LOGINSHANAIA ISABELLE
Alas-singko y medya pa lamang ng madaling-araw nang magising ako. Sa tabi ko, mahimbing pa ring natutulog si Shally. Nakatalikod siya habang yakap ang unan na para bang wala siyang iniisip na problema sa mundo. Napangiti ako nang bahagya. Kapag ganitong oras ako nagigising, alam kong wala nang pag-asang makatulog muli. Kaya imbes na magpabalik-balik sa kama, nagpasya na lang akong mag-gym. Tutal, may sarili namang gym ang mansiyon. Maingat akong bumangon upang hindi magising si Shally bago tahimik na lumabas ng kaniyang silid. Pagdating sa kuwarto ko, mabilis akong naligo. Ilang minuto lang ang itinagal ko sa loob ng banyo bago lumabas na nakasuot ng puting bathrobe. Pagkatapos ay nagbihis na ako. Black sports bra. Black sweat shorts. Black rubber shoes. Simple. Comfortable. Practical. Mabilis ding natuyo ang natural kong itim na buhok dahil hindi naman ito gaanong makapal. Nang matuyo, itinali ko ito sa mataas na ponytail. Paglabas ko ng kuwarto ay kasabay namang bumukas ang pinto ng guest room. Lumabas si Arie. "Good morning, Miss Shanaia." Bahagya siyang yumuko bilang pagbati. Nakasuot siya ng puting T-shirt, itim na leggings, at running shoes. "Magja-jogging ka?" tanong ko. Tumango siya. "May gym naman dito sa bahay kung gusto mo." Nagpasalamat siya ngunit magalang na tumanggi. "Mas gusto ko po sanang tumakbo sa labas." Tumango na lamang ako. "Suit yourself." Nagpaalam siya at agad na lumabas ng mansiyon. Ako naman ay bumaba. Isa-isang bumati sa akin ang mga maid na nakakasalubong ko ngunit hindi ko na iyon pinansin. Pa-lagpas na sana ako sa kusina nang marinig ko ang boses ni Mom. "Maggi-gym ka?" Napalingon ako. Nakasuot siya ng apron at mukhang abala sa paghahanda ng almusal. Napakaaga. "Obviously." Wala sa gana kong sagot bago muling naglakad. "Ipapatawag kita kapag handa na ang breakfast." Narinig ko iyon ngunit hindi na ako lumingon. Masyado pang maaga para makipagplastikan. --- Matatagpuan ang gym sa likurang bahagi ng mansiyon. Katabi nito ang mini garden ni Mom at ang malaking swimming pool. Pagkapasok ko pa lamang ay agad kong binuksan ang air conditioner bago nagsimulang mag-stretch. Makalipas ang ilang minuto ay sinimulan ko na ang workout routine ko. Habang paulit-ulit kong ginagawa ang bawat set, hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kagabi. Sa totoo lang, wala akong ideya na may pag-uusap palang magaganap tungkol sa kasal. Bago pa man kami makarating sa Pilipinas, nag-utos na ako kay Clayton na maghanap ng impormasyon tungkol kay Ethan Grey Parker. At hindi ako nabigo. Sa dami ng impormasyong nakuha ko, lalo lamang akong nakumbinsing hindi bagay sa kapatid ko ang lalaking iyon. Womanizer. Irresponsable. At masyadong kampante sa buhay. Kaya nang dumating ako sa mansiyon at nadatnan silang nag-uusap tungkol sa kasal, pakiramdam ko ay kampi sa akin ang tadhana. Napangiti ako nang maalala ang mukha niya kagabi. Lalo na nang isa-isahin kong ihagis ang mga litrato niya kasama ang iba't ibang babae. Sa iba't ibang lugar. At iba't ibang sitwasyon. Halos maubo pa nga ang ama niya sa galit. At si Ethan? Mukhang gusto na akong lunurin gamit ang tingin niya. Sa mga oras na ito, sigurado akong galit na galit siya sa akin. Pero wala akong pakialam. Sa susunod naming pagkikita... Mas lalo ko pa siyang gagalitin. --- Makalipas ang halos isang oras, naupo muna ako sa isang stool upang magpahinga. Pinunasan ko ang pawis sa aking noo habang nililibot ng tingin ang buong gym. Ngayon ko lang napansin ang mga pagbabagong ginawa rito. Noon ay puro bato ang mga dingding. Ngayon ay glass walls na ang bahaging nakaharap sa pool. Mas maliwanag. Mas moderno. Mas elegante. May mga bagong kagamitan rin na halatang mamahalin. Naputol ang pagmamasid ko nang bumukas ang pinto. "Ate." Lumapit si Shally habang nakangiti. "Ready na ang breakfast." Tumango ako. "Kain na tayo." --- Pagdating namin sa dining room ay nadatnan ko si Mom na kausap si Arie. Pareho silang tumigil nang makita ako. Hindi ko na lang pinansin. "Ate, dito ka sa tabi ko." Hinila ako ni Shally sa upuang katabi niya. Napagitna ako sa kanilang dalawa ni Arie. Nasa unahan si Dad habang