Share

Chapter 12

PINALIPAS ni Anastacia ang isang araw matapos ang insidente sa yate bago muling bumisita sa ama. May kolorete ang kaniyang mukha at kumikinang ang mga alahas na nakasabit sa kaniyang katawan. Mataas rin ang suot niyang sapatos na lumalagatok ang takong sa bawat hakbang na ginagawa niya. Ang ingay na iyon ay naging sanhi ng paglingon sa kaniya ng mga nadaraanan niya.

Hindi siya inihatid ni Alessandro dahil may lakad ito pero habang nasa biyahe siya ay kausap niya ito sa telepono.

"Ang gwapo!" Halos hindi magkamayaw na bulong ng isang babae.

Ngumisi lamang si Anastacia at ibinaba ang suot niyang shades. Iniabot niya iyon kay Arturo na agad nitong tinanggap. Tama! Kasama niya ang kaniyang bodyguard.

Nang makarating sa silid ng ama ay iniwan niya sa labas si Arturo. Ngumiti siya ng matamis nang makita ang ama na nakatingin sa kaniya pero agad ring umiwas ng tingin.

Nasaktan siya. Hanggang ngayon ba ay galit pa ito?

Tumikhim siya at inilapag sa mesa ang dala niyang mga prutas. Lumapit siya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status