MasukSaglit na nahinto si Alvaro sa pagsasalin ng alak sa kopita nang mamataan niya ang kanyang Uncle Philip na naglalakad palapit sa kanyang kinaroroonan. Halatang kararating lang nito dahil naka-business suit pa rin ang matandang lalaki na siyang suot nito sa kanilang kompanya kanina.
Philip had his own condo unit. Doon talaga ito nakatira pero dahil sa ito na lamang pinakamalapit nilang kamag-anak ay may mga pagkakataong doon ito sa bahay nila namamalagi. May sarili itong silid sa kanilang bahay na inookupa nito sa tuwing naroon.
Especially after their parents died. Dahil sa silang dalawa na lamang noon ni Sabrina ang magkasama ay napatagal ang pagsama sa kanila ng matandang lalaki. Iyon din kasi ang mga panahong tinulungan siya nito at ginabayan sa kung paano pamamahalaan ang kanilang kompanya. Dahil sa ang kanyang ama ang nagtatag ng kanilang negosyo, si Alvaro ang nagmana ng pamamalakad niyon nang mawala ito.
Hindi niya makakaya ang lahat ng iyon kung wala si Philip. Lalo na nang mamatay si Sabrina, ito ang lubos na nakaintindi ng pagdadalamhati niya. Kung iisipin, mas sukdulan pa ang galit na nadama nito nang matuklasan din ang tungkol sa mga nakasulat sa diary ng kanyang kapatid. Parang anak na ang turing nito sa kanila ni Sabrina kaya hindi rin nito matanggap ang sinapit ng kapatid niya.
“Drinking alone at this hour?” tanong nito nang tuluyang makalapit sa kanya. Mataman pa nitong pinagmasdan ang bote ng alak na hawak-hawak niya. Halos mangalahati na iyon, palatandaang kanina pa siya umiinom.
“Want to join me, Uncle?” tanong niya sa halip na sagutin ang mga sinabi nito. Dahil naroon lang din siya ng mini bar ng kanilang bahay ay madali siyang nakakuha ng isa pang kopita para sa kanyang tiyuhin. Hindi pa man ito sumasagot at agad na niya iyong sinalinan ng alak saka iniabot dito.
Hindi iyon tinanggihan ni Philip at agad tinanggap ang naturang inumin. Bago sumimsim ay nagtanong pa muna ito sa kanya. “I notice that you’ve been drinking a lot lately. May problema ba? I’m sure it’s not about the company. I checked all the projects. Maayos naman lahat.”
Alvaro just shrugged his shoulders. “The wedding is off,” tipid niyang saad saka inisang lagok ang isinaling alak sa kopita niya.
Because of what he said, Philip stared at him in disbelief. Naibaba rin nito sa counter ng kanilang mini bar ang kopitang ibinigay niya. “You’re joking, aren’t you?”
“It’s been weeks since she broke up with me, Uncle,” imporma niya sa matandang lalaki saka nagsalin ulit ng alak.
“Why?” nagtataka nitong tanong na agad nagpaigting ng kanyang mga panga.
Agad kasing bumalik sa kanyang isipan ang nangyari kung bakit nakipaghiwalay sa kanya si Jewel. Ilang linggo na nga ang lumipas mula nang nangyari iyon. Sa ngayon, nasa ibang bansa na ang dati niyang kasintahan at mas inabala ang sarili nito sa iba’t ibang fashion show na dinadaluhan. Ni ang makipag-usap ulit sa kanya ay hindi na nito ginawa.
Sumagi pa sa isipan niya ang dahilan ng lahat ng iyon--- ang walang kuwentang flower shop na binilhan ni Baron ng mga bulaklak. Dahil sa kaisipang iyon ay hindi ring maiwasang maalala niya ang babaeng nagpadala ng maling bulaklak kay Jewel.
