Pagkahapo, sakit na hindi matutumbasan. Sabay-sabay ko na nararamdaman iyan habang hindi malaman kung saan tutungo. Napahawak ako sa baywang at napayuko nang sumigid na naman ang sakit. "Damn it,"mahinang mura niya. Kanina pa siya panay sunod sa'kin. Gusto ko siyang pumirme sa kinauupuan niya para mabawasan ang stress ko. Iyong pagsunod-sunod niya at ang nakikita kong iritasyon sa kaniyang mukha ay dumadagdag sa problema ko.Kaya lang hindi ko masabi dahil mas naibubuhos ko ang atensyon ko sa sakit na nararamdaman. Tila pinipiga na parang may bukol na sumasakit sa puson ko na iwan. Hindi ko maintindihan parang gusto ko na lang umiyak sa sakit. "How is it?" Hinawakan niya ang braso ko."Masakit,"nanghihina ang boses ko.Kagabi pa nagsisimulang sumakit ang tiyan ko. Pero dahil matigas pa ang cervix ko kaya't kailangan ko muna mag-stay hanggang sa handa na iyon at open na para sa delivery.Lampas tatlong araw mula noong kabuwanan ko saka lang nangyari ito. Normal lang naman daw ito la
Katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan. Naramdaman ng driver iyon kaya't kalaunan ay panay na ang sulyap niya sa'kin sa rearview mirror. Mariin akong napapikit nang maalala ang pagsabog at ang huling pangyayari sa pagitan namin ni Asmodeus bago nangyari ang lahat. Kayo lang ang uuwi. Take care of yourself and our childTumulo ang luha ko na hindi ko na napigilan. Tumingin ako sa labas at sinisikap na 'wag umalpas ang hagulhol. Nahihirapan akong huminga ng maayos dahil sa sikip at sakit ng dibdib ko. Sinabi ko sa kaniya na huwag niyang hayaan masaktan ang sarili niya. Pero sa laki ng pagsabog na iyon ay imposibleng makaligtas siya. Payapa pa rin na natutulog ang bata. Hinayaan niya akong istemahin ang nararamdaman. Hinayaan niya muna ako hanggang sa kumalma ako.Kahit noong nakarating na kami at naisakay na ako sa wheelchair papasok sa isang napakalaking bahay ay tahimik pa rin ako. Dumaan kami sa harden na napupuno ng mga rosas pero wala sa isip ko ang tingnan iyon at mamangha.
Hawak-hawak ko pa ang cellphone nang lumabas ako. Balak kong ibigay kay Auntie iyon. Hindi ko naiintindihan ang ibig-sabihin ng caller. Mas mabuting sila ng Tiyahin ko ang mag-usap. "Get inside!" Nagulat ako nang bumungad si Auntie sa'kin bitbit ang anak ko. Sinulyapan ko ang party sa likuran niya ng may pagtataka. Masayang naglalaro pa rin ang ibang bata doon at mukhang maayos naman maliban sa ekspresyon sa mukha niya na ngayo'y iritado at nagmamadali."A-Anong problema, Auntie?""Just do what I said. 'Wag nang maraming tanong."At ipinasa niya sa'kin ang inaantok nang bata. Biglang sumulpot ang dalawang body guard at sinamahan pa akong umakyat sa taas. Pakiramdam ko ay may hindi normal na nangyayari. Patuloy pa rin ang party pero hindi na ako mahagilap ng mga bisita. Sumunod na lang ako sa mga naunang bodyguard. Agad namin na narating ang silid at pinatulog ko na ang anak ko pagkarating. Hindi ako mapakali, may nararamdaman akong hindi tama sa nangyayari dahil nabanaag ko ang bal
Hindi ko nakalimutan ang mukha niyang iyon hanggang sa pagtulog ko. Katabi ko ang anak ko at mahimbing na itong natutulog ngunit gising pa rin ako at kung saan-saan umabot ang utak ko sa kakaisip. Kung anu-anong katanungan ang nabubuo sa utak ko. Minsan paulit-ulit akong napapatanong kung totoo ba talaga iyong nakita ko o namamalikmata lang ako?Napalunok ako at umayos ng pagkakahiga. Sinikap kong makatulog dahil maaga pa akong magbubukas ng tindahan bukas at bukas ko rin tatapusin ang trabaho na pinapagawa ni Auntie. Kinabukasan ay abala na ulit ako sa daily routine ko. Medyo inaantok pa dahil kulang sa tulog. Maayos kong inihelira ang mga halaman. Natanaw ko ang anak kong hinahawakan ang tutubi na dumapo sa isa sa halaman ko. Hinayaan ko na lang din siya ang importante ay safety ang kinaroroonan niya ngayon. Ilang saglit ay napansin ko ang tatlong sasakyan na pumarada sa labas ng pwesto ko. Pamilyar ang mga iyon. Agad kong iniwan ang trabaho upang agad puntahan ang entrada. Nagbaba
"You've made a right decision, Yenah." Masigla ang boses ni Auntie sa kabilang linya. Matapos kong ibalita sa kaniya noong gabing iyon na gusto ko munang pabantayan sa kaniya ang anak ko ay awtomatiko agad siyang sumang-ayon."Darating maya-maya ang mga kukuha sa apo ko, be ready." Kanaumagahan nang tumawag ulit siya. Kagabi pa ako naghanda para sa mga dadalhin nilang gamit. Limang lalaki at ang dating yaya ni Deus ang dumating. Masaya akong malaman na magiging panatag ang anak ko sa byahe dahil sanay na sanay siya sa mga taong maghahatid sa kaniya kay Auntie. Nagsimula ako sa unang araw ko na wala ang anak ko. Nakakalungkot at nakakapanibago na malayo siya sa akin pero isang buwan o dalawa ay baka tapos na ang project na iyon. Susunod na rin agad ako sa anak ko at baka sa pagkakataong iyon ay sunod nang paplanuhin ang paglipad sa ibang bansa."A-Akala ko isasama mo ang anak mo?"ani Luela. Iyon ang pangalan niya. Assistant pala siya mismo ni Alethra hindi siya nanggaling sa mga Rojo.
