Pabagsak akong umupo sa silya pagkabalik ko sa loob ng resto. Nakakainit talaga ng ulo ang lalaking 'yon! Agh! Bakit ko ba 'yon minahal?! Nakakainis!
"Okay, ka lang?"Nilingon ko si Neca na mukhang nag-aalala, saka ay nginitian siya. "Yeah. I'm fine. May nakita lang akong aso sa labas. Alam mo namang allergic ako sa mga aso," paliwanag ko.Mabuti na lang at hindi na nila inusisa pa ang nangyari. Samantalang ako yamot na yamot pa rin dahil sa tarantadong 'yon. Pagbintangan ba naman akong nanlalaki? Baliw ba siya?Hindi kami magkatulad na kung saan siya mapunta may kabila't kanan siyang babae. Sumasakit na nga 'tong ulo ko dahil sa kaniya, dadagdagan ko pa ng isa?! Ay huwag na! Baka makalbo na ako ng hindi pa umaabot ng trenta.At walang-wala sa lugar ang pinagseselosan niya. Si Jerald? Kahit guwapo si Jerald, wala kaming talo no! Magkaibigan lang kami!Pagkatapos naming kumain ay umalis na rin kami sa resto."Saan pa kayo?" tanong ni Jerald.Nagkatitigan kaming dalawa ni Neca."Uuwi na ako. Ikaw, Ley?"Nakamot ko ang aking pisngi. "Uuwi na rin ako. Hinihintay na ako sa'min, e." Sige magsinungaling ka pa! Wala namang naghihintay sayo do'n!Naghiwa-hiwalay na kami nang sunod-sunod na dumating ang mga taxi namin. Gusto sana nilang sumabay na kami sa iisang taxi para makatipid pero tinanggihan ko kasi, ayokong malaman nila kung saan ako nakatira. Mahirap na. Mas malapit kasi ang bahay ko sa kanila kaya sigurado akong ako ang unang ihahatid ng taxi.No one must know that I'm wedded to someone, remember?Nang papasok na sana ako sa loob ng taxi ay hindi ko parin mapigilang silipin kung nasa kabilang restaurant pa rin ba si Xeno, pero na disappoint lang ako nang hindi ko na siya nakita.Ano pa bang ina-assume mo Ley? Wala ka rin namang mapapala kung makita mo ang damuhog 'yon! Sigurado namang may nakalingkis na namang sawa d'on.Napangiwi ako sa sariling naisip. Nga naman. May Nikki nga siyang kasama diba? Kaya ano pa 'yang kina-disappoint ko? TssPag-uwi ko sa bahay ay ibinigay ko na kay Manang Kora ang mga pinamili ko para mai-arrange niya. Pagkatapos ay saka ko pa lang in-on ang cellphone ko. In-off ko nga pala 'to kanina dahil sa galit kay Xeno. Ganun na lang ang gulat ko nang sunod-sunod na nag-notify ang mga message ni Xeno.Napaismid agad ako bago ko ito binasa isa-isa habang naglalakad papuntang kwarto ko.From XenoNgaling: Ba't mo ko binabaan ng tawag?From XenoNgaling: At least ako nag-iingat, ikaw hindi. If you don't want our reputation to ruin then umayos ka. Hindi 'yong kung sino-sinong lalaki ang kasama 'mo.Hindi pa lang ako nakararating sa kwarto ko ay kumukulo na ang dugo ko dahil sa messages niya.From XenoNgaling: And honestly, I don't care kung sino yang mga kasama mo, just don't let me see you with a man kung hindi mo pa rin pinepermahan ang divorce papers na binigay ko sayo.From XenoNgaling: Sign the papers if you already have someone. That works fine to me as well.Pabalag kong sinara ang pinto ng kuwarto nang makapasok na ako."Ang sarap talagang tirisin ng lalaking 'to!" timping sigaw ko.God naman eh! Ano bang nagawa ko sa past life ko at pinaparusahan mo ako ng ganito? Naging isa ba akong kriminal dati? Nagkautang ng malaking halaga pagkatapos ay hindi ko binayaran? Naging makasarili ba ako noon?Napabuga na lamang ako ng hangin. Feeling ko kasi kapag hindi ako humanap ng outlet to release my stress ay sasabog ako. Pagkatapos ay humiga ako sa aking kama at nagtipa sa phone.To XenoNgaling: F*ck you.To XenoNgaling: Kung 'yan lang din naman ang sasabihin mo, then don't mind me from saying this to you ASSH*LE!To XenoNgaling: DON'T F*CKING LET ME SEE YOU WITH YOUR GODDAMN BITCHES OR I MIGHT SLICE YOUR JUNIOR IN HALF! LEMME SEE KUNG MAGKA-ANAK KA PA!To XenoNgaling: G*GO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!GYAAH! Nakakahigh