Alvaro stopped in his tracks. The woman’s innocent face crossed his mind. Nagagalit siya dahil sa pagkakamaling nagawa nito at wala siyang pakialam sa takot na lumarawan sa mukha nito nang puntahan niya sa naturang flower shop. She looked young, must be on her nineteen or twenty only. But he didn’t care at all. Nagpakatanga pa rin ito sa trabahong ginagawa dahilan para magkasira sila ng kanyang kasintahan.
“Alvaro,” untag ni Philip sa kanya nang ilang saglit na ang lumipas ay hindi pa rin siya nagsasalita. “I am asking you, why did the two of you break up? At ilang linggo na mula nang mangyari iyon? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?”
“I got busy, Uncle. Besides, you know me. Hindi ko ugaling magkuwento nang basta-basta.”
Philip slightly titled his head then stood up straight again. Alvaro didn’t need to elaborate but he knew his uncle got his point. Hindi siya makuwentong tao, lalo na kung tungkol sa relasyon niya sa babae ang pag-uusapan.
“So, why the break up?”
Nagpakawala muna siya ng isang malalim na buntong-hininga bago tumugon dito. “Hindi ako nakasipot sa date namin.”
“Just because of that?” manghang tanong nito. “She’s often out of the country because of her career. Ni hindi ka nagrereklamo sa pag-alis niya, Alvaro. And now, dahil lang sa hindi ka nakapunta sa date ninyo, tumalikod na siya sa kasal?”
“It’s not just that, Uncle.”
Isinalaysay niya rito ang mga nangyari--- ang tungkol sa hindi niya pagdating sa dapat ay date nila ni Jewel, sa pagpapabili niya ng bulaklak kay Baron para ipadala sa dalaga bilang peace offering at ang tungkol sa pagkakamali ng flower shop sa ipinadalang bulaklak. Matapos maisalaysay ni Alvaro ang lahat ay bigla na lang siyang natigilan nang napabulalas ng tawa si Philip.
Stunned by his reaction, Alvaro stared at his uncle sharply. “What’s funny?”
“N-Nothing,” saad ni Philip, halos umaalog pa ang mga balikat dahil sa pagtawa. “I just can’t imagine what Jewel felt that moment, Alvaro. Imagine receiving flowers intended for dead? Kahit sino ay uusok ang bunbunan dahil doon.”
“Kung hindi dahil sa katangahan ng bantay ng flower shop ay hindi mangyayari iyon,” turan niya. Muli pang sumagi sa isipan niya ang babaeng siyang dahilan ng lahat.
“Bakit ba kasi hindi ka sumipot sa date ninyo? Wala ka sanang problema ngayon.”
“Heard about what happened to Trace’s son and fiancée?” aniya. “Sumama ako sa kanya sa pagligtas sa anak niya’t kasintahan.”
“You what?!”
Alvaro heaved out a deep sigh. Dala ang kopitang sinalinan niya pa lang ng alak ay naglakad siya patungo sa may lanai ng kanilang bahay. Dama niya pa ang mabilis na pagsunod sa kanya ni Philip na agad siyang pinaulanan ng tanong.
“Why did you help that man? Have you forgotten what he did to your sister?”
“Hindi ko nakakalimutan, Uncle,” sansala niya sa mga sinabi nito. “But his son and his fiancée had nothing to do with what happened to Sabrina.”
“Konektado sila kay Trace kaya may kinalaman sila sa lahat,” galit nitong sabi. Katulad niya ay nakadarama ito ng labis na galit para kay Trace matapos nilang mabasa ang diary ni Sabrina. Parehong si Trace ang pinaghihinalaan nilang siyang nasa likod ng pagpapakamatay ng kanyang kapatid. “Hindi ko gustong palampasin ang nangyari kay Sabrina, Alvaro. Buhay pa sana ang kapatid mo kung hindi sinamantala ng lalaking iyon ang kainosentehan niya.”
