Share

Kabanata 27

Hawak-hawak ko pa ang cellphone nang lumabas ako. Balak kong ibigay kay Auntie iyon. Hindi ko naiintindihan ang ibig-sabihin ng caller. Mas mabuting sila ng Tiyahin ko ang mag-usap.

"Get inside!"

Nagulat ako nang bumungad si Auntie sa'kin bitbit ang anak ko. Sinulyapan ko ang party sa likuran niya ng may pagtataka. Masayang naglalaro pa rin ang ibang bata doon at mukhang maayos naman maliban sa ekspresyon sa mukha niya na ngayo'y iritado at nagmamadali.

"A-Anong problema, Auntie?"

"Just do what I said. 'Wag nang maraming tanong."

At ipinasa niya sa'kin ang inaantok nang bata. Biglang sumulpot ang dalawang body guard at sinamahan pa akong umakyat sa taas. Pakiramdam ko ay may hindi normal na nangyayari. Patuloy pa rin ang party pero hindi na ako mahagilap ng mga bisita.

Sumunod na lang ako sa mga naunang bodyguard. Agad namin na narating ang silid at pinatulog ko na ang anak ko pagkarating. Hindi ako mapakali, may nararamdaman akong hindi tama sa nangyayari dahil nabanaag ko ang bal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status