blood talaga ang lalaking 'to! Minsan na nga lang mag text sa'kin, sasaktan pa ako? Ang kapal! Ang daming alam sabihin ni hindi nga marunong manalamin!Bumuntong hininga ulit ako ng ilang beses."Leylah, stay calm. Relax. Think of your happy pill. Think of happy thoughts," pangunumbinsi ko sa sarili.Nang sa tingin ko ay kalmado na ako ay nilapag ko na ang cellphone ko sa kama saka ay nagbihis. Nag breath in and breath out pa ako ng ilang ulit bago ko sinuot ang t-shirt.Hindi pa ako tapos sa pagbibihis ay tumunog naman ang ringtone ng cellphone ko. Inis kong sinara ang closet tapos ay nagpapadyak papuntang kama saka ay hinablot ang cellphone.Pagharap ko sa phone ay agad kong deninay ang tawag. The nerve of that man to call! Pero kakapatay ko pa lang sa tawag niya, tumawag ulit siya. Pinatay ko ulit pero tumawag na naman kaya sinagot ko na."What?!" bulyaw ko sa kabilang linya."You really know how to anger a person, aren't you?" malamig niyang ani sa kabilang linya.Napatiim bagang ako sa inasal niya. "So ano ngayon? Ikaw naman ang nagsimula, a. Binalik ko lang."I heard him snort in the other line. "Let me remind you miss--""Missus, mister. Baka nakalimutan mo na," putol ko agad sa kaniya.I'm really pissed off! This jerk is really pissing me off! Kaasar!"Well, I don't see you as one."Natigilan ako sa pagsusuot ng shorts dahil sa sagot niya. Aba't! So anong tingin niya sa'kin? Maniquen?"You're nothing but a women who married me for the benefits you can get from me and my family," dagdag niya pa na para bang alam niya kung ano ang nasa isipan ko.Huminto 'yata ang mundo ko sa naging sagot niya sabay ng pagkirot ng puso ko. 'Yon talaga ang tingin niya sa'kin? A Nothing? Just... nothing?"If you won't sign the paper until two more days from now, don't expect me to treat you with kindness then," agad niyang agap na nagpabalik sa'kin sa realidad.Pakla akong natawa sa sinabi niya. "Kindness? When? Kailan mo ba ako tinrato with kindness, Mr. Mañuz? You never did."Anong kindness ba ang sinasabi niya? Ba't 'di ko makita? Kindness ba 'yong ilang beses ka niyang ginago? 'Yong ilang beses niyang ipagmukha sayong wala kang silbi? Isang talunan at duming babae? Kindness bang maitatawag mo do'n?"I'm kind enough to tolerate your presence for more than two years, Leylah."Kumirot agad ang dibdib ko nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Oo. Pinangarap ko dati na tawagin niya ulit ako sa pangalan ko. But I didn't expect him to call my name this cold. Ang sakit..."So if you don't want me to think of something bad to get rid of you, you better think twice and sign the divorce paper. It's better to receive your divorce payment rather than the latter. I don't want to resort to that.""Now you're threatening me?" Di makapaniwalang tanong ko sa kaniya saka pumikit ng mariin.So dahil hindi ko pinirmahan ang divorce paper tatakutin niya na ako? Kung pwede ko lang talagang pirmahan ang lintek na papel na 'yan without involving a lot of people, ginawa ko na. Matagal na. Since no matter how much I love him, I still can't win him with this loveless marriage we have."Yes," simpling sagot niya.Hindi ako nakasagot agad. Nakahawak lang ako sa laylayan ng t-shirt ko habang unti-unti na namang umiinit ang pisngi ko. Nagsisimula na namang may bumabara sa lalamunan ko at parang tinutusok na ng karayom ang puso ko."What if I won't?" Garagal na din ang boses ko. Pinahiran ko ang mukha ko nang may maramdaman akong tumulong likido. "I can't do what you're asking me, Xeno."I can't just sign those papers without considering thousands of people losing their jobs."Then don't bother with me anymore, and don't contact me without the papers and your signature on it."'Yon ang huli niyang sinabi bago niya ako binabaan ng tawag.I was there inside my room left