Share

Chapter 43

Kinabukasan ay maaga akong nagising. It's Monday and I have to work already. Ang sabi lang ni Cloud ay hanggang Linggo lang akong walang trabaho kaya ito, naghahanda na ulit ako para sa pagpasok.

Mabilis lang akong nakapag-ayos ng sarili ko kaya agad akong nakababa sa sala. Wala akong nakita na kahit sino sa sala, pero rinig ko ang usapan ng mga kasama ko sa dining area kung saan kumakain sila ng agahan.

Dumiretso ako roon at umupo sa tabi ni Sunny.

"Good morning, Ate Maxine!" masayang bati ni Sunny sa akin.

Masigla na ulit siya ngayon. Mukhang wala na talaga siyang problema at nagawan niya na paraan ang kung ano man 'yon.

"Magandang umaga sa inyo," bati ko sa kanilang dalawa ni Cheska.

Ngayon ay si Sunny at Cheska lang ang kasama ko, tinawag na rin ata si Terrence para magtrabaho sa headquarters.

"Umuwi ba kagabi sina Lucian?" tanong ko sa dalawa.

Tumago si Cheska habang si Sunny naman ay nanatiling tahimik. Bahagya akong ngumiti at sinimulan na lang ang pagkain. Hindi man lang niya
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status