Marami akong gustong itanong lalo na kung paano siya nagkaroon ng mayamang kakilala. Naalala ko kasi dati ay kasa-kasama na siya ng kaibigan ni Lola. Dati pa alam kong naghihirap din talaga sila sa buhay kaya hindi ko akalaing magiging ganito ang buhay niya sa nagdaang mga taon.Pinagmasdan ko ang unahan at hinihintay na lamang na lumubog nang tuluyan ang haring araw. Sa ganda ng mga nakikita ko sa paligid iniisip kong sa ganoong paraan ay makakalimutan ko saglit ang mga nangyari sa pagitan namin ni Asmodeus. Pero hindi. Akupado niya pa rin ang utak ko. Hanggang dito ba naman?Ilang saglit ay sumulpot na kamay na may hawak na juice in can. Sumalubong ang mukha ni Greg nang tumingala ako."Salamat."Wala siyang ibang sinabi at umupo malapit sa akin. Bitbit niya sa kabila ang beer in can. "Anong dahilan ng biglaan mong desisyon? Siya ba?"Napakurap-kurap ako at hindi inakalang iyon agad ang magiging topic niya. Pero si Asmodeus ba ang tinutukoy niya? Mas lalong nagsalubong ang kilay ko
Tirik ang araw kinabukasan noong magsimula kaming umalis. Pabalik na kami sa mansion. Napansin ko kung gaano katahimik si Greg habang minamaneho ang sinasakyan namin ngayon. Naisip ko, siguro dahil sa naging sagot ko sa kaniya kagabi.Hindi mo alam ang sinasabi mo, Greg. Sinasabi mo lang 'yan dahil gaya ko nagugulohan ka rin. Tapos no'n ay iniwan ko na agad siya sa labas. Sa kabilang silid siya natulog. At kahit magkahiwalay kami ng silid ay hindi pa rin ako makatulog.Pagkarating namin sa wharf ay agad kong kinuha ang cellphone sa mga gamit. Ngayo'y may signal na hindi tulad noong nasa laot pa lamang kami. Agad namilog ang mata ko nang makitang nakailang video call si Kuya sa akin. Magcha-chat sana ako sa kaniya at sasabihing ngayon ko lang nabuksan ang phone pero ilang saglit ay sumunod na ang tawag niya doon. Napangiti ako. Ang tagal-tagal na rin noong huli kaming nakapag-usap. Akala ko nga masiyado na siyang abala at palalampasin niya ang taon na ito na hindi ako nakakausap."Ku
Kanina pa ako tulala nakasalampak sa sahig. Mugto ang mata kakaiyak kanina. Napagod akong dambahin ang pinto upang buksan nila at tinangka ko na rin sirain ang doorknob pero sobrang nahirapan ako. Ngunit nang mag-click ang doorknob at namataan kong may papasok ay agad akong umalis sa pinto.Namilog ang mata ko nang makita si Alethra. Ano na naman ang kailangan niya at nandito siya? May sumunod na dalawang lalaking naka all black suit sa likuran niya.“Get her,”utos niya sa dalawa. Pumasok ang dalawa at lumapit sa akin na ikinabigla ko. “Ano 'to? Anong ibig sabihin nito?!” “It is just a simple reunion my dear.” Nilakipan niya pa ng tawa. “Because after this. He's all mine.”Namimilog ang mata nang sundan ko ng tingin ang nakangisi na si Alethra. Hawak ako ng isang tauhan na alam kong hindi ko kayang labanan sa laki. All of their men are tall and bulky. Hindi mga Pinoy at mukhang taga-Russia rin. Wala na rin akong balak na magpumiglas pa dahil balak ko rin na alamin ang sinasabi ni A
Everyday life in Washington is like a dream. Asmodeus using another name, ganoon din ako. As Anna is like living in other's body. Dahil ibang buhay na ni Anna ang namumulatan ko dito sa ibang bansa, unlike noong time na ako si Yenah. Asmodeus confess that he love to name me Anna. And yes, that name is given me by him. Hindi madaling patumbahin ang Russian mafia na nakabangga ng mga Rojo. It's already twenty years now when the last time na umapak ako sa lupa ng Pinas. Nakaka-miss ang summer sa Pinas. The freezing tempature in Washington is not really great over the years. Maybe noong unang apak namin ay medyo nakakamangha pa pero kalaunan hindi na rin ako masiyadong nag-enjoy. But knowing that my family is safe, it's all worth it.Binaba ko ang coffee mug ko. Makapal na ang jacket pero nanunoot pa rin ang lamig ng pang-umagang hangin. At last the sun show up. The so called summer is coming soon. Hindi nga lang iyon sapat upang tunawin ang yelo sa paligid. Ilang buwan din na yakap kami
Kinapa ko ang paa nang makaramdam ng pamimigat doon. At napasinghap nang malaman na may malaking bakal na nakakabit doon. Kinapa-kapa ko pa ang nakakabit na iyon nagbabakasakali na baka maari kong makalag sa mga paa ko pero hindi ko alam kung papaano iyon. "M-May t-tao po ba diyan?"nanghihina ang boses ko kasabay ng panginginig. Hindi ako nakakakita kaya hindi ko alam kung anong lugar ito at nasaan ako ngayon. Malamig ang lugar. Maging ang sahig na kinauupuan ko—malamig din. Nakakabingi na katahimikan ang bumabalot sa lugar. "N-Nasaan ako?" Umalingawngaw ang boses ko. Naghintay ako ng ilang saglit ngunit tila binuhusan ng isang baldeg yelo nang makaramdam ng mainit na hininga malapit sa mukha ko. "Ssshhhh..." At mabilis na naitapat ang hintuturo sa mga labi ko. Napasinghap ako nang biglang hawakan ng mala bakal niyang mga kamay ang braso ko. Napangiwi ako sa sakit dahil pakiramdam ko babaon ang kamay niya doon. "N-Nasasaktan ako,"nanginginig kong turan. Dala na rin ng takot.
