Home / Romance / His Obsession, My Ruin / Chapter 3 - The Possesive CEO

Share

Chapter 3 - The Possesive CEO

Author: Makathalaya
last update Last Updated: 2025-10-31 00:30:09

Simula nang araw ng presentation, nag-iba ang ihip ng hangin sa pagitan namin ni Luther Montefalco.

Wala siyang sinabi pagkatapos, pero napansin kong madalas na siyang tumingin sa akin—hindi bilang boss, kundi parang may hinahanap siyang hindi niya maintindihan.

Tahimik pa rin siya gaya ng dati.

Malamig. Mapanganib.

Pero sa tuwing nagkakasalubong ang mga mata namin, may kakaibang init na dumadaan sa hangin. Parang may alon na hindi ko kayang kontrolin.

---

Isang umaga, habang nag-aayos ako ng mga file, biglang bumukas ang pinto ng opisina niya.

“Miss Ramos, meeting in ten minutes,” sabi niya habang inaayos ang sleeves ng suit.

“Yes po, Sir.”

“Make sure the board packets are ready. And don’t let anyone touch my coffee.”

Napatingin ako sa kanya. “Opo.”

“Especially him,” sabay sulyap kay Justin—isa sa mga project heads na madalas niyang kasabay sa meeting.

Hindi ko alam kung bakit may diin sa boses niya, pero hindi ko na pinansin. Inabot ko sa kanya ang folder, at bago siya lumabas, sumulyap siya ulit.

“Stay outside the boardroom. I’ll need you after.”

Hindi ko alam kung bakit, pero tumibok nang mas mabilis ang puso ko sa salitang “I’ll need you.”

Para kasing may ibang ibig sabihin.

---

Pagkatapos ng meeting, abala ako sa pag-aayos ng mga dokumento sa hallway nang lumapit si Justin, nakangiti.

“Hey, Celene, good job yesterday. Narinig ko ang galing mo raw sa presentation.”

Ngumiti ako. “Salamat, Sir Justin.”

“Tawagin mo na lang akong Justin,” sabi niya, kaswal. “Mas bata ka pa yata sa akin, e. Kumain ka na ba? Tara, kape muna tayo.”

Hindi pa ako nakakasagot nang biglang bumukas ang pinto ng boardroom.

Si Luther.

Nakatayo siya doon, malamig ang tingin, pero halata ang paghigpit ng panga niya habang nakatingin kay Justin.

“Miss Ramos,” tawag niya, malamig ang tono. “My office. Now.”

Nagkatinginan kami ni Justin. “Sir, just a quick—”

Hindi pa natatapos ni Justin, nagsalita si Luther ulit.

“I said now.”

Wala akong nagawa kundi sumunod.

---

Pagkapasok ko, binagsak niya ang folder sa mesa.

“What was that?”

“Po?”

“Do you always entertain personal invitations during office hours?”

“Sir, kape lang po ‘yon—”

“I don’t care,” putol niya, boses mababa at kontrolado pero may halong galit. “You don’t have time for coffee with men during work.”

Namilog ang mata ko. “Hindi ko po alam na kailangan ko ng permiso sa inyo para uminom ng kape.”

Tumingin siya sa akin nang diretso, mabigat, parang gusto niyang butasin ang kaluluwa ko.

“Hindi mo kailangan ng permiso,” sabi niya. “Pero kailangan mong tandaan kung kanino ka nagtatrabaho.”

“Alam ko po kung sino kayo,” sagot ko, halos pabulong pero matatag. “Kayo ang CEO. Pero hindi ibig sabihin nun, pag-aari niyo rin ako.”

Napatigil siya. Ilang segundo, walang nagsalita.

Tapos ngumiti siya—ngiting mapanganib, ‘yung tipong hindi mo alam kung matatakot ka o matutunaw.

“Interesting choice of words, Miss Ramos,” bulong niya. “Who said anything about ownership?”

“Wala naman po, Sir. Pero parang ‘yon ang ibig niyo.”

Lumapit siya. Mabagal. Deliberado. Hanggang sa maramdaman ko na ang amoy ng mamahaling pabango niya.

“Maybe you’re reading too much into things,” bulong niya, halos dumadampi ang labi niya sa gilid ng tenga ko.