dumbfounded while crying. Hindi ko na alam ang gagawin. He wanted me to sign the divorce papers but I couldn't. Those people were just an excuse. I can't sign it because I'm still holding on with this f*ck up marriage–hoping that he'll at least reconsider. But I guess he won't huh?I was crying and sobbing when Lolo Xian, Xeno's grandfather called me. Pinakalma ko muna ang sarili saka sinagot ang tawag niya."Hello, L-Lo?" I tried to cheer my voice up but I guess failed because I stuttered.Ilang sandali bago niya ako sinagot. "Ba't ka umiiyak? Inaway ka na naman ba ni Xeno?" Halata ang concern sa boses ni lolo.Napasinghot ako to clear my breathing bago ko siya sinagot. "Hindi, Lo noh. Naghihiwa kasi ako ng sibuyas kaya hindi ko mapigilang umiyak. Ba't ka nga pala napatawag, Lo?""Oo nga pala. Iimbitahan ko sana kayo ni Xeno na maghapunan dito sa bahay ko bukas. Hindi na kasi kayo bumibisita ni Xeno sa babay, e. Ang lungkot-lungkot ko na dito"Inipit ko ang aking labi. Wala paring alam si Lolo Xian sa mga nangyayari sa'min ni Xeno."Susubukan ko po lo.""Huwag mong sabihing hindi na naman kayo makararating," bara niya sa'kin, "... magtatampo na talaga ako niyan."Napakamot ako sa ulo. Paano ba 'to e kasasabi nga lang ni Xeno na huwag na siyang abalahin pa diba?"Eh, kasi lo, baka busy po si Xeno bukas e. Alam mo naman pong hindi mahirap patakbuhin ang malaking kompanya lo."Sigurado naman kasi akong hindi sasama si Xeno bukas. Ayaw niya rin naman akong makita pa diba? So bakit pa siya magsasayang ng oras para makita ako sa araw na 'yon."No. I want to see the both of you tomorrow. Pagsabihan mo na rin si Xeno dahil may importante akong sasabihin sa inyong dalawa bukas."Nanlumo ako sa kama pagkatapos ako babaan ni lolo ng tawag. Paano na ba 'to? Ano ba ang gagawin ko? Ayaw ngang magpaabala ni Xeno diba? Lalo na kapag hindi ko pa pinipirmahan ang divorce na guto niya. Ang pagsabihan ko pa kayang mag dinner kasama si Lolo Xian bukas?"Agh! Bahala na nga lang si Batman! Nakaka stress kayo mga Mañuz ang dami nyong alam!"Paano siya makakauwi mamaya kung may butas ang gulong ng sasakyan niya?"Ayos na. Pinaayos ko na sa talyer na dinaanan ko kanina kaya okay na," aniya. "Sabihin na lang nating may inggit sa akin ang taong gumawa n'yon kaya niya naisipang gawin iyon sa sasakyan ko. Pero ayos lang. Kilala ko naman kung sino iyong may gawa."Kumunot ang noo ko. Subalit hindi na ako nagtanong dahil alam kong magsasalita pa siya."But you know what? Never had I expected him to have a cute personality like that. That's probably why mom likes him a lot." Then he giggled.Mas lalo akong naguluhan sa kinuwento niya pero hinayaan ko na. Maya maya ay may kinuha si Cayster mula sa kaniyang bulsa. Pagkatapos ay inabo niya sa akin."Inumin mo 'yan twice a day para hindi lalong mamaga and to relieve the pain.""Thanks.""Habang may pamamaga pa rin, iwasan mo muna ang tumakbo, sumayaw, o kahit anong sports activities. Then..." he said in suspe
HE LOOKED SHOCK."Leylah?" Kung gulat na siyang makita ako ay mas lalo pa nang mapansin niya ang isa ko pang paa. Kumunot ang kaniyang noo pagkatapos ay madaling lumapit sa akin. Maging si kuya Raymond na nasa likuran niya kanina ay iyon rin ang ginawa."Anong nangyari riyan sa paa mo?" sabay na tanong nina Cayster at Kuya Raymond."I—""She sprained her ankle," bara ni Xeno sa sasabihin ko. Halata ang pagkairita sa kanyang boses and I rolled my eyes because of it. "Ikaw, anong ginagawa mo dito?" dagdag niya pang tanong. Saglit na natigilan si Cayster nang marinig ang boses ni Xeno. Nakita ko pa kung paano bumukol ang kanyang kaliwang pisngi saka niya nilingon si Xeno. He gave him a bored expression bago ulit ako binalingan ng tingin."Masakit pa rin ba?" Cayster asked me, totally ignoring Xeno."Hindi na masyado." Sabay iling ko. "Saka, why are you here? Hindi ba't dapat nasa hospital ka ngayon?" "B