Yenah POV- Gagawa raw kami ng kwentas na bulaklak sa araw na iyon sabi ng lola ko. Darating ang mga mayayamang tao sa lugar namin at kasama na roon ang mayor at ibang politiko ng bayan. Binibili ng aming kapitan ang mga ginawang bulaklak na kwentas para naman daw may pagkakakitaan kahit kaunti ang ibang mga taga-rito. Anim na taong gulang pa ako. Matagal-tagal pa bago ako magsampu. Gusto ko na rin kasi sana na matulongan si Lola sa ibang trabaho kaya lang sabi niya bata pa ako. Hindi ko pa raw kaya ang mga gawain ng mga matatanda. "Yenah, 'wag ka lumayo, ha. Baka pag tinawag kita para sa pananghalian 'di ka na naman makasagot dahil lumalayo ka na." Tumango lang ako at ngumiti. Hawak-hawak ko sa kabilang kamay ko ang maliit kong aso na natagpuan ni Lola sa gilid ng kalsada. Baka raw inabandona ng may-ari sa hindi namin alam na dahilan. May tali sa leeg si Sham-sham dahil minsan mas kabisado niya pa ang daan kaysa sa'kin kaya lang madalas akong mapahamak kapag kasama ko siya. Ibinab
Ilang taon ang nakararaan. Katulong ang naging programa ng Baranggay kung saan tutulong sa gastusin ang mga taga-Baranggay sa namatayan ay nagkaroon ng disenteng lamay ang Lola ko. Isa siya sa naging myembro noon. At oo, sa pinansyal ay hindi ako nahirapan pero ang kalooban ko ay hirap na hirap habang dinadama lang ang kabaong niya. Gusto ko siyang tingnan sa huling pagkakataon pero hindi ko magawa. Sa pagkakataong ito ay namalaam na nang tuloyan ang aking lola. "Ano na ang mangyayari sa kaniya niyan?" "Kawawa naman. Bulag pa naman. May tumatanggap pa ba ng bulag ngayon sa trabaho?" "Wala nga, e. Pasanin nga iyan ni Manang Peli noong buhay pa iyon, e. Ngayong siya na lang—iwan ko lang!" Naririnig ko ang pag-uusap ng mga gumagawa ng bulaklak sa patay. Pati iyon ay ang mga kaba-baryo rin ni Lola ang gumagawa basta ba myembro ng organisasyon. At mukhang tungkol sa buhay ko ang pinag-uusapan nila ngayon. Napayuko na lang ako at pinipigilang maiyak na naman. Naka-upo lang ako sa upuan
Huminto kami at siya na mismo ang kumuha ng gamit ko kahit hindi ko talaga balak na ipahawak sa kaniya. Nahihiya kasi ako sa gamit ko lalo pa at mumurahin lang iyon. Pero para sa akin iyon ang pinaka-magandang bag na gawa ng Lola ko. Maririnig ang pagbukas ng malaking gate nila. Ibig sabihin sa pangalawang pagkakataon ay makakatuntong na naman ako sa lugar na ito. Sa bungad pa lang nararamdaman ko na ang kakaibang pakiramdam na tila may nagmamasid sa'kin sa malayo. Napalunok ako at maingat na naglakad pasunod sa babae. Aaminin kong gustong-gusto kong makita ang paligid. Sabi ni Lola ang mansyon ng mga Rojo ang may pinakamagandang harden. Sa bungad pa lamang daw ay makikita mo na ang mga nagkukumpulan na matatabang bulaklak ng mga rosas. At ang Lily na matagal ko nang gustong makita ay malapit lang daw dito. Minsan na rin kasi na nagtrabaho si Lola sa mga Rojo. Gardener daw siya at noong mamatay ang mama ko at naiwan ako sa pangangalaga niya ay bumitiw siya sa trabaho niya at mas pi