Napatigil ako sa paghinga.

“Or maybe,” dugtong niya, “you’re feeling things you shouldn’t.”

Tumayo akong tuwid. “Sir, kung wala na po kayong ipapagawa—”

“Sit down,” utos niya, malamig pero mapanukso.

Sumunod ako kahit halatang nanginginig.

Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. “You’re wearing lipstick.”

Nabigla ako. “Po?”

“Hindi mo naman ‘yan suot kahapon.”

“Ah… bago lang po.”

“Bago,” ulit niya, may ngiti sa labi. “Para kanino?”

“W-wala, Sir.”

Lumapit siya, nakatayo sa harap ng mesa. “Good. Keep it that way.”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Hindi ko alam kung insulto ba ‘yon o babala. Pero ang tono ng boses niya—mababa, may halong pag-angkin—hindi ko alam kung bakit nanginginig ang tuhod ko.

---

Kinahapunan, nakatanggap ako ng message mula kay Justin.

> Coffee after work? Promise, strictly professional.

Ngumiti ako nang kaunti. Siguro naman wala nang masama kung simpleng kape lang, ‘di ba?

Pero bago pa ako makasagot, tumunog ang office intercom.

“Miss Ramos. My office.”

Si Luther.

Pagpasok ko, nakita kong hawak niya ang cellphone ko.

Nanlaki ang mata ko. “Sir!—”

“I saw your screen flashing,” aniya, walang ekspresyon. “Justin, huh?”

“Sir, personal phone ko po ‘yan. Hindi niyo dapat—”

“I pay your time,” putol niya, boses malamig. “And right now, your time is mine.”

“Hindi po tama ‘yan, Sir.”

Lumapit siya. “I don’t care what’s right. I care about control.”

Tahimik. Tanging maririnig lang ang tibok ng puso ko at ang marahas na hinga ko.

“Bakit niyo ginagawa ‘to?” tanong ko, halos pabulong.

“Because I don’t like distractions,” sabi niya, nakatingin sa mga mata ko. “And you, Celene, are becoming one.”

Napalunok ako. “Then maybe dapat po akong umalis.”

Humigpit ang panga niya. “No. You don’t leave unless I say so.”

---

Sa gabing ‘yon, hindi ako mapakali. Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang mga salitang sinabi niya.

I don’t like distractions.

You don’t leave unless I say so.

Bakit parang may halong pag-aari sa boses niya?

Bakit parang… hindi lang galit ‘yon, kundi selos?

---

Kinabukasan, maaga ako sa opisina. Sinadya kong umiwas.

Tahimik lang ako buong araw, pero napansin kong madalas siyang nakatitig sa akin sa tuwing nagrereport ako.

Minsan, marahan siyang ngumungiti — pero hindi ‘yong ngiti ng kasiyahan. Ngiti ng lalaking alam niyang may hawak siyang hindi ko maipaliwanag.

Sa isang meeting, habang nagpapaliwanag ako sa harap, napansin kong abala siya sa phone.

Pagkatapos ng meeting, lumapit siya.

“You ignored me the whole day.”

“Busy lang po ako.”

“Busy avoiding me,” sabi niya, parang alam na niya ang totoo.

“Sir, trabaho lang po ito.”

“Right,” bulong niya. “Then why are you blushing?”

Napatigil ako. Hindi ko namalayang umiinit ang pisngi ko.

Ngumisi siya, dahan-dahan. “You’re a terrible liar, Celene.”

---

Nang matapos ang araw, naglakad ako papunta sa elevator. Pagkasakay ko, sumunod siya.

Tahimik. Walang ibang tao.

Ramdam ko ang init ng presensiya niya sa tabi ko.

“Bakit niyo ako sinusundan?” tanong ko.

“Sinusundan?” aniya, halos pabulong. “I’m just making sure you get home safe.”

“Hindi niyo po kailangang gawin ‘yon.”

“Maybe I want to.”

Tumigil ang elevator. Bago siya lumabas, yumuko siya nang kaunti sa tabi ng tenga ko.

“Stay away from Justin,” bulong niya, mababa at mapanganib. “That’s not a request.”

Bago pa ako makasagot, umalis siya. Naiwan akong tulala, hawak ang dibdib kong parang mababaliw sa bilis ng tibok.

