Share

Chapter 2: Smile Leylah Smile!

"Hindi pa rin ho ba umuwi si Xeno, Manang?"

Natigilan sa pagdidilig ng halaman ang may katandaang si Manang Kora nang bigla ko siyang tanungin. Malungkot siyang tumingin sa'kin bago ako inilingan.

"Hindi ko pa siya nakikitang umuwi simula noong biyernes, Hija, e."

Sumimangot ang mukha ko sa naging sagot niya.

"Ganoon ba?"

Napayuko ako sabay ipit ng aking labi. Kailan na naman kaya uuwi 'yon? Magbibilang na naman ba ako ng mga araw kung kailan siya uuwi?

E.., may sasunod pa ba?

Hindi ko na narinig na sumagot si Manang kaya nang nag-angat muli ako ng tingin ay malungkot na pares na mga mata niya ang sumalubong sa akin.

"Kapag umuwi siya, paki sabing tawagan ho ako, Manang dahil may pag-uusapan pa kaming dalawa. Baka aalis na naman 'yon ng hindi nagpapaalam sa akin," bilin ko kay Manang bago bumalik sa kuwarto at humiga sa kama.

Dalawang araw na din ang lumipas mula nang umalis si Xeno kasama ang babae niya. Gusto ko man siyang pigilan pero hindi ko naman nagagawa dahil kahit anong gawin kong pagmamakaawa ay alam kong hindi naman siya nagpapapigil. Ni hindi nga 'yon nakikinig sa'kin, e.

Madalang rin siyang umuwi sa bahay dahil palaging out of the country o di kaya ay o.t sa trabaho. Minsan isang beses siya uuwi sa loob ng dalawang lingo. Minsan naman hindi siya uuwi ng bahay sa isang buwan, at kung uuwi man 'yon ay kagaya ng dati ay may dalang babae.

Nakakaimbyerna...

Dalawang taon na kaming kasal. Actually mag-t-three years na. Kaya kahit papaano ay hindi na bago sa'kin ang mga ginagawa niyang kahayupan tuwing gabing nandito siya.

I mean, I would be lying if I say, it didn't hurt every time he brought women with him into the house.

Isa pa, if you're in my position, seeing your husband cheating on you countless times for three years, I bet you'll be too numb to pain to react with him cheating. Mapapagod at mababaliw ka lang kapag ginawa mo 'yon. And aside from that, I don't have enough power to reiterate with him right now, dahil marriage for convenience lang naman ang namamagitan sa aming dalawa.

Yup. Those typical setup for third rate t.v dramas ang ganap naming mag-asawa. Sounds cliche pero 'yan ang totoo.

We both opposed the idea of having it. Well sino ba naman ang may gustong matali ka sa taong hindi ka na nga mahal may fiancee pa? But much to our dismay our grandparents sides contradicts ours. We were forced to have this marriage for the sake of keeping our grandparents' golden promises with each other.

In other words, nangako ang lolo ni Xeno sa lolo ko ng kasal kapalit ng pagsagip ng lolo ko sa lolo niya maraming taon na ang nakaraan.

At first it was between him and my cousin Ciara, pero hindi rin nangyari dahil sa madaming dahilan hanggang sa na-coma si Ciara ilang buwan bago ang kasal nila.

Ang mga lolo naman namin na hindi na makapaghintay na maitali ang pamilya namin sa isa't-isa ay pinilit kaming dalawa ni Xeno na magpakasal nang nalaman nila na ilang taong mako-coma si Ciara.

Nagkataon rin na palubog ang kompanyang pinapatakbo ni mommy, kaya mas lalo akong napilitang magpakasal kay Xeno.

Sa China kami ikinasal dahil do'n gusto ni lolo Xian. Iilan lang ang may alam na kinasal na kaming dalawa ni Xeno. Mostly, selected relatives and friends lang namin ang may alam. Kaya siguro mas lalong lumakas ang loob ng ungas na 'yon sa mangangaliwa sa'kin. Tsk!

***

"Manang, 'yong bilin ko kanina tandaan mo ah? Kapag nandito na si Xeno pakisabihang tawagan agad ako dahil may importante akong sasabihin sa kaniya."