nasa tapat naman namin si Mom. Nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain. Magsasandok na sana ako ng kanin nang maunahan ako ni Mom. "Ako na." Napangiti siya. "Na-miss ko rin itong pagsisilbihan kayo ni Shally gaya noong mga bata pa kayo." Kinuha ko ang sandok mula sa kaniya. "I'm not a kid anymore." Diretso ko siyang tiningnan. "Kaya ko nang pagsilbihan ang sarili ko." Bahagyang natigilan siya. Ngunit pinilit pa rin niyang ngumiti. "Of course." Tahimik akong nagsandok ng pagkain. Ilang minuto ring walang nagsalita. Hanggang sa basagin iyon ni Dad. "Shanaia." Nakataas ang tingin niya sa akin. "Gusto kitang makausap pagkatapos nating kumain." "Pupunta kami ni Shally sa mall." Ramdam kong napatingin sa akin si Shally. Hindi pa namin iyon napag-uusapan. Ngunit wala na siyang sinabi. "Then let's talk when you get back." Nilunok ko muna ang pagkain bago sumagot. "Baka gabi na kami makauwi." Napailing ako. "Maybe next time, Dad." Tumahimik ang buong mesa. Maya-maya ay marahas na bumagsak ang kubyertos sa plato. Ngunit hindi ko iyon pinansin. "Kung hindi mo kayang makipag-usap mamaya," madiing sabi niya, "ngayon na tayo mag-uusap." Kitang-kita ko ang pagpipigil niya sa galit. Nagpunas muna ako ng labi gamit ang table napkin bago tumingin sa kaniya. "I said next time." Diretso ang tingin ko sa kaniya. "And don't worry." Tumayo ako. "Hindi ako aalis ng bansa." Bahagyang lumambot ang boses ko. "Mananatili ako rito hanggang makausap kita at masigurong wala nang kasalang magaganap." "Anak—" "Wala na akong gana." At iniwan ko silang lahat sa dining room. --- Makalipas ang ilang oras, matapos ang shopping spree nila ni Shally, huminto si Shanaia sa paglalakad. Bigla. Walang babala. Napakunot-noo si Shally. "Ate?" Hindi sumagot si Shanaia. Nakatitig lamang siya sa direksyon ng isang lalaki. Isang lalaking unti-unting lumalapit sa kanila. Huminto ang mundo ni Shally nang makilala niya ito. Maging ang paghinga niya ay tila saglit na nakalimutan. Samantalang si Shanaia ay nanatiling walang ekspresyon. Malamig. Hindi mabasa. Huminto ang lalaki ilang hakbang ang layo sa kanila. Nakatitig lamang siya kay Shanaia. Parang natatakot na baka mawala ito kapag kumurap siya. Pagkatapos ng mahabang katahimikan, nagsalita siya. Mababa. Punong-puno ng pananabik. At pangungulila. "You're back."SHANAIA ISABELLEPagkaalis ko sa restaurant ni Kyler, hindi muna ako umuwi. Tahimik akong nagmamaneho habang nakatanaw lang sa kalsada. Hindi ko alam kung saan ko gustong pumunta—ang alam ko lang, hindi pa ako handang bumalik sa mansiyon.Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Shally. "Hapon na ako makakauwi. Huwag mo na akong hintayin sa tanghalian.""Sige po, Ate. Pero kumain ka rin, ha? Huwag kang magpapagutom."Hindi ko napigilang mapangiti. "Okay."Tinapos ko ang tawag at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.Makalipas ang ilang minuto ay pumasok ako sa parking lot ng isang condominium. Agad kong ipinarada ang kotse at dumiretso sa loob ng building.Binati ako ng security guard, ngunit tumango lang ako bilang tugon. Hindi na rin ako dumaan sa reception. Kabisado ko na ang unit number ni Clayton.Pagkabukas ng elevator sa ikasampung palapag, diretso akong naglakad papunta sa kaniyang condominium. Isang pindot lang sa doorbell ang ginawa ko. Ilang segundo pa lang ang lumipas nang bumukas
KYLER EZEKIELBandang alas otso ng umaga nang magising ako, ngunit pakiramdam ko ay wala man lang akong naitulog. Mabigat ang ulo ko. Parang may martilyong paulit-ulit na pumapalo sa sentido ko. Hindi ko alam kung epekto ba iyon ng alak... o ng babaeng hindi na nawala sa isip ko buong magdamag.Si Shanaia.Paulit-ulit na bumabalik sa alaala ko ang eksena sa club.Ang lalaking kasama niya. Ang pag-akbay nito sa kaniya. At higit sa lahat..."Kung gusto mong maka-usap ang baby ko, next time na lang. Kakagaling lang namin sa kuwarto."Napapikit ako at mariing kinuskos ang mukha ko. "Tangina..."Hindi ko alam kung ano ang dapat kong paniwalaan. Talaga bang galing sila sa iisang kuwarto? O baka naman mali lang ang pagkakaintindi ko? Maybe they were discussing something important. Something private. Pero...Bakit ang sakit pa ring isipin?Napailing ako. "Ano ba 'tong iniisip ko?"Pinilit kong bumangon at dumiretso sa banyo. Mas mabuti pang bisitahin ko si Sky. Siya lang ang lugar na kahit pa