Alvaro’s face hardened as he thought about his sister. Kahit siya man ay gustong mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Sabrina. Ang kaalamang may lalaking nanggahasa rito ay labis na nagpapakulo ng kanyang dugo.
“We need to do something, Alvaro. Trace has to pay to what he did to Sabrina.”
“I know, Uncle... I know,” saad niya, nakatiim-bagang pa.
*****
“SIYEMPRE, hindi ako makakalimot sa inyo, ‘no!” nakaingos na saad ni Patty isang hapong nagbabantay sila sa flower shop. Abala ito sa pag-aayos ng mga bulaklak sa isang basket habang nagkukuwentuhan sila.
Anie just smiled. Pinag-uusapan kasi nila ang pagpunta nito sa ibang bansa kasama ang banyaga nitong kasintahan. Niloloko ito ni Emmy na baka hindi na sila maalala kapag nasa ibang bansa na.
“Siguraduhin mo lang, Patty,” pabirong wika ni Emmy.
“It will never happen. Right, love?” maarte pa nitong baling sa nobyong tahimik lamang na nakaupo sa isang tabi--- si James. Isinama ito roon ni Patty na nasisiguro niyang kanina pa walang ideya sa kung anong pinag-uusapan nilang magkakaibigan.
“Ay, sus, nang-inggit pa.” Emmy rolled her eyes jokingly. Hihirit pa sanang muli ito nang matigilan na dahil sa pagpasok ng isang lalaki sa kanilang shop.
Maging siya ay naging alerto para asikasuhin ang naturang customer. Dumiretso ito sa pinaglalagyan ng mga rosas at pumili pa sa mga naroon.
“Anong bulaklak ang hanap mo, Sir?” magalang na tanong ni Emmy.
The man didn’t answer. Nakatutok lang ang paningin nito sa mga bulaklak saka marahan pang humakbang hanggang sa dulo ng eskaparate, iyong malapit sa kinauupuan ng nobyo ni Patty. They just watched him and waited for him to choose what to buy.
Hanggang sa maya-maya ay nanlaki na lamang ang mga mata ni Anie nang mabilis na hablutin ng lalaki ang dalawang cell phone na nakapatong lamang lamesang naroon. Cell phone iyon nina Patty at James.
“Ayyy!” malakas na tili ni Patty nang makita nito ang nangyari.
Mabilis na tumakbo palabas ang lalaki at dire-diretsong nilapitan ang motorsiklong waring naghihintay lang dito. May kasamahan ito roon na nakahanda nang magmaneho.
Out of instinct, Anie ran towards him. Ang nasa isipan niya ay ang mabawi ang cell phone nina Patty at James.
“Anie!” sigaw naman ni Emmy nang makitang humabol siya sa lalaki.
“Ibalik mo ang mga iyan!” bulyaw niya at halos hindi na nakapag-isip nang maayos. Bigla niyang iniharang ang kanyang sarili sa daraanan ng mga ito sa pag-aakalang mapapatigil niya ang mga lalaki. Ngunit laking gulat na lamang ni Anie nang magpaharurot pa rin ang lalaking nagmamaneho sanhi para masagi ang kanyang kaliwang binti na agad niyang ikinatumba.
“Anie!”
“Anie!”
Magkapanabay na sigaw nina Emmy at Patty. Mabilis na tumakbo ang mga ito palapit sa kanya kasunod si James.
“Ayos ka lang ba?” Emmy asked worriedly. Tinulungan pa siya nitong tumayo kasabay ng panlalaki ng mga mata pagkakita sa binti niyang nagtamo ng sugat.
“Mga walanghiyang lalaking iyon!” Patty exclaimed.
“O-Okay lang ako,” aniya sa mga ito, napapangiwi pa dahil sa sakit.
May dalawang babae pang lumapit sa kanila at nakiusyoso sa nangyari. Si Emmy ay hindi maalis ang pag-aalala sa kanya na pilit pang inaakay siya para madala sa ospital. Sa kabila ng pagtanggi niya ay nagpupumilit ito.