---

Pag-uwi ko, napatingin ako sa salamin.

Tama siya—may lipstick nga ako. May blush. May takot. May halong… kilig na ayokong aminin.

Pero habang pinapanood ko ang sarili kong repleksyon, may naramdaman akong kakaiba.

Hindi na ako sigurado kung sino ba talaga si Luther Montefalco para sa akin—boss, kaaway, o tukso.

Ang alam ko lang, sa bawat araw na lumilipas,

mas lumalalim ang tingin niya,

mas tumitindi ang paghawak niya sa buhay ko,

at mas mahirap nang umiwas.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Obsession, My Ruin   Chapter 22 – The Unfinished Thread

    Baguio’s mornings never fail to calm me down. Madalas pa rin akong gumising nang maaga—hindi dahil may kailangan akong habulin, kundi dahil gusto ko lang maramdaman kung paano sumikat ang araw habang unti-unting binabasa ng hamog ang mga dahon. Tahimik. Mapayapa. Parang ang lungsod mismo ay humihinga kasama ko. Lumipas na halos tatlong buwan mula nang dumating ako rito. Akala ko sandaling pahinga lang, pero ngayon, parang dito ko na rin natagpuan ang sarili kong hindi ko kilala noon. May bagong ritmo ang buhay ko—simple, mabagal, pero totoo. Sa café, mas kabisado ko na ang mga regular na customer. Si Ate Mila na laging nag-o-order ng cappuccino tuwing 9AM. Si Kuya Ben na mahilig magbasa ng dyaryo sa sulok. At ‘yung mga estudyanteng dumadaan lang para sa mabilis na kape bago magklase. Lahat sila, parte na ng araw ko. At sa bawat “good morning” na binibigay nila, nararamdaman kong unti-unti kong nabubuo ulit. Pero kahit gano’n, may mga sandaling napapatigil pa rin ako. Kapa

  • His Obsession, My Ruin   Chapter 21 – The Return

    Ilang buwan na mula nang iwan ko ang Maynila, pero minsan parang kahapon lang ang lahat. Ang mga alaala, hindi naman talaga nawawala — humihina lang, tapos biglang babalik kapag tahimik na ulit ang gabi. Dito sa Baguio, nasanay na ako sa simpleng takbo ng araw. Gumigising ako bago sumikat ang araw, nagtitimpla ng kape, at tinitingnan kung paano nagiging ginto ang langit habang unti-unting bumababa ang hamog sa mga puno. Kung dati, bawat umaga ay umpisa ng panibagong stress, ngayon isa na lang itong mahinahong paghinga. Pero kahit anong gawin ko, may mga oras pa rin na nadidinig ko ang boses niya sa isip ko — kalmado, mababa, at pamilyar. “Focus, Celene.” “Relax.” “Look at me.” Napapailing ako tuwing naaalala ko ‘yon. Kasi kahit gusto ko na siyang burahin sa utak ko, parang kabisado na ng katawan ko kung paano siya pakinggan. “Celene!” tawag ni Tita Nora mula sa ibaba. “May delivery, baka gusto mong ikaw na mag-asikaso.” “Okay po, pababa na!” Bago ako bumaba, sinilip ko m

  • His Obsession, My Ruin   Chapter 20 – Unspoken Letters

    Baguio mornings always start with a chill that seeps through the skin. Kapag binubuksan ko ang bintana sa umaga, bumabati sa’kin ang hamog at amoy ng pine trees — malamig pero mapayapa. Sinasabi ng mga tao, ang lamig daw ay nakaka-linis ng isip. Pero sa totoo lang, kahit ilang araw na akong nandito, mainit pa rin sa loob ng dibdib ko. Kasi doon nakatira lahat ng alaala niya. Tatlong linggo na akong malayo sa Maynila. Sa una, masaya akong umalis. Ang sabi ko sa sarili ko, kaya ko ‘to. Magpapahinga lang, hihinga lang sandali. Pero habang tumatagal, nare-realize kong hindi pala madaling takasan ang mga bagay na hindi naman nakikita — tulad ng boses niya, o ng paraan niyang tumingin na parang siya lang ang nakakaintindi sa’kin. “Celene, kain ka na,” tawag ni Tita Nora mula sa kusina. “Susunod po,” sagot ko habang nagsusuklay sa harap ng salamin. Pagbaba ko, may mainit na sinangag, longganisa, at kape. Simple lang, pero sapat para mapangiti ako. “Ang tahimik mo pa rin ah,” sabi ni T

