingon ako sa pinto. "Shally."Halos mapaatras siya nang makita ang mga bote ng alak na nagkalat sa sala."What's happening to you, Kuya Ethan?""Just..." Tinungga ko ang laman ng bote. "Drinking.""Yeah, I can see that!" napataas ang boses niya. "Ang tinatanong ko, bakit ka naglalasing? Anong nangyari?"Hindi ako sumagot. Wala akong lakas. Wala rin akong alam kung paano ipapaliwanag ang pagkawasak ng buhay ko sa iilang salita.Bigla siyan
Sa paglipas ng araw, kahit papaano ay umaayos ang lagay ni Shanaia ayon sa doctor. Matapos nga ng mahigit isang buwan ay inilipat na siya sa VIP room. Akala ko sa private room lang dahil iyon ang nirequest ko pero yung doctor na nagpakilalang kaibigan ni Shanaia ay nag insist na sa VIP siya ilalagay. Ayos lang naman sakin kaya hinayaan ko na lang.“Kailan kaya siya magigising, doc?” -tanong ko habang hawak-hawak ang kamay ni Shanaia.“Hindi ko alam ang exact date pero sa tingin ko ay hindi na tatagal ng sobra bago siya magising. All we can do now is to wait.” -sagot niya at tumango na lang ako.Maya-maya ay nagpaalam na rin siyang aalis na. Hinatid siya ni Shally sa labas at nang bumalik ito ay hindi ko inaasahan ang taong nakasunod sa kaniya. Anong ginagawa niya dito?Madali akong napatayo at inayos ang sarili. Nagtatanong ang mga matang nilingon ko si Shally pero nagkibit balikat lang siya. “M-magandang araw po...s-sir.” -nauutal kong bati.“Is that how you greet your father-in-law?
Ethan's POVI did everything I could. I fought for her. I stayed. I learned how to love her the way she deserved. And somehow...it became enough.She never filed the annulment. We stopped being husband and wife only on paper. We became a real family. Little by little, she learned to love me back.The affection I used to beg for came naturally now-a good morning kiss, a worried glance whenever I worked too late, her hand finding mine without thinking.Those small things became my greatest victories. Even when the scandal about me and Jhade spread across the company, she never doubted me.Almost everyone believed the photos. She didn't. I'd forgotten that my wife was smarter than anyone gave her credit for. No one could fool Shanaia Villafuerte.Life wasn't perfect. Dad stripped Shanaia of her position as CFO. Then he removed me as CEO.But none of those losses compared to what came next. Because then... Shanaia told me she was pregnant. And for the first time in my life, I understood w
Unexpected meeting... Unexpected marriage...I was supposed to marry Shally Marie but instead, I married Shanaia. Marrying her is like a nightmare to me...at first. She's emotionless...expressionless...distant. Shanaia never smiled at me. She never smiled to anyone but to her sister only. I don't care, though! Because she's just nothing to me. Nagpakasal man kami pero sa papel lang kami mag-asawa."Unang-una, kinasal man tayo pero mag-asawa lang tayo sa papel. Wag mong kakalimutan na nagpakasal lang tayo para sa negosyo. Wag mo akong papakialaman at hindi rin kita papakialaman. Gagawin ko lahat ng gusto ko at hindi mo ako puwedeng pagbawalan. Lastly, hindi ka puwedeng ma-inlove sakin." -seryoso kong sabi sa kaniya."Okay." -tangi niyang sagot at sa walang ganang tono pa. Like what the hell! Ang haba ng sinabi ko pero iisang salita lang ang magiging tugon niya. Para niya naring sinabi na walang kuwenta yung sinabi ko. Kaya nga mas lalo pang nadagdagan ang inis na nararamdaman ko para s
SHANAIA ISABELLE“Mommy, I'm done!”Napahinto ako sa pagdi-diaper kay Caleb nang marinig ang malakas na sigaw ni Nathan mula sa loob ng banyo.“Saglit lang!” balik-sigaw ko, mas mahina kaysa sa boses niya.Tinapos ko munang ayusin ang diaper ni Caleb bago ko siya iniwang nakahiga sa kama. Dinampot ko ang tuwalya ni Nathan at agad siyang pinuntahan sa banyo.“Nathan,” mahinahon kong sabi habang ibinabalot sa kaniya ang tuwalya, “ilang beses ko nang sinabi sa'yo na huwag sumigaw nang ganyan?”Agad na lumungkot ang mukha niya. “Sorry, Mommy.”Napailing ako habang marahang pinupunasan ang buhok niya. “Just don't do it again, okay? Kapag inulit mo pa, magagalit na talaga ako. Understand?” Mabilis siyang tumango. “Good.”Ngumiti siya bago mabilis akong hinalikan sa pisngi. “I love you, Mommy!”Hindi ko napigilang mapangiti. “I love you too.”Binuhat ko siya palabas ng banyo kahit nakabalot pa rin siya sa tuwalya.“Ghad, Nathan,” natatawa kong sabi. “Mukhang kailangan na kitang i-diet.”Napa
ETHAN GREY Eksaktong alas-sais ng umaga nang magising ako. Gusto ko pang matulog. Mabigat pa ang ulo ko dahil sa dami ng nainom ko kagabi. Pero agad kong naalala ang sinabi ni Dad bago ako matulog. Pupunta kami ngayon sa mansiyon ng mga Villafuerte. Napabuntong-hininga ako at tumitig sa kisame. K
ELI CLAYTONWala pang alas-siyete nang makarating ako sa office ko sa loob ng club. Habang hinihintay si Shanaia, inabala ko muna ang sarili ko sa pagbabasa ng mga impormasyong nakuha ko tungkol sa pamilya Parker. Nakapatong sa mesa ang makapal na folder habang isa-isa kong binabalikan ang laman ni
KYLER EZEKIEL“Pwede ba?! Mamaya ka na mangulit! May ginagawa ako!”Irritado kong pinindot ang end call bago tuluyang pinatay ang cellphone ko. Isinuksok ko iyon sa bulsa ng suot kong jeans at napabuntong-hininga.Buwisit na lalaki.Alam nang tatlong taon na akong tumigil sa pambababae, pilit pa ri
SHANAIA ISABELLE Alas-singko y medya pa lamang ng madaling-araw nang magising ako. Sa tabi ko, mahimbing pa ring natutulog si Shally. Nakatalikod siya habang yakap ang unan na para bang wala siyang iniisip na problema sa mundo. Napangiti ako nang bahagya. Kapag ganitong oras ako nagigising, ala