Malungkot ang mga mata na lumingon sa'kin si Manang. Puno ng kirot ang nababasa ko sa kaniyang mga mata pero hindi ko na 'yon pinag-aksayahan pa ng pansin. Pagkatapos ay umiwas siya ng tingin sa akin.

"Huwag mo nang hintayin si Master, Hija. Masasaktan ka lang lalo na kapag ang taong hinihintay mo, hindi na babalik sayo."

Kagat labing napayuko ako. Ramdam na ramdam ko ang hapdi sa sinabi ni Manang Kora. Hindi ko siya magawang sagutin. Alam niya kasi ang lahat ng mga nangyayari sa bahay lalo na ang mga ginagawa sa'kin ni Xeno. Pero nananatili lamang siyang tahimik.

Mas lalo tuloy akong nanliit sa aking sarili.

Pumihit na ako patalikod sa kaniya at tinungo ang garahe kung saan naghihintay sa'kin si Mang Kaloy ang driver namin sa bahay. Hindi kagaya ni Manang, walang alam si Mang Kaloy sa mga nangyayari sa amin dito sa bahay dahil stay-out ang pagiging driver niya.

Umaliwalas ang kaniyang mukha nang makitang parating na ako sa direksyon niya. Dali-dali niya akong pinagbuksan ng pinto at nang masigurong nakapasok na ako ay isinara niya din 'yon at umikot sa harapan papuntang driver's seat.

"Ma'am Leylah mukhang malungkot ka yata, a? Hindi pa rin ba umuwi si, Sir?"

Pakla akong ngumiti sa kaniya. Pati rin pala siya ay nakakahalata na. Ganun na ba ka-obvious ang mukha ko?

"Saan ba ang lakad mo, Ma'am?" untag niya muli nang hindi ko siya sinagot sa una niyang tanong.

"Sa NoMax Mall po."

Buong biyahe ay hindi na ako kinulit ni Mang Kaloy. Nang makarating naman ako sa Mall ay nakita ko si Neca, isa sa mga kaibigan ko. Niyaya niya akong mag-lunch pagkatapos niya akong sinamahang mamili. Iteneks ko na rin si Manong Kaloy na mauna nang umuwi sa bahay dahil magta-taxi na ako pauwi.

"Leh," tawag sa'kin ni Neca nang makuha na namin ang aming inorder at komportable ng nakaupo na sa bakanteng table. "... hindi ka na talaga papasok ngayong pasukan? Sayang naman o, isang taon na lang at ga-graduate na sana tayo, internship na lang ang kulang, e."

'Yan, isa 'yan sa mga pino-problema ko. Isang taon na lang sana para ga-graduate na ako sa kolehiyo pero hindi na mangyayari dahil hindi na ako pinayagan ni Xeno na tapusin ang isa pang taon. Hindi ko naman siya pwedeng suwayin dahil siya ang nagsusustinto sa'kin ngayon.

Nilukot ko nalang ang mukha ko sa pabirong paraan. " Hindi pwede Nec, e. I need to work. Alam mo namang may sakit si Lolo Leon at naka-coma pa si ate Ciara hanggang ngayon. Ako na lang ang inaasahan sa'min, tapos baon pa kami sa utang."

Malungkot na tumingin sa'kin si Neca. Hindi ko tuloy maiwasang makonsinsya sa pagsisinungaling ko.

" Sayang naman, Ley, isang taon na lang talaga, e."

Ngumiti na ako sa kaniya saka sumubo ng pagkain. Sakto namang nasagi ng paningin ko ang lalaki na isang metro ang layo sa'min. Nanlaki ang kaniyang mga mata sabay ang pag-awang ng kaniyang labi nang makita ako. Pati si Neca ay lumiwanag ang mukha nang marinig ang boses na 'yon. Ilang sandali lang ay nakalapit na sa'min 'yong lalaki at umupo sa bakanteng silya.

"Nandito rin pala kayo?" tanong nito nang naging komportable sa upuan niya.

Umismid sa kaniya si Neca na kinatawa ko ng mahina. "Nandito ka nga, Jerald, e."