  • His Obsession, My Ruin   Chapter 19 – The Distance Grows

    Pagising ko kinabukasan, parang ang bigat-bigat ng hangin. Parang bawat paghinga ko may kasamang tanong na walang sagot. Kagabi, sinabi niyang “Go home, Celene”, at kahit ilang ulit ko nang binabalikan ‘yung boses na ‘yon, hindi ko pa rin alam kung paalam ba o pakiusap. Nag-shower ako, nagsuot ng damit na pinakapormal ko, pero kahit anong ayos, halata pa rin ‘yung lungkot. Pagharap ko sa salamin, hindi ko na makita ‘yung babaeng nakangiti habang nagta-trabaho sa ilalim ng isang demanding na boss. Ngayon, babae na akong natutong magmahal sa maling oras. Sa opisina. Tahimik. Lahat abala sa kani-kanilang report. Pagdating ko, ilang segundo lang, narinig ko ang tunog ng elevator. Si Luther. Nakasuot ng navy suit, seryoso, pero maputla. Parang hindi rin nakatulog. Hindi siya tumingin sa akin, at ako naman, pinilit kong huwag mag-react. Parang dalawa kaming estranghero na nagkakilala lang sa panaginip. “Celene, prepare the draft for the board,” sabi niya. “Noted, sir.” Porma

  • His Obsession, My Ruin   Chapter 18 – The Breaking Point

    The next morning, pagmulat ng mata ko, bigla kong na-realize kung gaano kabigat ‘yung gabi kahapon. Ang hangin sa paligid ko parang puno ng mga salitang hindi namin nasabi. Kahapon, halos magtagpo na ulit ‘yung mga labi namin, pero pareho kaming umatras — takot, pagod, at marahil ay parehong sugatan. Pag-alis ko sa condo, dala ko pa rin ‘yung bigat ng gabi. Yung lamig ng boses niya, yung titig na halos sabay humihingi ng tawad at nagpapaalam. Bakit ba kasi gano’n? Kapag malapit na, saka siya lumalayo. At kapag gusto kong lumayo, saka siya lumalapit. Pagpasok ko sa opisina, parang normal ang lahat. Mga empleyado abala sa kanya-kanyang trabaho, may tumatawa, may nagkakape. Ako lang ‘yung tahimik, pilit na normal, pero ang totoo—hindi na ako ‘yung dati. Pag-upo ko sa desk ko, nakita kong sarado pa ang blinds ng office ni Luther. Alam kong andun siya. Ramdam ko. Pero wala na ‘yung dati niyang presensiya—‘yung lakas ng aura niya na dati kong kinakatakutan pero ngayon ay hinaha

  • His Obsession, My Ruin   Chapter 17 – The Distance Between Us

    The morning after felt colder than the night we shared. Parang biglang tumigil ang oras sa pagitan naming dalawa. Kagabi, mainit, totoo, puno ng mga salitang hindi namin kayang sabihin. Pero ngayong umaga, puro katahimikan na lang. Pagpasok ko sa office, tahimik ang buong floor. Nandoon siya—Luther, the man who made my heart forget reason. Suot niya ang paborito niyang itim na suit. Walang bakas ng emosyon, walang ngiti. Parang ibang tao siya. “Good morning, sir,” sabi ko, halos pabulong. “Morning.” Dalawang pantig lang, pero parang libong tunog ng basag na salamin sa loob ko. Naupo ako at binuksan ang laptop. Pinilit kong magpaka-busy, kahit ang totoo, bawat tunog ng keyboard ay paalala ng boses niya kagabi. ‘You’re mine tonight.’ Ngayon, parang hindi na ako umiiral sa mundo niya. “Celene, my office,” sabi ng intercom. Kumalabog agad ang dibdib ko. Pagpasok ko, nakatalikod siya, nakatingin sa city view. “Sir?” “Sit,” utos niya. Tahimik. Ilang segundo ng katahimikan bago s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status