“What happened?” tanong ng isang baritonong tinig na agad nagpalingon sa kanilang lahat.
Anie’s eyes widened as she recognized the man that approached them--- si Trace De la Serna, ang kapatid niya sa ama.
“Sir, baka pupuwede ninyo kaming tulungan na madala sa ospital itong kasama namin,” agad na wika rito ni Emmy. “May masamang loob kasing pumasok sa flower shop at hinablot ang cell phone ng dalawa naming kasamahan. Hinabol nitong si Anie, hayan tuloy at nabundol pa ng motor ng lalaking iyon.”
Trace looked at her. Kumunot ang noo nito na kung nakilala man siya ay hindi niya alam.
“Sir...” untag pa rito ni Emmy.
“H-Hindi na kailangan, Emmy. Nakahihiya lang at---”
“Get in my car. I will drive you to the hospital,” mabilis nang putol ni Trace sa pagsasalita niya.
Ni hindi na ito naghintay ng sagot at naglakad na palapit sa isang sasakyan.
“Emmy, hindi na kailangan,” mariin niyang bulong.
“Halika na. Kailangan mong mapatingnan iyang binti mo,” giit naman ng kaibigan niya.
“Don’t waste my time, Miss. Gusto mo bang magpahatid sa ospital o hindi?” Trace blurted out. Bakas na ang yamot sa tinig nito. Ganito ba talaga ang kapatid niya? Parang laging galit.
Wala na silang nagawa kundi ang lumapit sa sasakyan nito. Si Emmy na ang nagpasyang sumama sa kanya sa ospital habang naiwan na para magbantay sa shop sina Patty at James.
Nang makarating nga sa ospital ay agad na siyang inasikaso ng doktor at nilapatan ng gamot ang sugat niya sa binti. Pakiramdam niya pa’y hindi naman na kailangang dalhin siya roon. Maliban sa sugat ay wala namang malubhang nangyari sa kanya.
Saglit pa ngang nagpaalam sa kanila si Trace na waring may kailangang tawagan. Hawak kasi nito ang pag-aaring cell phone nang iwan sila ni Emmy.
“Okay ka lang ba muna rito? Tatawagan ko lang si Miss Chic. Kailangan kong sabihin sa kanya ang nangyari,” wika ni Emmy na agad niyang ikinatango.
Naglakad nga muna ito palayo sa kanya nang siguraduhin niyang ayos lang siya. Nang mapag-isa roon ay hindi pa maiwasang mapaisip ni Anie. Sa dami ng tao, si Trace De la Serna pa talaga ang dumating para tulungan siya. Gusto niya tuloy isiping pinaglalapit na talaga siya at ang pamilya ng kanyang ama.
Agad na nahinto ang lahat ng tumatakbo sa isipan ni Anie nang maya-maya’y may humawi sa kurtinang nakatabing sa kanyang kinaroroonan. Hindi niya pa maiwasang mapaupo nang tuwid nang bumungad si Trace at ang babaeng kasama nito sa foundation noon, ang kasintahan nito.
“I-Ikaw iyong nasa foundation, hindi ba? A-Anie, right?” the woman asked her. Agad siya nitong nakilala.
She swallowed hard and nodded her head. “A-Ako... ako nga,” aniya saka binalingan si Trace. “Gusto kong magpasalamat sa pagdala mo sa akin dito sa ospital. P-Pasensiya na sa... sa abala.”
“I think you are okay now. Maya-maya lang ay narito na ang kasama mo. You can just wait for her here. Aalis na rin kami ng kasintahan ko,” pahayag ni Trace. Mag-aaya na sana itong umalis nang magwika ulit ang kasintahan nito.
“Nagtatrabaho ka sa foundation, hindi ba?” the woman asked once more.