Hindi siya sinagot ni Jerald bagkus ay matama siyang tumingin sa'kin. "Kumusta na Leh? Nangayayat ka ah."

Na-conscious bigla ako sa sinabi niya at palihim na pinagmasdan ang mga braso ko. "Halata ba?"

Neca looked worried for me, so did Jerald.

"Sobra" sabay nilang sagot.

Hindi ko sila magawang tingnan. Sino ba naman kasi ang hindi mangangayayat kung puro pagkokonsume lang ang natatanggap mo araw-araw sa loob ng dalawang taon at higit pa?

Hindi ko na sila sinagot at nagpatuloy sa pagsubo ng pagkain. Maya-maya lang ay nagpaalam si Neca na gagamit ng comfort room at naiwan kaming dalawa ni Jerald sa table namin. Saka naman ako tinadtad ng tanong ni Jerald.

"Sabi ni Neca sa'kin, hihinto ka raw muna?"

"Oo e."

"Bakit naman?"

"Financial problem," pagsisinungaling ko ulit kahit hindi naman totoo.

Financial Problem? Sabihin mo na lang na sobrang makitid ang utak ng napangasawa mo at ayaw niyang makapagtapos ka ng pag-aaral.

"Kung dahil lang diyan pwede naman nating hanapan ng paraan 'yan, Ley. Magkaibigan tayo, for sure kahit sina Fe, Kien, Carl at Raymond tutulong din sayo. Basta sabay-sabay lang tayo ga-graduate."

Napabungisngis ako sa naging sagot niya. Ang sarap talaga 'pag may ganito kang kaibigan. Nakakataba ng puso.

"No, it's okay Rald, I appreciate the thought though. Ngayon lang naman 'to, e. Maybe next year makapagtapos ako. Sa ngayon magpaparaya muna ako."

Maluha-luhang tumingin sa'kin si Jerald kaya mas lalo akong na-touch sa ginawa niya.

"Ang selfless mo talaga, Ley. Sana matoto ka namang maging selfish."

'Yon ang eksinang naabutan ni Neca. Pilyo itong ngumiti bago naki-hug sa'min na para bang alam niya kung ano ang pinag-uusapan naming dalawa ni Jerald.

Nang nakabalik na kami sa mga upuan namin ay sakto namang tumunog ang ring tone ng cellphone ko.

Ganun na lang ang paglundag ng puso ko nang makita kung sino ang tumawag.

I excused myself first before I went outside the restaurant, and answered the call.

"H-Hello?"

Damn! Why did I stutter? Well, probably because it's been a while since we last talked and it ended up with a fight?

Kumunot ang noo ko nang wala man lang sumagot sa'kin. Tsinek ko muli kung ongoing pa ba ang tawag at ongoing pa naman.

"Hello?" Ulit ko pang sabi.

Wala. Tahimik pa rin sa kabilang linya. Nag-hello ulit ako pero ganun pa rin ang nangyari, wala pa ring sumasagot. Umahon agad sa'kin ang inis dahil sa ginawa niya.

Is he pranking me right now? Tatawag 'tapos hindi pala sasagot?

Ibaba ko na sana ang tawag pero sakto namang sumagot ang kabilang linya na sana ay hindi na lang.

"Did you sign the paper?" nagmistulang kulog ang boses na nagpatigil sa'kin.

Ngumiwi agad ako. Akalain mo? Ni 'hi' o tanong kung buhay pa ba ako o hindi ay hindi niya ginawa. 'Yon talaga ang unang lumabas sa bibig niya? Did you sign the papers?

Napa sentido ako ng wala sa oras.

"And why would I?" Alam mo namang hindi ko 'yon pepermahan tinatanong pa.

"I see. So you haven't sign it yet. "

Hindi na ito nagsalita pa pagkatapos kung marinig na bumuntong hininga siya.

Teka, nasa bahay na ba siya? Itatanong ko sana kaso naikunot ko lang ang noo ko nang may narinig akong boses ng babae sa paligid niya.

"Xeno gusto ni daddy na magdinner tayo kasama siya. When ka raw available?."

