Share

Kabanata 36

Tirik ang araw kinabukasan noong magsimula kaming umalis. Pabalik na kami sa mansion. Napansin ko kung gaano katahimik si Greg habang minamaneho ang sinasakyan namin ngayon. Naisip ko, siguro dahil sa naging sagot ko sa kaniya kagabi.

Hindi mo alam ang sinasabi mo, Greg. Sinasabi mo lang 'yan dahil gaya ko nagugulohan ka rin.

Tapos no'n ay iniwan ko na agad siya sa labas. Sa kabilang silid siya natulog. At kahit magkahiwalay kami ng silid ay hindi pa rin ako makatulog.

Pagkarating namin sa wharf ay agad kong kinuha ang cellphone sa mga gamit. Ngayo'y may signal na hindi tulad noong nasa laot pa lamang kami. Agad namilog ang mata ko nang makitang nakailang video call si Kuya sa akin. Magcha-chat sana ako sa kaniya at sasabihing ngayon ko lang nabuksan ang phone pero ilang saglit ay sumunod na ang tawag niya doon.

Napangiti ako. Ang tagal-tagal na rin noong huli kaming nakapag-usap. Akala ko nga masiyado na siyang abala at palalampasin niya ang taon na ito na hindi ako nakakausap.

"Ku
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status