“H-Hindi ho full time. S-Sa... Sa foundation na iyon lumaki ang nanay ko kaya kilala ko rin ang mga tao roon. Kaya sa tuwing may mga okasyon o may mga kailangang gawin ay naroon talaga ako para tumulong.”
“Ano ang buo mong pangalan?” usisa ulit ng babae.
Agad siyang natigilan dahil sa tanong nito. Nang hindi nga siya nakaimik ay nagpatuloy pa ang kasintahan ni Trace sa pagtatanong sa kanya.
“Miss?” untag nito. “What’s your full name?”
Sunod-sunod muna ang naging paglunok ni Anie bago nagwika. “A-Anie Mance... De la Serna...”
Natatarantang pinaglipat-lipat ni Anie ang kanyang paningin sa mga taong naroon. Iba’t ibang emosyon ang nakalarawan sa mukha ng mga ito habang nakatitig sa kanyang anak. Si Theo ay may ngiti sa mga labi habang nakatuon ang mga mata kay Ava. Noon pa man ay alam na niyang magiliw talaga ito sa kanyang mga anak. Hindi nakaliligtas sa kanya ang tuwa sa mukha nito sa tuwing kasama ang dalawang bata.And surprisingly, Anie saw a smile on Jewel’s face as well. Mukhang naaliw din ang dalaga nang makita si Ava lalo na nang magsalita ito. Sa dalawang anak niya kasi, si Ava talaga ang mas madaldal habang si Archer naman ay mas madalas tahimik at seryoso lamang. Iyon marahil ang rason kung bakit nakuha ni Ava ang atensyon ni Jewel. Ganoon pa rin kaya ang reaksyon nito kapag nalamang anak ni Alvaro ang batang pinagmamasdan nito ngayon?Then, she looked at James. Isang makahulugang tingin ang iginawad niya rito na waring agad naman nitong nakuha. Mabilis na nga itong napatayo nang tuwid bago disim
Malakas na naitulak ni Anie si Alvaro na labis nitong ikinabigla. Nang mapaatras ang binata ay mabilis na siyang bumaba mula sa pagkakaupo sa kanyang mesa. Isa-isa na niyang isinara ulit ang mga butones ng suot niyang blusa saka inayos ang kanyang sarili.She wanted to hate herself. Bakit ganoon na lamang ang epekto nito sa kanya? Bakit kaydali niyang makalimot basta ito ang kasama niya? Bakit kaydali niyang madarang sa bawat halik at haplos nito? Kung hindi pa ito nagtanong tungkol sa peklat niya sa tiyan ay hindi pa siya babalik sa matinong kaisipan.Hindi na siya natuto. Minsan na siyang napaglaruan ni Alvaro, napapayag na maging alipin nito sa kama bilang kabayaran ng kasalanang inaakusa nito. Hinayaan niyang mangyari iyon dahil na rin sa ayaw niyang magpang-abot ito at ang pamilya niya. But deep inside, Anie knew it wasn’t only about it. Alam niya sa kanyang sariling unti-unti na siyang nahulog sa binata sa kabila ng dahilan ng pagdala nito sa kanya sa resort na iyon.And she was
Daig pa ni Anie ang ipinako sa kanyang kinatatayuan nang lumapat ang mga labi ni Alvaro sa kanya. Nanlaki rin ang kanyang mga mata dahil sa labis na pagkabigla. His lips were pressed firmly against her lips and she couldn’t even move her head to avoid him. Mariin din kasi ang hawak nito sa kanyang batok dahilan para hindi siya makaiwas.Agad niyang naiangat ang kanyang dalawang kamay at mariing napahawak sa long-sleeved polo na suot ni Alvaro. Ilang segundong para siyang nawala sa kanyang sarili dahil sa paghalik na ginawa nito. Matapos ang maraming taon ay ngayon lamang ulit siya nahagkan ng binata at sari-saring emosyon ang agad na lumukob sa kanyang dibdib dahil doon.Pero agad niyang pinanaig ang matinong kaisipan. Hindi niya itatangging malaki pa rin ang epekto sa kanya ni Alvaro. He still had a huge effect on her to the point that she couldn’t help but rattled in anticipation whenever he’s near. Pero mali... maling-mali kung hahayaan niya ito sa ginagawa ngayon. He’s getting mar
