Share

Kabanata 35

Marami akong gustong itanong lalo na kung paano siya nagkaroon ng mayamang kakilala. Naalala ko kasi dati ay kasa-kasama na siya ng kaibigan ni Lola. Dati pa alam kong naghihirap din talaga sila sa buhay kaya hindi ko akalaing magiging ganito ang buhay niya sa nagdaang mga taon.

Pinagmasdan ko ang unahan at hinihintay na lamang na lumubog nang tuluyan ang haring araw. Sa ganda ng mga nakikita ko sa paligid iniisip kong sa ganoong paraan ay makakalimutan ko saglit ang mga nangyari sa pagitan namin ni Asmodeus. Pero hindi. Akupado niya pa rin ang utak ko. Hanggang dito ba naman?

Ilang saglit ay sumulpot na kamay na may hawak na juice in can. Sumalubong ang mukha ni Greg nang tumingala ako.

"Salamat."

Wala siyang ibang sinabi at umupo malapit sa akin. Bitbit niya sa kabila ang beer in can.

"Anong dahilan ng biglaan mong desisyon? Siya ba?"

Napakurap-kurap ako at hindi inakalang iyon agad ang magiging topic niya. Pero si Asmodeus ba ang tinutukoy niya? Mas lalong nagsalubong ang kilay ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status