ETHAN GREY Eksaktong alas-sais ng umaga nang magising ako. Gusto ko pang matulog. Mabigat pa ang ulo ko dahil sa dami ng nainom ko kagabi. Pero agad kong naalala ang sinabi ni Dad bago ako matulog. Pupunta kami ngayon sa mansiyon ng mga Villafuerte. Napabuntong-hininga ako at tumitig sa kisame. Kung hindi lang talaga importante ang dahilan ng pag-iimbita nila, hindi ako babangon nang ganito kaaga. Pagkauwi ko kagabi mula sa club ay saka ko lang nalaman na tumawag si Mr. Villafuerte kay Dad. Halos mag-aalas-onse na ako nakauwi noon kaya kulang-kulang limang oras lang ang tulog ko. Kaya sana naman, may magandang dahilan sila para gambalain ang pahinga ko. Matapos maligo nang halos dalawampung minuto, nagpahatid ako ng mainit na soup sa kuwarto. Saktong si Mom ang nagdala. "Gaano ba karami ang nainom mo kagabi?" tanong niya habang inilalapag ang tray sa mesa. Umupo ako at kumuha ng kutsara. "Biglaan naman kasi ang imbitasyon nila," sagot ko habang humihigop ng soup. "Kung alam ko l
ELI CLAYTONWala pang alas-siyete nang makarating ako sa office ko sa loob ng club. Habang hinihintay si Shanaia, inabala ko muna ang sarili ko sa pagbabasa ng mga impormasyong nakuha ko tungkol sa pamilya Parker. Nakapatong sa mesa ang makapal na folder habang isa-isa kong binabalikan ang laman nito.Napangisi ako. Sigurado akong hindi magiging maganda ang reaksyon ni Shanaia kapag nalaman niya ang mga impormasyong ito.O baka hindi rin. Si Shanaia pa naman iyon. Napakahirap basahin ng emosyon niya. Hindi mo malalaman kung galit ba siya, masaya, nalulungkot, o nasasaktan dahil palagi siyang may poker face. Walang emosyon sa mga mata. Walang ekspresyon sa mukha. Minsan naiisip ko na baka ganoon talaga kapag sobrang dami mong pinagdaanan. Unti-unti kang natututong itago ang lahat hanggang sa wala nang makabasa ng nararamdaman mo.Ilang minuto pa ang lumipas nang bumukas ang pinto ng office. Napatingin agad ako roon. At gaya ng inaasahan, si Shanaia iyon.Agad akong tumayo mula sa swive
ETHAN GREYKulang na lang ihagis ko ang laptop ko sa pader dahil sa sobrang inis.Halos isang oras nang naka-loading ang hinahanap kong impormasyon, pero wala pa rin akong napapala."Nakakabwisit ka talaga!"Muli kong pinindot ang refresh button.Loading.Loading.Loading.At nang tuluyan itong matapos, wala pa ring lumabas.Wala.Kahit isang impormasyon tungkol kay Shanaia Villafuerte.Para bang hindi siya nag-eexist.Ni wala man lang lumalabas na lumang larawan, social media account, o kahit anong koneksiyon sa pamilya nila. Maging sa profile ng mga magulang niya at ni Shally, wala man lang kahit isang bakas ng pangalan niya.Napahilamos ako sa mukha.Pagkatapos ay dinampot ang lata ng beer at lumagok nang mahaba."Who the hell are you, Shanaia Villafuerte?"Pakiramdam ko tuloy mas lalo akong naiintriga sa babaeng iyon.At mas lalo akong naiinis.Saktong tumunog ang cellphone ko.Hindi ko man lang tiningnan kung sino ang tumatawag bago sinagot."Hello.""Parang bad mood ka ah."Napa
KYLER EZEKIEL“Pwede ba?! Mamaya ka na mangulit! May ginagawa ako!”Irritado kong pinindot ang end call bago tuluyang pinatay ang cellphone ko. Isinuksok ko iyon sa bulsa ng suot kong jeans at napabuntong-hininga.Buwisit na lalaki.Alam nang tatlong taon na akong tumigil sa pambababae, pilit pa ring nagyayaya sa club at kung anu-anong kalokohan.“Sir, fifteen thousand pesos po.”Napalingon ako sa cashier at iniabot ang card ko.Pagkatapos magbayad ay kinuha ko ang paper bag na naglalaman ng dress na pinabili ni Claire. Lalabas na sana ako ng boutique nang mapahinto ako sa mismong pintuan.Parang huminto ang buong mundo.Parang nawala ang lahat ng ingay sa paligid.Dahil naroon siya.Nakatayo ilang metro ang layo sa akin.Kasama ang kapatid niyang si Shally.Shanaia.Tatlong taon.Tatlong mahabang taon ko siyang hindi nakita.At ngayon, nasa harapan ko na siya.Mas maganda.Mas elegante.Mas malamig.Mas mahirap abutin.Unti-unti akong lumapit habang pilit kinokontrol ang mabilis na t