"I'll think about it, Nikki."

"Eeeeh, kailan ba natin sasabihin sa kaniya ang relasyon natin? I'm getting impatient."

Napaismid ako. Ibang babae na naman? Ano nang nangyari do'n kay Bea? Pinalitan na niya?

"Buti naman at hindi ka pa nagkaka-STD riyan sa kag*gohan mo no?" 'Di ko mapigilang itanong.

Sa tuwing nakikita ko siya ay iba't-ibang babae ang nakikita't naririnig kong kasama niya, e!

"None of your business."

Na-imagine ko tuloy ang pagmumukha nito nang sagutin ako. For sure, cringe na cringe ang pagmumukha niya ngayon.

"None of your business, psh. Ibang babae na namang kasama mo? Hindi ka talaga nagsasawa noh?

"Like you're one to talk. Sino ba 'yang kasama mong lalaki riyan?"

Kumunot ang noo ko sa naging tanong niya? "Lalaki?"

"Don't deny. I know you're with a guy."

With a guy? Nilingon ko ang gawi nina Neca na kitang-kita ko sa salamin. Si Jerald ba ang tinutukoy niya?

Paano niya naman nalaman na magkasama kami ni Jerald at teka nga... huwag niyong sabihing pinagsisilusan niya si Jerald?

Nanlaki ang mga mata ko sa posibilidad na ginawa niya.

"Teka, pinamanmanan mo ba ako?"

Paano niya naman malalamang magkasama kami ngayon ni Jerald kung wala siyang spy na nilagay? Inisip ko pa lang kumukulo na ang dugo ko. Tsk!

"I don't see the need to do that. Nasa kabilang resto lang ako and I can see your adultery materialized in front of me," matalim ang boses niyang sagot.

Nilingap ko muli ang paligid at tama nga siya. Nasa kabilang store nga lang siya, infact kaharap lang ng resto'ng pinagkainan namin ngayon.

Kahit malayo ay alam kung nakaismid na naman sa'kin ang ungas na 'yon sa malayo.

"....kung may makakita isa sa mga kamag-anak natin sayo ngayon, what would they think of me? That I can't satisfy you in bed that's why you're lurking around town with some douchebag?"

Halos bumaliktad na ang sikmura ko sa paratang niya sa'kin. Ang inis ko kanina ay napalitan na naman ng galit.

Sh*t! How come he knows to hit where it hurts?

"You won't deny?" mas malamig pa sa yelo ang boses niya. "So you're finally admitting you also have your douchebag. Well, that's better, I guess? So we can at least call it quits."

Nakagat ko ang ibabang parte ng aking labi. Nanginginig ako sa galit. Sh*t! Sa tuwing magkausap ba kami ganito palagi ang itatrato niya sa'kin?

"Hoy, Xeno! Kung ikaw mahilig mambabae, huwag mo kong itulad sayo dahil hindi ako kagaya mo! You useless psycho! Si Jerald lang 'yon! Kung may problema kang hayop ka huwag mo 'kong idamay! May pa 'adultery materialized' ka pang nalalaman diyan e, ikaw 'yang may kaliwa't kanang babae! At kung manglalake man ako, wala ka na ron!"

Hindi na ako halos makahinga sa sunod-sunod na sinabi ko. Hindi ko na siya hinintay na sagutin ako at pinatay na ang tawag.

"ANG KAPAL!"

L*tche! Pinagtitinginan ako ng mga taong dumadaan dito pero galit na galit ako para e-mind ang presinsya nila. Ang kapal ng mukha! Ano, kapag siya nambabae okay lang pero kapag ako hindi? Ugh!

Kung pwede ko lang talaga e-divorce ang gag*ng 'yon ginawa ko na! Sh*t! Ako lagi ang kawawa sa'ming dalawa, e.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Calista Dale
no second thought divorce agad.. dun din naman papunta papatagalin pa.. kainis lang hmp
goodnovel comment avatar
Meriam V. Castillo
duh kung Ako lang pipirmahan ko agad lecheng divorce paper na Yun Ng nakangiti,. wag ka nang. paka Marty girl
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status