Hindi ako magtatanong, hindi ako magsasalita. Hihintayin ko na siya ang maunang magsalita. Kapag nagtanong ako at hindi pa siya handang sagutin ang lahat maaring magsinungaling lang siya o baka ang mas masakit ay iwan niya lang ako na hindi pa rin binibigay sa'kin ang kasagutan na gusto kong marinig. Gusto kong siya ang magsabi at makipag-usap dahil paniguradong iyon na ang tamang panahon kung saan handa na siya at maaring kasabay na rin doon ang desisyon niya para sa sarili niya at para sa amin ng anak niya. Araw-araw kong hinahanda ang sarili ko oras na dumating ang pagkakataong iyon. Dahil hindi ko masasabi na ano mang oras ay pabor sa akin ang desisyon niya. Ngunit ano't-ano man ay tatanggapin ko."Ayos ka na ba talaga, Greg?"Isang linggo siyang nagpahinga at isang araw lang na namalagi sa hospital. Nag-abot ako ng kaunting tulong kay Aleng Bebang para kahit papaano ay may magastos sila sa gamot ni Greg."Maayos na ako, at ito, oh." Tapos may inabot siya sa akin na sobre. "Ano '
Napansin ko ang mga tingin na ipinupukol nila habang palapit ako sa umpokan nila. Alam kong gusto nilang itanong ang tungkol sa nangyari kani-kanina lang ang totoo niyan ayaw ko na rin pag-usapan pa. Paniguradong hindi rin nila magugustuhanang ang maririnig lalo pa kung ikukwento ko pa ang tungkol sa naging desisyon ni Alethra Cassidy sa outcome ng garden. Lahat kami naghirap sa naging project na iyon at mas malaki ang responsibility na nakaatang sa'kin dahil ako ang responsable kung bakit sila nasa ganitong sitwasyon ngayon. Napansin ko ang kakaibang tingin ni Greg. Bahagya lang akong nagbitiw ng ngiti sa kanilla. Patuloy pa rin ang party hindi pa rin nababakante ang dance floor. Ilang saglit ay napansin ko ang pagbaba ni Asmodeus sa engrandeng hagdan. Napalunok ako nang agad niyang nahanap ang mga tingin ko sa dagat ng tao. Gumalaw ang panga niya at ako agad ang unang nag-iwas ng tingin sa aming dalawa. Nasaan na kaya ang asawa niya bakit hindi niya kasama itong bumaba? ayoko nama
Nararamdaman ko ang mga matang nakatitig sa akin kaya't iyon ang dahilan kaya nagmulat ako ng mata. Namimigat pa ang mga talukap ko nang tingnan siya. Ngiti niya ang sumalubong sa akin ngunit bakas sa mga mata ang pag-aalala."Hindi na kita ginising kanina sarap ng tulog mo, e."Nang lingunin ko ang garden ay wala na ang mga trabahante at hula ko ay nasa bandang four PM na ngayon. Gulat na napatayo ako at pahiya na tumingin kay Greg."Pasensya na,"ani ko sabay punas ng mukha ko sa ng palad baka may laway pa ako o ano."Ayos lang. Tapos na rin naman iyong sa'yo doon wala nang ibang gagawin."Nagyaya na rin siyang umuwi at sabay na raw kami. May motor siya kaya't iyon ulit ang maghahatid sa akin pauwi. Napapikit ako at dinadama ang hangin na sumasalubong sa mukha ko. Kung pwede lang akong pumili ng mamahalin, pipiliin ko si Greg. Hindi tulad ni Asmodeus, nakikita ko ang pag-aalala sa mukha niya at nararamdaman kong totoo iyon. Alam kong ano mang oras ay pwede ko siyang lapitan at maari