Parang wala sa sariling sinasalansan ni Anie ang ilang papel na nasa ibabaw ng kanyang mesa. Inililigpit na niya ang ibang gamit roon habang ang ilan naman na dinadala niya pauwi ay isinisilid na niya sa loob ng kanyang shoulder bag.It was already passed six in the afternoon. Kanina lang sila nakabalik ni Theo sa PJ Studio matapos ng ilang oras na pagkuha ng litrato kina Alvaro at Jewel. Si Theo ay agad na inasikaso ang pag-eedit ng ibang larawan ng magkasintahan samantalang siya ay sinimulang magbasa ng mga email na natanggap ng studio. Nang mapansin niyang mag-aalas sais na rin naman ay nagsimula na siyang mag-ayos ng kanyang mga gamit.Malayo ang itinatakbo ng isipan niya. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi mawala sa isipan niya ang ekspresyong nakita niya sa mga mata ni Alvaro nang magtagpo ang kanilang mga paningin kaninang kinukuhanan ni Theo ng larawan ang mga ito.He was instructed to look at Jewel with loving expression in his eyes. And yes, he was able to give the emotio
“I-I am glad you came, Anie,” saad ni Marcelo sa mahinang tinig habang may ngiti sa mga labi.Gumanti rin ng ngiti si Anie sa kanyang ama kasabay ng marahan niyang paghakbang palapit sa kamang kinahihigaan nito. Bakas na ang katandaan kay Marcelo, maging ang pagiging mahina ng katawan nito. At kahit pa lumaki siyang hindi malapit sa kanyang ama ay hindi niya pa rin maiwasang mag-alala para rito.Nakalabas na ito ng ospital at ngayon ay sa bahay na lamang tuluyang nagpapagaling. Though, she saw a nurse a while ago and Anie knew she was personally taking care of her father. Sa yamang mayroon ang mga De la Serna, nasisiguro niyang hindi pababayaan ng kanyang mga kapatid ang kalusugan ng kanilang ama at kayang-kayang kumuha ng mga ito ng personal nurse.Nang tuluyang makalapit sa kamang kinaroroonan nito ay naupo sa isang silyang nakapuwesto malapit roon si Anie. Matapos niyang makausap ang kanyang Kuya Trace ay ngayon lamang siya nagpasyang dalawin ang kanyang ama. Nagdadalawang-isip pa
Marahang naglakad si Anie palapit sa tatlong tao na ngayon ay pare-pareho nang nakatuon sa kanya ang mga mata. There was Theo. Kasama na nito ang mga bagong kliyente nila sa PJ Studio. Agad pang napatitig si Anie sa babaeng kaharap ng katrabaho niya. She was beautiful, dressed sophisticatedly and with so much class. Ito iyong uri ng babae na kahit siguro hindi maglagay ng kolorete sa mukha ay maganda pa rin.Then, her eyes darted to the man beside the lady. Ang lalaking sa loob ng mga nakalipas na taon ay hindi niya man lang nakalimutan. Sa tingin niya nga, wala yatang araw na hindi man lang ito pumasok sa isipan niya. Araw-araw ay may nagiging paalala sa kanya ang binata--- ang kanyang mga anak.It was the reason why it became so hard for her to forget him. How could she? Sa tuwing nakikita niya ang mga bata ay ito ang naaalala niya.Si Alvaro...Mariing napalunok si Anie. Nagtagpo ang kanilang mga paningin dahil sa kanya na rin nakatitig ang binata. Hindi pa maitago ang pagkagulat s







