Share

Kabanata 25

Pagkahapo, sakit na hindi matutumbasan. Sabay-sabay ko na nararamdaman iyan habang hindi malaman kung saan tutungo. Napahawak ako sa baywang at napayuko nang sumigid na naman ang sakit.

"Damn it,"mahinang mura niya. Kanina pa siya panay sunod sa'kin. Gusto ko siyang pumirme sa kinauupuan niya para mabawasan ang stress ko. Iyong pagsunod-sunod niya at ang nakikita kong iritasyon sa kaniyang mukha ay dumadagdag sa problema ko.

Kaya lang hindi ko masabi dahil mas naibubuhos ko ang atensyon ko sa sakit na nararamdaman. Tila pinipiga na parang may bukol na sumasakit sa puson ko na iwan. Hindi ko maintindihan parang gusto ko na lang umiyak sa sakit.

"How is it?" Hinawakan niya ang braso ko.

"Masakit,"nanghihina ang boses ko.

Kagabi pa nagsisimulang sumakit ang tiyan ko. Pero dahil matigas pa ang cervix ko kaya't kailangan ko muna mag-stay hanggang sa handa na iyon at open na para sa delivery.

Lampas tatlong araw mula noong kabuwanan ko saka lang nangyari ito. Normal lang naman daw ito la
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status