Natawa ako sa huling linya. Naimagine ko kasi ang mukha ni Manang."At saka umuwi ka na raw, miss ka na niya," dagling dagdag niya.Napangiwi naman ako dahil do'n. "Sinungaling ka talaga. Hindi naman iyon sinabi ni, Manang, e," sagot ko sa kanya.Hindi naman talaga ako pinapauwi ni Manang dahil alam niya kung nasaan ako. Saka minsan nga bumibisita siya sa condo ko na may dalang kung anu-anong ulam."Bakit naman? Miss ka naman talaga ni, Manang. Kahit nga ako miss na kita." Tumigil siya sa paglalakad. "Iyong mga gamit mo, nasa kwarto mo pa. Walang pinagbago ro'n. Araw-araw iyong nililinisan ni, Manang, baka kamo raw bumalik ka. And I'm sure, malungkot iyon kasi kahit ako, wala doon."He sighed. "Promise ko kasi sa kanya papauwiin kita. And I'm glad I'm showing results. Sapat na sa akin iyong alam kong nag-aalala ka pa rin pala."Pagkatapos ay nagsimula na siyang maglakad ulit. Saka ay sinundan na naman ng katahimikan. Ma
Umurong ata ang luha ko after I heard him sighed.Wait.WAIT. WAIT. WAIT. WAIT. WAIT!Naglo-loading na naman ang kinakalawang kong utak dahil sa kagagawan ko ngayon. I'm still processing what just happened and when I finally realized my reality, para akong binuhusan ng napakalamig na tubig, iyong may yelo at umuusok pa sa lamig. WHAT THE ACTUAL F*CK HAVE I DONE AGAIN?D-Did I actually ran back here, like an actual crazy woman, lashed out to those men just because I was worried about this guy? SA LALAKING 'TO?Muli kong inangat ang tingin kay Xeno at maging siya ay nakatingin din pala sa akin. Malamlam ang kaniyang mga mata na parang nag-aalala sa akin ng husto. "You feeling fine now?" Inabot niya ang pisngi ko at pinahiran ito gamit ang kaniyang hinlalaki. Hindi ko siya sinagot. Nakatitig lang ako sa kaniya habang unti-unti na namang bumabalik sa ulirat ko ang mga nangyari. I freaking panicked think
"Miss, maling direksyon ka!" rinig ko pang saway noong lalaking nasa unahan ko nang magtagpo ang aming mga mata pero nagkibit-balikat lang ako. Patuloy lang ako sa pagtakbo kahit kinakapos na ako ng hangin. Ang nasa isip ko lang sa sandaling 'to ay ang makarating ako roon. Kakalimutan ko na lang muna sa ngayon ang atraso't kasalanan niya sa akin basta makita ko lang ang kalagayan niya. Hindi ko maiwasan ang kung anu-anong pumapasok sa isipan ko kaya mas lalo lang akong nag-aalala."S-Sandali!" Hinihingal akong napahinto sa tapat ng ambulansya na limang metro ang layo sa akin. Wala iyong nagkukumpulang tao."H-Huwag niyo munang isara!" pakiusap ko nang makitang kong isasara na nila iyong ambulansya.Nagtatakang lumingon sa akin iyong dalawang medics kaya mas lalo akong nataranta."Baka kilala ko siya!" pilit kong dagdag kahit hinahabol ko pa ang hininga."Sa tent mo na lang siya puntahan pagkatapos ng Marathon, Miss."
"Pero malay mo, baka miss ka nga nila kasi wala namang mga magulang na hindi nami-miss iyong sarili nilang anak. Baka dahil na rin sa pride nila bilang magulang, na ikaw iyong lumayas—alangan namang sila pa iyong magkandarapang habulin o hanapin ka, e ikaw nga iyong lumayas di 'ba? But that doesn't mean, hindi ka na nila na-miss."Ngumiwi ako. "You don't know them. Hindi sila kagaya ng mga magulang na nai-imagine mo. Marami akong nababasa sa libro at napanood na documentary videos sa YouTube tungkol sa mga magulang na di kayang tiisin ang mga anak nila, pero sila Mom and Dad? They're different. Mas mami-miss pa yata nila iyong aso, kaysa sa akin."Lumamlam ang mga mata ni Kuya Raymond. "Ley," tawag niya sa pangalan ko na parang dinadamayan ako.Pilit akong ngumiti sa kanya. "Ayos lang naman ako. Nandiyan naman kayo, e! Alam ko namang hindi niyo ako iiwan."Sumingot si Kuya. "Malamang! Ako pa?" Turo niya sa sarili. "Kuya mo 'ko, kaya hindi kita ii